Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #302 - Tsokolate At Cacao Farming Sa Pilipinas
Transcript
- 0:07Hello kumusta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast?
- 0:12At ngayong araw pag uusapan natin yung cacao.
- 0:18Minsan pag narinig natin yung cacao o tsokolate.
- 0:24Baka iniisip natin yung europa. Pwedeng, belgium, switzerland,
- 0:28france. O pwedeng mexico o equador.
- 0:34Pero halos walang nag iisip ng pilipinas.
- 0:39Na medyo kakaiba. Kasi sa totoo lang yung
- 0:44pilipinas yung unang bansa sa asya na nagpalago at nagpadami
- 0:52nagtanim ng cacao. Kasi dumating yung tsokolate
- 0:57dito. Lampas three hundred fifty years
- 1:01ago na. So medyo matagal na.
- 1:04Nung panahon ng mga espanyol. At unti unti.
- 1:09Napunta na rin sa ibang bansa sa asya.
- 1:13Ibig sabihin yung tsokolate mas una pa sa pilipinas kaysa sa
- 1:19tsina o sa hapon. So paano paano nakapunta yung
- 1:26tsokolate sa pilipinas? Kailangan natin pag usapan yung
- 1:31manila. Akapal ko galleon trade.
- 1:35So lampas sa two hundred fifty years yung mga barko ng mga
- 1:41espanyol. Naglayag pumupunta sa manila
- 1:46tapos pagpunta sa mexico. Isa yun sa mga pinakamahabang
- 1:51trade roots sa mundo noong panahon na yon.
- 1:55Kasi yung mga malalaking barko. May dalang silver galing sa
- 2:01amerika o pwedeng silk at purslane galing sa china.
- 2:06Pwede ding spices galing sa galing sa asya.
- 2:11At mga bagong mga crops na dinadala nila sa iba't ibang
- 2:17kontinente. At isa na don yung cacao.
- 2:21Kaso may problema kasi yung mga butil yung mga seeds ng cacao.
- 2:28Masyadong fragile. So sensitibo.
- 2:33Kapag lampas na ng dalawang linggo ng harvest.
- 2:37Hindi na lalaki. Hindi na lalago yung yung seed.
- 2:45So dalawang linggo lang yung parang window mo para itanim at.
- 2:50Palakihin yung cacao seed kaso yung biyahe.
- 2:56Nadadaan sa pacific. Mas matagal sa dalawang linggo
- 3:00kasi malayo yon. So hindi nila pwedeng i
- 3:04transport yung beans lang. Ginawa nila mga seedling yung
- 3:11tina transport nila. Na kailangan ingatan kasi
- 3:15seedling. Syempre kailangan maingat ka.
- 3:20So imaginin mo sa barko na malaki.
- 3:25Kahit mayroong mga bagyo sa pacific, mayrong iba't ibang
- 3:29temperatura. May mga salt spray.
- 3:33Kailangan mong ingatan itong tropikal na halaman na to.
- 3:39May isa ding dahilan kung bakit lumaganap.
- 3:42Mabilis yung kakao sa pilipinas. Hindi lang dahil sa mga
- 3:48merchants pero dahil din sa mga paari yung mga priest yung mga
- 3:52spanish clergy. Kasi mahilig daw sila sa
- 3:58tsokolate. Madami silang kinakain na
- 4:01tsokolate. Lalo na daw kapag fasting period
- 4:06kapag lent. Yung mga pari hindi pwedeng
- 4:09kumain ng solid na pagkain. Yung mga inumin lang yung pwede.
- 4:16So pwede daw silang uminom ng tsokolate kasi technically hindi
- 4:21iyon solid na pagkain so gusto nila yun kasi merong masarap
- 4:26tsaka high calorie na pagkain o inumin na pwedeng inumin kahit
- 4:33nag fa fast sila. Pero yung eksaktong tao na
- 4:38nagdala ng tsokolate sa pilipinas.
- 4:40Walang consensus sa mga historyan.
- 4:45Sabi ng iba si pedro bravo de lagunas nagdala ng cacao plant
- 4:51galing mexico papunta sa camarines binigay daw sa isang
- 4:56pari. Yung isa naman sabi isang jesuit
- 5:00priest na si wanda villa. Na nagdala ng cacao plant sa
- 5:05leyte. Pero yung layunin nila hindi
- 5:09lang para madagdagan yung agrikultura sa pilipinas.
- 5:14Hindi lang para magkaroon ng tsokolate yung mga pare isa ding
- 5:19layunin ng mga espanyol. Yung.
- 5:24Mapilitan mag settle sa farming sa pagsasaka yung mga pilipino
- 5:30kaysa yung mobile yung lifestyle nila kaysa nomadic.
- 5:36Ibig sabihin isa tong colonial social policy ng mga espanyol.
- 5:42Isa din yun sa dahilan nila kung bakit nagdala sila ng cacao sa
- 5:47pilipinas. Tapos sabi na talagang tinanggap
- 5:52ng mga pilipino yung tsokolate pang in embrace ng mga pilipino.
- 5:57Pero interesante kasi yung mga kalapit na bansa.
- 6:01Halimbawa nga yung tsina at hapon.
- 6:05In introduce din naman sa kanila.
- 6:08Ng mga missionary at trader yung tsokolate pero hindi naging
- 6:12parte ng kultura. Bakit kasi meron na daw?
- 6:18Parang established at malakas na tradisyon sa mga inumin yung
- 6:24china. Tsaka japan kasi meron na silang
- 6:27tsaa. Parte na yun ng kultura nila
- 6:30tsaka habits nila. Yung pilipinas.
- 6:34Wala pa daw at meron pa ngang mga ibang tao na suspicious daw
- 6:40sa tsokolate. Yung mga taga tsina at taga
- 6:44hapon. At sixteen sixties pa lang.
