Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #256 - Paano magluto ng adobo?
Transcript
- 0:07Hello kumusta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast?
- 0:12Ngayong araw mag uusap tayo. Pag usapan natin.
- 0:18Kung pano magluto ng adobo. So ngayon nasa pilipinas ako.
- 0:26Nag record ako sa pilipinas. So sana hindi masyadong maingay.
- 0:32At bago tayo magsimula gusto kong magpasalamat sa sa mga
- 0:37sumusuporta sa podcast. Konti lang kayo pero malaking
- 0:43tulong yung suporta nyo sa patreon.
- 0:48So simulan natin so napag usapan na natin dati.
- 0:53Na yung adobo isa sa mga pinaka. Importanteng pagkaing pilipino.
- 1:01At matagal na yung adobo. Bago pa dumating yung mga
- 1:07mananakop. Bago pa dumating yung mga
- 1:11espanyol. Meron ng adobo sa pilipinas.
- 1:16Siguro hindi adobo yung tawag. Kasi yung salitang adobo.
- 1:23Galing sa salitang espanyol na adobo bar.
- 1:27O all to marinate. Pero yung estilo ng paglulutong
- 1:32yun. Ginagawa na ng mga pilipino.
- 1:36Bago pa dumating yung mga espanyol.
- 1:40So nagluluto na yung mga katutubo dati pa.
- 1:46Ng merong suka. At.
- 1:50Ginagawa yon para. Ma preserve yung karne.
- 1:55Para hindi agad mapanis. At isa ito sa mga pinakasimple.
- 2:01At. Pinaka.
- 2:04Sikat na pagkaing pilipino sa buong mundo pero sa tingin ko
- 2:11yung adobo hindi pang araw araw na pagkain.
- 2:15So hindi araw araw kinakain. Sa bahay namin.
- 2:19Siguro isang beses sa isang linggo.
- 2:23O tatlong beses dalawang beses sa isang buwan mga ganun.
- 2:28Depende. At pwede kang mag adobo ng
- 2:33manok. Nung baboy.
- 2:36Ng isda. At iba pa.
- 2:39So hindi lang kailangan chicken adobo.
- 2:43Pwedeng ibang karne kung gusto mo.
- 2:46So paano ba magluto ng adobo? So itong recipe galing sa
- 2:54panlasang pinoy. Yung isang sikat na website.
- 2:59At alam ko meron din siyang youtube channel.
- 3:03Na nagluluto sya ng mga pagkaing pilipino at filipino sya at
- 3:11gusto ko yung recipe niya. Kasi kadalasan madali lang.
- 3:16Simple lang. So pwedeng lutuin ng kahit sino.
- 3:23Pwede sa pang araw araw ibig sabihin hindi kumplikado hindi
- 3:28kailangan ng. Maraming oras o maraming effort.
- 3:34So kung magluluto tayo ng adobong manok.
- 3:40Ano ba yung mga sangkap? Ano yung kailangan nating
- 3:45sangkap? So kailangan ng manok?
- 3:49Kailangan ng mga bay leaf kailangan ng toyo.
- 3:54Kailangan ng suka. Ng bawang.
- 3:58Kailangan ng tubig. Kailangan ng mantika.
- 4:02Kailangan ng asukal. Kailangan ng asin.
- 4:07At kailangan ng buong peppercorn.
- 4:12Yun lang. So simpleng recipe lang.
- 4:16Yung mga sangkap na to madaling mahanap sa pilipinas at mga.
- 4:22Mga murang sangkap lang maliban sa karne okay so handa na yung
- 4:28mga sangkap. Yung unang kailangan gawin
- 4:32syempre dahil dobo kailangan i marinate.
- 4:37Kailangan babarin yung manok sa toyo at sa bawang.
- 4:45Yung bawang mas okay kung dinikdik.
- 4:49O crushed yung bawang? At.
- 4:53Pwede mong i marinate o ibabad yung karne.
- 4:59Ng isang oras o pwedeng kalahating araw.
