Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #127 - Mas Maganda Ang Mas Maputi sa Pilipinas / Having Whiter Skin is More Beautiful in the Philippines (2/2)
Transcript
- 0:05hello kamusta ako si miguel at ito ang comprehensible tagalog
- 0:09podcast at ngayon itutuloy natin ang usapan tungkol sa colorism
- 0:17at yung nakaraang episode ay tungkol sa kasaysayan kung paano
- 0:24nagsimula ang colorism ngayon naman tungkol sa colorism ngayon
- 0:31sa pilipinas at kung ano ang epekto o kung paano at saan
- 0:38nakikita ang colorism sa pilipinas ngayon at natapos yung
- 0:45huling episode natin sa mga panukso mga panukso na negrito
- 0:53at negro at syempre biktima din ako nun dahil sa kulay ng balat
- 0:59ko hindi ko alam kung ginagamit pa rin ito ng mga bata ngayon
- 1:05pero kabaliktaran ng nag rito negro yung pagiging mestiza o
- 1:13pagiging chinita at sinabi natin sa episode ah nakaraang episode
- 1:20yung mestisa yung may halong european na na lahi at ngayon
- 1:27kapag tinawag ka ng mestisa sa pilipinas kadalasan yun ang mga
- 1:33mas maganda tinuturing na mas maganda dahil mas maputi at
- 1:40mukhang european mukhang western na parang amerikano at pilipino
- 1:47at yung mga chinita yung mga chinita ay yung mga mukhang at
- 1:52filipino at chinese at yun din ang sa tingin ko tinuturing na
- 1:57mas maganda sa media sa opinyon ng maraming tao yung mga artista
- 2:06yun ang kadalasan mga mestisa mga morena sa bago natin pag
- 2:15usapan ang media pag usapan natin ang relihiyon kasi kahit
- 2:21sa relihiyon yang kulay ay um importante kasi sa katolisismo
- 2:31yung mga simbolo ay mahalaga halimbawa yung simbolo ng santo
- 2:37nino o yung mama mary sa mga um sa simbahan sa simbahang
- 2:44katoliko yung itsura ni hesus sa simbahan ay mukhang caucasian
- 2:53maputi o mas maputi ang kulay ng balat so siguro pwedeng naging
- 3:01dahilan na psychologically ay yung mga mahalagang figure sa
- 3:07relihiyon ay may mas maputing kulay ng balat so sa tingin ko
- 3:13pwedeng dahilan yun at pwedeng naging subconscious na nagkaroon
- 3:20ng epekto sa lipunang pilipino at sa media naman yung mga
- 3:27artista yung mga advertisements na kung mapapansin niyo sa
- 3:35pilipinas halos lahat may western features halos lahat ay
- 3:41may mas maputing balat may matangos na ilong at yun mas
- 3:48mukhang caucasian kaysa sa mga moreno isang malaking patunay
- 3:55nito ay yung skin whitening industry sa pilipinas sabi sa
- 4:01mga datos halos sampung bilyong dolyar na industriya ito ten
- 4:09billion dollar us dollar industry ang skin whitening sa
- 4:15pilipinas at kahit ako may karanasan ng paggamit ng skin
- 4:22whitening na sabon skin whitening cream at hindi ko alam
- 4:29kung bakit ginagamit ko yun dati at noong panahon na yun parang
- 4:34normal lang nakikita ko sa ibang tao na gumagamit sila ng skin
- 4:38whitening na sabon ng papaya soap at sa akala ko normal akala
- 4:47ko lahat ng tao ginagawa yun at meron din yung mga scrub yung
- 4:53parang ah pambans na bato na scrub ng balat kapag naliligo
- 5:02kasi akala namin dati na pwedeng pumuti ang balat kapag ginagamit
- 5:09ang pampers na bato habang naliligo pero syempre noong bata
- 5:15ako hindi ko talaga naisip parang akala ko normal na
- 5:21ginagawa yan pero alam ko yung pakiramdam na gusto ko maging
- 5:27mas maputi at kahit ngayon kung pupunta kayo sa mga mall at
- 5:33manonood kayo ng telebisyon madaming produkto meron din yung
- 5:39mga sikat na gluta glutathione glutathione at yung mga i v drip
- 5:45na glutathione sa mall at ang daming gumagamit nito mga papaya
- 5:53soap glutathione si ken whitening sa mga sa mga mall
