Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #212 - Interview – Biyahe Sa Singapore At Sa Mindanao (ft. Wilvin - 4/4)
Transcript
- 0:00Ayun so tutal pinag uusapan natin yung mga yung ibang bansa
- 0:05pag usapan natin yung biyahe pwede muna pwede mo ba ikwento
- 0:09yung mga bansa na napuntahan mo? Opo sa ngayon po isa pa lang po
- 0:14talaga na pupuntahan ko singapore.
- 0:16Tapos ano naman yung mga impression mo?
- 0:19Kamusta yung karanasan mo sa singapore?
- 0:22Yung pinaka nagustuhan ko po talaga dun ay malinis tsaka
- 0:25maganda po yung public transportation nila like yung
- 0:29trains. Mabilis po talaga.
- 0:31Anong ginawa nyo sa singapore? Ah yun nga po nabanggit ko
- 0:37mahilig ako kumain so kumain kami sa ibat iba.
- 0:41Tsaka bumisita din po kami sa mga kilalang lugar.
- 0:44Yung merlion universal studios yun po.
- 0:48Ayus. Pareho tayo yung unang biyahe ko
- 0:52sa singapore. Singapore masaya po dun.
- 0:55Pareho din may layon at universal.
- 0:58Opo. Oo kasi sikat na puntahan yung
- 1:02singapore. Di ba sa mga pilipino?
- 1:04Yes po kasi ah visa free din po. Tama hindi kailangan ng visa
- 1:11tapos maraming maraming flights. So yes pa.
- 1:16Tapos. Yung sinabi mo malinis di ba?
- 1:19At yung maganda yung public transport so parang para satin
- 1:22or para sakin at least parang bagong bagong mundo noh.
- 1:27Opo. Na o posible pala yung ganito
- 1:30yung syudad na malinis. Yes po.
- 1:34Ano naman yung mga gusto mong puntahan na bansa?
- 1:39Ah bukod sa nasabi ko po is siguro.
- 1:45South africa. Okay.
- 1:48Kasi yung opo yung lola ko po nakapunta na po dun eh nung
- 1:51nakita ko yung pictures niya parang wow.
- 1:54Ang sipuntahan nito. Yung sa picture nya nakita mo
- 1:57yung mga bundok ganun yung dagat.
- 1:59Yung layon mga ganon po mga hayop.
- 2:03Opo. So parang gusto mo yung yung
- 2:07makita yung mga mga hayop sa. One tsaka yung nature po talaga.
- 2:13Gusto ko yung masagot mo. So scotland at south africa.
- 2:17Na parang. Letter rest hindi karaniwang
- 2:20sagot. Opo meron pa bang ibang bansa na
- 2:24talagang gusto mong mabisita? Siguro yung isa din sa naisip ko
- 2:28is india. Yun din po yung gusto kong
- 2:32puntahan na sinabi ko sa mga magulang ko nun.
- 2:37Ano yung reaksyon ng magulang mo sa ng sinabi mo?
- 2:41Parang alam po kasi nila yung gusto ko lang talaga yung
- 2:44pagkain parang. So parang yun lang po ah okay
- 2:50ganun lang sige. Ma gets na nila opo.
- 2:55Pero maganda din naman po kasi doon.
- 2:57Opo. So mahilig ka sa indian food?
- 3:00Opo. God bless india.
- 3:03Tsaka south africa. Halimbawa yung estados unidos
- 3:09ayaw mo bang mabisita yung u s? Parang pwede naman po ah kasi
- 3:15yung olongapo po kasi di ba subic bay dati po syang military
- 3:20reservation so parang tuwing pupunta po ako dun napapaisip
- 3:25ako ganito kaya parang ganito kaya dun.
- 3:28So parang yes. Pwede kung gusto ko rin po
- 3:32siyang puntahan para ma compare ko.
- 3:35O. Kung gaano sila ka similar.
- 3:38A so sir kinuwento mo yung subic bay na dating naval base ng mga
- 3:46amerikano at parang sa clark. Kasi sila yung nag develop ng.
