Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #255 - Interview - LGBTQIA+ na Komunidad sa Pilipinas, Pagiging Lesbian, Filipinx, Gay Lingo, at Dating Apps sa Pilipinas (ft. Veronica)
Transcript
- 0:10Hi ako si viy or veronica anyos mag aaral sa unibersidad ng
- 0:16pilipinas at may nobya galing sa bumble.
- 0:20Ayos. Eh sige so.
- 0:24Mag uusap tayo ngayon kasi gusto ko malaman yung karanasan mo.
- 0:28Bilang ah lesbian. Eh jowang babae at parte ka ng l
- 0:35g b t q na komunidad sa pilipinas so ngayon pwede natin
- 0:41simulan. Pwede mo bang ikwento?
- 0:44Yung. Paano nagsimula?
- 0:47Paano mo nalaman na? At attracted ka sa babae.
- 0:53Yung ganun kung okay. Lang oo naman.
- 0:56Ano ba nagsimula nung three years old ako?
- 1:00Napanood ko yung titanic. Tapos nagandahan ako kay kate
- 1:05winslet. So siya yung unang celebrity
- 1:07crush ko. Tapos mula nun sa mga babae ako
- 1:13nagkakagusto. Parang.
- 1:16Syempre yung ibang mga kaibigan ko mga kaklase ko opposite sex
- 1:22so napansin ko na parang iba. Kaya medyo tinago ko kasi parang
- 1:27mali nga may time pa noon na akala ko trans ako o kailangan
- 1:32ko maging trans para. Malaman ng mga tao na sa babae
- 1:39ako nagkakagusto. Pero ngayon nauunawaan ko na isa
- 1:43akong babae na nagkakagusto sa kapwa babae.
- 1:47So sinabi mo parang naramdaman mo na parang mali or anong ilang
- 1:53taon ka? Ilang taon ka nun nung
- 1:55naramdaman mo parang parang mali ito at sa tingin mo saan
- 2:00nanggaling yun? Syempre napansin ko na kapag
- 2:04nagkukwento yung mga kaklase ko ng crush nila alam mo naman yung
- 2:07mga bata bata lang na crush, maliliit na happy crush.
- 2:13Laging yung mga babaeng kaibigan ko sa lalaki si kaya parang
- 2:17bakit ako lang ba ang nagkakagusto sa mga babae?
- 2:21Naalala ko pa na. Hindi ko alam kung bakit pero
- 2:25yung nanay ko meron siyang gaydar.
- 2:28Tapos nya bata pa lang ako pinapaamin na niya ako.
- 2:33Sabi niya anak ang kung tibo ka. Basta sabihin mo.
- 2:38Pero alam mo yun yung parang pinapaamin ka niya na ikaw ba
- 2:43kumuha nung cookie na hindi mo dapat kainin.
- 2:47Parang ganun yung pakiramdam. Parang kahit pinapaamin niya ako
- 2:51hindi ako umaasa. Parang na sense ng nanay mo.
- 2:57Na may gusto ka sa mga babae. Paano nya naramdaman?
- 3:02Siguro alam naman natin sa sogie ngayon na hindi mo dapat i base
- 3:08sa pananamit ng tao kung ano yung sexual orientation nila o
- 3:13gender identity nila. Pero napansin ng nanay ko na
- 3:18hindi ko gustong nagsusuot ng dress.
- 3:21Hindi ko gustong naka skirt. Mas gusto ko naka pantalon at t
- 3:24shirt lang mula nung bata. Tapos kapag gumalaw ako medyo
- 3:30tinatawag nilang boyish or parang tomboy.
- 3:34Yeah dun nya siguro naisip. Na baka ah may gusto yung anak
- 3:39ko sa mga babae. Pero nung sinabi niya yun sayo.
- 3:43The hindi mo pa din sinabi parang natakot ka na sabihin.
- 3:49Oo parang. Parang pinapa amin ka na mali
- 3:53yung ginagawa mo kahit na hindi na.
- 3:58Kasi alam mo. Para sa kanya.
- 4:02Parang mali pa din yung ganung ng magkagusto sa babae.
- 4:06Alam ko naman na siguro mararamdaman mo rin na parang.
- 4:12Iba iba ka kumpara sa mga tao sa paligid mo.
- 4:18So. Isang natatakot ka noong panahon
- 4:21na yun. Ano yung kinakatakot mo yung
- 4:26tutuksuhin ka ng ibang bata o yung siguro sa ibang tao
- 4:33itatakwil ng magulang di ba ano yung parang pinaka nakakatakot?
- 4:38Siguro bilang bata na may mga kaibigan.
- 4:43Nakakatakot matukso kasi. Alam naman natin.
- 4:48Medyo malakas mambully. Ang mga bata na dahil hindi pa
- 4:55naman nila alam kung ano ang tama at mali sa mga ganung bagay
- 5:00ah. Natakot talaga ako na maging
- 5:01outcast sa school. And nagkukunwari ako na may
- 5:06crush sa lalaki kahit anong pilit ko wala talaga siguro yun
- 5:10ang nakakatakot na maging outcast ka.
