Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #230 - Buhay ng Pilipinang Nurse sa Germany
Transcript
- 0:05Hello kumusta ko si miguel ng comprehensible tagalog podcast?
- 0:11At ngayon pag uusapan natin. Yung kwento ng isang nars na
- 0:18pilipina sa alemanya. Sa germany ito yung kwento ni
- 0:25maria karen viola. Isa siyang neural surgery nurse
- 0:31dati pa nong twenty nineteen so baka ngayon iba na yung trabaho
- 0:37niya. Di ko alam.
- 0:39Nagtatrabaho siya sa fryburg sa alemanya.
- 0:45At nag aaral siya ng nursing syempre at nakapunta siya sa
- 0:50germany bilang parte ng triple win project ng alemanya at
- 0:56merong mga programa mga joint projects, yung mga german na mga
- 1:04kumpanya. Para mag hire ng mga qualified
- 1:10na mga nars galing sa ibang bansa.
- 1:13So noong twenty nineteen. Marami daw mga nars na nakuha.
- 1:19Na yung mga employer na german. So lampas dalawang libong nurse
- 1:26so bakit kaya umalis ng pilipinas si maria at bakit siya
- 1:31pumunta sa alemanya? Sabi nya yung pangunahing
- 1:36motibasyon niya, yung anak niya, yung anak na lalake nya.
- 1:42Isa siyang single mom. At gusto niyang magtrabaho sa
- 1:48labas ng pilipinas. Para magkaroon ng magandang
- 1:53kinabukasan. Dun yung anak nya.
- 1:57Pwede daw siyang magtrabaho sa iba't ibang bansa, halimbawa
- 2:01canada, australia, america, new zealand kasi marami ding
- 2:08oportunidad para sa mga nars pero pinili niya daw yung aleman
- 2:13kasi maganda yung mga benepisyo para sa mga empleyado sa
- 2:19germany. At dahil daw yung.
- 2:22Yung germany nasa gitna ng europa.
- 2:26Gusto niya daw na magkaroon ng oportunidad na makapagbyahe na
- 2:32makapagbakasyon at mamasyal sa ibat ibang lugar at iba't ibang
- 2:38bansa kapag meron siyang libreng oras.
- 2:43Sabi niya, yung sitwasyon ng mga nars sa pilipinas yung dahilan
- 2:50kung bakit madaming nars na pilipino sa ibang bansa.
- 2:55Mababa daw yung sweldo kahit sa private na sector at kahit sa
- 3:02gobyerno sa public sector mababa yung mga sweldo.
- 3:07Mataas yung nurse to patient ratio ibig sabihin madami silang
- 3:13pasyente na hinahawakan yung employment benefits.
- 3:18Hindi masyadong maganda. Yung access sa basic health care
- 3:23at yung mga oportunidad. Konti daw yung oportunidad ng
- 3:28mga nars sa pilipinas. At pwede daw mag improve pa yung
- 3:35working conditions para sa mga nars.
- 3:38Siya din yung gumawa ng isang facebook group.
- 3:42Yung filipino nurses for germany.
- 3:45Kasi gusto niya ng isang komunidad ng mga nars na nasa
- 3:50alemanya. Nagtutulungan daw sila na nalot
- 3:54na lutasin yung mga problema. Halimbawa kung paano mag apply
- 4:00ng bank account sa alemanya. Kung paano ma overcome.
- 4:05Yung kaba lalo na sa unang araw ng trabaho.
- 4:10Kung pano mag improve yung yung german nila yung lenggwahe.
- 4:16At iba pa so nagtutulungan sila. At nag she share ng iba't ibang
- 4:21resources. At ngayon ang laki na ng grupo
- 4:26nila. Halos.
- 4:28May lampas sampung libong miyembro.
- 4:31Tungkol naman sa mga challenge na kinakaharap niya.
- 4:36Isang challenge daw para sa kanya.
- 4:39Yung pag iintegrate sa bagong kultura sa alemanya.
- 4:46Ibig sabihin yung lengguwahe. Yung kultura sa trabaho.
- 4:51Yung mga ekspektasyon ng mga katrabaho.
- 4:55At isa pa yung pagiging homesick.
- 4:59Buti na lang daw merong support may supporta yung mga nars na
- 5:04pilipino at yung mga katrabaho niya na german.
- 5:09So nakakatulong yun sa pagiging homesick niya.
- 5:13Pero itong mga cultural differences.
- 5:17Tinuruan daw siya kung paano maging mas open minded kasi yung
- 5:24mga germans daw mas seryoso. Mas diretso mas disiplinado.
- 5:29Yung mga pilipino naman. Mas.
- 5:33And to see astic pero mas mahiyain pero sobrang masipag
- 5:39malaking bagay ng pagiging homesick niya yung katotohanan
- 5:43na family oriented talaga yung mga pilipino.
- 5:47Pero sabi niya yung pinaka challenging para sa kanya yung
- 5:51lenggwahe na kahit dalawang taon na siya nakatira sa alemanya.
- 5:57Mahirap pa din magsalita para sa kanya.
- 6:00Kailangan niyang mag isip kung ano yung tamang salita.
- 6:05Kailangan niyang isipin yung tamang grammer.
- 6:10Para maintindihan sya ng ibang tao.
- 6:13Pero buti na lang yung employer niya.
- 6:16Binibigyan sila ng libreng parang language assistance.
- 6:21So pwede siyang mag aral ng aleman.
- 6:25Tapos tinanong siya kung gusto niya ba manatili sa alemanya sa
- 6:30buong buhay niya, gusto niya ba magkaroon ng german citizenship?
- 6:37Sabi niya, hindi niya pa alam. Magandang bansa yung germany
- 6:42para tumira. At kung pwedeng tumira sa
- 6:47parehong bansa yung anak niya. Oo.
- 6:51Pero sa sitwasyon niya. Single mom siya.
- 6:55Hindi niya alam kung may paraan. At kung anong paraan para
- 7:01makapunta din yung anak niya sa alemanya.
- 7:05So mas kumplikado daw yung sitwasyon niya.
- 7:09Yun nga kasi meron siyang anak sa pilipinas.
- 7:12So malayo siya sa anak niya at ayaw niya muna isipin yung kung
- 7:19pwede ba siya makakuha ng citizenship o kung gusto niya ba
- 7:24parang hindi yun yung yung problema niya ngayon gusto niya
- 7:29muna maging permanent resident. Tapos saka na siya mag
- 7:35dedesisyon. Kung gusto niyang tumira at
- 7:39maging citizen ang germany lalo na kung.
- 7:44Pwedeng makapunta sa parehong bansa yung anak niya.
- 7:48So yun yung kwento ni maria viola.
- 7:51Nakakabilib talaga yung mga nars lalo na yung kwento niya kasi
- 7:57isa siyang single mom. At.
- 8:01Yun yung anak nya nasa pilipinas.
- 8:04So alam natin mahirap na desisyon yun.
- 8:07Iwan yung anak mo pumunta sa bagong bansa.
- 8:12Aralan yung lengguwaheng mahirap.
- 8:15At. Yun wala kang kakilala.
- 8:20Buti na lang may komunidad siya so malaking desisyon pero ginawa
- 8:25niya. At mukhang.
- 8:27Okay naman yung desisyon nya kasi.
- 8:31Yan na feature siya sa isang website ng alemanya so yun ang
- 8:38kwento nya. Salamat sa oras nyo.
- 8:41Pwede kayong. Mag download ng transcript nasa
- 8:45description at meron tayong page yon kung gusto nyo.
- 8:50Mag ambag sa podcast. Maraming salamat at paalam.