Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #251 - Harana At Ang Tradisyonal Na Pag-de-date Sa Pilipinas
Transcript
- 0:09Imaginin mo na gabi na tapos nasa bahay ka.
- 0:16Tahimik. Tapos maganda yung ilaw na
- 0:22galing sa buwan. Maliwanag.
- 0:25At medyo presko yung hangin. Tapos may bigla kang narinig sa
- 0:31labas ng bahay mo. Narinig mo yung tugtog?
- 0:37Yung tunog ng gitara. Tapos may kumakanta.
- 0:44Hindi lang isang tao pero grupo ng mga lalaki.
- 0:49Tapos. Sumilip ka sa bintana para
- 0:53makita mo. Tapos nakita mo na kilala mo
- 0:58yung mga lalaki? At yung isa dun yung manliligaw
- 1:02mo. So kadalasan ganito yung imahe
- 1:08ganito yung naiisip namin. Sa harana so yung harana
- 1:15kadalasan merong lalaki o yung manliligaw at gusto niyang
- 1:20malaman ng babae na talagang gusto niya yung babae.
- 1:27Seryoso sya. Gusto niyang ipakita yung
- 1:30intensyon niya na hindi lang kaibigan na romantiko talaga.
- 1:38At gusto niyang mabilib yung babae.
- 1:41Pwedeng sa boses nya. O pwedeng sa paggigitara niya.
- 1:46O pwedeng sa dedikasyon niya. At hindi lang sa babae.
- 1:52Pati na rin sa pamilya ng babae. Kasi doon sa bahay ng babae.
- 1:58Kadalasan hindi siya mag isa. Kasama niya yung mga magulang
- 2:03niya. Oh kamag anak niya.
- 2:07So yun ang harana sa pilipinas. Yung tradisyon ng harana unang
- 2:14sumikat noong panahon ng mga espanyol nung simula.
- 2:20Ng pananakop nila. Kasi dala dala nila yung mga
- 2:26instrumento na merong mga kuwerdas.
- 2:30Merong mga strings. Halimbawa yung gitara at yung
- 2:34file na galing sa espanya. At natutunan yun ng mga pilipino
- 2:42at ginamit para magharana. Yung karaniwang istruktura.
- 2:49Ha ng paghaharana. So kadalasan magsisimula muna sa
- 2:55gitara. Isang gitara lang solo.
- 2:59Tapos yung mga verse yung unang verse ng manliligaw.
- 3:06Tapos merong instrumental. Parang interlude.
- 3:10Babalik sa melodia tapos matatapos na.
- 3:15Yung mga lyrics yung mga salita na ginagamit sa kanta.
- 3:21Kadalasan. Mga lumang tagalog o purong
- 3:26tagalog. Para ipakita.
- 3:29Yung malalim na nararamdaman. Kasi kadalasan kapag mas malalim
- 3:35kapag mas lumang tagalog. Parang mas.
- 3:40Mas matindi yung kahulugan. Mas romantiko?
- 3:45At tulad ng sabi ko kadalasan hindi mag isa yung lalaki hindi
- 3:51mag isa yung manliligaw. Meron syang kasamang mga
- 3:56kaibigan na puwedeng. Sila yung tumutugtog ng gitara o
- 4:02pwedeng kumakanta din. Parang nagha harmonize so may
- 4:07maliit na ang sample. Yung dalawang sikat na kanta ng
- 4:13harana. Yung dungawin mo hirang.
- 4:18At kay lungkot nitong hatinggabi.
- 4:22So parehong romantikong kanta at may malalim na emosyon.
- 4:27Pero yung mas bagong kanta. Na harana yung kanta ng parokya
- 4:34ni edgar na may pangalang harana mas moderno.
- 4:39So dahil nga kadalasan nasa labas ng bahay yung lalake.
- 4:44So kumakanta naggigitara ng malakas.
- 4:48At yung babae nasa loob ng bahay.
- 4:52Kadalasan sumisilip tumitingin sa bintana.
- 4:56Talagang parang deklarasyon siya ng kagustuhan ng lalaki ng
- 5:03interes ng lalaki doon sa babae. So public declaration na gusto
- 5:11kita. Gusto kitang ligawan.
- 5:14Seryoso ako. Hindi lang kaibigan.
- 5:18May meron akong nararamdaman para sayo.
- 5:22At maririnig yun ng mga nanay at tatay ng babae at maririnig din
- 5:29ang kapitbahay. So parang isa din syang.
- 5:34Event sa komunidad na dine declare mo sa buong komunidad na
- 5:40gusto ko itong babaeng to. Seryoso ko kasi yun nga sa sa
- 5:46filipino values para sa mga pilipino yung respeto sa babae.
- 5:52Importante. At yung respeto sa pamilya sa
- 5:56pamilya nya importante din. So kailangan bisitahin yung
- 6:03babae at yung pamilya ng babae sa isang pormal na paraan.
- 6:10So isang paraan don yung harana tapos magdadala ka ng regalo o
- 6:17ng pasalubong ganun? So halimbawa pagkatapos mo
- 6:21kumanta. Pwede kang imbitahan sa loob ng
- 6:24bahay. Tapos yun mag uusap kayo.
- 6:29Magpapakilala ka sa magulang nya.
- 6:33At hindi kayo iiwan mag isa. So nandun.
- 6:39Lagi yung nanay at tatay at yung mga pamilya para kausapin yung
- 6:44lalaki. At yung lalaki naman parang
- 6:48humihingi ng approval. Parang gusto niyang umo oo o
- 6:53pumayag yung magulang ng babae na okay.
- 6:57Sige ligawan mo yung anak namin. At gusto mong makuha yung loob
- 7:05ng magulang ng babae. So kung meron kang asawa na
- 7:13pilipina. O meron kang gustong ligawan na
- 7:16pilipina. Pwede mong isipin na mahalaga
- 7:21yung pamilya. At pwede mong gawin itong harana
- 7:27kung gusto mo kung hindi ka nahihiya.
- 7:31Pero kung ayaw mo kumanta hindi naman kailangan harana talaga.
- 7:37Pero yung konsepto na may gagawin ka para sa kanya na
- 7:42parang. Public declaration at hindi lang
- 7:47para sa kanya pari. Pero pati na rin sa pamilya
- 7:51niya. So medyo iba to sa dating
- 7:56practices sa sa kanluran. Pero syempre ngayon mas moderno
- 8:02na yung mga panahon. Yung mga mas bata di ba na rin
- 8:07yung paraan ng pagdi date? Pero kung gusto mo ng
- 8:11tradisyonal gusto mo maging sweet.
- 8:14Pwede mong gawin to. At sa tingin ko magandang
- 8:17simbolo ng pagmamahal sa sa. Babaeng gusto mo yung harana at
- 8:26siguro ngayon wala namang problema kung kahit anong gender
- 8:30yung maghaharana yung mahalaga yung konsepto ng harana yung
- 8:36public declaration na gusto mo yung tao at hindi ka nahihiya.
- 8:42Sa pamilya nya at sa mga kapitbahay niyo.
- 8:48Yun lang ang episode ngayon tungkol sa harana.
- 8:52Salamat sa oras mo merong transcript kung kailangan mo i
- 8:56picturan. Kung gusto mo sumuporta ingat ka
- 8:59at paalam. N.