- 5:13Sa nanay ko naman masasabi ko na solo.
- 5:17Your parents sya at only child ako.
- 5:21Kaya binibiro ko siya na wala siyang choice kundi tanggapin
- 5:25ako. Hmm pero kailan?
- 5:30Parang kailan ka? Talagang umamin o nagkwento sa
- 5:36magulang mo o sa mga kaibigan mo na.
- 5:39Parang oo ito yung sexual orientation ko.
- 5:44Ito talaga ako. Parang kailan yung panahon na
- 5:46yun sayo. Ano nasabi ko siya sa nanay ko
- 5:51nung. May girlfriend ako nung first
- 5:54year college ako. Sinabi ko sa kanya.
- 5:59Ma anong gagawin mo kung. Sa babae ako nagkakagusto.
- 6:04Sabi niya okay lang anak. Alam ko naman noon pa.
- 6:09Kaya naging magaan naman sa mga kaibigan naman.
- 6:13Naririnig natin yung mag a out yung gagawa ka ng facebook post
- 6:19na nakalagay dun kung ano yung sexual orientation mo or gender
- 6:24identity mo. Pero wala akong ganun.
- 6:28Magtataka kilala lang ako na uy. Eto yung girlfriend ko sir
- 6:33nakilala mo na ba siya? Siya yung dine date ko ngayon.
- 6:38Tapos. Ano yung reaksyon kadalasan ng
- 6:43mga tao. Halimbawa ang pinakilala mo oh
- 6:46siya yung siya yung girlfriend ko siya yung jowa ko.
- 6:49Parang meron bang partikular na reaksyon?
- 6:53Parang normal lang. Ano yung kadalasang reaksyon?
- 6:56Siguro depende kung kanino. Kapag medyo nakatatanda sa atin
- 7:03na hindi gaanong nauunawaan ang l g b.
- 7:07T q i a plus sasabihin nila. Sayang.
- 7:11Sayang ang ganda mo pa naman. Na medyo nakakalungkot kasi
- 7:16parang. Bakit naman?
- 7:18Sayang. Hindi ba dapat maging masaya ka
- 7:21na? Masaya kami at nakakapag mahal
- 7:24kami. Madalas nilang tinatanong.
- 7:27So sinong lalaki or babae sa inyo?
- 7:31Medyo nakakapikon kasi babae nga kami pareho.
- 7:36Di laging may lalaki at babae ayun ayun yung dalawang
- 7:41pinakamadalas kong marinig mula sa mga tao.
- 7:45Tapos kadalasan sa mga mas nakatatanda yung ganung
- 7:49reaksyon. Oo yung sayang.
- 7:52Grabe yung reaksyon na yun kasi minsan sa pilipinas.
- 7:57Parang may mga komento na parang pabiro lang.
- 8:01Pero alam mong gusto talaga nilang sabihin so ano pa yung sa
- 8:06nabanggit mo yung mga ganoong reaksyon.
- 8:09Gusto ko pang malaman kung meron bang iba pang mga parang
- 8:13challenges. Na nararanasan ka.
- 8:17Um ngayon sa pilipinas dahil doon.
- 8:21Ayun galing ako sa unibersidad ng pilipinas na kung saan medyo
- 8:28malawak ang. Sabihin na lang natin liberal.
- 8:34Kaya lahat naman ng nakakasalamuha ko ay.
- 8:38Natatanggap nila. Hindi lang tanggap eh like
- 8:43parang suportado sila sa kung saan ako masaya ganun.
- 8:50Ngayon siguro mahirap. Mag out lalo sa mga.
- 8:56Kamag anak. Kasi ayun nga bilang.
- 9:01Only child ng single mother. Natatakot ako na baka sabihin
- 9:06nila na. Hindi ka kasi napalaki ng maayos
- 9:11oh may pagkukulang sa nanay mo. O baka sabihin nila na wala ka
- 9:17kasing father figure so medyo nag aalala ako na baka isipin
- 9:22nila yun. Kahit na hindi naman pero tingin
- 9:28ko kulang pa rin talaga ang edukasyon.
- 9:32Tungkol sa gender sensitivity ano sa pilipinas?
- 9:37Kasi iniisip nila. Na naging factor yung yun nga
- 9:42single mom yung was mag isa ka. Wala kang kapatid.
- 9:47Ng mga ibang kamag anak mo parang naging dahilan yun kung
- 9:51bakit eto yung parang gender identity mo.
- 9:54Natatakot akong isipin nila yun kaya hindi rin ako nag aa out sa
- 10:00kanila. Madalas sa mga kaibigan lang
- 10:03talaga. At sa mga pinsan.
- 10:06Meron din bang? Kung okay lang kasi.
- 10:11Ako sa pilipinas parang minsan may ekspektasyon na magka anak
- 10:15tayo ng yun may may pamilya tayo may anak.
- 10:20Parang meron din bang ganung ekspektasyon sayo yung ibang
- 10:24kamag anak mo magka anak tapos sasabihin nila.
- 10:28Ayun sayang. Siguro.
