Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #169 - Ang Balikbayan Box At Ang Sinisimbolo Nito
Transcript
- 0:07Hello kumusta? Ako si miguel at ito yung
- 0:10comprehensible tagalog podcast. Ngayong araw yung tema natin.
- 0:16Ay tungkol sa balikbayan box. So ano ba yung balikbayan box?
- 0:23Pero ikwento niyo sakin kasi interesado ako kung alam niyo ba
- 0:27yung balik bayan box kung narinig niyo ba?
- 0:31O kung meron ba kayong karanasan?
- 0:34Tungkol sa mga balikbayan box. Pero para sakin.
- 0:39Na lumaki sa pilipinas. At merong mga kamag anak sa
- 0:43estados unidos. Malaking parte ng ng tradisyon.
- 0:49At parte ito ng buhay ko yung balikbayan box.
- 0:54Kasi pinapakita nito yung. Yung pagmamahal at yung
- 0:58koneksyon. Ng mga kamag anak ng pamilya.
- 1:04Na kahit malayo. Malayo yung mga tita mga tito.
- 1:09Kahit hindi kami talaga nag uusap.
- 1:12Nagpapadala sila ng balikbayan box.
- 1:16Mula sa. Estados unidos papunta sa
- 1:19pilipinas. So yung balikbayan yung salitang
- 1:23balikbayan. Parang compound word sa tagalog
- 1:28yung balik yung to return yung bayan yung town oh country kaya
- 1:32yung salitang balikbayan yung yung tinutukoy nito yung mga
- 1:37pilipino na bumabalik sa pilipinas.
- 1:42So kung halimbawa nagtatrabaho ka sa.
- 1:45Estados unidos o sa saudi. Kapag bumalik ka sa pilipinas
- 1:49balikbayan ka. Kasi pilipino ka na bumalik sa
- 1:53bayan. At noong nineteen seventies.
- 1:58Noong presidente yung dating pangulo dating diktador na si
- 2:03ferdinand marcos. Meron siyang balikbayan program.
- 2:08So yung programang to parang gustong.
- 2:13Hikayatin yung mga expat na pinoy.
- 2:17Na bumalik sa bayan. So mas.
- 2:22Mas relax daw yung mga regulasyon para sa kanila.
- 2:28Mas. Mas madaling bumalik at mas
- 2:33mababa yung parang mga buwis para sa mga balikbayan.
- 2:39Tapos noong nineteen eighties. Yung pagpapadala ng balikbayan
- 2:45box. O yung box na mayrong iba't
- 2:49ibang gamit. Ng mga balikbayan so yun ang
- 2:53balikbayan box noong nineteen eighties.
- 2:56Naging laganap. Kasi meron mga door to door
- 3:01delivery na galing. O nagmumula sa halimbawa sa los
- 3:05angeles. May kumpanya na rin
- 3:08international. Meron din sa new york.
- 3:12So nineteen eighties pa lang meron ng door to door na
- 3:15nagpapadala ng balikbayan box. So yung balikbayan box isang
- 3:20kahon isang box na may laman ng kung ano anong bagay.
- 3:26So halimbawa sa karanasan ko. Yung laman ng balikbayan box
- 3:30galing sa mga kamag anak ko sa nevada.
- 3:34Iba iba kadalasan merong damit. At minsan may mga tsokolate.
- 3:41Kadalasan may mga plato may mga figurine.
- 3:46May mga. May mga pantalon.
- 3:51Minsan may mga may mga gadget may mga appliance.
- 3:56Minsan may mga blender yang mga ganun mga.
- 3:59Gamit galing sa estados unidos. Yung mga damit.
- 4:04Kadalasan bago. Pero may mga ibang damit na
- 4:08lumang damit na hindi na nila sinusuot.
- 4:12So depende. At.
- 4:15Dati nagpapadala sila parang isa.
- 4:19Parang dalawa o tatlong balikbayan box kada taon.
- 4:22So madami madaming laman na damit.
- 4:25At syempre malaking tulong yan sa amin.
- 4:28Kasi dahil doon hindi na namin kailangan bumili ng damit.
- 4:33Kahit na kadalasan malaki yung damit kasi malaki yung mga.
- 4:38Yung mga sukat. Sa, estados unidos.
- 4:41Pero yun syempre pwede namang tahiin pwedeng ipagawa.
- 4:45Pero malaking tulong yun. At dahil doon mas.
