Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #233 - Ang Love And Hate Na Relasyon Ng Mga Pilipino Kay Manny Pacquiao
Transcript
- 0:07Hi ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast.
- 0:12Ngayon pag uusapan natin si manny pacquiao at yung sa tingin
- 0:17ko na tingin ng ibang mga tao ngayon kay manny pacquiao.
- 0:24Kasi nung isang araw. Meron akong kausap na kaibigan
- 0:29na nakatira sa estados unidos. Tapos napag usapan namin si
- 0:35manny. Tapos parang nasabi niya na si
- 0:41manny pacquiao gusto ng mga ng lahat ng mga pilipino.
- 0:47Tapos napaisip ako. Napaisip ako kasi ngayong taon.
- 0:53Twenty twenty five. Para sa akin sa mga nababasa ko
- 0:59sa mga ka edad ko at sa mga mas bata pa parang nararamdaman ko
- 1:06na hindi nila gusto si manny pacquiao.
- 1:09So parang napaisip ako na. Siguro yung tingin ng mga taga
- 1:16ibang bansa kay manny. Na.
- 1:20Gustong gusto siya ng mga pilipino.
- 1:23Kasi noong mga twenty ten mga twenty fifteen.
- 1:28Ang daming magandang achievement ni manny di ba?
- 1:33Ang dami niyang napapanalo. Nanlalaban.
- 1:37At yung mga laban niya talagang sikat na sikat.
- 1:42At alam natin na tumitigil ang mundo.
- 1:47Tumitigil yung. Mundo namin yung pilipinas.
- 1:52Kapag laban nya yun yung parang. Parang nangyayari dati.
- 1:58Halos lahat ng tao sumusuporta gusto siyang manalo.
- 2:03Parang holiday kapag laban niya. Walang traffic.
- 2:08Sarado yung mga. Mga ibat ibang negosyo punong
- 2:13puno yung mga bar. At may iba't ibang mga batch
- 2:18party para suportahan si manny. Ang dami niyang napakagandang
- 2:23mga achievement. Naging man of the year sya ng
- 2:27time magazine. Salang yung nag iisang eight
- 2:31division world champion sa boxing.
- 2:34At meron syang labing dalawang major na world title so na
- 2:41record ko tong podcast bago yung laban nya laban kay barrios.
- 2:47So sana manalo siya. At nagkaroon din ng induction sa
- 2:52hall of fame. Ngayong taon, hunyo.
- 2:56At meron siyang dalawang speech na maganda kasi sinasabi niya
- 3:02yung kahalagahan ng legacy. Yung legacy hindi lang yung
- 3:07pera. Hindi lang yung.
- 3:10Kasikatan pero yung legacy na maganda ay yung magkaroon ng
- 3:17positibong impact. At ma inspire yung susunod na
- 3:21henerasyon. So ang ganda ng speech nya.
- 3:25Na nakaka inspire talaga kasi noong nagsimula siya sa boksing.
- 3:30Lumaban siya sa sa las vegas o sa estados unidos.
- 3:35May mga laban na kinailangan niya ng translator kasi hindi
- 3:40siya nag iingles. Pero ngayon meron syang mga
- 3:45magandang speech sa ingles. Tapos sa harap ng mga mga
- 3:52magaling na boksingero mga hall of famer at ng iba't ibang media
- 3:58at ang galing ng ingles niya ang laki ng pinagbago di ba?
- 4:04Pero para sakin ngayon at noong mga nakaraang taon.
- 4:11May impression ako na hindi. Masyadong gusto ng mga tao si
- 4:18manny. Lalo na yung mga mas batang
- 4:22henerasyon. At sa tingin ko simple lang yung
- 4:27dahilan dahil sa politika. So alam natin si manny.
- 4:33Maraming talento. Marami siyang.
- 4:37Gustong gawin sa buhay. Marami siyang ginagawa sa buhay.
- 4:42Marami siyang na accomplish sa iba't ibang ibat ibang aspeto ng
- 4:48buhay. Bukod sa boksingero.
- 4:51Kumakanta din siya. Yung sikat na kanta niya yung
- 4:55sometimes when we touch. Artista din sya.
- 4:59Pastor din siya. Isa din syang coach.
- 5:05O playing coach ng kia sa liga ng basketball sa pilipinas.
- 5:12Meron din siyang sariling liga. Ng basketball sa pilipinas.
- 5:19Siya yung may ari. At negosyante siya mayroon
- 5:23siyang iba't ibang mga negosyo. Pero sa pulitika parang maganda
- 5:30naman yung simula niya kasi noong twenty ten.
- 5:34Binoto siya ng mga tao para maging congressman.
