Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #275 - Paano naging car-centric ang Metro Manila?
Transcript
- 0:07Hello kumusta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast
- 0:12at ngayong araw pag uusapan natin yung mga kotse sa
- 0:17pilipinas bakit ba madaming kotse sa pilipinas?
- 0:23Bakit car centric ang pilipinas lalo na yung mga lungsod?
- 0:29Sa pilipinas yung maynila cebu at davao.
- 0:34Inyong mga malalaking lungsod. So kung nakapunta ka na sa
- 0:39pilipinas? Naranasan mo na siguro yung
- 0:42trapik at yung panget na pampublikong transportasyon sa
- 0:49pangit yung. Yung mga linya ng bus pangit
- 0:52yung linya ng tren hindi madaling sakyan.
- 0:58Hindi sapat yung mga parada magulo.
- 1:03Mahirap kulang sa impormasyon. So kaya sa metro manila meron
- 1:10lagi yung carmageddon at laging iniiwasan yung rush hour lalo na
- 1:16kapag mga holidays kung pasko at bagong taon pero bakit ba ganun?
- 1:23Bakit ba nagiging parking lot yung mga lungsod lalo na yung
- 1:27metro manila? Nakakalungkot kasi dati hindi
- 1:31naman ganun dati merong golden age yung.
- 1:35Pilipinas yung golden age ng mga trams sa pilipinas at yung
- 1:41pampublikong transportasyon sa noong eighteen eighty three.
- 1:46Hindi puno ng sasakyan yung metro manila, walang masyadong
- 1:50polusyon at smog pero nandun yung mga street cars o yung
- 1:55tinatawag namin tinatawag nila dati na tranvia.
- 2:00So bago yung world war two. Isang regional leader yung
- 2:05pilipinas sa transportasyon kasi maganda na yung rails nung
- 2:10panahon na yun. Kahit noong eighteen eighty
- 2:13eight meron ng steampowered na lines na nagkokonekta sa manila
- 2:20papunta sa ibang lugar. At noong nineteen o five.
- 2:25Naging. Electrified na yung sistemang
- 2:28to. So nineteen early nineteen
- 2:32hundreds pa lang meron ng light rail sa manila na hindi lang
- 2:38para sa elite, hindi para sa mayaman.
- 2:41Pero para sa mga. Nakatira sa intramuros sa
- 2:47sampaloc sa malate. At hindi lang sa manila yon.
- 2:52Kasi meron din yung philippine national railways o yung p n r.
- 2:58At yung p n r tren na merong. Um isang libong kilometro so
- 3:05malayo mahaba. Mahaba yung riles ng tren.
- 3:11Pwede kang bumiyahe mula sa hilaga ng pilipinas.
- 3:16Sa la union papunta sa timog ng pilipinas papunta sa bicol.
- 3:21Pero anong nangyari? Anong nangyari dun sa magandang
- 3:25transportasyon? Na para sa lahat so dito daw
- 3:30papasok yung isang amerikanong architect si daniel burnham
- 3:37noong nineteen o five merong movement na city beautiful na
- 3:42dala dala si burnham. At dinala nya yung movement na
- 3:47to sa manila. So yung city beautiful yun yung
- 3:52concept na merong. Malawak na mga kalsada mayroon
- 3:57pang grand boulevards. Tulad sa paris at sa washington
- 4:02d c. Dun sa mga plano nya kasama
- 4:05naman yung chams pero may prayoridad sa pagiging open ng
- 4:11espasyo. So yung boulevard yung naging
- 4:16sentro ng ng isang lungsod at hindi yung riles.
- 4:23So yung boulevard yung magiging prayoridad sa urban growth.
- 4:28So yung nangyari ginagawa yung lungsod para sa kagandahan dun
- 4:34sa magandang at malawak na boulevard pero hindi para sa tao
- 4:39na nagco commute. At noong nineteen fourty five.
