Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #309 - GIS: Ang Doktor At Ang Mapa
Transcript
- 0:07Hello ito si miguel ng comprehensible tagalog podcast.
- 0:11At ngayong araw pag uusapan natin yung g i s.
- 0:17Yung geographic information system at ano ba to?
- 0:22Paano nagsimula at bakit mahalaga?
- 0:26So. Simulan natin sa isang.
- 0:29Parang claim o isang argumento. Na yung isa sa mga pinaka.
- 0:37Pangyarihan na teknolohiya ngayon.
- 0:39Na ginagamit natin. Sa disaster response sa
- 0:44agrikultura. Sa urban planning.
- 0:48At sa seguridad. Nagsimula sa isang doktor.
- 0:53Na. Gumuguhit sa isang mapa.
- 0:58Walang computer, walang satellites.
- 1:01Walang a i. Isang lapis lang mapa nung
- 1:05london at isang sakit yun yung tinatawag natin na g i s ngayon
- 1:12o geographic information systems.
- 1:15Pero yung ideya. Nagsimula noong eighteen fifty
- 1:19four. Habang mayroong callora outbreak
- 1:25sa london. At binago nito kung paano natin
- 1:30naiintindihan yung geography, yung mga sakit at mga datos.
- 1:37So bago natin pag usapan yung kasaysayan.
- 1:40Ano ba yung g i s? So isa lang tong sistema para i
- 1:46analyze yung mga datos na mayroong lokasyon merong lugar.
- 1:52So kinokonekta ng g i s yung dalawang klase ng impormasyon.
- 1:58Nasaan yung bagay at anong nangyayari sa bagay?
- 2:04So yun yung dalawang bagay? Kapag pinagsama mo yun.
- 2:10May pattern may pattern ka na makikita.
- 2:15So halimbawang mga tanong na nasasagot ng g i s.
- 2:20Saan madalas mangyari yung mga baha?
- 2:24Saan? Pinakamadami yung dengue cases.
- 2:29Anong farm? Anong bukid yung nagpo produce
- 2:33ng pinaka madaming bigas? Saan pinakamadami?
- 2:40O pinakamataas yung probabilidad ng lindol.
- 2:44So tinutulungan tayo ng g i s sagutin yung mga tanong na to.
- 2:49Sa pamamagitan ng geogia. I think na datos at ile layer
- 2:56natin yung mga datos na yun. At sama sama makikita natin yung
- 3:03pattern at pwede nating. I analyze at sagutin yung mga
- 3:08tanong. Halimbawa sa mga layering.
- 3:12Yung layer ng mga kalsada mga roads.
- 3:17So pwede nating i stock yung isa pang layer?
- 3:20Halimbawa yung populasyon. At mag stock pa tayo ng isa pang
- 3:25layer. Yung mga disease outbreaks.
- 3:30So makikita natin yung relasyon nila.
- 3:33Sa mapa. At makikita natin yung.
- 3:37Talagang sanhi ng mga problema. Pero.
- 3:43Dati hindi ganun mag isip yung mga tao.
- 3:46Kasi sa kasaysayan yung mga mapa.
- 3:50Parang static lang. Pinapakita yung bundok ilog mga
- 3:56lungsod. Pero hindi pinapakita yung mga
- 3:59pattern. So nagbago yun nung eighteen
- 4:02fifty four. So noong kalagitnaan ng eighteen
- 4:06hundreds. Yung london yung isa sa
- 4:09pinakamalaking lungsod sa mundo. Pero isa din to sa pinaka
- 4:15madumi. Kasi may kanal na napupunta sa
- 4:19kalsada sa kalye. Yung mga water system.
- 4:24Sobrang simple pa. At yung mga mga sakit.
- 4:29Kumakalat ng mabilis. Isa sa mga pinakamalala yung
- 4:33callora. Namamatay yung mga tao sa
- 4:36callora. Dahil sa dehydration.
- 4:40Ng. Dahil sa diarrhea at vomiting
- 4:44tapos made dehydrate ka. So.
- 4:48Kahit isang neighborhood pwedeng mamatay ng ilang araw lang ganun
- 4:53kabilis ganun kalala. Malaking problema.
- 4:58At may paniniwala yung mga scientist dati may tinatawag
- 5:03sila na may asma theory. Yung ideya.
- 5:08Yung sakit. Kumakalat daw dahil sa hangin.
- 5:14So yung amoy ng basura yung baho yung polusyon yun daw yung
- 5:21nagdudulot ng sakit eh yung may asma theory.
- 5:25Kasi kung maglalakad ka sa victorian london.
- 5:29Mage gets mo bakit kasi mabaho. Mabaho yung london dati.
- 5:35Pero may isang doktor na hindi kumbinsido.
- 5:38Hindi siya naniniwala na dahil lang sa hangin.
- 5:43Sa mabahong hangin kaya nagkakasakit yung mga tao.
- 5:48So ito si doktor john snow. So hindi si john snow sa game of
- 5:54thrones. Pero yung totoong john snow
- 5:58noong eighteen hundreds. So yung paniniwala ni doktor
- 6:02john snow dati. Parang radikal na ideya yun.
- 6:07Naniniwala sya na kumakalat sa tubig dahil sa tubig yung
- 6:14callera. At syempre nasa isip ng mga tao
- 6:18dati parang napaka walang kuwentang ideya.