- 4:51Mas konektado kami sa kulturang amerikano kasi na titikman namin
- 4:55yung mga tsokolate galing sa estados unidos.
- 4:59Suot namin yung mga brands nung damit galing sa estados unidos.
- 5:04Yon at nabasa ko online yung mga ibang pamilya.
- 5:07Yun bukod sa electronics bukod sa damit, meron din yung mga
- 5:10toiletries. Oo naalala ko dati meron din mga
- 5:14sabon. Minsan may mga old spice.
- 5:18So yung mga brands dati na wala sa pilipinas.
- 5:22Nakukuha namin may mga shampoo na.
- 5:25Na international. Yon.
- 5:28Tapos meron din akong kamag anak sa hawaii.
- 5:31Meron silang mga tsokolate na. Ah masarap kasi may may mga mani
- 5:39may mga nuts na. Specialty sa hawaii.
- 5:44So yun um. Pinapakita nito yung pagiging
- 5:49mabait pagiging thoughtful ng mga pilipino.
- 5:53At yung tradisyon na to, may relasyon sa tradisyong pilipino
- 5:58na pasalubong. Kasi yung pasalubong.
- 6:03Eh yung kapag bumabyahe kami. Kung pwede magdadala kami ng
- 6:08pagkain oh souvenir. Para ibigay sa mga kapamilya
- 6:13namin. Halimbawa, kung pupunta ako sa.
- 6:18Sa, japan. Bibili ako ng mochi o bibili ako
- 6:22ng. Ng pagkain na pwedeng pasalubong
- 6:27para sa pamilya ko sa pilipinas halimbawa.
- 6:31Pwede din namang kahit hindi sa ibang bansa pwede ding kung
- 6:35pupunta ako sa. Maynila oo pupunta ako sa
- 6:39laguna. Halimbawa bibili ako ng buko pie
- 6:43galing sa laguna. At iuuwi ko sa pampanga.
- 6:48So ganun. Kahit sa ibang iba't ibang
- 6:50rehiyon ng pilipinas pwedeng bumili.
- 6:53Ng pasalubong. So sa tingin ko may relasyon
- 6:57yung mentalidad na yun sa balikbayan box.
- 7:02At merong datos. Na nabasa ako.
- 7:07Na. Ayon sa door to door
- 7:09consolidated association of the philippines, halos apat na daang
- 7:14libong balikbayan box daw yung dumadating sa pilipinas kada
- 7:19buwan. Apat na daang libo.
- 7:24Madami yun so malaking industriya.
- 7:26Yung balikbayan box. So yung yung unboxing sa
- 7:32pilipinas malaking okasyon? So kahit sa pamilya namin yung
- 7:37unboxing ng balikbayan box galing sa.
- 7:41Sa estados unidos parang masayang.
- 7:44Masayang okasyon. Kasi yun pagbukas namin hindi
- 7:48namin alam kung ano yung nasa loob.
- 7:51At syempre masaya magkaroon ng mga libreng gamit at lalo na
- 7:56yung mga brands na hindi namin alam at yung yung amoy parang
- 8:01amoy estados unidos. So yun ang parang emosyonal na
- 8:08na epekto ng balikbayan box kasi masaya lahat masaya yung buong
- 8:13pamilya. So ibig sabihin yung balikbayan
- 8:18box hindi lang siya kahon. Hindi lang siya isang package.
- 8:22Pinapakita nito yung yung pusong pilipino.
- 8:26Yung mentalidad ng mga pilipino para tumulong sa pamilya nila at
- 8:31yung pagmamahal. Pamilya kahit malayo.
- 8:36So kung meron kayong mga kamag anak sa pilipinas.
- 8:40Pwede kayong magpadala ng balikbayan box at isipin niyo na
- 8:43hindi lang ito tungkol sa gamit. At kahit yung mga simpleng gamit
- 8:48niyo minsan malaki talaga yung kahulugan para sa mga tao lalo
- 8:55na na. Walang.
- 8:58Access sa mga bagay na meron kayong access.
- 9:02Yun lang salamat sa oras nyo. Meron tayong transcript kung
- 9:07kailangan nyo yung podcast available sa spotify at apple
- 9:12podcast, merong patreon. Pwede kayong sumuporta o pwede
- 9:17kayong maging parte ng komunidad.
- 9:20Salamat ingat at paalam.