Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #298 - Islam Sa Pilipinas: Ang Simula (1/3)
Transcript
- 0:07Hello kamusta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast
- 0:13at ngayon meron tayong tatlong parteng episode tungkol sa islam
- 0:21at mga muslim sa pilipinas. Tungkol sa simula paano ba
- 0:26nagsimula yung islam dito? Tungkol sa mga laban at
- 0:31resistance nila sa pananakop at tungkol sa kagustuhan nila
- 0:37magkaroon ng autonomy. Pero sa episode na to
- 0:42magsisimula tayo sa simula. So ano ba yung pilipinas bago
- 0:50naging katoliko yung bansa? Kasi sa.
- 0:55Eskwelahan sa mga textbook kadalasan kinukwento yung
- 1:01pagdating ni ferdinand magellan. Sa cebu noong fifteen twenty
- 1:06one. Na nagdala siya ng crus at
- 1:10nagpap tie sila ng taon na yun. Pero bago non.
- 1:16Kinukwento din yung mga barangay at konting pre history pero.
- 1:21Talagang mas konti yung pagtuturo kumpara sa panahon
- 1:26nung mga pananakop ng espanyol ng amerikano ng hapones.
- 1:31So konti yung impormasyon sa tingin ko.
- 1:35Pero fourteenth century pa lang. Dumating na yung islam sa timog
- 1:41ng pilipinas. Fourteenth century so maaga
- 1:47maagang maaga habang yung europa.
- 1:50Meron pang black death so hindi pa maganda yung sitwasyon sa
- 1:54europa. Sa ming dynasty naman ay
- 1:58kakasimula lang ng kapangyarihan sa tsina.
- 2:03Yung aztec empire kakasimula lang.
- 2:07Yung noche dam sa paris. Kakagawa lang mga hundred years
- 2:13pa lang. Inyong sitwasyon nung fourteenth
- 2:16century. So nung dumating si ferdinand
- 2:20magellan noong fifteen twenty one.
- 2:24Si ferdinand magellan yung portuges na explore.
- 2:28Na nag organize ng spanish expedition tapos sya yung unang
- 2:33tao na nag circumnavigate sa mundo.
- 2:39Na pinatay sa pilipinas. So nung dumating siya sa
- 2:44pilipinas noong fifteen twenty one.
- 2:47Meron ng sultanate sa sulu. Sulu yung probinsya sa timog ng
- 2:54pilipinas. So meron nang formal na
- 2:58institutional government noong panahon na yun.
- 3:02Meron ng mga moske may mga mosque, mga hundred forty years
- 3:07old na. Meron ng writing system meron ng
- 3:12legal system, meron ng mga trade networks mula sulu hanggang
- 3:18borneo hanggang sumatra hanggang china.
- 3:23Meron ng mga scholars na nag memorize ng quran at meron ng
- 3:28mga judge na nag administer ng islamic law.
- 3:33So sa madaling salita meron bang sibilisasyon nung panahon na yun
- 3:39bago pa dumating si magellan? So yun yung sitwasyon noong
- 3:45sixteenth century yung pagdating ng mga espanyol pero balik tayo
- 3:51sa ninth century. So imaginin natin yung solu c
- 3:56yung dagat sa sulu sa timog. Walang border, walang colonial
- 4:01division. Wala yung konsepto ng pilipinas
- 4:05o indonesia o malaysia. Yung meron lang tubig.
- 4:11Malawak ang tubig tsaka libo libong mga isla.
- 4:16Tapos may mga bangka. Madaming bangka.
- 4:20Kasi nung panahon na yun yung malay world o yung tinatawag ng
- 4:25mga historyan na dun niya melayu.
- 4:28Yun daw yung isa sa mga great commercial at kultural zones
- 4:33noong medieval area. So yung dun nya malayo.
- 4:39Malaki yun galing sa coast ng vietnam.
- 4:42Kasama yung dagat ng present day indonesia at syempre hanggang
- 4:48sa. Dagat ng sulu.
- 4:53So bago pa dumating yung mga european meron ng mga ruta ng
- 4:57mga bangka sa dagat na ginagamit.
- 5:01Madaming madaming taon na. Nagte trade na yung mga tao ng
- 5:05mga silk at ceramic galing sa china spices galing sa maluku
- 5:11islands. Ginto galing sa mindanao sa
- 5:15pilipinas. Come for galing sa borneo koten
- 5:20galing sa india. So meron ang mga malay na
- 5:24sailors javanese na merchants. Hindian na traders.
