Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #235 - Mga Reverse Culture Shock sa Pilipinas
Transcript
- 0:07Hello kamusta. Ako si miguel ng comprehensible
- 0:10to calog podcast. At ngayong araw.
- 0:14Pag usapan natin yung. Karanasan ko.
- 0:19Yung mga reverse culture shock. Na.
- 0:23Naramdaman ko. Na napansin ko.
- 0:26Sa pilipinas sa pagbalik ko sa pilipinas.
- 0:31So. Ni record ko to isang buwan.
- 0:36Pagkabalik ko ng pilipinas. Galing.
- 0:40By the way nya. Tapos.
- 0:44Naglista ako ng mga bagay na napansin ko na.
- 0:49O ganito pala sa pilipinas. Parang nakalimutan ko na.
- 0:56Ganito pala na iba pala yung kalakaran.
- 1:01Iba pala yung ginagawa sa pilipinas at.
- 1:05Madami akong hindi inilista at nakalimutan.
- 1:09Sayang pero yun tuloy tuloy akong maglilista.
- 1:14Sana hindi ko pa hindi ko na makalimutan.
- 1:19Sa una. Yung tungkol sa basura.
- 1:23Tungkol sa basura. So walang.
- 1:28Walang segregation pagse segregate ng basura.
- 1:34Kasi sa sa espanya sa tsaka republic sa lituin nya.
- 1:39Sa ibat ibang bansa. Na.
- 1:42Kung saan ako tumira hiwalay hiwalay yung plastik hiwalay
- 1:47yung karton. Hiwalay yung mga organic na
- 1:51basura. At hiwalay yung parang general
- 1:55waste. Pero sa pilipinas.
- 1:58Isa lang at halimbawa sa barangay namin.
- 2:03Walang basurahan hindi mo alam san mo ilalagay yung basura.
- 2:07Walang parang been na para sa publiko.
- 2:13Wala wala. So san ka magtatapon ng basura?
- 2:19So una iyong. May dumadaan na garbage truck
- 2:26isang beses. Kada linggo.
- 2:29Pero. Hindi sila dumadaan isang beses
- 2:33kada linggo. Minsan dumadaan sila dalawang
- 2:38beses sa isang buwan. Minsan isang beses sa isang
- 2:42buwan. At kung dadaan sila minsan.
- 2:47Alas singko ng umaga alas siyete ng umaga.
- 2:52So kapag? Hindi mo sila naabutan.
- 2:57Kapag natutulog ka tapos dumaan sila wala hindi makukuha yung
- 3:03basura mo. Tapos yung basura mo.
- 3:07Hindi din okay na ilagay sa labas ng bahay.
- 3:12Kasi maliit yung kalye. Maliit yung espasyo.
- 3:16Saan mo ilalagay yung basura? At.
- 3:20Maraming mga stray dogs. Tinatawag namin ang mga aspin.
- 3:27So kung nilagay mo yung basura mo sa labas.
- 3:32Siguro sisirain ng aso yung garbage bag mo.
- 3:37At magagalit sayo yung mga kapitbahay mo kasi.
- 3:41Ang daming kalat. So yun ang isang problema kaya
- 3:47merong mga pribadong garbage collectors sa pilipinas.
- 3:53Yung mga lalaki. Na merong pedicab.
- 3:58May bisikleta. Na merong sidecar.
- 4:02Tapos pwede mo silang bayaran. Ng.
- 4:07Di ko alam magkano mga isang daan.
- 4:10O dalawang daan kada buwan. Tapos kokolektahin nila yung
- 4:18basura mo sa bahay. So yun ang ginagawa namin
- 4:22ngayon. Dadaan sila sa bahay mo isang
- 4:26beses sa isang linggo. At kukunin nila yung basura mo.
- 4:31So pribado yun sariling negosyo nila.
- 4:37At kadalasan mga mga batang lalaki.
- 4:41Yung gumagawa nito. Yung iba naman syempre ayaw
- 4:47gumastos ayaw gumastos so sinusunog nila yung basura nila.
- 4:53Sinusunog nila. So alam ko hindi maganda para sa
- 4:58kalikasan. Hindi maganda para sa kalusugan.
- 5:03Kasi polusyon hindi maganda sa kalusugan pero anong magagawa
- 5:08nila? Walang garbage collector na
- 5:11consistent. Ayaw nila magbayad ng pribadong
- 5:15garbage collector. So.
- 5:18Yun ang sitwasyon nila. Susunod yung mga.
- 5:25Yung mga paghahanap ng kwarto, paghahanap ng apartment.
- 5:30Oo marami namang parang digital na paraan para maghanap ng
- 5:36apartment at kwarto. Pero sa pilipinas uso pa din
- 5:41yung. Yung maglalagay ng karatula sa
- 5:46tapat ng bahay na room for rent. O apartment for rent tapos
- 5:51merong numero ng tao. So kung naghahanap ka ng kwarto
- 5:58ng apartment. Pwede kang maglakad lakad lang
- 6:01sa barangay. Makikita mo.
- 6:04Nakasulat sa bahay room for rent apartment for rent.