- 3:52Ng subic di ba at ng clark? Yes po.
- 3:55Tapos. Sa subic at sa clark maganda
- 3:59yung mga kalye madaming puno parang ma dispense faces green
- 4:03spaces. Tsaka yung mga bahay po ang
- 4:06gaganda din. Oo nga tama yung mga bahay
- 4:09magaganda. Yung parang yung yung iba pa
- 4:14merong fence yung parang sa mga sa hollywood yung parang bahay
- 4:19sa amin na meron ka bang mga kamag anak sa amerika.
- 4:25Ah sa ngayon po wala. So wala sa pamilya niyo yung mga
- 4:29o f w ganon. May o f w po pero hindi po sa u
- 4:33s. Okay lang malaman yung bansa.
- 4:38Ah sige po yung isa sa singapore din po.
- 4:43Pero yun yung pero yung pagbisita po namin bago pa sila
- 4:46lumipat. Kasi parang halos lahat ng.
- 4:50Si yeah nung nakakausap ko ang pilipino talagang meron meron sa
- 4:55pamilya o f w. Opo.
- 4:57Tita. Meron meron po talaga.
- 4:59Okay so pinag usapan natin yung mga ibang bansa na gusto mong
- 5:04bisitahin. Balik naman tayo sa pilipinas.
- 5:08Sige una ano yung anong mga lugar na iyong nabisita mo sa
- 5:12pilipinas bilang turista? Marami po eh nakapunta na po
- 5:16yung pinaka memorable sakin siguro is bukidnon.
- 5:20Wow tsaka yun po. Nabisita ko naman na po sa
- 5:25thankfully lahat ng islands natin dito sa pilipinas yung
- 5:28three yung luzon visayas mindanao.
- 5:31Wow nalibot ko na po sila. Galing ha.
- 5:35Hmm so sa yung bukidnon sa mindanao yun di ba?
- 5:41Anong ginawa nyo sa bukidnon? Kasi hindi ako pamilyar sa totoo
- 5:45lang sa bukidnon. May nagsabi po kasi online na
- 5:49para siyang new zealand. Yung mga bundok po kasi tsaka
- 5:52yung klima dun malamig. Kaya yun po nag nag amusement.
- 5:58Di ko po alam yung tawag. I think outdoor park na puro zip
- 6:02lines puro rides na sa nature po talaga.
- 6:04Totoo nga po yung nabasa ko masarap yung dun din po kasi
- 6:09located yung del monte ice. Pwede ko po bang sabihin non?
- 6:12Ah sige sige ayan. Yung mga pinya po ay yung mga
- 6:15pinya natin karamihan po ah sila po talaga yung isa sa mga.
- 6:20Pinaka nagpo produce kaya nung masarap din po yung opinyon
- 6:24nila. Sa bukid na.
- 6:28Oo the best. Wow okay so sa bukidnon maganda
- 6:32yung kalikasan check up yung pinya.
- 6:36Mas tsaka yung klima din po. Ang ganda oo opo sa malamig.
- 6:41Opo. Sige bukidnon.
- 6:43Ano pa yung ibang? Parang magandang mga lugar na
- 6:48napuntahan mo sa pilipinas. Siguro po kilala din to sa mga
- 6:52taga ibang bansa yung boracay. Haha.
- 6:56Ang ganda po ng buhangin dun nung tubig.
- 6:59Yung mga tourist spots don. Anong ginawa mo sa boracay?
- 7:04At yun po lumangoy tubig pero yung pinaka isa din na naalala
- 7:09ko was may napanood akong fire show.
- 7:12Parang kapag mapanood mo yun sa totoong buhay parang nakakatakot
- 7:16sobra. Mapapahanga ka na lang.
- 7:19Mapapanganga ka na lang talaga na pano nila to nagagawa.
- 7:24Ang galing ha facial. Nakapunta din ako dun pero hindi
- 7:28ko hindi ako naka nakatyempo ng. Ang alam ko po kasi sa isang
- 7:34hotel lang sila nagpe perform na tyempohan lang po nata namin.
