Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #304 - Kwento ng Chinese Farmer (Taoist Story sa Tagalog)
Transcript
- 0:00Noong unang panahon sa china. May isang magsasaka na may
- 0:06kabayo. Sabi ng mga kapitbahay niya.
- 0:11Ha ang swerte mo naman may kabayo ka nahihila ng kariton
- 0:16mo. Sumagot lang ang magsasaka.
- 0:20Hmm siguro. Isang araw, hindi niya nasara ng
- 0:27maayos ang gate at nakatakas ang kabayo.
- 0:33Nataranta ang mga kapitbahay niya.
- 0:37Ay naku ang malas mo naman. Grabe napakasamang pangyayari
- 0:42niyan. Sumagot lang ulit ang magsasaka.
- 0:46Siguro. Pagkalipas ng ilang araw bumalik
- 0:52ang kabayo may kasama pa itong anim na ligaw na kabayo.
- 1:00Tuwang tuwa ang mga kapitbahay. Ang galing ang yaman mo na
- 1:05ngayon ang swerte mo talaga. Sumagot lang ulit ang magsasaka.
- 1:12Hmm siguro. Kinabukasan.
- 1:16Sinusubukan ng anak ng magsasaka na paamuhin ang isa sa mga ligaw
- 1:24na kabayo. Biglang sumipa ang kabayo.
- 1:30At nabali ang binti niya sabi ng mga kapitbahay.
- 1:36Naku ang malas naman ulit ang sama talaga ng nangyari.
- 1:40Sumagot lang ulit ang magsasaka. Siguro.
- 1:45Kinabukasan may dumating na mga sundalo sa lugar nila.
- 1:51Kinuha nila ang lahat ng mga binatang lalaki para isama sa
- 1:58giyera. Pero naiwan ang anak na
- 2:02magsasaka. Dahil bali ang binti niya kaya
- 2:08sabi ng mga kapitbahay. Ang swerte mo talaga ang swerte
- 2:13mo ha. Ang swerte mo talaga ang swerte
- 2:16niyo po. At ang sagot naman ng magsasaka.
- 2:22Ha siguro.