Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #164 - Bakit maraming Koreano sa Angeles City?
Transcript
- 0:07Hi kamusta po si miguel ng comprehensible tagalog podcast?
- 0:11At ngayong araw pag uusapan natin kung bakit.
- 0:15Nag migrate. Bakit lumipat yung ibang mga
- 0:21koreano? Sa angeles city.
- 0:24Sa pampanga sa pilipinas. At hindi ko alam kung nakapunta
- 0:30na kayo sa angeles city. So sa pampanga o sa pilipinas.
- 0:36Pero mapapansin niyo na sa angeles o sa clark madaming
- 0:40koreano. At hindi lang koreano madaming
- 0:44mga banyaga daming amerikano madaming.
- 0:48Mga hapones intsik. Ahmm mga may mga european din.
- 0:56Pero dumadami dumadami ang mga koreano.
- 1:00At syempre napag usapan na natin sa mga dating episode kung bakit
- 1:06madaming amerikano. Kung bakit merong red light
- 1:11district sa angeles. Nasa dating episode yun.
- 1:15Pero ngayon magpo focus sa isang mga koreano.
- 1:19Kasi interesante to sa tingin ko.
- 1:22Na bakit sa angeles? Bakit?
- 1:24Hindi sa maynila bakit hindi sa ibang parte ng pilipinas?
- 1:30At ibabahagi ko yung research paper na ang ginawa ng dati kong
- 1:34professor sa unibersidad ng pilipinas.
- 1:38Magaling na professor ng economics.
- 1:42Si professor patrick de leon, patrick carlos de leon.
- 1:46At. Nasa description yung research
- 1:50paper kung gusto niyo basahin. Pero yung study niya.
- 1:54Gusto niya malaman yung dalawang bagay.
- 1:57Ano yung dahilan kung bakit? Lumipat ang nag migrate yung mga
- 2:03koreano sa angeles city. At ano ba yung mga positibo o
- 2:08negatibong dulot ng migration? Ng mga koreano sa angeles.
- 2:16That. Konting ba.
- 2:19Ground lang konting kasaysayan. Noong.
- 2:23World war two meron ng mga koreano na pumunta sa pilipinas
- 2:28kasi miyembro sila ng japanese imperial army tapos yung officer
- 2:34daw na yung officer in command. Ng mga prison camp ng mga
- 2:39hapones sa pilipinas. Ay koreano sabi ng isang study
- 2:46pero yung may gration hindi lang nagsimula nung twentieth
- 2:49century. Merong study sabi ni katsumi na
- 2:55yung mga koreano daw ay dumating sa pilipinas noong eight century
- 2:59pa. Para magnegosyo makipag trade sa
- 3:04mga pilipino. Lilipat sila sa iba't ibang
- 3:07bahagi ng pilipinas para magnegosyo.
- 3:11Para sa mag enjoy leader at para mag aral ng ingles.
- 3:18Sabi ng mga ibang study yung migration dahil sa economic
- 3:24prosperity at modernization dahil tumataas yung halaga ng
- 3:28korean one yung pera sa korea. At tumataas yung.
- 3:34Yung presyo. Yung sweldo ng mga empleyado sa
- 3:39south korea. May mga ilang kumpanya na gumawa
- 3:42ng kumpanya. Nila o ng mga production
- 3:47facility nila sa pilipinas. Halimbawa yung isa dito yung
- 3:52hanjin heavy industries. And construction sa malaking
- 3:56kumpanya. Sa south korea meron silang
- 4:00production sa pilipinas kasi mas mura yung mga empleyado.
- 4:06At. Sa katunayan meron silang.
- 4:10Ang power subsidy at exemption. Ng income tax at customs duties.
- 4:17Dahil priority investor daw sila.
- 4:20At yun marami pang pumasok ng iba't ibang kumpanya at dahil
- 4:26doon meron ding mga migrants na koreano.
- 4:29Syempre para din magtrabaho sa kumpanya na yun at siguro mas.
- 4:35Syempre mas mataas na posisyon siguro managerial or.
- 4:39Hindi ko alam pero sinabi sa study yun lumipat yung mga
- 4:44koreano. Dahil sa mga dahil din sa mga
- 4:47kumpanya. So hindi lang sa angeles madami
- 4:52sa angeles pero meron din mga pupunta sa baguio.
- 4:56At meron ding mga pumunta sa davao city so sa hilagang hilaga
- 5:01ng pilipinas. May koreano at sa timog na timog
- 5:06ng pilipinas. Meron ding mga koreano.
