Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #250 - Language Learning Tip -- Hindi Mo Kailangan Malaman Lahat Bago Magsalita
Transcript
- 0:07Uy kamusta si miguel to ng comprehensible tagalog podcast.
- 0:12At ngayon. Parang pahabol sa huling episode
- 0:18tungkol sa pagsasalita. Ngayon naman tungkol sa tungkol
- 0:23ulit sa tamang pag iisip tamang mindset sa pag aaral ng
- 0:28lenguwahe. Hindi mo kailangan malaman lahat
- 0:33bago magsalita. Hindi mo kailangan malaman lahat
- 0:39sa tagalo. Hindi mo kailangan.
- 0:43Naiintindihan ko yung lalo na yung mga mahilig sa grammer o
- 0:48yung medyo perfectionist. O yung medyo nerdy sa mga bagay
- 0:54bagay problema ko din yan. Minsan may may mga bagay na
- 1:01gusto ko talagang naiintindihan ko.
- 1:04Yung lahat ng aspeto. Pero minsan sa tagalog pwedeng.
- 1:11Pwedeng nagpapabagal yun ng progreso mo sa pag aaral ng
- 1:17lenguwahe. Halimbawa alam mo siguro sa
- 1:22tagalog madaming mga affixes. Halimbawa yung kain.
- 1:31So pwedeng kumain sa on verb kumain kumakain kakain.
- 1:39Okay so madali lang. Pero meron ding mga object focus
- 1:44kainin kinain kinakain kakainin. Meron ding naka focus sa
- 1:53location kainan kinainan. Kakainan kinakainan.
- 2:01Meron ding ibang prefix halimbawa taga kain.
- 2:07Makakain. Makain.
- 2:11Makikain. Makipag kainan.
- 2:16Kain na kain. Kakakain.
- 2:21Pagkain. Pakikain.
- 2:27Pakainin. Ipakain.
- 2:33Ang dami. Ang dami siguro meron pa.
- 2:37So mahirap mahirap ba? Ibig sabihin ba mahirap yung
- 2:42tagalog? Ibig sabihin ba kailangan mong
- 2:47kabisaduhin lahat yun? Kailangan mong gumawa ng table.
- 2:52Kung may tiyaga ka kung kaya mong gawin yun.
- 2:57Maganda. Maganda.
- 3:00Pero sa tingin ko. Kung gusto mo lang makipag usap
- 3:05sa tagalog. Hindi muna mahalaga yun.
- 3:10Sa tingin ko merong mas. Madaling paraan.
- 3:17At mayroon tong relasyon sa sinabi ko noong huling episode.
- 3:22Tungkol sa pag acquire ng lengguwahe.
- 3:25At pagpa practice magsalita. So sinabi ko.
- 3:31Na mas okay kung yung mga sitwasyon.
- 3:35Kapag nagpa practice ka yung mga sitwasyon na relevant sa buhay
- 3:40mo so obserbahan mo kung aling mga affects yung.
- 3:45Mas relevant sa sitwasyon mo. Halimbawa kung meron kang aso.
- 3:52Sigurado yung pakainin mahalaga sa buhay mo.
- 3:57Kasi araw araw mong ginagawa. So pinakain mo yung aso kagabi.
- 4:06Pinapakain mo yung aso araw araw.
- 4:09Papakainin mo yung aso mo. Bukas.
- 4:14Siguro yung makakain. Mahalaga din para sayo.
- 4:19Kung mahilig kang bumiyahe siguro kadalasan pwede mong
- 4:23itanong. Kung nanay ka.
- 4:27Siguro yung makakain. Ginagamit mo rin araw araw pwede
- 4:33mong gamitin. Halimbawa anak nakakain ka na
- 4:38ba? At kung may anak ka siguro.
- 4:43Madalas kang nag uutos o nag co command sa anak mo.
- 4:48So pwede mong gamitin yung. Kainin mo to.