- 4:45Yun na yung gera yung battle of manila at dahil sa gera yung
- 4:50manila yung pangalawang pinaka nasirang allied capital sa
- 4:55mundo. So second most na nasirang
- 5:00allied capital ganun kalala yung gera sa manila at dahil daw
- 5:06nasira yung mga riles ng tranvia o nung street cars nasira yung
- 5:11mga kable. Yung mga pare plants ganon.
- 5:16So yung kumpanya na nagma manage nun yung meralco.
- 5:21Kailangan nilang mamili kung saan magi invest ng pera kung
- 5:26ano yung aayusin yung riles ba o yung power grid so pinili nila
- 5:32yung power grid. So konti rin yung pera ng
- 5:36gobyerno nung panahon na yun. Namatay yung sistema ng grandia
- 5:43at yung real system. So pano yon anong gagawin ng mga
- 5:48pilipino sa manila kung wala na yung riles wala na yung
- 5:53pampublikong transportasyon na ginagamit nila dati.
- 5:57So dito papasok yung pagiging resourceful ng mga pilipino.
- 6:01Yung mga jeepney mga jeep. Dahil mga jeep yung surplus
- 6:07military jeeps na iniwan ng mga amerikano.
- 6:11Yun ang ginamit na transportasyon, pampublikong
- 6:15transportasyon ng mga pilipino. So nag adopt yung mga pilipino?
- 6:21Pero sabi ng mga ibang urban planner, isa yung resilience
- 6:27drop. Brazilian strap na nangyayari sa
- 6:31pilipinas. Dahil nakahanap ng solusyon yung
- 6:35mga pilipino. Parang good enough na solusyon.
- 6:39Hindi na nag invest yung gobyerno sa mga.
- 6:43Mas magandang tren sa high capacity na tren.
- 6:47So nasanay yung mga pilipino sa maliliit at luma.
- 6:53Mapolusyon na mga sasakyan yung mga jeepney.
- 6:59Na okay naman sana kaso lumalaki din yung populasyon sa metro
- 7:04manila. Lumalaki yung populasyon ng
- 7:07pilipinas. Tapos.
- 7:10Nineteen fifties na hanggang nineteen seventies.
- 7:13Hindi aksidente yung pagiging car centric ng manila.
- 7:20Isa tong government policy kasi noong nineteen fifty three meron
- 7:24yung philippine highway act. So yung progress naging katumbas
- 7:32ng mas madaming kalsada. Ibig sabihin para magkaroon ng
- 7:38progreso kailangan ng mas madaming kalsada.
- 7:42At noong nineteen seventies din yung.
- 7:46Nung pangulo pa si dating diktador na ferdinand marcos
- 7:50senior. Meron sya yung progressive car
- 7:53manufacturing program. Ah at ito yung.
- 7:58Merong layunin yung p c m p na gumawa ng philippine car yung
- 8:04kotse na parang. Para sa middle class na
- 8:08pilipino. So yung nangyari yung
- 8:11pagkakaroon ng kotse naging isang.
- 8:15Pangarap ng mga pilipino so gusto ng mga pilipino magkaroon
- 8:20ng kotse at noong panahon na rin na yon nagkaroon ng mga gated
- 8:25community sa metro manila. So yun na yung mga forbes park
- 8:32or ayala alabang yung mga gated community ng mga elite mga
- 8:37mayayaman, mga top one o five percent na pilipino.
- 8:43Yung konsepto ng gated community.
- 8:45Na merong mga village subdivision na parang isla.
- 8:50Walang public transport at limitado yung yung pasukan.
- 8:56Kung hindi lahat makakapasok. So parang kailangan mo ng kotse
- 9:01para makapunta dun sa pribadong subdibisyon mo.
- 9:05So merong exclusivity kasi elite sila.
- 9:09Gusto nila pribado gusto nila. Hiwalay sila sa mga masa.
- 9:15Nagkaroon ng special exclusion. So kahit.
