Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #291 - Fast Fashion Sa Mundo (1/2)
Transcript
- 0:06Hello kumusta ako si miguel ng comprehensible?
- 0:09Nakalag podcast. Nang araw pag uusapan natin yung
- 0:13fast fashion so ilang piraso ng damit ba yung meron ka at ilan
- 0:22doon yung binili mo noong nakaraang taon?
- 0:28So sa mga develop na bansa yung dami ng mga damit sobrang dami
- 0:34kumpara sa mga magulang nila at mga lolo at lola nila.
- 0:38At mas mabilis na nilang sinusuot yung damit at
- 0:43tinatapon. Actually dumoble yung mga damit
- 0:48na pino produce. Sa taong two thousand hanggang
- 0:52twenty fifteen. So in fifteen years dumoble yung
- 0:56ginagawang mga damit pero bumaba ng thirty six percent yung
- 1:02paggamit sa isang damit sisihin mas.
- 1:06Konting beses lang ginagamit yung damit.
- 1:09So yung industriya ng fast fashion hundred fifty billion u
- 1:13s dollars sa buong mundo at lumalaki pa kada taon
- 1:19responsable yun sa sampung porsyento ng global carbon
- 1:23emissions so mas madami pa mas mataas.
- 1:27Kumpara sa mga flights at mga shipping na carbon emissions.
- 1:32At ninety three billion cubic meters ng tubig taon taon
- 1:36madami. Pero nag eemploy din nung sixty
- 1:39million na empleyado sa buong mundo.
- 1:43Pero. Less than two percent lang yung
- 1:46merong living wage. So yan ang fast fashion industry
- 1:51so hindi ito para pahiyain o ii shame yung mga bumibili ng
- 1:59damit. Ito lang yung para maintindihan
- 2:02natin yung sistema na kasali tayo.
- 2:05Kasali ako. Pero hindi natin napapansin kasi
- 2:09hindi natin masyadong alam o iniisip.
- 2:13Kasi kung nakatira ka halimbawa sa lungsod normal lang normal
- 2:18yung ganitong parang consumption at mga pagbili di ba?
- 2:24Pero ano ba yung fast fashion? Fast fashion yun lang yung mga
- 2:29damit na dinisenyo ginawa. At binenta.
- 2:34Ng mabilis si ben. Mabilis yung proseso.
- 2:38Ng pag design at pagbenta. At mababa yung mga presyo para
- 2:45hindi mawala sa uso. So habang uso dapat mabenta nila
- 2:51kasi traditionally mayroong seasons yung fashion industry so
- 2:56magde design pa ka sa spring sa summer.
- 2:59May mga ganung collection fall winter.
- 3:02Tapos yun may mata mahaba yung proseso.
- 3:07Yung fast fashion naman mabilis yung concept to store ng mga
- 3:12damit. So yung zara daw yung nagsimula
- 3:15nito tapos yung h m. Na kung meron silang gustong
- 3:19konsepto. Nasa shelves na sa dalawang
- 3:22linggo yung damit na yun at ngayon meron na yung ultra fast
- 3:27fashion yung shane yung timu fashion nova.
- 3:31Kasi sila naman yung concept store nila.
- 3:34Hindi lang two weeks minsan ilang araw lang.
- 3:38So habang trendy habang uso yung damit, sinusubukan nilang mag
- 3:43capitalize. Halimbawa yung sheen.
- 3:46Araw araw libu libo yung bagong damit na ginagawa nila so hindi
- 3:53na seasonal hindi na buwan buwan araw araw na at powered to ng
- 4:00artificial intelligence at real time data.
- 4:03So nalalaman nila yung mga trends.
- 4:06Sa tiktok sa instagram sa internet.
- 4:10Meron silang micro batch testing tapos meron silang rapid scaling
- 4:15so mabilis kung sa testing maganda yung isang item mabilis
- 4:20silang mag scale up tapos direct to consumer yung model nila so
- 4:26wala ng physical store, walang middlemen, walang tradisyonal na
- 4:30retail markups. Kaya murang mura yung mga damit
- 4:35at lumaki yung kumpanya nila. So nasabi natin kanina malakas
- 4:39at mabilis yung paglago ng fast fashion industry.
- 4:44Pero bakit ba? So hindi lang dahil sa consumer
- 4:47behavior will isa na yun. Unang dahilan yung consumer
- 4:50behavior. Yung mga younger na mga
- 4:54generation lalo na yung gen z gusto yung mga trendy kumpara sa
- 5:00durability so mas kaya nilang maging trendy at dahil sa social
- 5:05media, sa instagram, sa mga influencer meron yung hall
- 5:10culture so parang pressure nag meron ka laging bagong bagay.
