Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #194 - Masamang Panahon
Transcript
- 0:07Hello kamusta ang call si miguel ng comprehensible tagalog
- 0:11podcast? At ngayong araw pag uusapan
- 0:15natin yung panahon. At lalo na yung masamang
- 0:21panahon. Kasi meron akong bagay na
- 0:25napagtanto kamakailan lang. Tungkol sa masamang panahon.
- 0:32At interesante para sa akin. Hindi ko alam kung magiging
- 0:37interesante para sa inyo. So ngayon nakatira ako sa
- 0:43lithuania. So taglamig sa life niya.
- 0:48Malamig. Malamig dito mahaba iyong
- 0:53taglamig. At kadalasan merong niyebe.
- 0:58Kadalasan makapal yung niyebe kapag taglamig.
- 1:03Pero ngayong taon. Talagang konti yung niyebe
- 1:09kumpara dati. So halos halos walang niyebe.
- 1:15Kung meron man talagang manipis yung niyebe.
- 1:19Tapos nag uusap kami ng kaibigan ko.
- 1:23Tapos sabi niya na hindi siya masaya kasi masama yung panahon
- 1:30kasi walang araw so hindi maaraw.
- 1:33Mahangin at malamig. At taga dito siya so hindi siya
- 1:39masaya dahil masama yung panahon.
- 1:43Tapos. Medyo.
- 1:46Kailangan ko ng o kinailangan ko ng ilang segundo para
- 1:50maintindihan. Yung masamang panahon na
- 1:55sinasabi niya. Kasi para sakin.
- 1:58Iba yung konsepto ko ng masamang panahon.
- 2:03Kasi para sakin yung masamang panahon.
- 2:08Ay yung mga araw. Na hindi ka pwede lumabas ng
- 2:13bahay kasi delikado. So sa pilipinas.
- 2:20Alam niyo na maraming bagyo maraming ulan.
- 2:26At sa pilipinas maraming bagyo halos.
- 2:30O higit sa dalawampung bagyo kada kada taon.
- 2:36So madami at malakas madaming ulan.
- 2:41Tapos simula noong bata ako. Yung tinatawag.
- 2:47Namin na masamang panahon. Sa pilipinas sa karanasan ko.
- 2:52Yung mga araw na hindi kami pwede lumabas kasi.
- 2:58Merong bagyo merong super typhoon.
- 3:01So talagang may baha. O talagang malakas yung hangin
- 3:05so pwede kang mamatay sa labas ng bahay.
- 3:10Pwedeng dahil may mahuhulog na puno.
- 3:15Pwedeng dahil pwede ka malunod sa tubig.
- 3:20Pwedeng ma stranded sa kalsada. O pwede kang makakuha ng sakit
- 3:29dahil sa tubig. Halimbawa yung leptospirosis.
- 3:33At yun ibig sabihin para sakin simula bata ako yung masamang
- 3:39panahon. Yung mga araw na hindi ako pwede
- 3:44lumabas di pwedeng maglaro sa labas.
- 3:48Hindi pwedeng mag basketball. So yun yung konsepto ko ng
- 3:53masamang panahon at syempre dito sa europa.
- 3:58Mas konti yung ulan mas konti talaga yung mga natural
- 4:03disasters pero madalas na pinag uusapan yung panahon.
- 4:10At kahit saang bansa na napuntahan ko madalas na usapan
- 4:16yung panahon. Magandang panahon.
- 4:20Masamang panahon. At syempre hindi naman ito yung
- 4:24unang beses na narinig ko na masama yung panahon.
- 4:29Sa kaibigan ko. Pero napagtanto ko lang na iba
- 4:34iba yung yung kahulugan ng masamang panahon para sa atin.
- 4:41Kasi para sa kanya yung masamang panahon yung walang araw.
- 4:46O yung malamig. Pero para sakin hindi masamang
- 4:51panahon yun. Kasi pwede pa rin akong lumabas
- 4:55ng bahay. Syempre kailangan ng sapat na
- 4:59layers sapat na damit. Para sa taglamig.
- 5:04Pero kahit malamig. O kahit may konting ulan.
- 5:11Kahit walang araw para sakin. Okay yung panahon siguro hindi
- 5:17maganda hindi perpekto pero hindi masamang panahon at dahil
- 5:24doon napagtanto ko lang na. Iba iba talaga yung.
- 5:30Yung pananaw ng mga tao iba iba yung.
- 5:34Yung karanasan natin sa mundo. So mahirap.
- 5:40O hindi hindi maganda na maghusga sa ibang tao kasi iba
- 5:47iba yung karanasan natin. Iba iba yung kahulugan natin ng
- 5:53mga salita ng mga. Bagay bagay at ikaw para sayo
- 6:00ano ba yung masamang panahon? So kapag gumising ka sa umaga?
- 6:05Tapos tumingin ka sa bintana. Anong anong klase?
- 6:10Anong klase ng araw yung? Merong masamang panahon para
- 6:15sayo. Kahit sa mga pilipino interesado
- 6:19ako malaman kung ano ba yung masamang panahon para sa inyo.
- 6:25At yun kasi para sakin yung masamang panahon kapag hindi ako
- 6:30pwede lumabas kasi delikado. Yun lang ang maikling episode
- 6:37tungkol sa masamang panahon. So yung mensahe niyo ako
- 6:41interesado ako malaman yung iba't ibang karanasan at
- 6:45kahulugan natin ng masamang panahon.
- 6:48So meron tayong patreon kung gusto nyo suportahan yung
- 6:51podcast at meron din akong. Online shop para sa mga mapa mga
- 6:58disenyo ng mapa sa nagbebenta ako ng mga ma posters at yon
- 7:06merong transcript libre lang at. Salamat.
- 7:10Ingat kayo paalam. N.