Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #288 - Espanyol: Lenggwaheng Pinakamasayang Aralin
Transcript
- 0:07Lalo kung sa ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast
- 0:12at ngayong araw. Ikukwento ko kung bakit gustong
- 0:16gusto ko yung lengguaheng espanyol so nag aral na ako ng
- 0:22iba't ibang lenggwahe at marami akong nasubukan na aralin.
- 0:27So kahit hindi ko din kayang gamitin yung lenggwahe.
- 0:31Nagkaroon ako nung ideya dun sa lenggwahe na yun.
- 0:35So pero para sa karanasan ko. Espanyol pa din yung parang
- 0:40pinaka nagustuhan ko o pinaka nakaka enjoy na aralin at merong
- 0:47ibat ibang dahilan at. Simple lang.
- 0:50Straight forward lang. Unang dahilan yung dami ng
- 0:55resources so dahil sa espanyol madaming resources.
- 1:00So kung mahilig ka sa football pwede kang manood ng laliga kasi
- 1:05yung commentary nasa espanyol kung mahilig ka magluto ang dami
- 1:10daming mga video at mga palabas ng pagluluto sa espanyol.
- 1:18May mga youtube channel may mga recipe kung mahilig ka sa true
- 1:23crime mayroong iba't ibang palabas sa espanya at sa latin
- 1:28america mga dokumentaryo. Kaya ko din mga podcast.
- 1:33Ganun din kung mahilig ka sa pelikula.
- 1:36Yung spanish language ng mga pelikula ang dami at sobrang
- 1:42diverse so sa espanya nandyan si almodovar.
- 1:47Sa latin america si gian model toro at ang daming mga pang
- 1:54pelikula na indi at hindi masyadong sikat sa argentina na
- 1:59maganda at sa netflix din meron yung dub na mga pelikula.
- 2:05So kahit hindi espanyol yung pelikula.
- 2:08Minsan merong dub na espanyol so pwede mo ring panoorin yun para
- 2:14mag aral ng lenggwahe. So kung ikukumpara mo sa
- 2:18halimbawa kung nag aaral ka ng vietnamese o norway igen.
- 2:23Minsan kailangan mong manood at magbasa mag consume ng content
- 2:29na hindi mo naman talaga gusto. So baka manood ka ng mga
- 2:34pambatang palabas. Manonood ka ng sponge bob o ng
- 2:38peppa pig or manonood ka ng balita oh kahit anong content na
- 2:44available kahit hindi ka interesado kailangan mong gawin
- 2:49kasi. Wala kang ibang pagpipilian so
- 2:53sa espanyol ang daming pagpipilian.
- 2:56Ang daming kultura. Ang daming iba't ibang aksento
- 3:00at hindi ka talaga maiinip. Isa pang dahilan yung dami ng
- 3:06tao na nagsasalita ng espanyol sa sabi nila halos nasa limang
- 3:12daang milyon yung nag eespanyol sa mundo.
- 3:16Madami yun di ba? Ibig sabihin madaming
- 3:19oportunidad na mag practice at gamitin yung lenggwahe at
- 3:25makarelate sa kultura magkaroon ng mga bagong kaibigan.
- 3:30At kahit malaking lenggwahe to parang sa kakaranasan ko masaya
- 3:35pa rin yung mga tao kapag ginagamit mo yung lenggwahe nila
- 3:40masaya sila masaya sila na pwede nilang gamitin yung espanyol sa
- 3:46unang kaka encourage at meron silang pasensya.
- 3:51Tutulungan ka nila babagalan nila.
- 3:55Kahit nahihirapan ka tuloy tuloy pa rin silang mag espanyol
- 3:59ikumpara mo halimbawa sa ingles kung pupunta ka sa u s hindi ko
- 4:04alam ah pero baka hindi pareho yung pasensya ng mga tao kapag
- 4:10meron nagpa practice ng ingles. Syempre hindi naman lahat ng tao
- 4:15ganun kahit espanyol o amerikano.