- 5:59iba't ibang serbisyo para pumuti ang balat at alam ko na hindi
- 6:05lang ako ang may karanasan nito makikita mo to sa mga iba't
- 6:10ibang kwento sa ibat ibang kwento ng mga pilipino at kung
- 6:17mapapansin niyo kaya rin madaming gumagamit ng payong sa
- 6:21pilipinas para hindi umitim hindi lang dahil mainit pero
- 6:28para hindi pa lalong umitim ang balat at kung pupunta ka din sa
- 6:36dagat iniiwasan ng mga pilipino ang tanghaling tapat o yung
- 6:41sobrang mainit kasi madaling umitim ang balat at meron ding
- 6:48mga palabas sa telebisyon dati na parang yung mga mas maitim na
- 6:56artista ay yung masama o yung villain at yung mas maputing ng
- 7:04artista ay yung mas mabait at halimbawa yung la luna blanca
- 7:10yung palabas na yun at sa pilipinas ginagamit din yung
- 7:15adjective at yung compliment na artistahin yung artistahin ibig
- 7:21sabihin mukhang artista at ginagamit lang itong adjective
- 7:26na ito kung maputi oo mestiso o chinita yung tao kung maganda
- 7:34ang ilong kung matangos ang ilong kung yung mata na may
- 7:41ibang kulay kung matangkad at hindi yung at tipikal na tangkad
- 7:47ng mga pilipino yon so yung salitang artistahin ay mas
- 7:54ginagamit sa mga caucasian na itsura at ang huling point ay
- 8:00yung beauty standards so alam natin na sa pilipinas yung mga
- 8:05beauty pageant ay mahalaga mahalagang parte ang mga beauty
- 8:12pageant gusto ng mga tao ang beauty pageant manood at bumoto
- 8:18at sumuporta pero syempre kontrobersyal kasi madami sa mga
- 8:25contestant ng pilipino ay may halong ibang lahi halimbawa si
- 8:33megan young yung tatay ay pilipino yung nanay pilipina si
- 8:39pia wurtzback yung tatay ay german nanay ay pilipina si
- 8:46charlene gonzales ah espanyol din at pilipina karen ibasco
- 8:55chinese at pilipina si venus ry medyo ibang kaso kasi morena
- 9:02siya pero ang tatay niya ay indian at nanay nya ay pilipina
- 9:08si catriona gray ay australian at filipina pero yung point dito
- 9:16ay hindi sabihin na mali na sumali ang may halong lahi sa
- 9:25beauty pageant pero sa tingin ko yung mahalagang point dito ay
- 9:30yung tinuturing na maganda yung beauty standard sa pilipinas ay
- 9:37yung mga mestiso mestisa ay yung mukhang caucasian at hindi ang
- 9:46sa tingin ko tipikal na itsurang pilipino na mas maitim ang kulay
- 9:52ng balat mas kayumanggi mas maliit mas pango ang ilong at
- 9:59iba pa pero may magandang balita sa paksang ito kasi kamakan dyan
- 10:07lang nanalo ng miss universe philippines si chelsie manalo at
- 10:13si chelsy manalo ang unang black filipino na nanalo ng miss
- 10:20universe so ang tatay niya ay african american at ang nanay
- 10:25niya ay pilipina at nakakatuwa makita na malaki ang suporta ng
- 10:33mga pilipino sa kanya at sa tingin ko malaking bagay ito
- 10:38para sana magbago ang beauty standards sa pilipinas kasi ang
- 10:45kulay ng balat niya ay mas maitim at yung ilong niya mas
- 10:51pango at tulad ng sabi ko ito lang ang pananaw ko at opinyon
- 10:56ko kung nakatira kayo sa pilipinas at iba ang karanasan
- 11:01niyo o kung mestisa mestiso kayo chinita chinito at may karanasan
- 11:07kayo ng diskriminasyon dahil sa kulay ng balat gusto ko malaman
- 11:14sabihin niyo sa akin kasi yung karanasan ko ay masasabi ko lang
- 11:20sa pananaw dahil meron akong mas maitim na kulay ng balat so
- 11:25hindi ko alam ang buhay ng ibang tao lalo na yung sa may mas
- 11:33mabuting kulay ng balat sa yun lang ang episode ngayong araw
- 11:38salamat sa pakikinig merong transcript kung kailangan niyo
- 11:42at merong picture yun kung gusto niyo itong podcast salamat at
- 11:48paalam n