Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #208 – "Hindi lahat ng mga pangarap mo ay matutupad" (Tula sa Tagalog)
Transcript
- 0:06Hello kamusta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast
- 0:12at ngayong araw mayroon tayong isang tula.
- 0:17Ni rod marmol. At noong episode, two hundred
- 0:22two meron na akong binasang tula ni rod marmol at ngayon may isa
- 0:30pang tula. At tulad ng sinabi ko dati.
- 0:35Gusto ko yung mga tula ni rod marmol para sa mga nag aaral ng
- 0:40tagalog kasi simple. At yung mga salita na ginagamit
- 0:47niya. Yung mga salita na ginagamit
- 0:51namin ngayon sa pilipinas. Sa umaga.
- 0:56Hindi mga lumang salita hindi mga r k na salita so pwede
- 1:02niyong gamitin. At si rod marmol isang.
- 1:07Direktor, isang screen rider at isang best selling na manunulat
- 1:14so meron siyang mga kuwento at mga libro.
- 1:19So basahin natin yung tula ni rod marmol.
- 1:27Hindi lahat ng mga pangarap mo ay matutupad.
- 1:33Kahit ilang sako pa ng promil ang nilaklak mo dati.
- 1:38Kahit na abot mo lahat ng kanta ni regine.
- 1:44Kahit na malapit ng ma insecure ang birheng maria sa iyong
- 1:51kabusilakan. Kahit galing ka sa angkan ng mga
- 1:56pulitiko. At kayo lang daw ang magaling.
- 2:01Kahit sino ka pa. Hindi lahat ng mga pangarap mo
- 2:07ay matutupad. Alalahanin mo yan sa tuwing
- 2:12nanliliit ka matapos makita ang tagumpay ng mga tao sa internet.
- 2:19Alalahanin pagkatapos ay piliting tawanan ang pag aalala.
- 2:26Kasi di rin lahat ng mga pangarap nila ay matutupad.
- 2:32At yan ang pinakama malinamnam na batas ng buhay.
- 2:39Tayo ay isang planeta ng walong bilyong talunan.
- 2:45Kung madalas nating aaminin yan. Mas dadami rin ang matututong
- 2:51tanggapin na laging may alon sa dagat at tanging ang mga di
- 2:58marunong sumakay sa mga to. Ang walang nararating na ligaya.
- 3:08Kc yon ang hindi lahat ng mga pangarap mo ay matutupad ni rod
- 3:14marmol. So sa unang stanza.
- 3:19Meron siyang sinabi na promil yung promil yung isang tatak ng
- 3:25gatas sa pilipinas. Tapos yung regine.
- 3:31Yung sikat na mang aawit si regine velasquez.
- 3:37So ibig sabihin o siguro yung gusto niyang sabihin.
- 3:43Sa unang stanza. Kahit sino ka pa.
- 3:48Kahit anong gawin mo. Hindi pwedeng matupad lahat ng
- 3:54gusto mo. So hindi perpekto yung buhay mo
- 3:59kasi hindi mo makukuha. Lahat ng gusto mo.
- 4:04Hindi lahat ng pangarap. Matutupad.
- 4:09Sa susunod na stanza. Meron siyang mga gustong
- 4:15ipaalala sa atin. Yung mga reminders sa atin.
- 4:19Halimbawa yung wag tayo magkumpara sa ibang tao.
- 4:25At kung nag aalala tayo kung meron tayong pakiramdam na
- 4:31anxiety. Pwede daw na tawanan.
- 4:36O pilitin natawanan yung anxiety na yun.
- 4:42Yung pag aalala na yun. Kasi yung tao na nakikita mo sa
- 4:48social media. Kahit mukhang masaya sila hindi
- 4:53lahat ng gusto nila makukuha nila.
- 4:56Hindi lahat ng pangarap nila matutupad.
- 5:01At sabi niya yun yung pinaka malinamnam na batas ng buhay.
- 5:08Yung pinaka magandang aspeto ng buhay.
- 5:14Na. Yung mga tao sa mundo.
- 5:17Yung tayong lahat walong bilyon. Natatalo tayo.
- 5:23Hindi lahat ng gusto natin makukuha natin.
- 5:27Pero hindi lang sa buhay mo. Sa buhay nating lahat ganun.
- 5:33At ayon sa tula yun ay pinaka malinamnam at yung huling stanza
- 5:41tungkol naman sa pag amin. So sa pag amin na hindi tayo
- 5:48laging panalo sa buhay at gumamit siya ng metaphor yung
- 5:54alon sa dagat. So ayon sa tula.
- 5:59Yung mga yung mga problema mga challenges.
- 6:05Mga. Pangarap na hindi natutupad.
- 6:10Yung mga gusto natin na hindi natin nakukuha.
- 6:14Parang alon sa dagat. Laging meron laging nandiyan
- 6:21tuloy tuloy hindi tumitigil di ba?
- 6:26At sabi ng tula kung hindi tayo matuto na sumakay sa alon.
- 6:34So sumakay sa alon parang mag surf sa alon sakyan yung alon.
- 6:40Hindi tayo magiging masaya. Hindi natin mararating ang
- 6:48ligaya. So doon sa huling sansa tungkol
- 6:53talaga sa pag amin na okay hindi perpekto yung buhay.
- 6:59Hindi ko pwede makuha lahat. Pero ganun talaga yung buhay
- 7:05ganun yung buhay sa lahat ng tao.
- 7:08So wala akong puwedeng gawin kung hindi maging malungkot.
- 7:14Oh matuto na sumakay sa alon sa dagat at maging maligaya.
- 7:22Yun lang ang episode natin ngayon.
- 7:25Meron tayong transcript. Libre lang.
- 7:28Kung kailangan nyo at pwede kayong sumuporta sa patreon
- 7:33meron akong mga map posters din na binebenta kung gusto nya
- 7:37sumuporta. Maraming salamat at paalam.
- 7:45N.