- 5:09At syempre mapapansin niyo yun sa dami ng korean restaurants.
- 5:16May mga supermarket. May mga korean na resort spa.
- 5:20Mga salon may mga beauty shop. Na.
- 5:25Koreano. At.
- 5:28Sa angeles city meron yung korean town na talagang.
- 5:32Parang halos lahat. Nasa koreano yung sulat at
- 5:38mararamdaman mo talaga na. Parang may mga nakatirang korean
- 5:43talaga parang totoong. Residential na koreano at yung
- 5:48mga tindahan yung mga restawran. Totoo na koreano yung mga may
- 5:53ari yung mga cafe koreano yung mga may ari.
- 5:59At binanggit din sa background ng paper na to na ginagamit ng
- 6:05south korea yung yung impluwensya ng ng kultura nila.
- 6:10Yung mga k drama, yung k pop para magkaroon ng sabi soft
- 6:15power. Kasi yun nga gusto ng mga tao
- 6:19yung kultura. So nagkakaroon ng impluwensya ng
- 6:24kapangyarihan yung bansa. At talagang halatang halata to
- 6:28sa pilipinas. Kasi yun nga ang daming kay
- 6:33drama. Ang daming mga k pop.
- 6:36Yung kulturang koreano talagang laganap na laganap sa pilipinas.
- 6:40Sa positibo yung imahen ng. Korea south korea sa pilipinas
- 6:48okay so background pa lang yun pero ano ba yung mga dahilan?
- 6:53Ano ba yung mga findings ni professor?
- 6:57Patrick de leon sa study nya. At pero bago yun paano ba ano ba
- 7:03yung methodology niya? Paano niya nakuha yung
- 7:06impormasyon? So yung pangunahing ginawa niya
- 7:10ay yung mga interview mga survey gamit yung questionaire.
- 7:16So may mga tanong na tinanong may mga tinanong niya.
- 7:21Sa mga koreano at sa mga opisyal ng gobyerno sa angeles city.
- 7:29So yung gobyerno ho tinanong niya at yung mga mismong koreano
- 7:33so yung mga participant binigyan ng questioner.
- 7:37Na pwede nilang sagutan. So sabi ng mga isang participant
- 7:43sa questioner ng questioner, sabi niya yung mga koreano na
- 7:47hindi masyadong nakapag aral pero mayaman.
- 7:51Yung mga nagtatayo ng negosyo sa angeles.
- 7:54Yung mga mas nakapag aral ng koreano sila yung nagtatayo ng
- 7:59negosyo o kumpanya sa korea. Sabi ng isang opisyal sa
- 8:05gobyerno. Sa angeles.
- 8:08Yung mga hindi masyadong mayaman na koreano nagnenegosyo sa
- 8:12angeles. Yung mga mayaman at may
- 8:16edukasyon. Ah dun sila sa korea nagtatayo
- 8:21ng negosyo. Anong kumpanya?
- 8:24At. Sabi pa niya na.
- 8:27Sa halip na turuan natin ang mga koreano na kumain ng adobo.
- 8:32Tayo ang tinuturuan. Nila na kumain ng kimchi at
- 8:36samgyupsal ang kinikita nila sa mga restaurants dito sa angeles
- 8:41ay pinapadala rin naman nila sa bansa nila.
- 8:45So yun ang quote galing sa city tourism officer.
- 8:50Sa angeles. So sinasabi niya na tayo.
- 8:55Yung nag aadjust sa kultura ng mga koreano.
- 8:59Ibig sabihin tayo yung natututo kumain parang koreano tayo yung
- 9:04natututo sa. Sa kultura nila sa pamumuhay
- 9:08nila. At hindi sila.
- 9:11Hindi sila yung kumakain ng adobo.
- 9:13Hindi sila yung. Yung nag aaral ng tagalog hindi
- 9:18sila yung nagbabago ng pamumuhay pero tayo yung nag aadjust sa
- 9:24kultura nila. So yun dalawang dalawang
- 9:27anecdote lang galing sa gobyerno ng angeles.
- 9:32Pero yung key findings ni professor de leon ay.
- 9:36Yung mga may mabagong edukasyon na koreano.
- 9:39Nagnenegosyo. Sa pilipinas.
- 9:44At meron namang mga under achiever.
- 9:48O yung hindi matagumpay sa negosyo sa korea nagma migrate
- 9:54sa pilipinas. At.