- 4:18Pero in general parang merong. Pakiramdam ng pagiging open at
- 4:25saya kapag narinig nila yung lenggwahe nila at kapag yun yung
- 4:30pwede nilang gamitin sa pag uusap kasi yun naman yung
- 4:35dahilan natin bat tayo nag aaral ng lenggwahe para makipag usap
- 4:39at makakonekta sa ibang tao at sa bagong kultura di ba?
- 4:44Isa pang dahilan yung pagkakaiba iba ng bansa at kultura.
- 4:50So kung nag aaral ka ng espanyol.
- 4:52Hindi lang sa espanya pwedeng gamitin.
- 4:55Syempre ang daming bansa may mexico, may colombia, may
- 4:59equador, may cuba ay paragway, puerto rico.
- 5:04At kahit sa estados unidos ang daming nag eespanyol.
- 5:09Ibig sabihin ang dami mong bansa na.
- 5:13Pwedeng maging interesante para sayo.
- 5:16Pwedeng yung aksento, pwedeng yung kultura.
- 5:20Pwede niyong kasaysayan musika pagkain literatura so kung
- 5:27naiinip ka na sa espanya. Pwedeng aralin mo naman yung
- 5:31aksento ng mexico. O kung sawa ka na sa mexico.
- 5:36Pwedeng aralin mo naman yung iba't ibang kultura sa ibang
- 5:42parte ng latin amerika at maraming nuances na interesante.
- 5:48Isa pang dahilan yung koneksyon ng pilipinas sa espanya sa
- 5:53espanyol. Dahil yun nga tatlong daan at
- 5:57tatlumpu't tatlong taon naging kolonya ng espanya yung
- 6:01pilipinas. Syempre marami kaming koneksyon
- 6:05sa espanya, sa espanyol, yung three hundred thirty three years
- 6:10mas mahaba yun kesa sa. Parang pag exist ng estados
- 6:14unidos so ganun yun katagal at yung espanyol hindi lang yun
- 6:20yung lengguwahe ng gobyerno dati yun din yung lenggwahe ng mga
- 6:25ilustrado. Yung mga bayani ng pilipinas
- 6:29lengguwahe ng rebolusyon yung mga libro ni rizal, yung
- 6:34dalawang importanteng libro, yung noli me tangere at el
- 6:38filibusterismo. Parehong sinulat sa espanyol
- 6:42yung proclamation ng independence kalayaan ng
- 6:46pilipinas sinulat sa espanyol. Yung unang konstitusyon sa
- 6:51espanyol din. At actually kahit noong panahon
- 6:55ng mga amerikano dito. Opisyal na lenggwahe pa din yung
- 6:59espanyol hanggang mga nineteen seventies.
- 7:02Kaya syempre madaming mga loanwords sa mga araw araw na
- 7:07salita at yung mga lugar ang daming parang galing sa
- 7:12espanyol. O his panis sized na mga tagalog
- 7:16na salita. So yung pag aaral ng espanyol
- 7:19parang mas natututunan mo. Natututunan ko yung sariling
- 7:25kasaysayan ng bansa parang mas nakakakonekta ako sa nakaraan
- 7:32kahit siyempre iba yung espanyol na ginagamit nila dati.
- 7:36Yung mga sinulat ni rizal mahirap maintindihan pero parang
- 7:42nakaka enjoy pa din nung sinubukan kong basahin yung mga
- 7:47sinulat ni rizal kasi parang ang formal at sobrang edukado.
- 7:52Malalim yung mga salita so wala lang ang ganda.
- 7:56Ang ganda di ba? Isa pang dahilan yung grammer
- 8:01alam ko yung reputasyon nung spanish grammer.
- 8:03Parang sinasabi nila kumplikado. Kasi ang daming conjugation.
- 8:08Ang daming meron pang subjunctive mood, may gender
- 8:13yung mga nouns so sa beginner level.
- 8:17Nakaka overwhelm siya. Totoo naman lahat yun totoo yun.
- 8:21Pero sa tingin ko kapag intermediate learner na.
- 8:26Makikita mo yung logic at parang consistency ng lengguwahe.
