Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #238 - Karanasan ko sa Espanya
Transcript
- 0:07Hi musta na? Ako si miguel ng comprehensible
- 0:12tagalog podcast. At ngayon.
- 0:16Yung episode natin. Siguro mas personal kumpara sa
- 0:21mga ibang episode. Kasi ikukwento ko yung.
- 0:28Buhay na naranasan ko sa espanya at masasabi ko na.
- 0:36Naranasan ko yung iba't ibang klase ng buhay sa espanya kasi
- 0:41tumira ako sa iba't ibang lungsod.
- 0:44So tumira ako sa malaking lungsod.
- 0:47Sa maliit na lungsod. Tumira ako sa isang farm.
- 0:53Tumira ako sa malapit sa bundok. Tumira ako sa apartment na nag
- 0:58stay ako sa isang summer camp. Nag trend ako.
- 1:02Nag bus ako. Naglakad ako.
- 1:06Nag hiking ako. Nag hitch hiking ako.
- 1:11Natulog din ako sa parke. Natulog ako sa tent.
- 1:16Natulog ako sa sahig. O may mga gabi na hindi ako
- 1:21natulog. So iba't ibang karanasan sa
- 1:26espanya. Sa maikling panahon.
- 1:29At meron akong mga konting obserbasyon.
- 1:34Bilang pilipino. Kumpara sa.
- 1:37Nakasanayan ko sa kinalakihan ko sa luzon sa pilipinas.
- 1:44So isa na dun yung panahon. Ang ganda ng panahon.
- 1:51Ng klima sa espanya. So siguro kapag iniisip niyo
- 1:56yung pilipinas. Kapag hindi pa kayo nakapunta
- 2:01siguro yung nasa isip niyo. Magandang klima sa pilipinas.
- 2:07Maaraw ganyan. Pero.
- 2:11Sa totoo lang dahil tropikal na bansa yung pilipinas.
- 2:16Madaming ulap. Madaming maulap na mga araw.
- 2:22Pero sa espanya noong nakita ko yung langit.
- 2:26Parang sobrang linaw. Sobrang linaw ng langit.
- 2:31Sobrang asul ng langit na naisip ko wow posible pala to.
- 2:38Yung ganito ka asul na langit. Halos araw araw.
- 2:44Bukod pa don halos ang konti ng ulan lalo na kumpara sa
- 2:51pilipinas. At kapag umuulan.
- 2:56Parang wala lang. Parang ambon lang tapos yung
- 3:00klima ang ganda kasi dry ng klima hindi maalinsangan.
- 3:07Parang madaling huminga. At hindi madaling pawisan.
- 3:14Yon so ang ganda. Ang ganda.
- 3:18So isa pa lalo na kapag hindi winter ang haba ng mga araw.
- 3:25So minsan. Yung yung pagsikat ng araw alas
- 3:31sais o alas syete maliwanag na. Tapos didilim at lulubog yung
- 3:39araw. Alas nuwebe o halos alas diyes
- 3:42na. So grabe ang haba ng araw.
- 3:47Ang haba ng maliwanag na araw. Pero sa pilipinas.
- 3:52Parang lagi sisik. Ngayong araw alas sais o bago
- 3:57mag alas sais. At lulubog yung araw.
- 4:01Ganon din halos alas sais ng gabi.
- 4:04So dahil don sa espanya. Late yung mga tao.
- 4:10Parang gising sila hanggang gabi.
- 4:14Hanggang umaga. At.
- 4:17Yung tanghalian nila late. Yung hapunan nila late.
- 4:24Yung paggising nila late. So para sakin ibang iba yung
- 4:31oras kumpara sa pilipinas. Tapos yung almusal naman.
- 4:37So. Yung interesanteng almusal yung
- 4:41pan kung tomake. So yung tinapay na merong
- 4:45kamatis. At sa ibang parte ng espanya
- 4:50yung churos. Inaalmusal din.
- 4:53At. Syempre meron ding olive oil.
- 4:57Madaming olive oil. Kasi yung espanya siguro yung
- 5:02pinaka nag pro produce ng olive oil sa europa.
- 5:08At yung pagkain mura sa tingin ko lalo na kumpara sa mga ibang
- 5:16bansa sa kanluran ng europa. Mura yung pagkain.
- 5:22Mura yung alak o yung wine. Mura yung mga beans.
- 5:28Ang daming mura na kapag kinuwenta.
- 5:32Parang bakit pareho yung presyo sa espanya kumpara sa pilipinas?
- 5:39Parang akala ko ba. Mahal yung cost of living dito.
- 5:44At totoo mas mahal sa ibang bagay.