- 9:59Dahil sa pilipinas. Meron daw mga oportunidad
- 10:02magnegosyo. May access sa mga casino sa club
- 10:07at sa edukasyon ng ingles. So may mga leisure at pwede ding
- 10:13matuto ng ingles at merong murang labor.
- 10:18Tapos tungkol naman sa geography.
- 10:21At yung buhay sa angeles. Malapit sa international airport
- 10:27clark international airport na merong mga direktang flight sa
- 10:32south korea. Maganda daw yung klima at mababa
- 10:36yung. Yung presyo mababa yung cost of
- 10:39living. At mabait daw yung mga pilipino
- 10:43sa mga banyaga. Sa mga koreano.
- 10:48Tapos yung mga dahilang. Relihiyoso naman mayroon din
- 10:53namang mga missionary. Na.
- 10:57Nung pagkatapos ng two thousand eight.
- 10:59Na pumunta sa pilipinas para sa. Mga mission para magkaroon ng
- 11:05mga convert sa relihiyon. At.
- 11:09Tungkol naman sa mga batas. So yung legal environment.
- 11:14May mga favorable na batas at ordinance para sa mga
- 11:19nagnenegosyo na banyaga. At sa clark meron ding mga
- 11:26incentive at mga exemption. Para sa mga foreign investor.
- 11:31Tulad ng sinabi ko kanina sa hangin.
- 11:34So yung datos na pinakita or yung sinulat ni professor de
- 11:38leon. Ay noong twenty twelve hanggang
- 11:41twenty seventeen. Walong libong koreano halos.
- 11:46Ah siyam siyam na libong koreano yung pumunta sa angeles city.
- 11:52Yung karamihan merong working visa.
- 11:55Yung iba merong special study permit.
- 11:58At yung konti may special work permit.
- 12:02At yung kagandahan nito ay. Merong economic growth sa
- 12:10angeles sa pampanga. Sabi sa study noong twenty
- 12:14sixteen. Meron daw nabigay na trabaho.
- 12:19Yung mga korean owned na negosyo.
- 12:22Na anim na libo hapos halos. Halos pitong libong trabaho.
- 12:28Yung nabigay ng mga korean o muna negosyo.
- 12:34At syempre meron ding mga dagdag na revenue.
- 12:37Dagdag na. Pera.
- 12:41Dahil sa business permit sa mga barangay clearance at sa mga
- 12:45taxes. Tapos isa mong positibo.
- 12:51Yung cultural exchange. Kasi yun ngayong hallyu yung.
- 12:57Pag introduce ng pagkaing koreano musikang koreano.
- 13:01Yung pop culture ng koreano sa pilipinas.
- 13:05At meron ding mga binanggit na negatibo.
- 13:09Halimbawa yung mga krimen. Dahil meron daw mga sindikato na
- 13:15koreano. Mga korean syndicates.
- 13:19Na nagma migrate din sa angeles. Na meron silang involvement sa
- 13:25cybersex illegal drugs sa online gambling.
- 13:30So merong mga sindikato? Meron din namang mga minor
- 13:35infraction. Mga hindi seryosong o hindi
- 13:39malalang. Mga ah violation halimbawa yung
- 13:43sa traffic. At minsan may delay daw yung pa
- 13:47sweldo sa mga empleyado. Meron namang mga negatibong.
- 13:54Epekto o mga economic concern. Halimbawa yung mga kita yung
- 13:59kinikita ng mga koreano. Dinadala nila sa korea.
- 14:05So remittance yun hindi hindi na pupunta masyado sa ekonomiya ng
- 14:10pilipinas. At isa pa yung mga pilipino.
- 14:15Empleyado lang. At.
- 14:18Yun hindi hindi sila nagkakaroon ng mas mataas na posisyon.
- 14:23Meron din naman binanggit ng mga cultural concern.
- 14:27Halimbawa yung kulturang pilipino mas.
- 14:31Hindi nabibigyan ng pansin. So mas gusto ng mga tao yung.
- 14:36Mga koreanong kultura koreanong pagkain.
- 14:40Yun lang so yun ang sagot kung bakit maraming koreano sa
- 14:43pilipinas sa angeles city. At yan sana interesante para sa
- 14:50inyo at pwede nyong basahin yung paper ni professor patrick de
- 14:54leon maraming salamat. Meron transcript kung kailangan
- 14:58nyo may patreon kung gusto nyo suportahan to.
- 15:02Salamat at paalam.