- 8:31At lalo na kung ikukumpara mo sa ibang lenggwahe.
- 8:35Yun nga mas may logic yung espanyol.
- 8:38Kumpara na lang sa ingles yung spelling at bigkas magulo hindi
- 8:44consistent. Mahirap.
- 8:47At least yung espanyol kadalasan may mga rules, may mga patterns,
- 8:53mayroong mga irregular verbs. Oo pero.
- 8:57Pwede namang i memorize o meron ding mga sub patterns.
- 9:01Yung subjunctive mood pwedeng pwede mong makita na.
- 9:06Ini express nya yung nuances na wala sa ingles kasi mas pwede
- 9:11mong ma express yung desire mo. Sa uncertainty ng hinaharap yung
- 9:17gender. Oo parang.
- 9:19Minsan parang bakit babae bakit lalaki yung ganitong noon pero
- 9:25may konting exception lang pero karamihan.
- 9:29Meron namang pattern nga. Tapos kung ikukumpara mo sa
- 9:33ibang lenggwahe. Buti walang cases yung espanyol
- 9:37di tulad ng german o russian. Buti na lang walang tones yung
- 9:42espanyol di tulad ng mandarin or thai.
- 9:46Buti na lang hindi iba yung pagsusulat sa espanyol hindi
- 9:51tulad ng arabic oh japanese so relatively talaga straight
- 9:56forward para sa mga nag iingles. Parehong alpabeto.
- 10:01Parehong sin tax maraming cognates mga parehong salita.
- 10:06Hindi ko sinasabing sobrang madali pero puwedeng matutunan
- 10:11may sistema kapag nag click na click na isa pang dahilan yung
- 10:16musika. So iba iba yung klase ng musika
- 10:21sa espanyol. So dahil lang sa diversity at
- 10:25variation na to. Nagustuhan ko talaga kasi parang
- 10:29ibang mundo talaga at yun nga hindi ka maiinip tulad ng sinabi
- 10:34ko tungkol sa kultura pero sa musika.
- 10:37Ang dami merong credit ton. Merong salsa bachata flamenco
- 10:44may rok in espanyol. May bolero may cumbia may tango
- 10:50so yung mga artist nandiyan si well sikat ngayon si bad bani si
- 10:55rosalia mana juanes carlos garzel buenavista social club si
- 11:02manu chao natalya love alkalde rita pays at sigurado marami
- 11:08akong hindi alam na maganda. Pero parang merong mataas na
- 11:13standard yung musika sa latin america.
- 11:17Lalo na sa mexico. At parang merong pride yung
- 11:21musika nila. Alam mo yun.
- 11:24At yung huling dahilan yung praktikal na benepisyo at
- 11:29propesyonal na benepisyo. Dahil halimbawa nga sa estados
- 11:33unidos. Espanyol yung pangalawang pinaka
- 11:37ginagamit na lenggwahe. So mas maraming oportunidad sa
- 11:41trabaho. Isang opisyal na lenggwahe din
- 11:44ng united nations sa kung mahilig ka mag translate or
- 11:48international business. Diplomacy education.
- 11:53Mas dumadaming oportunidad mo sa buong mundo.
- 11:57So kung mas motivated ka sa practicality ng isang
- 12:00lengguwahe. Meron din yung espanyol madami
- 12:03di ba? So yun yung dahilan kung bakit
- 12:06nagustuhan ko talaga aralan yung espanyol dahil talaga sa iba
- 12:11ibang kultura iba ibang bansa iba ibang pamumuhay sa espanya
- 12:18at sa lahat ng amerika na para bang hindi ka maiinip.
- 12:23Hindi ka mauubusan ng kuryosidad na laging merong bago.
- 12:28Laging merong maganda. Laging merong interesante.
- 12:33Laging merong pwedeng aralin at pwede pang matuklasan.
- 12:38Salamat sa pakikinig nyo. Meron tayong patreon kung gusto
- 12:42niyong suportahan yung podcast merong transcript kung kailangan
- 12:46nyo. Salamat at paalam.
- 12:52N.