Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #282 - Bakit hindi maganda ang airport sa Manila?
Transcript
- 0:07Hello kamusta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast.
- 0:12At ngayong araw pag uusapan natin yung airport sa manila.
- 0:19Yung ninoy aquino national. International airport, o naia.
- 0:26Yung tawag namin sa airport na to naia.
- 0:30At kung nakapunta na kayo sa naia, mapapansin nyo na.
- 0:37May mga mas magandang airport kumpara sa naia.
- 0:41Ganun din yung karanasan ko karanasan namin.
- 0:45Madalas ang daming tao. Mabagal yung serbisyo.
- 0:49Pangit yung mga facilities sa loob ng airport.
- 0:55Traffic papunta doon kasi walang subway.
- 0:59Pangit yung transportasyon. So yun yung pag uusapan natin.
- 1:04Yung naia nagbukas noong nineteen forty eight so medyo
- 1:07matagal na yung naia inyong unang major international
- 1:12airport sa manila. At yung terminal yung main
- 1:18terminal sa naia para sa thirty five million na passengers kada
- 1:24taon. So yun yung?
- 1:26Parang capacity. Pero nung twenty twenty four
- 1:30halimbawa nagkaroon ng fifty million na bumiyahe mga
- 1:36traveller yung dumaan sa naia. So sobra.
- 1:42Kaya congested yung mga runway puno yung mga waiting room at
- 1:48dahil doon may akong mga delay. Minsan meron ding mga power
- 1:53failure. Minsan meron ding mga bed bugs
- 1:58dati. Yung mga upuan nakita na merong
- 2:01mga bed bugs. Sabi ng ibang mga air traffic
- 2:05controller. Na.
- 2:08Nasa ten to twenty yung flights na.
- 2:12Mas madami sa capacity yung hina handle nila per hour.
- 2:17Isang halimbawa ng issue nung twenty twenty three bagong taon,
- 2:22new years day nagkaroon ng power outage sa naia.
- 2:26At syempre kung merong power outage.
- 2:30Mayroon ding epekto sa operasyon sa airport.
- 2:33So merong fifty six thousand na pasahero yung stranded.
- 2:39Ng ilang oras. At yun mainit, madilim at punong
- 2:44puno yung tao doon sa terminal three.
- 2:48Kahit yung mga back up generator yung back up ng cuter system
- 2:53hindi agad gumana. Bukod doon yung air conditioning
- 2:57din nagkakaroon ng mga breakdowns.
- 3:00Meron din yung issue ng seguridad.
- 3:02Yung lapses sa security halimbawa nung mga twenty
- 3:06fifteen twenty sixteen. Meron yung extortions candle sa
- 3:11naia. Yung tinatawag na tanim bala.
- 3:15Tanim bala. Yun yung pagpa plant ng bullets
- 3:19sa luggage ng pasahero. Para mag extort ng pera sa
- 3:25pasahero. So kadalasan daw yung mga target
- 3:29yung mga o f w o mga turista. So merong tatlumpung kaso na
- 3:36confirmed. So meron daw organize na
- 3:39sindikato sa scam na to. So merong iba't ibang rankings
- 3:44na nagsasabi na isa sa pinakapangit na airport yung
- 3:48naia. Halimbawa yung compared the
- 3:50market noong two thousand twenty four.
- 3:53Dulong dulo daw yung naia dahil sa hindi efficient.
- 3:58Hindi malinis hindi accessible. Ganun din yung mga rankings ng
- 4:04sky tracks at google at trip adviser reviews kung ikukumpara
- 4:09mo sa singapore o sa kuala lumpur, laging nasa mga rankings
- 4:15ang pinakamagandang airport. Yung mga airport nila.
- 4:19Kahit yung sa bangkok at sa jakarta.
- 4:23Magaganda yung rating ng mga airport nila lalo na kumpara sa
- 4:28pilipinas. Yung terminal three halimbawa
- 4:32naging issue din kasi yung politika.
- 4:35Naging issue nung panahon na yon.
- 4:38Noong nineties at nagkaroon ng mga legal battle at mga labanan
- 4:44ng mga bids. At yun nga dahil walang rail
- 4:47line airport rail line. Mahirap bumiyahe.
- 4:51Galing at papunta sa airport. Kailangan mag bus kailangan mag
- 4:55taxi kailangan magmaneho sa kotse.
- 5:00Kumpara sa jakarta at sa kuala lumpur meron silang ah airport
- 5:05rail at yung bangkok then meron. So yun so ano ba yung solusyon?
- 5:11Anong plano ng gobyerno? Nung september twenty, twenty
- 5:16four. Sabi ng gobyerno na hindi
- 5:20maganda na palpak yung management model ng naia.
- 5:25So nagkaroon ng. Concession ang fifteen years sa
- 5:30isang pribadong kumpanya sa san miguel corporation.
- 5:35Yung kumpanyang san miguel corporation.
- 5:37Kailangan nilang ayusin yung airport.
- 5:40Sa plano nilang pagandahin at doblehin yung capacity ng naia.
- 5:47So so far meron ng mga makikitang upgrade.
- 5:52Merong bagong lounge para sa mga o f w.
- 5:56Merong mga bagong jet bridges merong centralized na pick up at
- 6:02drop off ng mga ride hailing apps.
- 6:05Meron daw bagong escalator. Mas maraming mga banyo.
- 6:10Mas bagong mga air conditioning. Yung flood proofing din.
- 6:16Pero meron pa ding mga isyu na tuloy tuloy.
- 6:20Halimbawa yung baggage handling delays merong mga water outages
- 6:25sa mga iba't ibang banyo. Meron pa ring mga system
- 6:29glitches. At nagtaas ng airport fees yung
- 6:34san miguel. Kaya hindi masaya yung mga ibang
- 6:38pilipino. So kung babyahe kayo sa manila
- 6:43sa naia pansinin nyo yung airport kamusta ba yung mga
- 6:47facility? Kamusta yung air conditioning
- 6:51yung banyo? Meron bang tubig?
- 6:54Mabilis ba yung luggage? Mabilis ba yung mga proseso?
- 6:59Meron bang mga mahabang pila sa seguridad?
- 7:04Sa customs. Kamusta yung traffic sa labas?
- 7:08Madali bang mag book ng taxi? Madali ba pumunta sa hotel?
- 7:13Tapos yun ikumpara nyo sa airport sa bansa niyo.
- 7:18O ikumpara nyo sa airport sa. Iba't ibang bansa sa south east
- 7:23asia kamusta ba yung yung manila?
- 7:27So yun lang yung episode natin ngayon.
- 7:29Salamat sa pagkikinig niyo. Meron tayong transcript kung
- 7:32kailangan nyo. Kung gusto niyong sumuporta
- 7:35meron tayong patreon. Maraming salamat at paalam.
- 7:43N.