- 5:47Halimbawa yung upa. Yung upa ng apartment upa ng
- 5:53kwarto. Pero kung kukwentahin pa din.
- 5:58Para sa akin mura yung upa. Sa espanya.
- 6:04Kumpara sa pransya kumpara sa alemanya.
- 6:08Kumpara sa. Na dehins.
- 6:12Tapos madaming parke. So ang daming malaking parke.
- 6:20At marami ring maliit na parke. So parang.
- 6:25Halos maraming sulok na merong playground para maglaro yung mga
- 6:32bata. At ang ganda ng mga landscaping.
- 6:37So yung mga baryo yung mga neighborhood maganda merong
- 6:42sidewalk pwedeng maglakad. Yung ibang mga lugar merong.
- 6:49Merong sariling bike lane. Syempre depende sa parte ng
- 6:53espanya at ang daming maganda at kakaibang lugar.
- 6:59Iba't ibang lungsod na kakaiba maganda.
- 7:03Pero kahit yung mga maliit na baryo maliit na village.
- 7:09Ang ganda ang ayos. Mapayapa?
- 7:13Tahimik. Komportable.
- 7:16Tapos yung mga museo naman sa mga siyudad.
- 7:20Ang ganda. Interesante.
- 7:23Yung yung sining yung art sa espanya talagang develop.
- 7:30Ang daming pintor na kilala. Ang daming estilo na interesante
- 7:38at yung dagat. So sa pilipinas.
- 7:42Nakakalungkot. Kasi yung dagat.
- 7:46Maraming pribadong dagat. So para gamitin yung dagat para
- 7:52lumangoy. Kailangan mong pumasok sa isang
- 7:55resort magbayad. Para lumangoy.
- 8:00Pero sa espanya siguro may mga container resort din.
- 8:05Pero ang daming. Dagat mga beach na libre lang.
- 8:11So literal na maglalakad ka lang.
- 8:14Tapos nandyan yung beach pwede kang umupo.
- 8:18Pwede kang lumangoy eh. Iyon pwede kang kung anong gusto
- 8:23mong gawin. Na bilang pilipino.
- 8:27Parang wow pwede pala to. Pwede palang hindi pribado yung
- 8:32beach. Na libre.
- 8:36Sa transportasyon naman. Ang ganda ng transportasyon.
- 8:40May schedule. May ruta.
- 8:44May impormasyon na maayos sa madrid yung isa sa mga
- 8:49pinakamagandang. Transportasyon sa europa tapos
- 8:54yung mga kotse tahimik. Kasi may mga parte na kailangan
- 9:00electric yung kotse. At maraming kotse yung hybrid.
- 9:05So walang itim na usok tahimik yung mga kotse.
- 9:12Dahil doon yung kalidad ng ere. Kalidad ng hangin ang ganda.
- 9:17So ako sensitibo yung baga ko so nararamdaman ko talaga yung
- 9:24pagkakaiba ng magandang kalidad ng ere.
- 9:29Tapos napansin ko din na andaming iba't ibang lahi sa
- 9:34espanya na hindi ko naranasan sa pilipinas.
- 9:40So bukod sa mga turista syempre ang daming.
- 9:44Turista na galing sa iba't ibang bansa.
- 9:47Marami ding immigrante na talagang nakatira na sa espanya.
- 9:53Halimbawa yung pinakamadami yung mga taga morocco.
- 9:58Tapos madami din yung mga taga venezuela taga colombia.
- 10:03At yun taga taga latin america. So sa aspeto ng cultural
- 10:11exchange. Sobra.
- 10:13Interesante. Pwede kang matuto ng madaming
- 10:17bagay. Tapos interesante din yung mga
- 10:21bazaar parang mga tindahan. Kadalasan mga intsik.
- 10:27Yung may ari. At magaling silang mag espanyol.
- 10:32Interesante din na kailangan mong.
- 10:35Hindi naman kailangan pero madaming tao yung bumabati sa
- 10:40mga tao. Halimbawa sa.
- 10:44Sa bus kapag sasakay ka. Madaming tao yung bumabati sa
- 10:50driver ng bus o kung papasok ka sa isang tindahan.
- 10:55Parang madaming tao yung babati sa may ari ng tindahan ganun?
- 11:01So yung mga tao pala kaibigan so in general syempre.
- 11:07Hmm madaldal. Maingay.
- 11:12Merong kumpyansa. At.
- 11:16Yun parang outgoing sila. Syempre ano to sa pangkalahatan?
- 11:22Parang malaking generalization. Tapos isa ding interesante.
- 11:28Yung mga matatanda yung mga matandang.
- 11:32Tao parang sa tingin ko aktibo sila.