- 10:30Hanggang ngayon kasi pag tinatanong ako o may nobyo ka na
- 10:34ba? May boyfriend ka na ba?
- 10:36Syempre sasabihin ko ay wala po. Pero sa totoo lang may
- 10:41girlfriend ako. Kaya hindi nila naiisip na
- 10:45magkakaanak ako kasi. Dahil nga inuuna ko muna yung
- 10:50career. Pero napag usapan namin to ng
- 10:54nasabi niya isang beses na. Anak.
- 10:58Kailangan mong magka anak para may mag aalaga sayo pag tanda
- 11:02mo. Na again hindi magandang pag
- 11:06iisip na gawing investment ang mga anak.
- 11:10Natawa ka dun ha. Hmmm.
- 11:14Hmm pwede mo bang i ipaliwanag yung sinabi mo na gawing
- 11:20investment yung mga anak? So may ganung parang pag iisip
- 11:25sa pilipinas yung magulang. Madalas alam ko marami na ring
- 11:31usapin tungkol dito na parang. O pag aaralin ka.
- 11:37Papakainin ka na ah makakatulog ka sa ilalim ng bubong.
- 11:42Pero pagtanda namin. Dapat ganito.
- 11:46I mean si my close family ties din sa mga pinoy oo
- 11:51responsibilidad mong alagaan yung magulang mo.
- 11:54Pero hindi yung parang. Okay langan ganito kailangan
- 12:00ganun. Nage gets mo.
- 12:03Uh. Uh parang may expectation na
- 12:07kailangan mo silang alagaan. Kailangan mong magbigay ng pera.
- 12:12Suporta ng buong buo malaking pressure din di ba sa sa atin?
- 12:19Pero kung mahal mo naman yung magulang mo at may extra ka
- 12:24naman. I mean kung kaya naman di ba?
- 12:29Gagawin natin yan di ba? Parang automatic.
- 12:32Pero minsan yung. Kapag sasabihin na o dapat yung
- 12:38tulad ng sabi mo o dapat may anak ka para may mag aalaga.
- 12:42Parang. Nagkakaanak ka kasi.
- 12:47Bakit nga ba? Oo nga bakit nga ba?
- 12:51Napaisip din ako dun ha. Sa tingin ko yung desisyon na
- 12:56yun parang personal. Dapat may sariling dahilan ka.
- 13:02So kung ano man yun? Hindi siya dapat parang iimpose
- 13:08o manggagaling yan sa nanay natin o sa ibang.
- 13:11Tao kasi malaking responsibilidad ang magka anak.
- 13:15Hindi lang pera. Kailangan mo rin silang turuan
- 13:19kung pano maging mabuting tao. Uh iisip ko pa lang parang ang
- 13:24hirap. Kaya bilib ako.
- 13:27Totoo so yun nakwento mo? Ah na nasasabi ng nanay mo sayo.
- 13:33Ang kailangan kailangan mong magkaanak.
- 13:37So paano mo ano? Pano bang tanong na sinabi mo na
- 13:40na parang hindi mo gusto yung ganoong mga statement?
- 13:44So meron bang parang? Parang magmi meet kayo sa gitna
- 13:49o paano mo parang ia apis yung ganung parang kagustuhan niya
- 13:54oo. Perspektibo nya.
- 13:56Ikaw ang maganda sa nanay ko. Hindi naman niya ipipilit at.
- 14:02Parang iniisip niya lang din naman yung kapakanan ko sa
- 14:05hinaharap. Na naiintindihan ko kahit na.
- 14:10Parang mali yung. Yung nasabi niyang yun nga,
- 14:15nabanggit ko naman sa kanya na. Kapag naging stable ako sa
- 14:19future kapag gusto namin ng partner ko na magka anak eh di
- 14:24magkaka anak kami. Pero siguro huwag na lang niyang
- 14:28asahan na magkaka apo. Sana matuwa lang muna siya sa
- 14:33mga apo niya sa mga pinsan. Ko.
- 14:36Ako yung sinabi mo. Kasi minsan yung.
- 14:40Magulang natin o ibang mga tao. Gusto nila yung.
- 14:46Yung maging okay tayo. Sa gusto nya may mag aalaga
- 14:50sayo. So siguro yun yung pinaka nasa
- 14:53isip nya. Sa tingin ko maganda parang
- 14:55positibo di ba? May magandang intensyon?
- 14:58Tapos pag usapan naman natin yung kasi sinabi mo kanina sa
- 15:02unibersidad ng pilipinas. Parang mas liberal um pero pwede
- 15:08mo bang ikwento yung perspektiba mo sa parang estado sa status
- 15:13ng. Ah ng l g b t q i a na komunidad
- 15:17sa pilipinas. Sa pilipinas in general.
- 15:22Hmm siguro ngayon bilang pride month ano?
- 15:26Happy pride. Oo nga.
- 15:29Ah ayun tuwing hunyo. Ang pride month.
- 15:35Ah maganda kasi nagiging visible.
- 15:38Na maraming miyembro ng komunidad.
- 15:42Na mga tao rin kami na may karapatan.
- 15:47At yun ang pinaglalaban tuwing pride month.
