Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #263 - Korapsyon sa Pilipinas: Mga Baha At Buwaya
Transcript
- 0:07And oo basta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast.
- 0:12At ngayon yung tema natin importante.
- 0:15Mahalaga tungkol sa baha. At mga buwaya sa pilipinas.
- 0:22Tungkol to sa malaking korapsyon.
- 0:26Na nangyayari ngayon. So ngayon lang ako nakapag
- 0:32record ng podcast tungkol dito. Kasi lagi akong nagre record ng
- 0:39advance. Pero itong issue na to.
- 0:43Kailangan pag usapan. So kahit pilipino ka kahit hindi
- 0:49ka pilipino. Kung hindi ka nakatira sa
- 0:51pilipinas nakatira ka sa ibang bansa.
- 0:55Sa tingin ko kailangan mong malaman yung temang to.
- 0:59Kasi may relasyon to kung bakit maraming pilipino ayaw.
- 1:06Tumira sa pilipinas kasi nagbabayad kami ng buwis.
- 1:11Nagbabayad kami ng tax na napupunta sa mga buwaya.
- 1:17So ano ba itong isyung to? So yung baha.
- 1:22Baha yung. Kapag may malakas na ulan.
- 1:27Pag madaming ulan. Kapag may mga bagyo.
- 1:31Tumataas yung tubig sa mga kalye.
- 1:35So pwedeng malunod yung mga tao pwedeng magkasakit dahil sa sa
- 1:42tubig. At madaming nasisira ng mga
- 1:46bahay ng mga gamit dahil sa tubig dahil sa baha.
- 1:52At grabe talaga yung mga whisk ng natural disaster.
- 1:56Yung mga sakuna sa pilipinas lalo na yung may relasyon sa
- 2:01baha. So yung mga bagyo mga ulan
- 2:06madami yan lalo na sa maynila. Kasi madaming tao sa maynila
- 2:12madaming problema sa maynila sa pagkokontrol ng baha kaya
- 2:18malaking issue to ngayon dito at dati pa.
- 2:22At dahil madaming naapektuhan, kailangan magkaroon ng mga
- 2:29programa mga proyekto para makontrol yung baha.
- 2:35Sa europa nung nakatira ako doon malaking usapan yung climate
- 2:39change. Malaking tema malaking issue at
- 2:44syempre yung mga naapektuhan yung mga bansa sa global south
- 2:48tulad ng pilipinas tumataas yung lebel ng tubig sa dagat at
- 2:54naapektuhan yung mga bansa tulad ng pilipinas.
- 2:58Pero yung problema sa pilipinas. Mukhang mas malaki talagang mas
- 3:04malaki yung epekto ng mga entry projec na aktibidad yung mga
- 3:10aktibidad ng tao na nagdudulot ng baha so mas malaki yung
- 3:15epekto ng mga tao. Ng mga ginagawa ng tao.
- 3:20Kumpara sa kumpara sa epekto ng climate change sa baha.
- 3:25Halimbawa yung illegal na pagputol ng mga puno.
- 3:30Yung pagmimina. At yung agricultural expansion
- 3:35yung mga slash and burn na method.
- 3:39So nagkakaroon ng mga run off, nagkakaroon ng mga flash flood,
- 3:44may mga soil erosion. Nagkakaroon ng stealthing ng mga
- 3:48ilog yung flow capacity bumababa.
- 3:52So mga ganong epekto kaya kailangan magkaroon ng mga
- 3:56proyekto, mga flood control na proyekto pero yung malala.
- 4:03Parang nagkaroon dati pa ng gas lighting so sinisisi yung mga
- 4:08tao. Sinasabi na dahil maraming
- 4:12basura sa kalsada kaya laging may baha.
- 4:16Dahil walang disiplina yung mga tao kaya may baha.
- 4:20Sinisisi yung mga tao parang yung sa mundo natin yung
- 4:25paggamit ng plastic sinisisi yung mga gumagamit ng plastic.
- 4:30Pero hindi sinisisi yung mga gumagawa ng plastik.
