Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #268 - Taiwanese Na Nakabisita sa Buong Pilipinas (82 Provinces!)
Transcript
- 0:05Hello kamusta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast.
- 0:10At ngayong araw pag uusapan natin yung biyahe at pag usapan
- 0:16natin yung tao na nakabiyahe sa lahat ng probinsya sa pilipinas.
- 0:24So yung pilipinas merong iba't ibang probinsya.
- 0:29Madaming probinsya. Merong walumpu't dalawang
- 0:33probinsya sa pilipinas. Walumpu't dalawa.
- 0:38Madami. Kasi malaki yung pilipinas.
- 0:42At madami ng mga pilipino na nakapunta sa lahat ng probinsya
- 0:49sa pilipinas sa luzon, sa visayas sa mindanao.
- 0:54Pero may nabasa akong kwento. Tungkol sa isang lalaki na taga
- 1:00taiwan si justin lee. Na nakabisita nakabiyahe sa
- 1:08lahat ng probinsya sa pilipinas. So si justin you taga taiwan.
- 1:15Dumating siya sa pilipinas noong twenty ten.
- 1:18Isa siyang freelance writer. At bumiyahe siya sa madaming
- 1:24lugar sa pilipinas. Kasi gusto nya daw yung
- 1:28pilipinas. Pero nakatira sya sa maynila
- 1:32pinanganak sya tsaka lumaki sa taiwan.
- 1:36Lumaki siya sa taipei sa lungsod ng taipei pero mas gusto niya
- 1:41yung kalikasan kaysa sa lungsod. Mas gusto niya yung mga
- 1:47adventure. Mahilig din sya sa kasaysayan.
- 1:52Nag aral siya nung kasaysayan sa unibersidad kaya interesado siya
- 1:57sa. Kasaysayan ng lugar sa mga
- 2:01social norms. So curious daw siya sa iba't
- 2:05ibang. Lugar.
- 2:08At kasaysayan ng iba't ibang pinupuntahan nya tapos sa taiwan
- 2:13daw merong mandatory military service.
- 2:17Pero meron namang option na mag volunteer kung ayaw mong mag
- 2:22military service. Kaya noong twenty ten nag
- 2:27volunteer sya sa pilipinas so nagtrabaho siya sa isang
- 2:32eskwelahan. Eskwelahang katoliko sa leyte.
- 2:37Nagturo siya ng mandarine sa mga estudyante.
- 2:41So bago siya pumunta sa pilipinas.
- 2:44Wala daw syang ideya talaga kung ano yung pilipinas kung anong
- 2:49meron kung kamusta yung buhay doon.
- 2:53At nag research siya tungkol sa leyte tungkol sa pupuntahan niya
- 2:58dun sa volunteering. Pero walang masyadong
- 3:01impormasyon so nung pumunta daw siya sa pilipinas.
- 3:06Marami siyang dinalang sampu tsaka sabon.
- 3:09Kasi hindi nya alam kung may shampoo at sabon dito.
- 3:13Tapos. Yung eskwelahan, isang chinese
- 3:17catholic school. At yung mga magulang merong
- 3:20chinese na lahi pero mahirap daw turuan yung mga bata kasi
- 3:25malikot at tumatakbo takbo yung mga bata pero noong nakatira
- 3:30siya doon. Nag enjoy sya kasi mahilig sya
- 3:33sa kalikasan kaya nanatili sya sa pilipinas tapos bumiyahe siya
- 3:40sa iba't ibang lugar sa pilipinas.
- 3:43At noong twenty thirteen nagpublish sya ng ng travel
- 3:48book. Sa chinese tungkol sa pilipinas.
- 3:53So sa libro niya, kinuwento niya yung iba't ibang lugar sa
- 3:57pilipinas. Yung mga ginawa niya doon yung
- 4:00mga magandang lugar magandang pwedeng gawin.
- 4:05Sabi niya yung isa sa mga pinakamalaking problema sa
- 4:09turismo sa pilipinas, yung transportasyon.
- 4:14Kasi walang impormasyon kung saan ka sasakay.
- 4:18Kung kailan ka dapat sumakay ano yung schedule ng bus schedule
- 4:22nung ban schedule ng tren lalo na kung nasa probinsya ka kung
- 4:27nasa bundok ka mahirap yung transportasyon.
- 4:32At sa internet. Walang masyadong impormasyon
- 4:36tungkol sa mga iba't ibang lugar lalo na yung mga malayo sa sulu
- 4:43mahirap daw pumunta kasi kailangan ng local tour guide.
- 4:48Tapos nung nasa pier sya na cancel yung fairy tapos
- 4:53kailangan niya pang kumbinsihin yung sundalo na samahan siya.