- 9:20Magulo yung lungsod kahit madumi kahit mainit kahit mabaho kung
- 9:25may kotse ka. Merong aircon at pwede mong i
- 9:29lock yung pinto? Ligtas ka.
- 9:32So yun yung sa kasaysayan parang dahil sa giyera nasira yung mga
- 9:38drams, yung mga street cars at pampublikong transportasyon at
- 9:43hindi na nag invest ng gobyerno doon hindi na inayos tapos nag
- 9:48iba yung pag iisip mas nag focus sa mga kalsada at naging status
- 9:54symbol yung kotse nagkaroon ng mga gated community, nagkaroon
- 9:59ng mga elites sa ho lumaki yung. Yung agwat yung gap ng mayaman
- 10:06at mahirap. So yung mga mayaman may kotse
- 10:10yung mga mahirap. Mahirap yung buhay nila.
- 10:13Pero walang pakialam yung elites kasi okay naman yung buhay nila
- 10:19lalo na kung parte ka ng gobyerno.
- 10:21May kotse ka, hindi mo nararanasan yung hirap ng masa.
- 10:27So meron pa bang pag asa? Anong pwede nating asahan sa
- 10:32hinaharap? Well ngayon sa pilipinas meron
- 10:36namang l r t at m r t. So parang yun yung rail system
- 10:42ng pilipinas? Yun yung rail system sa manila
- 10:45pero hindi lang sapat tatlong linya lang ilang taon ng tatlong
- 10:50linya lang sa dami ng tao sa maynila hindi sapat.
- 10:56Pero ngayon gumagawa na ng subway.
- 11:00Kahit long overdue na gumagawa naman ng subway.
- 11:04Na konektado sa airport. At kinokonekta yung hilaga at
- 11:10timog ng pilipinas pero syempre madami ding issue.
- 11:16May issue ng right of way. May isa pang challenge yung.
- 11:20Yung modernization program ng mga jeep at bus.
- 11:26So okay naman na mino modernize yung mga jeep at bus.
- 11:30Syempre kasi sobrang luma nung mga jeep at bus sa pilipinas.
- 11:37Pero parang hindi maganda yung programa.
- 11:39Hindi masyadong handa. Hindi masyadong pabor sa mga
- 11:44driver. So yun ang isang issue pa.
- 11:48So magbabago kaya yung car first na pilosopiya ng mga tao dito.
- 11:54Parang hindi eh depende. Kung maging maganda yung
- 11:59pampublikong transportasyon at kung mas maging komportable yun
- 12:04kasi hindi ka na magmamaneho. Mas mabilis yung biyahe mo.
- 12:08Okay pwede pa. Pero dahil sa agwat ng mayaman
- 12:11at mahirap talagang status symbol yung kotse.
- 12:16At yung mga mayaman meron silang.
- 12:20Naa access na hindi naa access ng mahihirap.
- 12:24At yung mga kalsada natin sa manila car centric talaga.
- 12:29So mababago pa kaya? Mababago pa ba yung disenyo ng
- 12:33lungsod? Mababago pa ba yung mga gated na
- 12:36komunidad? Baka hindi na pero may pag asa
- 12:41sa ibang mga lungsod. Halimbawa yung mga new clark
- 12:45city sa hilaga at yung pagde develop ng iba't ibang lungsod
- 12:51maliban sa metro manila. So yung trabaho nasa gobyerno.
- 12:59Ano bang gagawin ng gobyerno? Matutuloy ba yung mga programa?
- 13:03Magpaplano na ba ng maayos yung gobyerno natin sa
- 13:08transportasyon? O mananaig pa din yung
- 13:13resilience strap na sinasamantala ng mahal nating
- 13:18gobyerno. Yun lang salamat sa oras nyo.
- 13:22Meron tayong transcript kung kailangan nyo meron ding patreon
- 13:26kung gusto nyo sumuporta sa podcast na to, maraming salamat
- 13:31at paalam sayo. N.