- 5:16Na hindi mo ipo post yung parehong outfit ng walang
- 5:20paghuhusga. Kasi baka i judge ka sa social
- 5:24media so laging merong bago. So bukod sa consumer yung sa e
- 5:29commerce din meron revolution di ba?
- 5:32So dahil sa online shopping wala na yung mga physical na store so
- 5:38mas bumaba yung gastos ng mga kumpanya.
- 5:42Yung naging pinaka mga shops, yung instagram at tiktok at mga
- 5:47e commerce websites. Isa pa yung globalization ng
- 5:51supply chain. So dati yung supply chain yung
- 5:55manufacturing mo. Nasa bansa mo lang pero ngayon
- 5:59pwede nang i outsource at madali nang i outsource.
- 6:03Mura. So meron silang manufacturing sa
- 6:07bangladesh, vietnam, china, indonesia.
- 6:11Pilipinas so mababa yung labor costs.
- 6:15Mababa yung overhead pero mataas yung bentahan sa mga high income
- 6:22na bansa at dahil dun pwede na rin yung just in time
- 6:27manufacturing. Ibig sabihin advance na yung
- 6:31supply chain technology na mas mabilis at mas flexible yung
- 6:36production na pwedeng i meet yung demand ng halos real time.
- 6:43So malaking factor na dito yung artificial intelligence na
- 6:47madaling makapag analyze ng ah big data.
- 6:52At makapag desisyon. Pero syempre may epekto ito una
- 6:58sa kalikasan. Ano ba yung epekto ng fast
- 7:02fashion sa kalikasan? So nabanggit ko kanina yung
- 7:05carbon emissions, ten percent estimated yung global carbon
- 7:10emissions ng fast fashion industry so mula pa lang sa
- 7:14manufacturing hanggang sa transportation hanggang sa mga
- 7:19synthetic fibers na ginagamit. Yun yung mga factors ng mataas
- 7:25sa emissions. Isa pa dun yung pagco consume ng
- 7:29tubig so second largest na nagco consume.
- 7:34Gumagamit ng tubig yung fashion industry.
- 7:38So yung isang cotton shirt daw two thousand seven hundred
- 7:41liters ng tubig. Yung kailangan yung isang
- 7:47pantalon. Parang nasa ten thousand liters
- 7:51ng tubig. So ang daming nako consume na
- 7:54tubig bukod pa sa consumption meron din yung polusyon.
- 7:59Napupulot din yung mga water bodies, mga ilog, mga lawa dahil
- 8:07sa pagdada die ng textile kasi yung mga chemical na pupunta sa
- 8:14mga ilog ganyan sa ganon yung nangyayari sa bangladesh, sa
- 8:19india, sa china polluted yung mga tubig at iniinom to ng tao.
- 8:26At mga hayop isa pa rin epekto yung micro plastic pollution
- 8:32kasi yun nga synthetic yung madaming mga damit at meron
- 8:36itong mga maliliit na plastic fibers.
- 8:39So. Kapag nilalabhan yung mga damit
- 8:43merong mga micro fibers na na pumunta sa dagat at itong mga
- 8:47microplastic kinakain ng isda at napupunta sa food chain natin
- 8:52kasi kinakain natin yung isda. Iniinom natin yung tubig so
- 8:57parang kinakain natin yung mga mga parte ng damit parang ganun
- 9:03di ba? Isa pang epekto ng fashion
- 9:05industry yung mga waste textile waste so madami madaming
- 9:12tinatapon na damit. Merong study na nagsabi na
- 9:18pitong beses lang ginagamit yung isang ultra chip na damit.
- 9:23So halimbawa bumili ka ng isang shirt sa shein sabi ng study
- 9:27seven times mo lang gagamitin yan on average at itong textile
- 9:32waste. Dahil synthetic hindi
- 9:35biodegradable. So yung polyester pwedeng
- 9:38kailangan ng two hundred years para mag decompose.
- 9:42At naglalabas ng methane na isang greenhouse gas na mas
- 9:47malala kumpara sa carbon dioxide.
- 9:51At yung dark side nito yung text cell waste naapektuhan yung mga
- 9:57developing o third world na countries bansa tulad ng
- 10:02pilipinas. At sinasabi para to sa charity o
- 10:07para sa recycling kaya binibigay namin yung damit sa inyo.
- 10:11Pero sa totoo lang waste yun basura yun.
- 10:15So yung mga bansa tulad ng gana, chile, kenya, india.
- 10:19Yan yung mga bansa sa global south na.