- 15:51Si pero nakakalungkot lang marinig minsan na o j ngayon
- 15:56enero ngayon bakit kayo nag iingat eh may pride month nga
- 16:00kayo hindi nila nauunawaan na. Hindi lang naman fonio kami.
- 16:08Bading. Like bading kami buong buhay na
- 16:13at may karapatan kami buong taon hindi lang sa hunyo.
- 16:17Kaya nakakalungkot lang makarinig ng mga ganung salita
- 16:20paminsan. Sa tingin mo?
- 16:23Nabanggit mo na to kanina. Sa tingin mo kailangan pa ng
- 16:26mas. Mas matinding mas maraming
- 16:30awareness. Tungkol sa komunidad niyo.
- 16:34Siguro awareness. In the sense na.
- 16:39May understanding. At empathy.
- 16:43Na uunawaan kung ano ang nararamdaman namin.
- 16:48At hindi lang ah alam namin na nag e exist kayo.
- 16:54Alam mo yun. Yung walang paghuhusga ganun ba?
- 16:59Oo. At yung mga misconception na.
- 17:05Ah kapag nakapag lesbian ka dapat maiksi buhok mo o mukha
- 17:10kang lalaki. Eh iba yun sa gender expression.
- 17:16Gusto mo bang masculine yung itsura mo o gusto mo feminine?
- 17:21Hiwalay yun sa nararamdaman mo kung.
- 17:25Ano ba gender identity mo? Lalake ka ba babae?
- 17:31Pareho o. Wala sa nabanggit.
- 17:36Iba pa rin dun kung kanino ka nagkakagusto or sexual
- 17:39orientation, nagkakagusto ka ba sa lalaki sa babae?
- 17:46Sa pareho sa lahat sa wala alam mo yun na parang.
- 17:53Magkakaiba yung sexual orientation, gender identity and
- 17:58gender expression. At kailangan pa yung matutunan
- 18:02ng mas maraming tao sa palagay ko.
- 18:06Mmm so pwede mo bang ipaliwanag kasi kahit ako sa totoo lang.
- 18:13Minsan nagkakamali ako siguro madalas nalilito.
- 18:17Pwede mong ipaliwanag yung mga sinabi mo.
- 18:21Sige po so so g sexual orientation s o.
- 18:27G i gender identity. And e or gender expression.
- 18:34Simulan natin sa sexual orientation.
- 18:38Ah. Masasabi don na.
- 18:41Gay or homosexual kapag nagkakagusto ka sa parehong
- 18:46kasarian or parehong sex. So maaaring lalaki ka
- 18:52nagkakagusto ka sa lalaki babae nagkakagusto sa babae.
- 18:57So yun ang. Isang sexual orientation gay or
- 19:02homosexual meron namang tinatawag na bisexual na
- 19:06nagkakagusto sa lalaki at sa babae.
- 19:10Meron ding tinatawag na pan sexual.
- 19:14Nagkakagusto ka sa babae. Non binary at lahat.
- 19:19Ng iba pang gender identity na meron.
- 19:24Ano pa ba? Pwede ka ring maging asexual.
- 19:28Sexual orientation na hindi ka nakaramdam ng attraction sa
- 19:33kahit na sino. Kung ano mang kasarian.
- 19:36So yun yung sexual orientation? Sa gender identity.
- 19:42Pwedeng. Ano nararamdaman mo tungkol sa
- 19:45sarili mo. Lalaki ka ba?
- 19:48Babae ka ba? Yung iba.
- 19:51Hindi lalaki at hindi babae. Yung iba minsan lalaki minsan
- 19:57babae o tinatawag na gender fluid yung nabanggit ko kanina
- 20:01na hindi lalake. Hindi rin babae ang tinawag dun
- 20:05ay non binary. So yun ay gender identity kung
- 20:09ano yung identidad mo sino ka? Last ay gender expression.
- 20:15Maraming iba ibang paliwag. Nag tungkol sa gender
- 20:19expression. Pero yung gusto kong paliwanag
- 20:23ay isa siyang spectrum. Sa isang side masculine sa
- 20:28kabilang dulo. Feminine.
- 20:31Maaaring nasa gitna. Or androgynous.
- 20:37Bale ang gender expression ay kung paano mo.
- 20:41Pine presenta ang sarili mo sa mundo.
- 20:45Maaaring paano ka manamit? Anong klaseng make up ang
- 20:49ginagamit mo? Anong klaseng buhok ang meron
- 20:52ka? Paano mo dinadala yung
- 20:56pananamit? Salamat.
- 20:59Maraming salamat. Pasensya na pahaba.
- 21:02Hindi ganda. Ang ganda ng paliwanag.
- 21:05Salamat. O pamilyar ka ba sa.
- 21:09Parang estado o pagtanggap ng ng l g b t q i a ng komunidad sa
- 21:16ibang bansa. At kung oo paano mo siya
- 21:19makukumpara sa bansa natin? Wala.
- 21:22Pa akong nakausap ng personal ano?
- 21:26Galing sa ibang bansa. Pero sa mga nababasa ko mga post
- 21:32sa instagram sa twitter. Sa facebook.
