Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #254 - Gawaing-Bahay: Mga Salita Para Sa Araw Araw
Transcript
- 0:07Hello kumusta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast?
- 0:13Ngayong araw baka medyo nakakainip o nakakainis yung
- 0:19tema para sayo. Pero pag uusapan natin yung mga
- 0:25gawaing bahay. Para matutunan mo.
- 0:29Yung mga salita lalo na yung mga verbs sa tagalog tungkol sa mga
- 0:36gawaing bahay kasi napagtanto ko na baka pwede nyong gamitin yung
- 0:42mga salitang to araw araw. So magsimula tayo sa loob ng
- 0:48bahay. So sa loob ng bahay?
- 0:51Baka yung sahig mo hindi masyadong malinis.
- 0:56Baka yung sahig mo merong mga buhangin.
- 1:00Merong papel. Merong mga alikabok.
- 1:05Siguro kailangan mo na magwalis. So wawalisin mo yung sala.
- 1:12Wawalisin mo yung sahig ng kusina at gagamit ka ng walis.
- 1:18Para walisin yung sahig ng bahay mo.
- 1:23So kapag nagwalis ka na malinis na yung sahig wala na yung mga
- 1:28alikabok. Wala ng buhangin.
- 1:31Wala na sigurong mga basura sa sahig.
- 1:35Pero para mas maging malinis. Maglalampaso ka ng sahig.
- 1:41So kukuha ka ng map. Tapos babasain mo yung map.
- 1:48At maglalampaso ka ng sahig. So kung saan ka nagwalis.
- 1:54Maglalampaso ka din yung sala yung kusina.
- 1:59Yung mga kwarto at at nakalimutan ko sabihin baka
- 2:05hindi hindi ka na gumagamit ng wales kasi meron kang vacuum.
- 2:11Pwede ka din mag vacuum ng sahig.
- 2:15At baka meron ka na ring. Robot na naglilinis para sayo.
- 2:23So pwede mong i on yung robot para mag baculum para sayo.
- 2:30Yon so magwalis mag vacuum? Maglampaso gamit yung mop.
- 2:38Pwede ka din mag punas ng mga mesa.
- 2:41Kasi kung kumain ka medyo madami yung mesa.
- 2:47So pwede mong punasan yung mesa? Para mawala yung mga.
- 2:53Mga pagkain ang kanin sa mesa ganun.
- 2:58Tapos dahil kumain ka merong mga pinggan sa lababo.
- 3:05Merong mga maduming plato, maduming pinggan sa lababo.
- 3:11Maghuhugas ka ng plato. At baka medyo may kaya ka.
- 3:17Meron kang dishwasher so ilalagay mo yung mga pinggan sa
- 3:22dishwasher at i o on mo yung dishwasher.
- 3:27Tapos siguro marami ka na ring maduming damit.
- 3:32Marami ng kailangan labhan na damit.
- 3:35Marami ka nang mga labada. Wala ka ng masuot na pantalon
- 3:42wala ka ng masuot na t shirt. Madumi na lahat.
- 3:47So kailangan mong maglaba? So ilalagay mo yung mga damit sa
- 3:52washing machine. At.
- 3:55Lalabhan ng makina yung damit mo.
- 3:59Pagtapos na. Isasampay mo yung mga damit.
- 4:04Kailangan isampay yung mga damit para matuyo.
- 4:09So pagkatapos magsampay. At kunwari tuyo na yung mga
- 4:15damit. Siguro paplantsahin mo yung
- 4:19ibang damit. Magpaplantsa ka ng pantalon.
- 4:23Magpaplantsa ka ng polo. O ng t shirt.
- 4:28Kasi kailangan. Maganda kailangan walang gusot.
- 4:34Kailangan. Maganda yung suot mo para sa
- 4:37trabaho so kailangan mo plantsahin yung mga damit mo.
- 4:43Baka meron ka ding mga alaga. Pwedeng aso pwedeng pusa pwedeng
- 4:50bata. So kailangan mong mag alaga ng
- 4:53bata o ng mga. Aso mga pusa.
- 4:59Kailangan mo silang pakainin at painumin.
- 5:04So bibigyan mo? Ng pagkain o lalagyan mo ng
- 5:09pagkain yung lalagyan ng aso at pusa.
- 5:14At papakainin mo yung anak mo. Sa labas naman ng bahay kung
- 5:20meron kang hardin o meron kang mga halaman.
- 5:25Siguro may kamatis ka. May pepino.
- 5:31O iba't ibang halaman kailangan mong diligan yung mga halaman.
- 5:38Kailangan mong magdilig sa labas ng bahay.
- 5:41O pwede din sa loob ng bahay kung may halaman ka sa loob ng
- 5:46bahay. Tapos baka wala na masyadong
- 5:51pagkain sa bahay mo. Konti na lang yung kanin wala ng
- 5:56ulam walang laman yung ref. So kailangan mong bumili ng
- 6:02pagkain? Kailangan mong mamalengke.
- 6:07Nung mamamalengke ka? Pupunta ka sa superma.
- 6:11Bakit? O pupunta ka sa palengke?
- 6:15At mamamalengke ka para? Para magkaroon kayo ng pagkain
- 6:22para sa buong linggo para makapagluto ka at makakain kayo.
- 6:29So yung ibang mga gawain na to baka yung iba ginagawa mo araw
- 6:34araw yung iba naman linggo linggo.
- 6:38Yung iba naman baka buwan buwan. So depende sa.
- 6:43Sa gusto mo? Yung gawaing bahay sa pilipinas.
- 6:48Kadalasan hati hati. Ibig sabihin responsibilidad ng
- 6:54buong pamilya. Pwedeng oo.
- 6:58Kadalasan mas malaki yung responsibilidad ng nanay.
- 7:02Lalo na kung hindi siya nagtatrabaho.
- 7:06Pero meron pa ding o inaasahan pa din yung mga bata na tumulong
- 7:14sa magulang. Kahit yung tatay.
- 7:17Meron ding mga kailangan gawin. Lalo na kung kung walang trabaho
- 7:23o kung sabado kung linggo so tulong tulong para gawin yung
- 7:30mga gawaing bahay. So yun lang yung episode ngayong
- 7:33araw para matutunan nyo yung mga gawaing bahay na baka ginagawa
- 7:40nya din na kailangan natin lahat gawin.
- 7:45Salamat sa oras mo merong transcript kung kailangan mong
- 7:49may picture kung gusto mo sumuporta.
- 7:53Salamat at paalam.