- 5:38So nanalo sya tapos noong twenty sixteen naging senador siya.
- 5:45Noong two thousand seven tumakbo sya.
- 5:49Para sa house of representatives.
- 5:52Pero hindi siya nanalo. Pero sabi nila noon baka natalo
- 5:58siya dahil gusto ng mga tao na magboksing pa siya at hindi muna
- 6:04magpulitika. At noong panahon na yun maraming
- 6:08kritisismo. Na kulang sa edad ko siyan si
- 6:12pacquiao na hindi siya edukado. So nag aral siya.
- 6:18Meron siyang kurso tungkol sa development legislation
- 6:22governance. Sa development academy of the
- 6:25philippines. So noong twenty ten tumakbo
- 6:29siya. At nanalo siya bilang
- 6:32congressman. Pero noong twenty ten pa lang
- 6:36merong mga konting kritisismo ulit.
- 6:39Kasi merong parang diskurso tungkol sa reproductive health
- 6:45bill. Tapos.
- 6:47Parang hindi siya. Informed hindi niya alam masyado
- 6:52yung tema. Okay sige tapos twenty thirteen.
- 6:57Na re elect siya sa congress kasi wala siyang kalaban so
- 7:04automatic siya yung nanalo noong panahon na yun.
- 7:08Meron ding mga kritisismo kasi siya yung top absentee.
- 7:14Ibig sabihin hindi siya. Pumupunta.
- 7:19Hindi niya hindi siya nag aattend.
- 7:23At yung bilang ng mga bills na finile nya konti lang so meron
- 7:30siyang mga kritisismo tungkol doon.
- 7:32Pero noong twenty sixteen. Tumakbo siya sa senado.
- 7:38At nanalo siya, meron siyang labing anim na milyon na boto.
- 7:43Madami seventh place yun at noong twenty sixteen pa lang.
- 7:50Parang nakita na na kakampi siya ng mga duterte.
- 7:57Kasi nag criticize siya sa isang critic ni duterte.
- 8:02Tapos. Parang dinepensahan niya din
- 8:06yung anak ni duterte. Yung vice mayor sa davao tapos
- 8:13noong twenty eighteen pinag uusapan yung capital punishment.
- 8:17So yung death penalty at suportado niya yung death
- 8:22penalty pero yung parang justification niya galing sa
- 8:27bibliya na para sa kanya yung mga gumagamit ng droga deserve
- 8:33nila yung capital punishment tapos noong twenty nineteen.
- 8:38May lumabas na datos na si manny yung may pinakamababang
- 8:43attendance sa mga senador pero noong twenty twenty naman malaki
- 8:48din ang naitulong ni pacquiao kasi meron silang parang
- 8:53partnership ni jack ma ng alibaba.
- 8:57Na nagkaroon ng mga covid test kit yung pilipinas.
- 9:03At noong twenty twenty two. Yan tumakbong.
- 9:08Para maging. Presidente si manny so
- 9:12nangampanya siya para maging presidente pero hindi siya
- 9:16nanalo. Konti lang yung boto niya apat
- 9:20na milyong boto anim na porsyento lang.
- 9:23So nasa pangatlong pwesto siya third place syempre yung nanalo
- 9:28si bongbong marcos. So yun yung timeline ng karera
- 9:35niya sa pulitika. Pero sa mga taon na yon, meron
- 9:40ding iba't ibang nangyari at mga komento na naging kontrobersyal.
- 9:47Na ginawa si manny. Halimbawa, gusto niyang pababain
- 9:53yung edad ng criminal responsibility sa twelve years
- 9:57old. Ibig sabihin kapag gumawa ka ng
- 10:01krimen. Kapag delf ka.
- 10:05Meron ka ng criminal responsibility pero yung
- 10:08paliwanag niya sa isang interview sabi niya oo nung nung
- 10:13twelve ako nagtatrabaho na ako. Alam ko na yung ginagawa ko so
- 10:19dapat ganun din yung mga twelve years old na iba meron ding
- 10:24criminal responsibility. So doon mapapansin na yung yung
- 10:31reasoning niya yung justification niya.
- 10:34Base sa personal na karanasan niya.
- 10:38Na sa opinyon ko hindi logical tapos kinwento ko na kanina yung
- 10:45pag justify niya sa death penalty at ginamit niya yung mga
- 10:48verse sa bibliya. Meron din siyang mga komento
- 10:52tungkol sa same sex relationship at sabi niya.
- 10:56Mas masahol. Mas malala pa sa mga hayop.