- 7:38Sayang opo. Sige so bukidnon boracay punta
- 7:45tayo sa luzon. Opo ano na ang isang lugar na
- 7:50talagang maganda para sayo? Sagada po number one para sa
- 7:54akin sa luzon. Nakapunta ka po sa sagada?
- 7:57Opo. Sige pwede mo bang ilarawan yung
- 8:00sagada? Opo so parang mapapansin nyo po
- 8:04talaga yung tema ng mga gusto kong lugar.
- 8:07Mabundok po kasi sagada tsaka malamig din.
- 8:11And very ah. Yung pinaka nagustuhan din ko po
- 8:15dun is yung simpleng pamumuhay po talaga.
- 8:20Kasi nga po bilang. Taga taguig ako.
- 8:23Dun po talaga magpapahinga ka lang po talaga.
- 8:26Kasi yung sabi nga po ni erwan heusaff sa siyudad.
- 8:29Ah, you take and you take pero kapag pupunta ka don, you need
- 8:33to leave something and just be. And you give something back sa
- 8:37kanila sa sagada. Ang ganda.
- 8:40Ganda opo. Paano ka nakapunta sa sagada?
- 8:46Ang kotse po talaga. Private car po talaga ng pamilya
- 8:51namin. Nagmaneho kayo galing manila.
- 8:55Yes po. Gaano kalayo yun?
- 8:58Mga walong oras po. Wow mahirap ba yung yung daan
- 9:03mga pagmamaneho papunta dun? Puro pataas pero kung magaling
- 9:07naman po yung driver nyo and sa akin yung tatay ko yun kaya
- 9:11naman po. Hindi naman delikado yung
- 9:14kalsada. Ah basta mag ingat po.
- 9:18Kasi mabundok na. Opo.
- 9:20Ang ganda ng mga. Mga lugar na sinabi mo gusto ko
- 9:24yung isang tanong na lang. Opo.
- 9:28Kung. Para sa mga.
- 9:31Hindi taga pilipinas mga turista.
- 9:33Opo. At kung meron lang silang
- 9:36sabihin natin, isang linggo o dalawang.
- 9:38Linggo papass. Gusto nilang bumisita sa
- 9:42pilipinas. Ano yung isang lugar na
- 9:45sasabihin mo? Puntahan nila.
- 9:48Isang lugar na lang sa pilipinas.
- 9:51Ah n wow ganda po ng tanong hindi pa po ako nakakapunta dito
- 9:56pero siguro palawan po. Bakit palawan?
- 10:02Or sige ibahin natin siargao. Share gown na lang yun na lang
- 10:08final answer ko po ah kasi yun nga po maganda po talaga yung
- 10:12beach nila dun at saka maganda rin po yung kultura yung pagkain
- 10:17yung mga pwede mong mapuntahan. Parang isa po talaga sya sa
- 10:22pinaka. Ah magandang lugar sa pilipinas.
- 10:26Pero hindi mo pa napuntahan. Hindi ka pa po napuntahan so
- 10:30ganun po siya kaganda na hindi pa po ako nakakapunta pero ire
- 10:34recommend ko po sa kanila. Pareho tayo.
- 10:38Hindi pa din ako nakapunta. Pero.
- 10:41Nire recommend ako din yung mga lugar na hindi ko pa napuntahan.
- 10:44Opo. Ayun nga wilvin.
- 10:47Salamat sa oras mo. Thank you po.
- 10:51Yun maraming salamat sa pakikinig sa usapan namin ni
- 10:56wilvin. Sana makatulong sa inyo sa pag
- 10:59aaral niyo. Ng casual na tagalog kung medyo
- 11:04mahirap merong transcript libre lang nasa discription at pwede
- 11:10kayong magkomento para malaman ko kung gusto niyo ba yung
- 11:16interview kung gusto niyo yung tema at kung meron kayong mga
- 11:21gusto marinig yung mga bagong tema ibang tema gusto ko yung
- 11:25mga feedback nyo. Salamat sa oras nyo ingat at
- 11:30paalam.