- 21:38Parang pareho lang. At least naiisip ko ngayon sa.
- 21:43Sa, estados unidos. May mga tumatanggap sa l g b.
- 21:47T q i a plus may mga hindi. Parang sa pilipinas ganun.
- 21:55May mga tumatanggap may mga hindi ayun tingin ko sa estados
- 21:59unidos yung pinaka pamilyar ako sa opinyon nila.
- 22:03Iniisip ko sa ibang bansa na legal yung kasal.
- 22:07Tingin ko lagi't laging madalas. Merong hindi nakakaunawa.
- 22:14Oo hindi nakakatanggap sa mga miyembro ng komunidad ng l g b.
- 22:20T q i a plus ikaw ba anong may alam ka ba?
- 22:26Oo. So tumira ako sa sa espanya
- 22:30malaking bagay yung sinabi mo sa tingin ko sa kasal so yun pwede
- 22:36magpakasal yung yung parehong. I'm sex oo lalaki lalaki.
- 22:44Halimbawa puwede sa tingin ko parang pakiramdam ko malaking
- 22:51bagay yun para sabihin ng bansa o ng lipunan na.
- 22:57Totoo oo tanggap namin kayo walang problema.
- 23:03Parang pare pareho tayo sa bansa na.
- 23:06Pwede kayong magpakasal. So sa espanya pakiramdam ko may
- 23:11ganun talaga na. Na normal na alam mo yun hindi
- 23:17tulad sa pilipinas sa opinyon ko.
- 23:21Yun nga parang may ihiwalay na kategorya.
- 23:24Yung naramdaman ko sa espanya. Hindi na siya parang normal na
- 23:30sya. Nakakatuwa namang marinig yun na
- 23:33parang hindi siya iba sa lalaki at babae.
- 23:37Mabaho ng pagkakaintindi. Oo parang hindi na siya hindi na
- 23:42siya usapan hindi tulad sa pilipinas.
- 23:45Tingin mo ba malaking bagay na? May batas na maaari silang
- 23:50magpakasal maiisip ah wala naman palang pinagkaiba.
- 23:55Tao rin naman sila. Sa tingin ko oo.
- 23:58Malaking bagay yung. Ang mga policy sa pilipinas may
- 24:04ganun bang pinaglalaban na bill o?
- 24:08Sa sa mga batas natin. Para magpakasal.
- 24:14Hindi ko sigurado kung may naka kung may batas silang.
- 24:19Kasalukuyang. Pinu push ano.
- 24:23Pero alam ko sa quezon city. Kung pamilyar ka.
- 24:28Parang ina acknowledge nila yung.
- 24:31Kapag kasal kayo. Merong mga karapatan.
- 24:36Na natatanggap yung partner mo. Na halimbawa pag sa ospital.
- 24:44May karapatan yung partner mo na magdesisyon para sayo.
- 24:48May karapatan yung partner mo na makapasok di lang asawa mo kapag
- 24:52nasa ospital ka. Di ba may ganon?
- 24:57Tapos sa quezon city. Ina acknowledge nila.
- 25:04Yung. Life partner.
- 25:09Na. Maka maging parte ng
- 25:14pagdedesisyon. Tungkol sa hospitalization.
- 25:19Nung partner niya. Sa quezon city lang.
- 25:24Oo sa pagkakaalam ko sa quezon city pa lang.
- 25:29So sa tingin mo magandang? Simula ito.
- 25:34Oo. Ang sinasabi nga nila malayo pa
- 25:38pero malayo na. Kahit papano may progreso konti
- 25:44konti. Sige gusto ko din malaman.
- 25:48Kasi nabanggit mo din yung estados unidos.
- 25:52Pag usapan natin yung. Parang pro noon.
- 25:56Buti na lang sa tagalog yung siya.
- 25:59So ibig sabihin ba nun? Walang issue satin non o
- 26:04halimbawa kapag nagta taglish sayo ang nag iingles.
- 26:08Nagiging issue. Tingin ko pag sa wika.
- 26:11Di ba may kung tama yung pagkakaunawa?
- 26:15May mga wika na may gender. Tulad ng.
- 26:20A spanish tama ba? So ang alam ko sa filipino.
- 26:26Wala eh siya. Para kahit sino ganun sa
- 26:32pronounce. Pero alam ko sa ingles.
- 26:36Ginagamit na rin yung they. Na hindi lang plural pero parang
- 26:42singular din. Parang instead na he or she they
- 26:46na lang yung ginagamit nila di ba?
- 26:49So sa pilipinas may ganun ba na augusto ko?
- 26:53They ah gusto ko sila yung pronoun ko.
- 26:56Sa parang wala parang english english lang talaga.
- 27:00Tapos kasi may mga sitwasyon na o may mga lugar na nag eenglish
- 27:05tayo. Sa wala ka pa din bang nabasa na
- 27:09ganun? Na pilipino sa pilipinas.
- 27:13Tapos gusto nila. Um iba yung pronoun.
- 27:18Mga nakita ko example sa trabaho o sa trabaho nakalagay dun
- 27:25pangalan nila tas sa baba. She slash the.