- 6:10At kadalasan iyon mas mura at napagtanto ko din yung.
- 6:16Sa tingin ko mababa ang standards sa pilipinas ng
- 6:20kalidad. Ng kwarto ang kalidad ng
- 6:24apartment. So kung may oras ka.
- 6:28Punta ka sa facebook marketplace.
- 6:30Tignan mo yung mga room for rent.
- 6:33Sa maynila. Mapapansin mo na.
- 6:39Marami don kumpara sa sa mga ibang bansa sa europa.
- 6:44Ang panget ng kalidad. Ibig sabihin.
- 6:48Walang walang bintana halimbawa. O meron kang kahati.
- 6:56O apat kayo sa sahig. O madumi yung banyo.
- 7:03Ano pa ba? Pangit yung kusina ganun.
- 7:07Na sanay ako. Pero napansin ko lang parang iba
- 7:12yung standards namin. Kahit sa b g c halimbawa uso
- 7:17yung condo sharing so isang sa isang.
- 7:22Sa isang condominium. Merong anim.
- 7:26Merong walo merong sampung tao. Sa uso yun.
- 7:31So wala kang privacy. Pero ganun talaga kasi mahal
- 7:38hindi mo kayang bayaran yung buong apartment.
- 7:41So ate hati kayo. Isa pang napansin ko yung
- 7:48pagsusuot ng long sleeves. So sa pilipinas mainit.
- 7:55At maalinsangan so hindi komportable lagi kang pawis.
- 8:01Pero madaming pilipino o may ilan may ilang pilipino
- 8:07nagsusuot. Ng mahabang manggas.
- 8:12O long sleeve. Kahit sa loob ng jeep kahit
- 8:16tanghali. So dalawang klase yan sa tingin
- 8:22ko yung una. Yung mga nagmomotor.
- 8:26So yung mga nagmomotor? Siyempre mas mainit kung bang
- 8:32short sleeves. Kung naglo long sleep sila.
- 8:36Pero meron din namang mga tao na.
- 8:38Gusto lang nilang mag long sleeves siguro ayaw nilang
- 8:42umitim. At siguro galing sila sa loob ng
- 8:47mall or pupunta sila sa mall so nagsusuot sila ng long sleeves.
- 8:53Tapos isa pa pagbalik ko sa pilipinas sumakay ako ng jeep
- 8:58tapos yun napagtanto ko na talagang.
- 9:02Dikit dikit yung mga tao parang sardinas.
- 9:06At normal lang na yung. Na wala kang personal space sa.
- 9:13Sa jeep. Kasi yun magkadikit yung yung
- 9:19binti niyo magkadikit yung balikat niyo.
- 9:23At sobrang lapit mo sa isa't isa.
- 9:26At. Meron pa akong nakitang mag
- 9:29asawa sa tapat ko. Kinandong nya yung asawa nya.
- 9:34Kasi walang espasyo. So yung asawa nya babae umupo sa
- 9:41binti nya. Para magkasya sila sa jeep.
- 9:47At nakuha lang yan. Araw araw ganun?
- 9:52Isa pang napansin ko yung dami ng tindahan.
- 9:57Ang daming tindahan. Maliit na tindahan.
- 10:01Malaking tindahan. Mga convenience store.
- 10:05Mga vendors. Mga street food at kung ano ano
- 10:09pa. So kung kailangan mo ng.
- 10:14Hindi ko alam ang sabon kung kailangan mo ng pagkain gusto mo
- 10:19kumain? Gusto mo ng tubig?
- 10:23Kahit maagang maaga kahit gabing gabi.
- 10:27Mataas yung probabilidad na makakahanap ka.
- 10:32At isa yung magandang bagay sa pilipinas sa tingin ko.
- 10:36Hindi mo na kailangan hintayin magbukas yung mga mercadona.
- 10:41O yung mga bazaar sa espanya. Yun may mga tindahan.
- 10:48At isa pa yan siguro narinig nyo.
- 10:51Maingay. Maingay talaga para sakin.
- 10:57Ang ingay sa pilipinas at sanay na kami.
- 11:02Parang normal na samin yung maingay.
- 11:06Sa labas ng bahay sa kalsada. Pero kahit sa loob ng bahay.
- 11:12Kasi halimbawa sa. Karanasan ko sa espanya sa
- 11:18alemanya. Pransya.
- 11:21Yung bintana yung yung bintana, yung merong yung nagsi seal.
- 11:28Yung kapag sarado yung bintana. Talagang tahimik.
- 11:34At yon so. Kahit.
- 11:38Maingay sa labas kung nasa loob ka ng bahay.
- 11:41Tapos sarado yung bintana mo. Tahimik na.
- 11:46Pero sa pilipinas. Yung mga bintana namin hindi
- 11:50ganun. Yung bintana simple lang.
- 11:54So. Kung maingay sa labas.
- 11:57Dahil sa tricycle sa jeep. Sa motor.
- 12:02Sa aso. Sa.
- 12:05Nagbebenta ng taho. Maingay maririnig mo so
- 12:11kailangan masanay. At.
- 12:16Yon kahit yung mga tao. Maingay din.