- 4:59Na kailangan syang samahan para makapunta sya doon at buti na
- 5:04lang hindi siya nakaranas ng mga panganib sa pilipinas.
- 5:09Sabi niya depende pa din may mga lugar na parang mas ligtas may
- 5:16lugar na hindi ligtas. Pero yung karanasan daw na
- 5:20makilala yung mga pilipino. Sulet kasi mabait palakaibigan
- 5:26at hospitable yung mga pilipino lalo na yung mga taga mindanao.
- 5:31Meron daw siyang nakasabay sa bus.
- 5:34Isang guro. At inimbitahan sila na.
- 5:39Na manatili sa bahay nya. So si justine pinatulog sila sa
- 5:45master's bedroom. At yung pilipina yung may ari ng
- 5:50bahay natulog sa mas maliit na kwarto.
- 5:53So ganun yung hospitality ng mga pilipino at sa mga probinsya na
- 6:00napuntahan niya yung pinaka nakakagulat daw sa kanya yung
- 6:04probinsya ng sultan kudarat. Kasi walang masyadong
- 6:08impormasyon tungkol sa sultan kudarat pero mabait yung tao sa
- 6:12tourism office at tinulungan siya na.
- 6:17Bumiyahe biyahe sa sultan kudarat.
- 6:21At si justin din daw natuto na ng konting tagalog kasi syempre
- 6:27ang dami niyang pinuntahan at ilang taon din siyang nakatira
- 6:32sa pilipinas. Naiintindihan nya yung tagalog
- 6:35at yung mga nuances ng lengguwahe.
- 6:40Natuto daw sya dahil lang sa pakikipag usap sa araw araw.
- 6:46Dito sa pilipinas. At meron daw syang rekomendasyon
- 6:50para sa mga unang beses babyahe sa pilipinas.
- 6:54Sabi niya, unahin daw yung mas mga madali at develop na lugar.
- 6:59Halimbawa yung cebu. Yung palawan at bohol.
- 7:03At mga tourist friendly na lugar yon.
- 7:07Gusto niya daw yung mga. Pilipinong pagkain halimbawa
- 7:11yung sisig lechon halohalo at balot at pamilyar siya sa iba't
- 7:17ibang. Lugar sa pilipinas.
- 7:20At yung kasaysayan at yung mga sikat na spots sa pilipinas.
- 7:27So alam niya talaga yung bansa. Alam niya rin yung mga cultural
- 7:31differences na papansin niya nakukumpara nya sa buhay sa
- 7:36taiwan. Sabi niya yung mga pilipino daw
- 7:39mas cozy mas easy going daw yung pamumuhay ng mga pilipino.
- 7:46Kahit daw merong bagyo may baha. Nakangiti pa rin yung pilipino.
- 7:52Dahil daw alam ng mga pilipino na hindi na pwedeng baguhin yung
- 7:56sitwasyon. Kailangan lang harapin yung
- 8:00sitwasyon. Sa taiwan daw mas strikto.
- 8:04Sinasabi ng tao na hindi pwedeng gawin to.
- 8:08Hindi pwedeng gawin yan. So kailangan sumunod sa mga
- 8:12batas. May mga rules.
- 8:15Sa pilipinas daw halimbawa yung jaywalking okay lang.
- 8:20At gusto nya daw yung ganung pamumuhay yung mas relax na
- 8:25pamumuhay. Nagustuhan niya rin yung iba't
- 8:28ibang festival sa pilipinas. Mas naintindihan niya daw yung
- 8:33kultura dahil sa mga festival. At sumali din sya sa feast of
- 8:40the black nazarene sa quiapo. Sa gumawa ako ng episode tungkol
- 8:45doon. Yun yung relihiyosong event na
- 8:48merong milyong milyong pilipino sa maynila.
- 8:54Sa taiwan daw hindi sila tinuruan na maniwala sa diyos.
- 8:59Parang depende na sayo. Kaya wala syang relihiyon sa
- 9:04taiwan daw yung paniniwala mas parang tradisyon at hindi
- 9:10relihiyon. Yun ang kwento ni justin liu.
- 9:13Nakakabilib kasi. Alam niya yung kulturang
- 9:16pilipino at nabisita nya lahat ng probinsya sa pilipinas.
- 9:22Natutunan nya yung lenggwahe. At kahit na ganon parang sa
- 9:28tingin ko proud pa din siya sa pagiging taiwanese niya at
- 9:32kinukumpara niya yung buhay doon at buhay dito.
- 9:37Yun lang yung episode natin ngayon ilalagay ko yung link sa
- 9:41description para makita nyo yung mga larawan ng biyahe nya.
- 9:45Salamat meron tayong page yon kung gusto niyong sumuporta at
- 9:49meron ding transcript kung kailangan nyo ingat at paalam.