- 27:31Pero sa english hindi sa filipino kasi nga siya lang
- 27:35naman yung meron. Ayan nakakita na ako ng mga
- 27:39ganun. Tingin ko ginagamit nila yun
- 27:42para. Awareness na rin sa kung anong
- 27:47pronounce yung komportableng gamitin ang tao.
- 27:50At kung anong title halimbawa kung mister miss.
- 27:56Di ba kasi makukuha mo dun sa pronounce kung.
- 27:59Ano yung gender identity at anong gustong itawag dun sa tao?
- 28:05Nabasa ko din sa estados unidos at.
- 28:10May mga kaibigan ako kakilala na pilipino na nasa estados unidos.
- 28:16O mga filipino american lumakay sa estados unidos.
- 28:21So madalas nilang. Kapag sinasabi nilang pilipino o
- 28:27filipino yung o sa dulo parang o a sa filipino, filipina or may x
- 28:33so parang filippine tapos x um. Oo philippine next yan.
- 28:41Meron bang ganun sa pilipinas na encounter mo na ba yun?
- 28:44Tingin ko na na may nabasa na akong diskurso tungkol dito.
- 28:51Kung tama yung pagkakaalala ko ay.
- 28:53Nagsimula siya sa latin. Latin x tama ba yun oo.
- 29:00Tapos parang in adopt siya sa ibang mga lengguwahe.
- 29:05May mga taong nagsasabi na sa filipino americans lang pero ang
- 29:09mga filipino na nasa pilipinas hindi ginagamitan ng x yung.
- 29:16Filipino o filipina kasi sa pagkakaintindi ko ang filipino
- 29:21ay para sa lahat hindi dahil nagtatapos siya sa letrang o ay
- 29:26panglalaki na siya kahit na merong term na filipina.
- 29:31Parang umbrella term pa rin yung filipino para sa lahat.
- 29:35Ganun yung pagkakaunawa ko. Para sayo.
- 29:40Parang personally. Mas okay ba na ma adopt natin
- 29:44yung ganun? Na yun nga may philippine ex o
- 29:49okay na yung. Yung tulad ng sinabi mo na ang
- 29:52parang umbrella term sya. Tingin ko sa ma sa mga nabasa ko
- 29:57sang ayon yung mga tao sa paggamit ng philippine x at
- 30:03least sa mga tao sa pilipinas. Tingin ko dahil sobrang.
- 30:10Banyagang konsepto ito para sa kanila.
- 30:14Kaya. Personally.
- 30:17Tingin ko okay lang yung filipino.
- 30:21Pinoy. Na umbrella term sa lahat.
- 30:26Sakin lang ha. Hmm naintindihan ko sige
- 30:31salamat. Ngayon naman gusto kong malaman.
- 30:35Meron bang role model sa l g b? T q i a ng komunidad.
- 30:40Kasi halimbawa. Bilang hindi parte ng komunidad
- 30:45nung nasa isip ko vice ganda. So masasabi ba na?
- 30:52Maganda siyang role model at pinaglalaban niya yung komunidad
- 30:56niyo. At ibang hindi na ako mag
- 30:59commento tungkol kay vice ganda. Hmm sige.
- 31:05Siguro masasabi ko. May mga artista.
- 31:11Na hindi man sila out o maaaring.
- 31:15Alay sila. Na pinaglalaban yung.
- 31:21Mga l g b t q i a plus halimbawa ay si janella salvador kung
- 31:28pamilyar ka sa kanya. Sino siya?
- 31:32Si janella salvador ay. Isang babaeng artista.
- 31:38At gumawa siya ng music video. Kasama yung.
- 31:44Co star niya sa darna si jane de leon.
- 31:49Na masasabing sapphic. Oh w l w.
- 31:56Pakipaliwanag yung yun. Sapphic ay mga babaeng
- 32:02nagmamahal ng kapwa babae w l w women loving women.
- 32:09So ayun video ni janella salvador ay sa pagkakaalam ko ni
- 32:16release niya. June last year.
- 32:20At pinerform niya nung pride march sa quezon city tapos para
- 32:25tuloy akong nag aano nagpu plug. Hindi ako parte ng ano ah
- 32:32production team nila. May komisyon ba?
- 32:36Wala hindi po. Meron silang.
- 32:41Ah film na ipapalabas sa cinemalaya open endings.
- 32:48Sa cinemalaya at twenty twenty five.
- 32:52Hmm. Sa pagkakaunawa ko.
- 32:56Tungkol ito sa l g b t q i a plus.
- 33:01Okay open endings yung pangalan ng pelikula.
- 33:04Okay salamat sige papanoorin ko. Salamat.
- 33:09May relasyon din yung susunod na tanong ko.
- 33:12Buti nabanggit mo yung pelikula. Kamusta yung?
- 33:17Yung portrayal ng yun nga ng l g b.
- 33:20T q i a plus na komunidad sa pilipinas.
- 33:24Yung mga duck. Karakter sa palabas sa pelikula.
- 33:31Kamusta yung ganun? Siguro isa isahin natin ano?
