Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #301 - Meditation sa Tagalog: Basic Mindfulness
Transcript
- 0:04Sa episode na to. Magme meditate tayo.
- 0:08Kung bago ka sa meditation okay lang yan.
- 0:13Wala kang kailangang gawin na perpekto o maayos.
- 0:18Kailangan mo lang humanap ng komportableng pwesto.
- 0:22At paghanda ka na magsimula tayo.
- 0:31Umupo ka muna ng komportable. Oo humiga ka kung mas gusto mo.
- 0:39Ayusin mo lang yung pwesto mo. Hanggang komportable ka?
- 0:46Pikit mo yung mata mo. Kung gusto mo.
- 0:52Kung hindi naman. Tumingin ka lang sa isang lugar.
- 0:57Huminga ka ng dahan dahan. Papasok.
- 1:03Palabas. Dahan dahan na paghinga papasok.
- 1:10Palabas. Walang pwersa.
- 1:14Hindi to palakasan ng baga. Isa pa malalim na hinga papasok.
- 1:23Mahabang hinga palabas. Tuloy tuloy lang.
- 1:33Ngayon pansinin mo yung paghinga mo.
- 1:38Hindi mo kailangang baguhin. Pansinin mo lang.
- 1:45Yung pag angat ng dibdib. Yung paggalaw ng tiyan.
- 1:51Yung simpleng ritmo ng paghinga. Papasok at.
- 1:59Palabas. Kapag may biglang pumasok sa
- 2:05isip mo. Hayaan mo lang.
- 2:09Hayaan mo lang. Parang ulap na dumadaan.
- 2:16Hindi mo kailangan habulin. Hindi mo kailangang itulak
- 2:22palayo. Dumadaan lang yung ulap.
- 2:28Balik ka sa hininga. I check mo yung mukha mo.
- 2:35Baka may tensyon sa noo. O sa pagitan ng kilay.
- 2:42O sa panga. I relax mo yung katawan mo.
- 2:48Ibaba mo yung balikat mo. Hayaan mong maging mabigat ng
- 2:56konti. Parang sinasabi ng katawan mo.
- 3:01Pwede naman pala mag relax. So hayaan mong maging mabagal.
- 3:08Yung paghinga. Kung may nararamdaman kang
- 3:13bigat. Stress.
- 3:16Bago nood. Lungkot.
- 3:20Okay lang yan. Hindi mo kailangang ayusin
- 3:24ngayon. Hindi mo kailangang maintindihan
- 3:29lahat. So sa sandaling to.
- 3:33Isa na lang yung gagawin mo. Huminga.
- 3:38Papasok yung hininga. Palabas yung hininga.
- 3:48At isipin mo na. Yung oras yung panahon mo
- 3:54ngayon. Para lang sa sarili mo.
- 3:58Walang hinihingi sayo. Walang ekspektasyon.
- 4:04Walang inaasahan. Kundi huminga.
- 4:10Isa pang malalim na hinga. At dahan dahang lalabas.
- 4:18Simulan mong igalaw yung mga daliri mo.
- 4:21Balikat. Yung leeg mo.
- 4:26Kapag handa ka na. Pwede mong imulat yung mata mo.
- 4:33Sana yung ganitong katahimikan at paghinga.
- 4:37Sapat na para gumaan kahit konti yung loob mo.