- 12:20Mahilig makipag usap. Mahilig magsalita ng malakas.
- 12:24So isa yon sa. Parang reverse culture shock.
- 12:29Isa pa. Ah may relasyon sa tindahan sa
- 12:33mga nagbebenta. Yung mga vendors sa bus.
- 12:38So sumakay ako ng bus. At.
- 12:42Yung nakakatuwa makita ang daming vendors.
- 12:46Yung akyat sa bus tapos magbebenta ng pagkain.
- 12:51Magse sales talk sila. Para bumili ka ng tinapay.
- 12:56Bumili ka ng hotdog. Bumili ka ng empanada.
- 13:01Bumili ka ng mani. At kung ano ano pa ang tubig.
- 13:08Yun. At.
- 13:11Magaling silang mag sales talk so epektibo yung sales talk nila
- 13:17sa akin bumibili ako sa kanila. So convenient kasi hindi mo na
- 13:23kailangan bumaba sa bus. Sila yung aakyat.
- 13:27At pwede kang bumili. Direkta sa kanila.
- 13:33At meron pa yung umakyat sa bus tapos dalawang binata dalawang
- 13:40batang lalaki. Na grap sila so yung isang
- 13:44lalaki. Nagbi beatbox.
- 13:49Parang ganun yung isa naman nag rarap sa tagalog tas ang galing
- 13:56ang galing sobrang galing. So nagbigay ako ng pera kasi.
- 14:02Galing. Parang mas magaling pa sa mga
- 14:05rapper sa sa sa radyo sa telebisyon ngayon.
- 14:13Susunod naman yung mga banyo. Nabanggit ko na minsan.
- 14:18Mababa yung standards namin sa kalinisan sa banyo.
- 14:23Pero. Ang dami ding banyo na kailangan
- 14:27mong magbayad. Para gamitin yung banyo.
- 14:33Alam ko ganun din sa iba't ibang lugar sa europa.
- 14:37Maghuhulog ka ng. Ng one year oo ng fifty cents.
- 14:44Para gamitin yung pampublikong banyo.
- 14:49So ganon din sa pilipinas. Minsan limang piso.
- 14:54Kung iihi ka. Limang piso.
- 14:57Kung magbabawas ka. Kung magbabawas ka.
- 15:02At gagamitin mo ng mas matagal. Yung banyo.
- 15:07Sampung piso. So yon kailangan magbayad para
- 15:12gamitin yung banyo sa ibang lugar.
- 15:15Isa pang napansin ko. Sa bus din to.
- 15:19Walang seatbelts. So sumakay ako ng bus papunta sa
- 15:24baguio. Papunta sa bundok.
- 15:28So medyo delikado yung daan. Lakas ng ulan.
- 15:33So pwedeng madulas yung kalsada? Yung kalsada.
- 15:38Mahirap. Matarik zigzag.
- 15:43Pero walang walang seatbelt yung bus.
- 15:48Na sinakyan ko. So yun kumpara sa sa karanasan
- 15:55ko sa europa. Kailangan mag seatbelt.
- 15:58At halimbawa sa netherlands. Sinasabi nung driver.
- 16:04O kailangan niyo mag seatbelt? Kung hindi magbabayad kayo ng
- 16:09malaking fine so mag seatbelt ka.
- 16:13Mahuhuli tayo ng pulis kung hindi.
- 16:16So kailangan? Pero ngayon kumpara sa bus
- 16:22papuntang baguio walang seatbelt.
- 16:25Kahit delikado so medyo. Medyo kinabahan ako dahil doon.
- 16:31At isa pang siko pa huli huling culture shock na naramdaman.
- 16:36Nakita ko nagulat ako yung yung mga pagkain sa pilipinas, yung
- 16:43mga iba't ibang meryenda, yung isa, yung halimbawa, yung ice
- 16:48candy. So na bumili ako ng ice candy.
- 16:53At. Interesante lang kasi naaalala
- 16:56ko oo meron palang ice candy na ang simple.
- 17:00Nung konsepto. Na parang tubig na merong lasa.
- 17:07Na matamis. Tapos ilalagay sa freezer.
- 17:12Magiging yelo. At magiging ice candy.
- 17:16At binebenta. Sa mga tindahan.
- 17:20So yun nakalimutan ko yung mga pagkain na ganun na parang.
- 17:25Ang galing simple pero binibenta sa tindahan.
- 17:30At may mga. Ibat ibang meryenda na ganun sa
- 17:34pilipinas. Halimbawa yung mik mik.
- 17:39Yung parang powder. Sugary powder.
- 17:43Tapos may akong straw. Tapos pwede mong higupin.
- 17:48Yung mga ganung pagkain. Na meryenda na kakaiba.
- 17:55So yun lang siguro sa susunod pagkukwento pa ako tungkol sa
- 17:59mga bagay na nagulat ako sa pagbalik ko sa pilipinas.
- 18:05Yun. Sana naging interesante para sa
- 18:08inyo. Merong transcript kung kailangan
- 18:10mo meron akong patreon ubos mo ko suportahan.
- 18:15Malaking tulong. Maraming salamat at paalam sayo.
- 18:23Na.