- 33:36Tagas na. May man na best friend yung
- 33:41bida. Na taga bigay ng.
- 33:45Comedic relief. Yan yung madalas nating
- 33:48napapansin. Meron din naman nabanggit mo nga
- 33:51kanina si vice ganda sa private benjamin t well film series.
- 33:58Na comedy to like nagpapatawa din.
- 34:03Na kadalasan ganun yung nagiging role nila sa media.
- 34:07Sa kabilang banda naman napansin ko.
- 34:11May iilang? Lesbian or bisexual na.
- 34:16Mga palabas of film. At medyo seryoso yung seryoso
- 34:24yung tone nung film. Ipinapakita talaga kung ano yung
- 34:29mga struggles. Ano yung paghihirap na dinaranas
- 34:33ng mga ah lesbians or bisexual na babae?
- 34:38Lalo na sa usapin ng hindi pagiging out.
- 34:43Sa pamilya pa sa mga kaibigan, tingin ko yun yung madalas kong
- 34:47nakikita. Siguro.
- 34:51Medyo isipin ko lang kung nasa posisyon ba ako para magkomento
- 34:55dito ha. Mapapansin mo na ano no yung mga
- 35:01gay men or trans women? Sobrang siguro generalization to
- 35:08pero ang bilis nilang mag isip ang bilis nilang naging witty.
- 35:13Maging creative. Kaya salo nakakatawa.
- 35:17Kaya napakagaling nilang mag perform.
- 35:21Andun yung. Tinatawag na gihi humor or.
- 35:27Oo yung ganung humor. Na kakaiba para sa kanila ay
- 35:33nakakabilib talaga na paano mo napapatawa ang ganito karaming
- 35:39tao. Na.
- 35:44Napa. Napakagaling talaga.
- 35:46Ito yung susunod na tanong ko. Tungkol sa gay linggo.
- 35:52Si nabasa ko din. Ingat nag yung gay linggo,
- 35:57nagpapakita daw ng pagiging malikhain.
- 36:01At ng mga. Sa mga gays.
- 36:05Yun nga ang ang creative ng word wordplay ang creative ng mga
- 36:09expression gusto kong malaman. Kung yung gay lingo para lang ba
- 36:15sa mga homosexual? Oo.
- 36:18Laganap din ba sya halimbawa para sa mga lesbian?
- 36:23Sa napapansin ko laganap siya sa buong l g b.
- 36:27T q i a community at maging sa labas nito kahit yung mga
- 36:32straight. Hindi ko lang sigurado kung yung
- 36:36mga. Medyo homophobic ay gumagamit
- 36:39nito. Pero maraming gumagamit ng
- 36:44charot or char. Or choose as.
- 36:49To say na joke lang or biro lang ano pa ba?
- 36:54Oo ano pa ba yung mga? Mga kasalukuyang gay linggo.
- 36:59Kasalukuyan medyo luma na to eh. Pero yung.
- 37:04Maginit ma janet jackson kasi mainit.
- 37:09Paborito ko yung mga ganun. Yung mga pangalan ng tao.
- 37:13Oo yung pangalan ng mga artista. Na madalas ano pa?
- 37:19Mga icon din. Oo.
- 37:23Parang ang witty na makonekta mo yung pangalan na hindi naman
- 37:28kadalasan hindi pilipino. Tapos makonekta sa lenggwahe
- 37:31natin. Parang ang interesante.
- 37:33Siguro yun din yung ano. Pros ng pagiging by linggo.
- 37:39Lol. Ano pa ba?
- 37:41O may mga expression pa ba mga. Ganung salita.
- 37:47Na ginagamit mo madalas. Na ginagamit ko.
- 37:53Po hindi ka ba mahilig maggaling ko?
- 37:56Siguro sa edad ko kasi hindi na ako masyadong updated.
- 38:01Sa kasalukuyan. Iniisip ko nga yung slave ba?
- 38:07Part ba siya ng gay linggo? Ano sa tingin mo?
- 38:11Slee. Parang hindi.
- 38:16Hindi no. Parang ginagamit siya parang
- 38:19general na mga madaming babae nakikita ko sa.
- 38:25Halimbawa kapag may post sa instagram.
- 38:28I comment yung mga babae na parang sumuporta.
- 38:32Dun sa. Kaibigan nila ang slay.
- 38:36Yes queen mga ganun. Parang parte siya ng ano drag.
- 38:43Linggo hindi ba? Hindi ako pamilyar sa drug na
- 38:49sitwasyon ngayon sa pilipinas. Pero gusto ko yung sinabi mo.
- 38:55Na nasang ayon ako na marami na ring pilipino talaga yung
- 39:00gumagamit ng gay linggo. Di ba?
- 39:06Tingin ko magandang. Hindi kasi yung gaylingo para
- 39:11siyang siguro nag originate sa isang miyembro ng l g b.
- 39:15T q i a plus. Pero dahil nga pinaglalaban ng
- 39:21mga miyembro ng l g b. T q i a plus ang inclusivity.
- 39:27Hindi pinagbabawalan yung ibang tao na gumamit ng giling ko.