- 5:29At. Nagka condena ng mga arab at
- 5:32person muslim na mga merchants na hindi lang nagdala ng mga
- 5:38goods. Pero.
- 5:40Pati yung pananampalataya nila pati yung diyos at relihiyon
- 5:45nila. Pano ba nila dinala yung islam
- 5:50sa southeast asia? So sabi sa pamamagitan daw ng
- 5:55relasyon. So hindi gamit yung mga army.
- 6:00Walang pananakop. Yung sa ibang parte ng mundo
- 6:05nagkaroon ng military spread ng islam.
- 6:08Pero hindi ganun yung nangyari sa pilipinas.
- 6:12Sa pilipinas trade. So yung mga merchants na muslim
- 6:18kailangan nilang kunin yung tiwala ng mga local ruler sa
- 6:23mahabang panahon. Sa mga dekada.
- 6:28At may mga muslim trader na kinakasal sa mga lokal na
- 6:32pamilya at mag e establish dun sa lokal na komunidad.
- 6:39So sabi ni anthony rid isang historian.
- 6:43Halata daw yung pattern na yung islam.
- 6:47Lumaganap talaga siya sa pamamagitan ng mga commercial
- 6:51network. At yung mga harbor cities doon
- 6:55nag settle yung mga merchants at doon na lumaganap yung
- 7:01relihiyon. At merong mga archeological na
- 7:05ebidensya nito. So yun yung konsepto nung dun
- 7:09nya malayo yun yung wala pang borders yung malay world.
- 7:15Tapos wala pa yung distinction ng mga iba't ibang bansa kasi
- 7:20yon. Syempre konsepto lang naman yun
- 7:23ng mga. Mananakop di ba?
- 7:27Konektado talaga ng dagat yung timog ng pilipinas sa indonesia
- 7:32at sa borneo at hanggang dun nga sa vid.
- 7:38Num. Tapos yung lengguwahe ng
- 7:41indonesia pilipinas malaysia. Magkakapareho di ba yung mga
- 7:47tradisyon magkakapareho? At.
- 7:52Mula thirteenth century hanggang tumagal pare pareho yung
- 7:56relihiyon. So pano ba natin nalaman na
- 8:01meron ng islam sa pilipinas noong panahon na yon?
- 8:05Bukod sa archeological evidence ng mga muslim traders sa
- 8:10pilipinas gamit yung mga porcelain na dala nila.
- 8:15So noong thirteen ten year thirteen ten sa hulo yung isla
- 8:21sa sulu sa timog ng pilipinas. Nandun yung labi ni myk bal.
- 8:27Si mike val. Nandun yung remains niya.
- 8:32Isang muslim na tao na nagkaroon ng islamic burial na merong
- 8:38tombstone na may petsa na according sa islamic calendar.
- 8:44So isa daw yung ebidensya? At noong thirteen eighty.
- 8:50Ibang tao naman si macdum ka rin.
- 8:53Pumunta siya sa timog din ng pilipinas at nagtayo siya ng
- 8:58mosque. So yun yung unang mosque sa
- 9:02pilipinas thirteen eighty. At isa yun sa mga
- 9:05pinakamatandang mosque sa southeast asia at isang unesco
- 9:10tentative heritage site. So thirteen ten grabe di ba yung
- 9:16colongan cathedral sa germany? Ginawa nung twelve forty eight
- 9:21pero hindi pa natapos hanggang mga eighteenth century yung
- 9:25oxford. Sa england yung unang quadrangle
- 9:30ng new college. Ginagawa pa lang ang panahon na
- 9:32yon. So yung europa noong thirteen
- 9:35eighty ibang iba pa puro mga stone churches paa, mga feudal
- 9:40na mga pamumuno. At meron pang aftermath ng black
- 9:45death. Tapos sa pilipinas yun meron ng
- 9:49mosque na ginagawa. Tapos nung thirteen ninety.
- 9:55Si isang prince si raja baguinda.
- 10:00Dumating sa pilipinas. Kasama ng ibang mga scholars.
- 10:06So magbabago yung structure ng pilipinas sa timog dati di
- 10:10centralized structure magiging mas islamic.
- 10:15At parang religious at political na islamic yung timog ng
- 10:20pilipinas. Bago dumating yung islam yung
- 10:25social unit sa pilipinas yung barangay.