- 4:34Yung mga kumpanya na gumagamit ng plastik.
- 4:38So pareho sa flood control sa pilipinas.
- 4:42Na malaking pera. Bilyon trilyon.
- 4:47Trilyong piso napupunta sa mga bulsa.
- 4:52Ng mga pulitiko. Ng mga contractor.
- 4:57Ng mga engineer. Na.
- 5:00Bilang pilipino alam namin na nangyayari.
- 5:04Kahit noong bata pa lang ako alam na namin na may korapsyon.
- 5:09Alam na namin na nangyayari sa iba't ibang ahensya.
- 5:14Ng gobyerno so hindi lang flood control, hindi lang
- 5:16infrastructure pero sa iba't ibang ahensya parang open
- 5:22secret. Alam ng lahat ng mga tao.
- 5:25Pero yung nakakagulat siguro yung talagang dami ng pera.
- 5:31Ako hindi ko inakala na trilyong trilyong piso.
- 5:35Yung kinukurakot. Hindi ko inakala na yung
- 5:39kickback sobrang mataas ibig sabihin sobrang.
- 5:44Sobrang matakaw sobrang gahaman. Sobrang greedy ng mga mga
- 5:51sangkot sa korapsyon. At ngayon meron ng mga
- 5:56ebidensya. Meron na dapat makulong.
- 6:01Kasi yung korapsyon. Ayon sa mga imbestigasyon.
- 6:07Organized to may sistema. Yung korapsyon.
- 6:13Nagsisimula sa mga legislator na nag insert ng funds.
- 6:20Tapos pipili sila ng mga proyekto.
- 6:22Halimbawa yung flood control tapos meron silang kickback.
- 6:27Meron silang patong sa tagalog may patong yung mga proyekto.
- 6:33Na kadalasan daw at least tatlompung porsyento ng
- 6:37proyekto. So mas mataas daw yun kumpara sa
- 6:41patong. Sa ibang sector.
- 6:44Pero bakit flood control? Sabi nila flood control kasi
- 6:49mahirap i audit yung mga proyekto na flood control.
- 6:54Mahirap daw i check kung talagang tama yung sukat ng mga
- 7:00proyekto kung tama yung lalim kung tama yung haba.
- 7:04Kung tama yung mga materyales. So kung substandard man o kung
- 7:09hindi nasunod yung plano. Mahirap mai check ng mga nagche
- 7:15check so yun simula sa legislator tapos dadaan na sa
- 7:20mga contractor yung gagawa ng proyekto.
- 7:23At dadaan sa d p w h yung department of public works and
- 7:29highways. So magkaka kutsaba sila.
- 7:34Meron silang plano. Sila sila yung legislator yung
- 7:38pulitiko yung contractor ng proyekto at yung department of
- 7:44public works and highways. D p w h.
- 7:47Kasama na dito yung mga engineer, yung mga regional
- 7:50director, yung mga iba't ibang empleyado ng department na to.
- 7:56So yung thirty percent at least nasa politiko na tapos merong
- 8:02mga. Mga fifteen percent sa d p w h.
- 8:07Tapos yung matitira nasa contractor na.
- 8:10Pero syempre overpriced yung budgeting ng proyekto.
- 8:15So kung halimbawa isang daang bilyon yung proyekto.
- 8:20Yung presyo nya on paper sa papel.
- 8:24Si coco limang beses mas mataas sampung beses mas mataas ganun
- 8:30kasi magkakatulong sila. Sila sila yung nag approve.
- 8:36Yung pumipirma. Ng mga proyekto.
- 8:39Pero ang pinakamalala. Ang pinaka.
- 8:44Grabe pinaka grabe yung mga ghost projects.
- 8:50Bakit ghost projects? Ghost projects kasi.
- 8:54Hindi naman ginawa yung proyekto.
- 8:57So walang puyat to. Merong funding merong approval.
- 9:01Merong pirma merong plano pero walang project.
- 9:07Wala pero yung pera? Sa napunta.
