Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #249 - Ano ang "Bahay Kubo" at ang sikat na folk song tungkol dito?
Transcript
- 0:05Hello. Kumusta ako si miguel?
- 0:10At ngayong araw pag uusapan natin yung bahay kubo.
- 0:16Ano ba yung bahay kubo? At ano yung kantang bahay kubo?
- 0:24So yung bahay kubo isang klase ng bahay.
- 0:28Siguro alam niyo yung salitang bahay.
- 0:32Syempre doon nakatira yung mga tao.
- 0:36Doon tayo natutulog kumakain nakatira.
- 0:41Galing sa proto malayo polynesian na salita na balay.
- 0:48Yung ibig sabihin public building o community house.
- 0:53At yung salitang kubo galing sa proto malayo polynesian din na
- 0:58salita na kubu yung ibig sabihin daw yung field hot sa mga rice
- 1:06fields. So yung bahay kubo yun yung
- 1:10lumang bahay o tradisyonal na bahay ng mga katutubong pilipino
- 1:16dati. Noong dumating yung mga
- 1:20amerikano pinangalanan nila tong nipa hut sa ingles.
- 1:26Kasi yung ginagamit na materyal yung nipa.
- 1:30Yung dahon. Ng nepa.
- 1:33Isang klase ng. Ng poultry sa asya at sa mga
- 1:39tropikal na bansa. At yung bahay kubo yung ganitong
- 1:44klase ng bahay. Bagay na bagay sa klima sa
- 1:48pilipinas. Kasi.
- 1:52Nakaangat yung bahay. Sa mga parang may stilts
- 1:58nakaangat yung bahay. Ibig sabihin mas mataas siya sa
- 2:02sahig. Parang pwedeng proteksyon daw sa
- 2:07baha. At pwede ding magbigay ng.
- 2:11Nagiging mas mahangin doon sa loob ng bahay kasi mas mataas
- 2:16yung bahay. Dati yung mga bahay kubo yung
- 2:22mga ganitong klaseng bahay. Kadalasan maliit lang at simple.
- 2:28Pero ngayon merong mga. Mga ibang klase ng bahay kubo.
- 2:35Meron ng mas mga malaki. Merong mas moderno.
- 2:39So meron ng iba't ibang disenyo. So simple lang yung bahay pero
- 2:46presko tsaka. Hindi mahal kasi gawa sa mga
- 2:51materyales na madaling makita at mahanap sa pilipinas.
- 2:59Yung dahon ng nipa at yung bamboo matibay yung bambu
- 3:06syempre tapos minsan meron ding mga ibang kahoy na ginagamit.
- 3:12Minsan ginagamit din yung ibang parte ng puno ng buko dahil
- 3:18itong bahay na to. Malaking parte sa buhay noong
- 3:23mga katutubo bago pa dumating yung mga espanyol.
- 3:28Merong sikat na folk song na. Tungkol sa bahay kubo.
- 3:35At yung kanta may pangalang bahay kubo.
- 3:40Yung gumawa daw ng kanta si felipe padilla de leon.
- 3:46At yung kanta. Luma na matagal na.
- 3:51Noong panahon pa ng mga espanyol para ipakita sa kanta yung yung
- 3:58buhay sa probinsya nung panahon na yun.
- 4:01At pinasa ng pinasa sa susunod na henerasyon itong kantang to.
- 4:07Kaya hindi tayo sigurado kung kailan talaga ginawa yung kanta.
- 4:13Pero yung unang. Record at parang dokumentasyon.
- 4:19Nung kanta noong nineteen twenty four.
- 4:23Kasi gumawa si emilia cavan ng koleksyon ng mga filipino folk
- 4:30songs. So tulad ng sabi ko itong folk
- 4:34song na to. Sikat sa pilipinas kasi tinuturo
- 4:39sa eskwelahan noong bata ako. Kaya yung melodia sobrang
- 4:45pamilyar. Sa totoo lang simple lang yung
- 4:49kanta. Kinukwento yung simpleng buhay
- 4:53sa bahay kubo. At yung iba't ibang gulay na.
- 5:00Nakatanim. At pwedeng kainin so pinapakita
- 5:05din ng kanta. Yung pagiging self sufficient sa
- 5:11buhay sa probinsya. Kasi meron ka ng bahay yung
- 5:16bahay kubo na gawa sa mga materyales na makikita mo sa
- 5:21paligid mo tapos meron ka pang iba't ibang gulay at lupa na
- 5:29maganda. Pwede kang magtanim pwede kang
- 5:33mag ani. So sabi sa kanta.
- 5:37Bahay kubo. Kahit maliit.
- 5:42Yung halaman doon iba iba. Tapos binanggit yung iba't
- 5:48ibang. Gulay halimbawa yung singkamas.
- 5:52Yung talong sigarilyas mani sitaw bataw patani.
- 6:00Kundol patola. Upo kalabasa.
- 6:07At meron pang iba labanos mustasa sibuyas kamatis.
- 6:15Bawang luya. At sa paligid ng mga gulay na
- 6:22yun. Maraming linga.
- 6:25Yung linga yung parang sesame seeds at sesame ganun.
- 6:31At maraming iba't ibang version ng kanta.
- 6:34Kahit yung mga sikat na mang aawit.
- 6:38Halimbawa si lea salonga. O si gary valenciano meron
- 6:43silang mga mga sariling version ng bahay kubo.
- 6:49At interesante kasi yung mga gulay na binanggit sa filipino
- 6:55folk song na bahay kubo. Hindi sila native sa pilipinas.
- 7:02Merong libro noong fourteen ninety three si charles man.
- 7:07Yung titulo ng libro uncovering the new world that columbus
- 7:12created. At ayon sa pagsasaliksik ni
- 7:17charles man. Yung mga halaman na yun.
- 7:21Galing daw sa africa, sa amerika at sa east asia.
- 7:28So hindi katutubo hindi hindi ingenious.
- 7:32Na pilipinong species. So interesante lang kasi yung
- 7:38tinuturing na identidad namin ngayon.
- 7:42Identidad natin ngayon. Galing sa impluwensya galing sa
- 7:48labas at. Magandang salamin to ng lipunan
- 7:54sa pilipinas na halo halo. May iba't ibang.
- 8:00Impluwensya at iba't ibang. Sangkap ang pagiging pilipino at
- 8:06ang buhay sa pilipinas. Kaya nagiging kakaiba at nag
- 8:13iisa at talagang pilipino. Sa iyo ng episode tungkol sa
- 8:20bahay kubo yung tradisyonal na bahay ng mga katutubo sa
- 8:25pilipinas at yung sikat na folk song.
- 8:29Sikat na kanta na bahay kubo. Salamat sa oras mo merong
- 8:35transcript kung kailangan mo merong patreon kung gusto mo
- 8:39suportahan tong podcast ingat at paalam.