- 10:29Barangay yung small at tsaka yung autonomous community.
- 10:33Na merong thirty hanggang fifty na bahay.
- 10:37Tapos mayroong chief yung barangay yung tinatawag na datu.
- 10:43Datu so yung barangay self contained tsaka self governing
- 10:48so hindi state walang court, walang batas, walang legal
- 10:54system, walang bureaucracy. So komunidad na parang kinship
- 10:59based siya. So yung dala dala ng islam?
- 11:03Parang isang framework ng batas at governance.
- 11:09So si raja baguinda ng thirteen ninety yung nagsimula ng
- 11:15transition na yun. At noong fourteen fifty si
- 11:19sheriff ul hashim. Siya yung nagtayo ng sultanate
- 11:24ng sulu so yun yung unang institusyonal government sa
- 11:28pilipinas. At malaking bagay yun una kasi
- 11:32shariff ul hashim yung sheriff ibig sabihin.
- 11:37Yung taong to descendant ni profit muhammad.
- 11:42So meron yung parang authority di ba?
- 11:45Kasi descendant ka ni mohammed. So kahit outsiders sya.
- 11:51Descendant siya ni mohammad tapos kinasal siya sa lokal na
- 11:56pamilya. Kaya nakapagtayo siya ng
- 11:59sultanate sa sulu. So dahil don fourteen fifty
- 12:04meron ng gobyerno yung pilipinas isang centralized na awtoridad
- 12:10na mayroong korte merong legal system at merong nag administer
- 12:15ng justice sa iba't ibang komunidad at sa iba't ibang
- 12:20isla. So ganun yung sitwasyon sa isla
- 12:24ng sulu? Meron na ang sultanate.
- 12:28Meron ng parang estado. Pero sa mainland mindanao ganun
- 12:33din yung nangyari nagkaroon na rin ng sultanate ng maguindanao.
- 12:38Yung maguindanao yung probinsya sa mainland mindanao.
- 12:43At meron ding sherriff na dumating dun sa maguindanao.
- 12:49At ganun din yung strategy niya. Kinasal siya sa lokal na
- 12:53pamilya. At dahil doon nagkaroon siya ng
- 12:57awtoridad. At nakapagtayo sila ng estado.
- 13:02Ganun din sa rehiyon ng lanao. Actually, hindi lang isang
- 13:06sultanate nagkaroon ng confederate states of lanao.
- 13:11So parang iba't ibang salt donate na parang nagsama sama.
- 13:17So balikan natin yung fifteen twenty one so pagdating ni
- 13:21ferdinand magellan yung portuguese na eksplorer.
- 13:25Matagal nang merong functioning na islamic civilization sa timog
- 13:30ng pilipinas mayroon ng mosque. Na hundred forty years old meron
- 13:36ng sultan at sultanate na seventy years old meron ng legal
- 13:42system na ina administer ng mga scholars at judges.
- 13:47Meron ng pagsusulat. Meron yung tinatawag na joey so
- 13:52yun yung ginagamit nilang writing system para i record
- 13:55yung geologist, mga legal decision, mga trade agreement at
- 14:01mga relihiyosong text. Meron nang trade network.
- 14:07Papuntang tsina, borneo, sumatra.
- 14:11Malay peninsula at iba pa. Meron ng mga scholars na
- 14:16bumiyahe sa mecca at nakabalik. Merong mga merchant na nagma
- 14:21malay at nag arabic. At nagsasalita din ng sarili
- 14:26nilang lenggwahe sa tausug. At maguindanao.
- 14:31So meron na talagang matatag na gobyerno at sibilisasyon.
- 14:36Noong panahon na yun kaya makikita natin sa mga susunod na
- 14:41episode kung bakit. Nag fail bakit nabigo na
- 14:47talagang sakupin at kontrolin yung timog na ang pilipinas.
- 14:54At pag uusapan natin yung mga moro yung derogatory na salita
- 14:59na ginagamit ng mga espanyol para sa mga muslim.
- 15:03At kung paano ito ginawang positibo ng mga muslim.
- 15:08Dati hanggang ngayon. So yun lang yung episode natin
- 15:13ngayon tungkol sa simula na ang islam sa pilipinas.
- 15:18Meron tayong transcript kung kailangan nyo.
- 15:21At merong patreon kung gusto nyo suportahan yung podcast.
- 15:24Salamat at paalam.