- 10:23Tinatapunan ng mga unwanted na damit mga hindi gusto ng mga
- 10:29bansa sa west. So bukod dun meron ding epekto
- 10:33sa tao sabi ko kanina. Nagbibigay ng sixty million na
- 10:38trabaho sa buong mundo. Okay madami madami dun sa
- 10:42developing na bansa at eighty percent babae.
- 10:47Pero sabi nga ng datos, two percent lang yung merong living
- 10:51wage living wage. Ibig sabihin sweldo na kaya
- 10:56nilang i afford yung bahay pagkain, healthcare, edukasyon
- 11:02at mag ipon ng pera. So madaming dokumentary
- 11:07documentaries tungkol dito. Panoorin nyo kasi talagang
- 11:13mabibigyan ng mukha yung mga tao na apektado ng fast fashion at
- 11:19yung hirap ng trabaho nila at yung liit ng sweldo nila.
- 11:24Isang malaking insidente yung sa rana plaza.
- 11:28Sa bangladesh so merong factory dun na gumagawa ng damit ng
- 11:35prada gucci versace ni sarah walmart pero may building sa dun
- 11:42sila nagtatrabaho. Merong mga cracks at kailangan
- 11:46na daw mag evacuate sabi ng mga inspector.
- 11:49Pero ayaw ng mga factory owner na pauwiin yung mga empleyado.
- 11:55Kasi kailangan daw mag produce. Kailangan magtrabaho.
- 12:00So nong april twenty four nag collapse yung building one
- 12:05thousand one hundred thirty four yung namatay at two thousand
- 12:09five hundred na injure. So ang daming namatay dahil yan
- 12:14sa fashion industry. Ganun din sa china may mga issue
- 12:21ng forced labor. Lalo na yung mga under mga
- 12:25muslim sa xinjiang sa vietnam, indonesia, india, philippines
- 12:30ganun din mababang sahod mahabang oras.
- 12:34Mga ma pangit na kondisyon sa trabaho child labor.
- 12:39So may mga kumpanya na nagha hire ng.
- 12:44Mga bata at meron ding mga sweet shops na hindi naman regulated
- 12:49hindi kontrolado so halata yung structural problem ng
- 12:55industriyang ito. Yung magandang balita merong
- 12:58regulatory pressure sa ibang bansa, halimbawa sa france so
- 13:04mayroon silang mga law bago lang na tinatarget yung ultra fast
- 13:09fashion. May mas mataas na tax at ganun
- 13:13sa e u sa europian union sa kabuuan.
- 13:17Na kailangan i ensure ng mga kumpanya.
- 13:21Na yung supply chain nila walang human rights abuse o
- 13:24environmental damage. Yung problema may paraan pa rin
- 13:30para ma bypass yung mga regulations.
- 13:34At minsan kaya din i absorb ng kumpanya yung mga dagdag na
- 13:38gastos. Kahit may mga tariffs or dagdag
- 13:41tax. So mahalaga yung consumer
- 13:44awareness una dapat alam natin yung epekto ng fast fashion
- 13:50ultra fast fashion fashion industry.
- 13:53So kung pwede kung mahilig ka sa fashion slow fashion so quality,
- 13:59durability at ethical ng mga produkto yung mga timeless na
- 14:04estilo. Isa pa dapat aware din tayo sa
- 14:07mga green washing na mga kompanya so pag aralan natin
- 14:12yung kumpanya kung totoo ba yung mga initiative nila kung
- 14:18sustainable ba yung methods nila?
- 14:20Kung maganda ba yung supply chain nila?
- 14:23So lagi nating isipin kung bibili tayo yung true cost.
- 14:28So yung limang dolyar na dress sa.
- 14:31Sa zarah halimbawa. Ang hindi lang sya limang
- 14:35dolyar. Yung totoong cost nito yung
- 14:40bangladeshi na babae na merong fourteen hours shift na merong
- 14:45last than mga four dollars kada araw.
- 14:48Yung true cost ng dress na to. Yung polluted na ilog sa tsina.
- 14:54Na nagiging toxic dahil sa textile diese.
- 14:58Yung true cost ng damit na to yung landfill sa gana na.
- 15:04Ang daming dump ng textile at basura.
- 15:09At yung carbon emission na nakakaapekto sa planeta.
- 15:13So totoo malaking problema to. Actually parang systemic na
- 15:18problema. Ng mundo pero may epekto yung
- 15:22mga individual na desisyon natin.
- 15:25Kaya siguro yun mas maging conscious tayo kung kaya natin
- 15:28at sa susunod na episode pag uusapan natin yung fast fashion
- 15:34sa pilipinas. So yun lang salamat sa oras nyo.
- 15:38Meron tayong transcript kung kailangan nyo at meron tayong.
- 15:43Patreon kung gusto nyo suportahan yung podcast maraming
- 15:46salamat at paalam. N.