- 6:48Parang major na commodity na yung cacao natin.
- 6:54Itrade sa manila. Parte na ng pang araw araw na
- 6:58buhay lalo na yung mga spanish elite na nakatira sa manila nung
- 7:04panahon na yun. Pero yung naging tsokolate sa
- 7:08pilipinas hindi pareho sa tsokolate sa europa kasi dito.
- 7:13Naging tablea yung filipino chocolate.
- 7:17Ano ba yung tablea? Yung parang.
- 7:21Maliit na mga disk na purong cacao.
- 7:26So parang small disks ng pure cacao yung tableya at mahaba
- 7:31yung proseso. Kasi una iha harvest muna yung
- 7:35cacao pods tapos ipe ferment yung beans.
- 7:39Patutuyuin. I rose.
- 7:43Tapos didikdikin ika grind hanggang maging parang paste.
- 7:49Tapos. Ise save mo siya.
- 7:54Sa dun sa shape sa hugis na. Tablets o disks.
- 8:00At meron pa dating mga tao na nagse specialize bilang
- 8:04chocolate grinders. Kadalasan daw mga chinese yung
- 8:08tawag sa kanila tsokolatero song nagha house to house sila
- 8:13pupunta sa bahay bahay para maghanda ng cacao.
- 8:18At yung sikat na inumin na iniinom yung tsokolate de
- 8:24batirol oh sikwate. So di ba meron kang tablea?
- 8:31Yung purong cacao na tablet o disk.
- 8:35Ilalagay mo sa isang espesyal na pot.
- 8:38Yung pangalan tsokolatero. Tapos i wisk mo gamit yung isang
- 8:44tool na gawa sa kahoy. Inyong tinatawag na batirol.
- 8:49Tapos i wisk mo lang ulit ulit hanggang maging malapot yung
- 8:56liquid. Kung merong phone mas magandang
- 9:00kalidad. At syempre hindi lang inumin
- 9:04naging isang sikat na pagkain din.
- 9:07Sa pilipinas ninyong champorado parang rice porridge na
- 9:12tsokolate. Alam ko sa mexico meron din yung
- 9:16champorado. Pero.
- 9:20Mais yung ginagamit nila dito sa pilipinas kanin yung ginagamit
- 9:25sa champorado. At minsan kinakain yung
- 9:28samporado kasama ng maalat na tuyo.
- 9:34O tuyong isda. So matamis na tsokolate tsaka
- 9:38maalat na isda. Magandang kombinasyon.
- 9:42Interesante din kasi di ba nakwento ko na sa mga episode
- 9:47tungkol sa islam sa pilipinas sa mindanao may mga independent na
- 9:53muslim sultanate at hindi talaga nakontrol ng mga espanyol.
- 9:58Yung malaking parte ng mindanao. So sa mindanao.
- 10:04Mayroon ding mga taniman ng cacao pero hindi tulad sa luzon
- 10:09na may mga malaking colonia plantasyon.
- 10:13So sa mindanao mas parang backyard farming yung cacao o
- 10:19decentralized so dahil dun baka daw naging positibo kasi na
- 10:25preserve yung genetic diversity ng cacao sa pilipinas.
- 10:30At ngayon sa pilipinas yung sentro ng cacao industry.
- 10:35Nasa davao kasi walumpung porsyento ng kakao ng pilipinas
- 10:41galing sa davao eighty percent. Kaya davao daw yung chocolate
- 10:47capital ng pilipinas. Pero maliit pa din yung
- 10:51production kumpara sa kino consume.
- 10:55Kaya nag import pa din ng cacao yung pilipinas.
- 11:00Buti na lang meron ng mga sumisikat na parang binto bar na
- 11:04tsokolate sa pilipinas. Um meron yan sa mga s m sa mga
- 11:10malls yung brands tulad ng auro chocolate o yung theo and fellow
- 11:16o yung malagos chocolate so. Yung mga tsokolate na yan may
- 11:21mga napanalunan din na awards. At yung malagos beans na
- 11:26recognize na parang isa sa pinaka masarap na cacao beans sa
- 11:32buong mundo. Meron lang mga challenges
- 11:35ngayon. Halimbawa yung mga magsasaka
- 11:39kailangan nila ng mas magandang training sa fermentation at pest
- 11:43management kasi malaking problema yun.
- 11:47Tapos yung climate change syempre may may banta na
- 11:51babantaan yung stability ng mga halaman.
- 11:56At yung presyo ng fertilizer tumataas din pero buti naman
- 12:01meron ng agritourism lalo na sa davao kung saan pwede mong
- 12:06bisitahin yung mga cacao farms at makikita mo kung pano
- 12:10ginagawa yung tsokolate. So para makakonekta yung yung
- 12:16normal regular na pilipino at turista.
- 12:20Sa kung paano ginagawa yung tsokolate dito sa pilipinas.
- 12:25So mahabang biyahe yung tsokolate sa pilipinas nagmula
- 12:30sa americas tapos bumiyahe sa pacific.
- 12:35Tapos dahil sa galleon trade. At backyard farming sa mindanao.
- 12:41At sa mga award winning na brands.
- 12:45Yan tuloy tuloy pa rin yung kwento ng philippine cacao.
- 12:51At yung sikat na inumin na tsokolate di ba tirol galing sa
- 12:55tablea at yung pagkain na champorado.
- 12:59Na tsokolate at kanin. Na minsan merong maalat na isda.
- 13:07So yun lang salamat sa oras nyo. Meron tayong transcript kung
- 13:12kailangan nyo at meron tayong picture yon.
- 13:15Kung gusto niyo suportahan yung podcast, maraming salamat at
- 13:18paalam. N.