Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #276 - "Pilipino ba ako kung hindi ako nagtatagalog?"
Transcript
- 0:07Hello kamusta. Ako si miguel ng comprehensible
- 0:10tagalog podcast at ngayong araw pag uusapan natin yung heritage
- 0:17language learning. So yung tanong na.
- 0:21Pilipino ba talaga ako kung hindi ako marunong magtagalog?
- 0:27O pilipino ba talaga ako kung hindi.
- 0:30Ako nagsasalita nung regional language.
- 0:34O yung lengguwahe ng magulang ko na pilipino.
- 0:38Alam ko ba talaga yung kultura kung hindi ako nagtatagalog?
- 0:43Parte ba ako ng kultura? Pilipino ba ako?
- 0:50So sa mga pilipino sa diaspora iba iba yung sitwasyon iba iba
- 0:56yung karanasan. Meron mga tao na masaya at proud
- 1:02kasi alam nila yung lenggwahe. Alam nila yung lengguwahe ng
- 1:06magulang nila. Kaya nilang magsalita.
- 1:10Yung iba naman hindi nila alam. Yung iba.
- 1:14Merong pakiramdam ng guilt. O pagod dahil may mga
- 1:21panghuhusga sa sitwasyon nila. At malalim na tema to kasi
- 1:27merong relasyon sa emosyonal sa social at.
- 1:32Psychological na. Na kondisyon ng isang tao di ba?
- 1:37Maraming tao na kino consider yung lengguwahe.
- 1:41Parang isang proof of belonging. Parang pruweba na parati ka.
- 1:48Ng kultura o ng grupo ng tao. At siguro kung nag aral ka na ng
- 1:55pangalawang lengguwahe mo. Tapos bumiyahe ka dun sa lugar
- 1:59na yon kung saan ginagamit nila yung lenggwahe mararamdaman mo.
- 2:05Na iba yung trato sayo ng mga tao.
- 2:08Kapag ginagamit mo yung lenggwahe nila.
- 2:11Siguro mas kakausapin ka nila. O mas mabait sila.
- 2:17Mas magkukuwento sila sayo mararamdaman mo na.
- 2:22Belong ka na hindi ka ganon ka iba sa kanila.
- 2:27So sa mga heritage speakers o language learners ganun din
- 2:32kapag natutunan mo yung lengguwahe ng magulang mo o ng
- 2:37lolo ng lola mo. Mas magkakaroon ka ng koneksiyon
- 2:42sa kanila. Mas maiintindihan mo yung
- 2:45sitwasyon nila dati. Yung mga sakripisyo nila.
- 2:49So ganon din sa kabilang banda, kung hindi mo alam yung
- 2:53lenguwahe nila. Minsan mas limitado yung pag
- 2:57uusap yung mga joke hindi nagla land.
- 3:01O yung mga mga nuances sa emosyon hindi masyadong kuha
- 3:06kasi iba yung lenggwahe. Pero bukod sa komunikasyon.
- 3:11Dala dala ba ng lenggwahe yung kultura?
- 3:16Ibig sabihin. Parang malaman yung kulturang
- 3:19pilipino. Halimbawa kailangan ba
- 3:22nagtatagalog ka? Kasi meron din namang mga
- 3:26pilipino na nagtatagalog pero hindi nila alam yung kultura.
- 3:30So yun yung tanong? Hindi ba pwedeng hiwalay yung
- 3:35lenggwahe at kultura? At ano ba yung parang nuances
- 3:40tungkol doon? Sabi ng sapir warf hypothesis
- 3:45yung structure ng lengguwahe. May epekto sa kung paano nag
- 3:52iisip at nag iinterpret ng realidad yung isang tao.
- 3:57So halimbawa sa isang lengguwahe halimbawa sa tagalog.
- 4:01Merong tema o konsepto ng respeto.
- 4:06So dahil ba sa lenggwahe kaya mas magiging marespetong tao
- 4:11yung isang tao na nagtatagalog? So sa pag intindi ko sa super
- 4:16worth hypothesis may epekto yun. May epekto yung lengguwahe.
- 4:21Sa ugali natin sa totoong buhay pero meron din naman yung
- 4:26konsepto ng post vernacular culture.
- 4:30So ano yung post vernacular culture?
- 4:33Halimbawa yung isang heritage learner na hindi sya sobrang
- 4:38fluent sa tagalog. Pero nararamdaman nya na
- 4:42konektado talaga sya sa kulturang pilipino.
- 4:46Madaming ganun di ba? So hindi siya fluent pero alam
- 4:50niya yung mga pagkain yung mga pangalan ng pagkain.