- 9:13So ayon sa imbestigasyon. Walong libo.
- 9:17Yung mga flood control projects sa bansa.
- 9:20Eight thousand. Tapos yung mga ghost projects.
- 9:24Four hundred, twenty one. So limang porsyento.
- 9:29Ghost project. Ibig sabihin limang porsyento ng
- 9:32puyat to wala. Wala at.
- 9:37Parang conservative pa yung bilang na yon.
- 9:41Ibig sabihin madami pang hindi nakikita.
- 9:44So malala yung ghost project. At syempre ilan kaya yung
- 9:50substandard? Ilan kaya yung.
- 9:53Overprice. Madami.
- 9:56Kaya tinatawag namin sila ng mga buwaya.
- 10:00Buwaya yung mga corrupt na politiko corrupt na.
- 10:05Khal ng gobyerno. Corrupt.
- 10:09Oo buwaya in general yung. Gahaman.
- 10:14Greedy. Sobrang matakaw sa pera matakaw
- 10:19sa kapangyarihan. Matakaw.
- 10:22At walang. Walang kontrol.
- 10:26Hindi nasa satisfy yung kagustuhan nila.
- 10:30At yung metaphor na buwaya nanggaling daw sa.
- 10:34Sa libro ni national artist amado hernandez yung luha ng
- 10:41buwaya. O sa ingles yung crocodiles
- 10:44tear. At yung kwento sa libro.
- 10:48Yon merong pamilya na elite na mga buwaya.
- 10:54Buwaya kontra sa mga magsasaka. Mga mahirap na tao.
- 10:59So yun ang mga issue ngayon sa flood control.
- 11:05So meron bang makukulong kasi ito yung importanteng tanong
- 11:09ngayon. Meron bang makukulong?
- 11:12Kasi hindi ba dapat may makulong kasi gumawa sila ng mali.
- 11:18At dapat may makulong para maiwasan ulit maging deterrent.
- 11:24Matakot. Yung mga ibang opisyal, ibang
- 11:29contractor ibang pulitiko. Pero madaming.
- 11:34Mga kaso sa pilipinas na yung mga mga pulitiko yung mga
- 11:41matataas na posisyon. Hindi sila nakukulong.
- 11:46Hindi sila napaparusahan ng sapat.
- 11:51Halimbawa yung pdaf scam. Sa pdaf scam hindi naman
- 11:57nakulong si senator jinggoy estrada.
- 12:01Hindi nakulong si juan ponce enrile.
- 12:05Yung nakukulong yung mga scape goat nila si napoles at iba pa.
- 12:12Na oo may sala sila gumawa sila ng masama.
- 12:17Parte sila ng scheme ng scam. Pero.
- 12:22Bakit yung mga nasa posisyon sa gobyerno hindi makukulong?
- 12:29So yun ang problema sa pilipinas yung pera may kapangyarihan.
- 12:35Malaking kapangyarihan. So madami pa akong pwedeng
- 12:39sabihin dito. Madaming detalye madaming
- 12:42numero. Madaming.
- 12:45Emosyon madaming protesta. Madaming galit na tao.
- 12:51Yung mga tao. Lalo na yung mga karaniwang
- 12:55pilipino. At flood control pa lang to.
- 13:00D p w h lang to. Paano pa yung iba't ibang
- 13:05proyekto? Paano pa yung iba't ibang
- 13:08ahensya? Parehong kwento sa tingin ko.
- 13:12Parehong korupsyon. Parehong mga nakikinabang.
- 13:18Pare parehong mga buwaya na iba't ibang hugis lang.
- 13:23So. Yung baha sa pilipinas.
- 13:27Hindi dahil sa climate change. Pero dahil sa kapalpakan.
- 13:35Katakawan. Kasamaan.
- 13:38At kademonyohan ng mga. Sangkot.
- 13:43Sa mga proyektong to. At kung walang makukulong sa
- 13:48isyung to kung walang makukulong na pulitiko.
- 13:53Sa tingin ko wala ng pag asa yung pilipinas.