- 4:53Kainin mo yan. Kainin mo yung gulay.
- 4:59So yung point ko. Kung ipa practice mo itong mga
- 5:05affects at mga iba't ibang klase ng verbs.
- 5:10Mas okay kung ilagay mo sa konteksto para pwede mong ma
- 5:16imagine yung sitwasyon. At.
- 5:21Hindi mo makakalimutan kasi ginagamit mo araw araw.
- 5:27At lahat tayo iba iba tayo ng porma ng pagsasalita sa native
- 5:33language natin. Kaya dapat bagay yung
- 5:38pagsasalita mo sa tagalog sa pagsasalita mo sa ingles.
- 5:44Ibig sabihin kung mahilig ka mag utos.
- 5:48So malamang ganun ka din sa tagalog kasi yun yung natural
- 5:53na. Ginagawa mo.
- 5:56So yung point ko hindi mo kailangan alamin lahat lahat
- 6:02tungkol sa lenggwahe. Di mo kailangan malaman lahat
- 6:07lahat tungkol sa grammer. Konti konti lang dahan dahan
- 6:15kung ano yung. Pwede mong gamitin kunin mo?
- 6:20Kung ano yung hindi mo pwedeng gamitin sa buhay mo ngayon.
- 6:27Pwede mong wag muna pansinin. Halimbawa kung naki.
- 6:33Kinig ka sa pagcast ko tapos nagbabasa ka ng transcript.
- 6:39Madami akong salita na sinasabi madami akong faces na sinasabi.
- 6:45Pero pwede mong kunin yung mga expression na oh sinasabi ko yun
- 6:51sa ingles. Like oh.
- 6:54Parang. Parang madaming sitwasyon na
- 6:58pwede kong gamitin yung freeze na yun.
- 7:01Sige ilalagay ko sa flash card. O isusulat ko.
- 7:07Ime memorize ko. Mas okay yun.
- 7:11Halimbawa yung mas okay yun. Mas okay yun that's better.
- 7:17Mas okay yun. So ginagamit mo ba yun sa
- 7:20ingles? Sinasabi mo ba yun sa ingles?
- 7:24So pwede mong gamitin? Yung sentence na pwede mong
- 7:29gamitin. You can use it.
- 7:32Pwede mong gamitin. So yun pwede mo ding ilista.
- 7:40O yung sentence na pwede mo din ilista.
- 7:44Magagamit mo ba yun sa buhay mo? Siguro hindi.
- 7:49Kung guro ka. Kung guro ka pwede.
- 7:55Pero kung hindi baka hindi hindi siya relevant sa buhay mo.
- 8:01So pwede mong gawin yun sa tingin ko.
- 8:05At sa tingin ko yun yung challenge yun yung mahirap sa
- 8:09pagpa practice ng output. Sa tingin ko kailangan mas.
- 8:16Sadya mas intensyonal yung pag aaral ng output.
- 8:23Pero kung nakikinig ka sa podcast ko at sa tingin mo?
- 8:28Maganda at comprehensible to para sayo naiintindihan mo at
- 8:34madami kang input nasa tamang daan ka kasi tulad ng sabi ni
- 8:40steven krashen. Na isang linguist at eksperto sa
- 8:45language acquisition, kailangan merong mental data base ng
- 8:52lengguwahe. Para natural yung pag acquire ng
- 8:57lenggwahe at lalabas at lalabas yung lengguwahe.
- 9:03Kailangan lang magpractice. Pero lalabas yan.
- 9:09Lalabas yan nasa utak mo na lahat at nasa tamang posisyon
- 9:15ka. At tama yung ginagawa mo.
- 9:20Kaya kapit lang at makakapagsalita ka din ng maayos
- 9:26at maganda sa tagalog. Yun lang salamat sa oras mo.
- 9:32Meron tayong transcript kung kailangan mo merong patreon kung
- 9:37gusto mo suportahan tong podcast.
- 9:40Salamat sayo paalam ingat. N.