- 6:23Kasi di pa nila alam yung bacteria.
- 6:27Wala pa yung germ theory. Pero.
- 6:30May napansin si jon snow. Na.
- 6:35Yung color outbreaks nangyayari sa mga.
- 6:38Barangay. Na merong parehong water supply.
- 6:44So ang ginawa ni john snow mina pa niya.
- 6:48Binigay niya sa mapa yung datos. Mapa ng soho district sa london
- 6:56kasi nagka outbreak doon at sampung porsyento ng populasyon
- 7:00namatay ang dami. So.
- 7:04Minarkahan niya yung mga lokasyon ng.
- 7:08Mga namatayan dahil sa caller ha.
- 7:11At nilagyan ng black na linya sa mapa.
- 7:16At unti unti naging obvious. Na may cluster yung mga
- 7:23namamatay sa mapa. Malapit sa isang lugar lang.
- 7:28At. Malapit yun sa isang water pump.
- 7:33Ina analyze nya diane bakit yung iba na malapit sa pump hindi
- 7:37nagkasakit? Yung mga hindi nagkasakit na yon
- 7:40nagtatrabaho sa brewery. So beer yung iniinom ng mga tao
- 7:46at hindi tubig. Kaya hindi sila namatay.
- 7:52So ang ginawa nya in analyze nya yung spacial data.
- 7:56Yung datos na nasa mapa. Yun lang.
- 8:00So pinakita ni john snow yung mapa na ginawa nya sa mga lokal
- 8:06na awtoridad. At.
- 8:10Sinolusyunan nila yung problema. Na identify nila na nanggagaling
- 8:15dun sa isang pump yung problema. So sabi ng mga historian.
- 8:21Yun yung simula ng special analysis sa mundo natin.
- 8:26Pinaghalo nya yung special data so yun yung kung nasaan yung mga
- 8:30bagay yung lokasyon. At yung attribute data so yun
- 8:36yung ano ba yung nangyayari? So sa modern g i s terms tatlong
- 8:42layer yun may point layer na mga callora deaths so.
- 8:46Mga tuldok tuldok sa mapa point player ng water pumps.
- 8:51So tuldok tuldok kung nasan yung pumps sa mapa.
- 8:55At straight network layer. Para ma orientated tayo nasaan
- 9:01tayo? Pero yung modernong g i s
- 9:04syempre. Matagal pang walang computer
- 9:08simula nung eighteen fifty four. So noong nineteen sixties doon
- 9:13nagsimula yung digital na g i s. So hindi na kailangan ng mga
- 9:20mapa na papel. Pwede nang mag analyze at gumawa
- 9:24ng mga calculations sa mga malakihang lugar ng mabilis
- 9:29lang. Salamat sa mga software.
- 9:32So. Ngayon ini integrate na natin
- 9:36yung iba't ibang. Mga source ng datos, halimbawa
- 9:41yung satellite imagery g p s drone mapping.
- 9:46Mga climate models. Mga ibat ibang database mga
- 9:50demography ganon at mga real time censors so.
- 9:57Madaming pwedeng source. Meron ding mga simulation ng mga
- 10:01future events so nagiging predictive analysis na o
- 10:05forecasting. Ng baha ng lindol.
- 10:09At meron na rin yung mga digital twin.
- 10:11So pwedeng gumawa ng virtual model ng totoong lugar para
- 10:17pwede kang mag planning o mag simulation na sobrang malaking
- 10:23tulong sa disaster response at sa mga utilities.
- 10:28Electricity o tubig ganun? So yung na diskubre ni doktor
- 10:33john snow hindi lang yung pinagmulan ng color outbreak.
- 10:39May nadiskubre siya na mas malalim.
- 10:43Na importante yung yung lugar yung lokasyon.
- 10:48So kung saan nangyayari yung isang bagay.
- 10:53Kadalasan pinapaliwanag nito bakit nangyayari yung bagay?
- 10:59Yung lokasyon mahalaga para malaman bakit?
- 11:04Nangyayari yung isang bagay. Na ngayon mahalagang konsepto sa
- 11:08disease tracking disaster response at climate science
- 11:13kaya. Pag usapan natin yung sa
- 11:16konteksto ng pilipinas. Syempre isang archipelago na
- 11:20merong pitong libong isla lampas pitong libo.
- 11:25Na nasa pacific ring of fire. Na.
- 11:30Merong bagyo. Dalawang dosena kada taon so
- 11:35titingnan natin. Ano ba yung role ng g i s sa
- 11:39pilipinas ngayon? At paano ito nakatulong?
- 11:43Paano ito nakakatulong sa disaster response, agrikultura
- 11:49at kalusugan ng mga tao? At kung bakit yung spacial
- 11:54analysis o g i s. Yung magiging.
- 11:58Isa sa mga pinakaimportanteng mga tools.
- 12:02Sa bansa para mag survive tayo sa hinaharap.
- 12:07Pag uusapan natin yun sa susunod na episode.
- 12:11Isaw yun lang salamat sa oras mo.
- 12:14Meron tayong patreon kung gusto mong suportahan yung podcast
- 12:18yung transcript meron sa website ko.
- 12:22Yon maraming salamat at paalam.