- 11:01Yung mga same sex na relasyon so yung mga komentong yun mga
- 11:06homophobic. At dahil doon yung nicky yung
- 11:11kumpanya. Tinanggal tinanggalan sya.
- 11:15Ng kontrata. At naging balita din yun sa
- 11:20international na balita pero. Ano pa bang aasahan natin kasi
- 11:26simula nung naging born again na kristiyano si manny yung
- 11:30personal na paniniwala niya. Nadadala niya sa pulitika.
- 11:37At yun ang isang malaking kritisismo laban sa kanya.
- 11:42Dati din. Parang sumuporta siya sa war on
- 11:48drugs ni duterte. Kahit dati na.
- 11:52Marami ng usap usapan na extra judicial killings yung
- 11:57nangyayari. Pero sabi ni pacquiao.
- 12:01Parang kailangan yun. Kailangan disiplinahin.
- 12:06Yung mga tao sa pilipinas. Kasi gusto daw ng pangulo ni
- 12:14dating pangulong rodrigo duterte ito sabi ni manny gusto ni
- 12:18duterte ng kapayapaan kaunlaran so kailangan daw ng disiplina ng
- 12:24mga pilipino. At sabi nya merong too much
- 12:29democracy ang sobrang. A demokrasya sa pilipinas na
- 12:35hindi maganda para sa bansa kaya kailangan ng disiplina.
- 12:42At yung komentong yon may relasyon sa war on drugs.
- 12:48At sa tingin ko lalo na yung mas mga batang henerasyon na hindi
- 12:52talaga nila napanood si manny. Hindi nila naramdaman yung
- 12:57impact niya sa boksing. Mas alam nila yung.
- 13:02Yung karera ni manny sa pulitika mas negatibo yung tingin nila
- 13:08kay manny so madaming means tungkol kay manny.
- 13:12Pinagtatawanan sya sa parang hindi pa rin siya sineseryoso
- 13:18bilang isang pulitiko bilang isang lawmaker senador na kung
- 13:24iisipin mo mataas na posisyon yun sa gobyerno di ba?
- 13:29So para isummarize. Sa tingin ko malaking nakaka
- 13:34apekto. To sa negatibong.
- 13:37Impresyon kay manny. Yun nga yung pinaghalong.
- 13:43Relihiyon at pulitika. At yung mga reasoning na.
- 13:50Parang hindi logical. At nakikita yun ng tao kung
- 13:56maganda ka mag rason o kung hindi ka maganda mag rason lalo
- 14:02na yung mga mas nakakabata sa tingin ko.
- 14:06Para sakin mabait si manny. Maganda yung intensyon niya.
- 14:11Isa siyang legend talaga sa boksing.
- 14:14At malaki ang naitulong niya sa bansa.
- 14:19Isa siyang pride ng pilipinas. Marami siyang natutulungan na
- 14:24tao sa pera niya sa impluwensya niya.
- 14:30Sa tingin ko totoo na nagpo pulitika siya kasi gusto niyang
- 14:35makatulong sa mga tao. Pero parang.
- 14:40Sa tingin ko may ibang paraan may ibang avenue para makatulong
- 14:44siya sa mga pilipino. At bata pa sya.
- 14:49Bata pa si manny, marami pa siyang pwedeng maging impact.
- 14:55At lagi niyang pinag uusapan yung legacy.
- 14:59Na makatulong maka inspire sa susunod na henerasyon, nagagawa
- 15:04niya yun at sana magawa niya pa sa labas ng pulitika.
- 15:11At kung mamumulitika man sya sana mas maging maingat siya sa
- 15:15mga sinasabi niya. Sana mas aralin niya yung mga
- 15:20posisyon niya at sana mahiwalay niya muna yung pagiging
- 15:24relihiyoso niya sa pulitika niya.
- 15:29At pag isipan niya ng merong logic yung mga issue na
- 15:35nangyayari sa bansa. Yun lang ang episode na to.
- 15:40So merong halong opinyon. May halong opinyon ko at may
- 15:45halong kwento ng. Timeline ng pulitika ni pacquiao
- 15:51at yung impression ko. So pwede kayong hindi sumang
- 15:54ayon. Pwede tayong mag usap.
- 15:58Pwede niyong sabihin yung opinyon niyo.
- 16:00Ito lang naman yung opinyon ko. Yung impression ko syempre iba
- 16:05iba tayo ng mundo. Iba iba tayo ng napapansin sa
- 16:11gusto kong marinig. Yung mga tingin niyo.
- 16:14Salamat sa oras mo. Kung mabilis may transcript
- 16:18libre lang. At kung gusto mo sumuporta sa
- 16:22patreon magiging masaya ako. Maraming salamat at paalam.