- 39:32Na tingin ko yun yung maganda. Kasi yung nabasa ko yung sa
- 39:36simula na parang. Na develop siya dahil.
- 39:42Parang merong sariling lengguwahe na para hindi
- 39:45maintindihan. Ng iba parang ito yung
- 39:48sikretong. Mga lenggwahe natin.
- 39:53Tapos yun nga tulad ng sabi mo nung tumagal.
- 39:58Um yun mas ginagamit na ng. Ng mga pilipinong lahat halos
- 40:02lahat. At atleast naiintindihan.
- 40:06Kahit hindi ginagamit. Nakakatuwa kung pano nag evolve
- 40:09yung wika na siguro nagsisimula sa isang maliit na grupo ng mga
- 40:14tao na gumagamit nito. Tas habang nakikipag usap,
- 40:18nakikipag ugnayan sa ibang tao unti unting lumalawak yung
- 40:21paggamit at maaaring nagbabago yung ibig sabihin.
- 40:25Nakakatuwa lang isipin. Hmm.
- 40:29Nakakatuwa ang. At tulad din ng sabi mo kanina
- 40:33kasi nga madami satin by linggo. Parang interesante makita yung
- 40:40yung impluwensiya ng ingles. At kung pano natin pinaglalaruan
- 40:45yung lengguwahe. Yung tagalog.
- 40:49Ingles. At yung iba pa satin di ba may
- 40:52mga regional na lenggwahe. Sa tingin ko.
- 40:56Inyong malikhain na parte ng mga pilipino okay v isang tanong na
- 41:01lang dating scene sa pilipinas. Sabihin natin para sayo.
- 41:08Mahirap hindi kasi ako masyadong lumalabas ng bahay at madalas
- 41:13paaralan bahay trabaho kaya mahirap sakin makipaghalubilo sa
- 41:17ba kapwa myembro ng l g b? T q i a plus.
- 41:22Kaya sa bumble ako naghanap. Ng mga ka date yung ibang mga
- 41:29nasa bumble. Naghahanap lang ng kausap yung
- 41:33iba sa bumble naghahanap lang ng kaibigan.
- 41:37Na may bumble b f f na yung iba sa bumble.
- 41:41Naghahanap ng. Casual lang yung iba naghahanap
- 41:46ng seryosong relasyon. Dahil na rin.
- 41:51Maaaring. Mag set ng interests mo at open
- 41:56na tayo sa iba't ibang uri ng relasyon na meron mas madali.
- 42:01Di. Na makahanap ng.
- 42:05Taong ganun din yung. Hinahanap sa kung anong
- 42:09hinahanap. Kung hinahanap mo ay casual eh
- 42:14di tugma. So madali.
- 42:17Dahil sa dating app. Oo dahil sa dating app.
- 42:21Parang may tags don or filter tas pwede mong piliin na mga
- 42:26ganito lang yung makikita. Meron ding iba na.
- 42:30Hindi sila sigurado kung anong hinahanap nila.
- 42:34Yeah. Mahirap din kasi.
- 42:37Paano kung nagkagusto ka sa kanila tapos sila parang wala
- 42:41lang pero at least sa bumble napadali.
- 42:45Napadali kasi nafi filter mo na puro babae ang problema minsan
- 42:51may street man na makakalusot. Hindi ko alam kung bakit
- 42:57nakalagay dun woman tas kita mo balbas.
- 43:02Tas iinit na lang yung ulo mo. Seryoso ka ba?
- 43:06Nakakatawa lang dun yung magandang experience.
- 43:10Bakit may ganun? Hindi ko alam.
- 43:13Parang mag stand out. Tingin ko ano pwede ka ngang
- 43:17maghanap ng respondents na ano? Na lalaki pero woman sa bumble.
- 43:25Na hindi trans. Siguro mas mapapaliwanag nila
- 43:30kung bakit sila. Gumagawa ng ganun tingin mo
- 43:35tingin mo bakit? Sa tingin ko para mapansin.
- 43:41Mas may tsansa na. Mapansin.
- 43:45Kapag babae ang nilagay mo. Kasi i mean na babae ka.
- 43:51Oo nga no hindi hindi ko din maintindihan.
- 43:54Di ba meron akong kaibigan nung high school na lalaki?
- 43:59Nakita niya ako sa bumble tas sabi niya oo nakita kita.
- 44:04Tas sabi ko oo nakita din kita bakit woman?
- 44:08Sabi niya wala lang. Hindi pwedeng wala lang.
- 44:11Baka siguro kung masama ako mag isip isipin ko na sila yung mga
- 44:17tipong. Quote unquote i can fix you.
- 44:21Na parang. Pag dinate mo ko kaya kitang
- 44:24gawing straight pero kung masama lang ako mag isip siguro ganun.
- 44:28Sana hindi naman ganun iniisip. Okay.
- 44:32O yun lang v salamat sa pagkukuwento tungkol sa
- 44:36karanasan mo at sa kaalaman mo. Salamat.
- 44:40Maraming salamat. Marami din akong natutunan mula
- 44:43sayo.