Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #143 - Unang una ba talaga tayo sa sugal? / Are we really #1 in gambling?
Transcript
- 0:07hello kumusta ako si miguel at ito ang comprehensible tagalog
- 0:12podcast ngayong araw pag uusapan natin yung sugal yung sugal oh
- 0:20gambling at dahil nabasa ko sa isang report ng isang website
- 0:28tungkol sa investment tungkol sa mga hedge funds meron silang
- 0:33report na yung pilipinas daw yung pinakamalaking bansa na
- 0:39nagsusugal sa buong asya at syempre hindi naman ito sobrang
- 0:47parang official o scientific o talagang um masuri na report
- 0:57pero interesante lang makita na nasa listahan yung pilipinas at
- 1:04unang una ang pilipinas sa listahan nila pero simple lang
- 1:08yung yung computation nila binilang lang nila yung bilang
- 1:13ng mga kasino at yung bilang ng mga casino hotel sa pilipinas at
- 1:21sa iba't ibang bansa sa asya at sa pilipinas merong pitumpu't
- 1:28anim na kasino at animnaput anim na casino hotels so dahil doon
- 1:36numero una daw yung pilipinas at mas mataas yun kaysa sa macau
- 1:43kaysa sa sa japan kaysa sa india yun kahit sa mga ibang bansa sa
- 1:51asya unang una yung pilipinas at hindi naman ibig sabihin nito
- 1:58yung mga pilipino yung dahilan kung bakit maraming casino pwede
- 2:03naman yung mga yung mga banyaga lalo na sa maynila maraming mga
- 2:10casino doon sa maynila dahil din sa mga ibat ibang nakatira sa
- 2:19maynila hindi lang naman mga pilipino meron ding mga mga
- 2:23nagtatrabaho doon na mga chinese sa mga korean meron ding mga
- 2:29amerikano at mga iba't ibang turista syempre pero nabasa ko
- 2:35din na sa kasaysayan ng pilipinas parte daw ng kulturang
- 2:41pilipino yung yung sugal dahil bago pa yung pagdating ng mga
- 2:49espanyol meron ng mga tradisyunal na laro yung mga
- 2:55pilipino na may kasamang pera halimbawa yung weteng yung
- 3:02weteng yung laro na tungkol sa mga numero at kadalasan nilalaro
- 3:09ng mga ng mga tao na merong pera sa sugal yun at yung sabong yung
- 3:17sabong naman yung cock fighting at ito malaking malaking
- 3:23industriya sa pilipinas yung sabong at alam na alam ng mga
- 3:27pilipino na kung merong sabong merong pera at sugal sugal ito
- 3:35at sabi nung nabasa ko na nung pagdating ng mga espanyol medyo
- 3:43nagbago yung mga past time ng mga pilipino dahil nagkaroon ng
- 3:49mga bagong laro yung mga pilipino at noong panahon naman
- 3:55ng mga amerikano nagkaroon ng impluwensya sa sa sitwasyon ng
- 4:02sugal sa pilipinas dahil dala ng mga amerikano yung ideya ng
- 4:08western style na casino at yung mga sistema ng sugal at yun
- 4:14dahil doon mas naging masistema yung sugal sa pilipinas at
- 4:20ngayon meron ng um parang gaming corporation philippine amusement
- 4:26and gaming corporation noong nineteen seventy six para
- 4:31magkaroon ng regulation at magkaroon daw ng economic
- 4:35benefits yung gambling yung sugal sa buong bansa at ginawa
- 4:42rin itong pagcor yung corporation na ito para ma
- 4:46regulate lahat ng laro at maiwasan yung mga mga illegal na
- 4:52sugal sa pilipinas at ngayon naging malaking isyu itong sugal
- 4:59dahil sa mga pogo kung nanonood kayo ng balita siguro narinig
- 5:05niyo itong pogo o yung pogo yung philippine offshore gaming
- 5:11operators dahil ito yung mga online gaming na sugal sa mga
- 5:19online gambling platforms at naging issue ito dahil malaking
- 5:26um mga market ng pogo ay yung tsina at maraming mga ilegal na
- 5:34aktibidad ang nangyayari sa pogo dahil sa mga gaming operators na
- 5:41ito na pumupunta sa pilipinas at gumagawa ng mga illegal na bagay
- 5:46at dahil doon pinagbawal yung mga pogo pinagbawal na yung mga
- 5:51pogo ayon sa pilipinas pero ah yung ibig sabihin nito ay
- 5:57talagang yung sugal sa pilipinas ay parte pa rin ng ng kultura
- 6:05kaloka lally meron yung mga sinasabi na pustahan so kahit
- 6:11nung mga bata kami meron yung mga pustahan sa mga simpleng
- 6:15bagay halimbawa sa basketball meron yung pastahan halimbawa
- 6:21kung mananalo kayo yung team niyo sa basketball kayo yung
- 6:26bibilhin ng ng coke o bibili ng buko para doon sa mga nanalo
- 6:33minsan naman hindi inumin minsan pera yung mananalong team o yung
- 6:40matatalong team magbabayad ng t sampung piso doon sa mga nanalo
- 6:46ayun so kahit sa mga simpleng sitwasyon merong mga pustahan
- 6:50noong bata kami pero syempre hindi ko alam kung ganun yung
- 6:55sitwasyon nung mga ibang pilipino pero sa tingin ko yun
- 6:59nga parte din ng kultura itong sugal so yun lang ang episode
- 7:06ngayon salamat sa oras nyo merong transcript kung kailangan
- 7:11nyo libre lang at may picture kung gusto niyo suportahan itong
- 7:17podcast salamat at paalam