- 11:38So lumalabas sila. At kapag gabi makikita mo yung
- 11:44mga bar. May mga matatandang tao.
- 11:49Na nag e enjoy lang nag eenjoy ng retirement nila.
- 11:53At para sakin hindi. O walang ganung kultura yung
- 11:59matatanda sa pilipinas na lalabas mag eenjoy kahit weekday
- 12:06ganun. Ibang.
- 12:09Ibang pamumuhay ng matatanda sa pilipinas.
- 12:13Yung mga bata naman ang babait ng mga bata.
- 12:17Ang sweet ng mga bata. Parang masayahin sila.
- 12:23Wala silang pakialam sa buhay. Gusto lang nilang mag enjoy.
- 12:29Syempre hindi ko alam. Baka ganun din yung ibang bata
- 12:32sa pilipinas. Pero yun ang napansin ko sa
- 12:35espanya. Kasi nagtrabaho din ako.
- 12:39Sa isang eskwelahan. At napansin ko din yung yung
- 12:43oras ng mga bata sa eskwelahan. Maikli lang.
- 12:48Maikli lang hindi. Hindi mahaba yung oras nila sa
- 12:53eskwelahan. At para sakin maganda yung
- 12:57sistema nila ng edukasyon. Naalala ko yung parang third
- 13:03grade o parang ganun. Meron silang isang subject na
- 13:08critical thinking. So hindi ko alam ngayon sa
- 13:12pilipinas. Pero nung panahon ko.
- 13:15Walang critical thinking. At yung espanya din maraming
- 13:20programa. Para mag hire at kumukuha sila
- 13:26ng mga native speaker halimbawa sa ingles.
- 13:30At sa iba't ibang lenggwahe. So halimbawa kung nag aaral sila
- 13:35ng ingles. Meron silang teaching assistant
- 13:40na galing sa u k o galing sa india galing sa pilipinas galing
- 13:46sa estados unidos. So sa tingin ko magandang
- 13:51inisyatibo ng gobyerno. Na.
- 13:55Gusto nilang merong native speaker.
- 13:59Kapag nagtuturo ng lengguwahe. Nasa pilipinas.
- 14:04Ah. Wala kaming ganon.
- 14:07Siguro sa mga mahal na eskwelahan.
- 14:10Pero sa mga public school. Walang amerikano na pupunta at
- 14:16magti teaching assistant sa pilipinas.
- 14:19Sa pagkakaalam ko. At yun maraming holiday.
- 14:26Maraming dahilan para mag celebrate at mag party.
- 14:32Mayroon silang mga puwente. O yung puwente sa tagalog.
- 14:37Parang tulay. At yun yung parang long weekend
- 14:41nila. At yun parang laging may akong
- 14:46dahilan para magpiyesta mag celebrate ng kung anu anong
- 14:51bagay. So mararamdaman mo na talagang.
- 14:56May positibo at masayang ambiance sa sa espanya sa iba't
- 15:02ibang lungsod sa espanya. At noong twenty twenty noong
- 15:07nandoon ako. Interesante din kasi.
- 15:11Nagkaroon ng niyebe na malakas sa madrid.
- 15:17Well hindi malakas. Lalo na kung kumpara sa.
- 15:22Sa alemanya kumpara sa finland ganon.
- 15:27Pero yung madrid hindi sila sanay sa ganung niyebe.
- 15:32So merong konting niyebe pero parang tumigil yung buong
- 15:38lungsod. Kanselado yung mga trabaho.
- 15:43Tumigil yung metro. Walang mga bus dahil sa niyebe.
- 15:50Interesante lang kasi. Kumpara sa mga ibang bansa na
- 15:54mas hilaga. Yung ganung niyebe.
- 15:58Parang wala lang pero sa espanya.
- 16:02Malaking epekto na. So ito yung mga karanasan ko.
- 16:08Syempre parang generalized lang kasi ayaw ko naman mag specify
- 16:14ng ibat ibang lugar pa. Kasi iba iba din.
- 16:19Iba iba yung mga rehiyon sa espanya.
- 16:22May iba ibang lenggwahe sila. Iba iba yung ugali ng tao.
- 16:28Kung sa hilaga kung sa kanluran silangan.
- 16:33Timog. May iba't ibang personalidad at
- 16:37pamumuhay. Pero ito yung parang mga
- 16:41obserbasyon ko na. Sa pangkalahatan.
- 16:45Na napansin ko. At sa tingin ko.
- 16:50Sobrang swerte ng mga tao na merong pagkakataon na tumira sa
- 16:56espanya. Yun lang salamat sa oras mo.
- 17:01Merong transcript kung kailangan mo at merong patreon kung gusto
- 17:06mo suportahan ang podcast. Salamat at paalam.