- 4:55Alam nya yung mga mga frases. Sa para sa mga holiday yung mga
- 5:00noche buena. Yung mga yan pasko.
- 5:06Mahal na araw yung easter. Alam nya yung mga square words.
- 5:11So sa post vernacular culture hindi functional yung lenggwahe
- 5:16kasi hindi ginagamit para makipag usap pero symbolic.
- 5:22Parang pinoy perform mo yung kultura pero may kahulugan yung
- 5:27kultura may kahulugan sayo. Dala dala mo yung kultura.
- 5:32So pwede yun kasi sa sitwasyon na yon hindi naman nasa d n a
- 5:37yung kultura. Yun yung sitwasyon ng post
- 5:41vernacular culture. Hindi mawawala yung identidad mo
- 5:47dahil hindi ka marunong mag congregate.
- 5:49Pwede mong matutunan pwede mong dalhin yung kultura sa
- 5:54pamamagitan ng yon pagkain. Ng humor yung values mo yung mga
- 6:01relasyon mo. At yung karanasan mo.
- 6:04Na oo totoo. Malaking bagay yung lenggwahe sa
- 6:08kultura. Pero hindi yun yung.
- 6:12Parang gate keeper of belonging. Hindi yun hadlang para mag
- 6:17belong sa isang kultura. Sa tingin ko kailangan natin mag
- 6:22empathize sa mga taong nag aaral ng linggwahe lalo na yung ang
- 6:26heritage na lenggwahe. Kasi oo sa tingin ko hindi
- 6:32mahirap mag aral ng lenggwahe kung meron kang motibasyon.
- 6:37Pero. Para sa mga filipino diaspora.
- 6:42Yung tagalog hindi lang lenggwahe may dala dalang
- 6:45emosyon yun. So pwedeng yung ibang heritage
- 6:49speakers naranasan nila na asarin sila or meron mga mockery
- 6:55dahil. Hindi maganda yung tagalog nila.
- 6:59Or meron silang aksento. O parang conyo sila magsalita.
- 7:05Of pangit yung tagalog nila so may ganung emosyonal na bagahe.
- 7:12Yung negatibong emosyon na nagiging hadlang.
- 7:16Malaking hadlang sa pag aaral ng lenguwahe.
- 7:19So hindi natin pwedeng sisihin yung mga.
- 7:23Nahihirapan mag aral o yung. Ayaw mag aral ng tagalog kasi
- 7:29ganun yung karanasan nila. Ganun yung naramdaman nila na
- 7:33hindi sila filipino enough. Hindi sila tanggap ng komunidad.
- 7:38So yung kahihiyan hindi maganda. So kailangan nating mag
- 7:44empathize sa mga ganung sitwasyon di ba?
- 7:47So babalik tayo sa tanong. Filipino ba ako kung hindi ako
- 7:51marunong mag tagalog? O ilocano ba ko kung di ako
- 7:56marunong mag ilocano? Cebuano ba ako?
- 7:59Kung hindi ako marunong mag cebuano?
- 8:02Sa tingin ko oo. Yung lenggwahe importante.
- 8:07Kasi kung nag effort ka nag aaral ka ng lenggwahe ibig
- 8:12sabihin meron kang motibasyon. At meron kang kuriosidad.
- 8:18Sa lenggwahe at sa kultura. Pero.
- 8:22Kung may dahilan ka. Para hindi mag aral ng
- 8:25lenggwahe. Pero inaaral mo yung kultura.
- 8:29Um gusto mong matutunan yung kultura.
- 8:32Gusto mong mas kumonekta sa mga tao.
- 8:36Gusto mong mas matutunan yung identidad ng magulang mo ng
- 8:40lolo't lola mo. At gusto mong matutunan yung
- 8:44kultura. Sa tingin ko pwede pa rin hindi
- 8:48ibig sabihin nun hindi ka pilipino.
- 8:50Ibig sabihin lang hindi kumpleto yung puzzle pero meron ka na
- 8:55nung malaking bahagi ng puzzle. Kasi tulad nga ng sabi ko.
- 9:00Meron din namang mga pilipino na hindi alam yung kultura nila.
- 9:04Kahit mga native speaker hindi alam yung kultura nila.
- 9:09So hindi lang yung lenggwahe yung.
- 9:14Makakapagsabi kung pilipino ka hindi yun lang so.
- 9:20Kung nag aaral ka ng tagalog sana nakakatulong yung podcast
- 9:24na akong transcript. Libre lang ang kailangan mo.
- 9:28Kung may tanong ka may kailangan ka.
- 9:30Pwede mo akong i email. Salamat at paalam.