- 5:03So depende sayo depende kung. Marami kang oras o kung gusto mo
- 5:08talagang malasang malasa. So sir recipe sabi niya pinaka
- 5:13okay yung tatlong oras na nagma marinate.
- 5:18Ng. Manok so yun kailangan mag
- 5:23marinate sa toyo at bawang. Pwede ding magdagdag ng suka sa
- 5:29marinade so depende sa gusto mong lasa.
- 5:34Pagkatapos nun ihihiwalay mo yung manok sa marinate tapos.
- 5:42Wag mo munang itatapon yung mermaid kasi gagamitin natin yun
- 5:48mamaya. Tapos yung manok.
- 5:52Kailangan ng prituhin. So piprituhin natin yung manok.
- 5:58Ng isang minuto o isang minuto at kalahati kada kada side ng
- 6:05manok. Tapos pagkatapos non yung
- 6:10marinade naman ilalagay mo sa isang kaldero.
- 6:16Tapos magdadagdag ka ng tubig. At pakuluin mo yung tubig na
- 6:23merong marinade. So hihintayin mong kumulo yung
- 6:28tubig at marinade sa isang kaldero.
- 6:33At kapag kumulo na. Idadagdag mo.
- 6:38O ilalagay mo yung mga belief. At yung mga buong peppercorn.
- 6:46Tapos ilalagay mo yung manok. Doon sa sa tubig.
- 6:52Doon sa mayroong marinade na kaldero.
- 6:56At hayaan mong mag simmer. Yung yung kaldero ng dalawampung
- 7:03minuto o dalawampu't limang minuto.
- 7:07So depende sa kalidad ng manok. So depende sayo kung gusto mong
- 7:14mas malambot yung manok. Pwede mong pwede ka mag simmer
- 7:19ng mas matagal. At pwede ka ding mag dagdag ng
- 7:24suka. Kung gusto mo ng maasim.
- 7:29At pagkatapos mag simmer ng. Dalawampung minuto o kalahating
- 7:34oras. Kailangan mong tikman yung lasa.
- 7:38Ano bang lasa ng adobo mo? Maalat ba maasim ba.
- 7:45Matabang ba? Ano ba yung lasang?
- 7:50Ano ba yung lasa nya at ano ba yung gusto mong lasa?
- 7:55So yung adobo kadalasan malasa kasi kinakain namin.
- 8:00Ng merong kanin. So hindi siya sopas.
- 8:04At hindi sya. Pinapapak.
- 8:08Ibig sabihin hindi siya kinakain ng sya lang.
- 8:12Hindi sya kinakain. Ng merong tinapay.
- 8:16Sa pilipinas. Siguro halos lahat.
- 8:21Kinakain yung adobo ng may kasamang kanin.
- 8:24So depende sa lasa. Pwede kang magdagdag ng asukal.
- 8:29At pwede kang magdagdag. Ng asin.
- 8:34Pero dahan dahan sa asin. Kasi meron ng toyo.
- 8:40So baka maging masyadong maalat. At depende sa panlasa mo yung
- 8:46ibang adobo matubig. Parang masabaw.
- 8:52Yung iba namang adobo. Parang konti lang yung yung
- 8:57sabaw. Mas tuyo.
- 9:00So konti lang yung tubig na nilalagay so depende sa sa gusto
- 9:06mo. At yun nga yung iba mas gusto
- 9:09mas maalat. So mas maraming toyo may asin
- 9:14yung iba naman gusto mas maasim. So mas madaming suka.
- 9:21Yung iba naman gusto maanghang so merong cyle.
- 9:26So iba iba talaga yung adobo. Iba ibang klase ng luto depende
- 9:32sa tao. Depende sa pamilya depende sa
- 9:36probinsya. Depende sa tradisyon.
- 9:41So iba iba walang tama o walang mali.
- 9:45Tapos konting tips konting payo galing sa panlasang pinoy.
- 9:52So yung yung parte ng manok? Na ginagamit.
- 9:58Kadalasan yung thai drumstick at yung best.
- 10:03Yung mga parte ng manok. Tapos yung pinaka importanteng
- 10:09parte ng adobo. Yung pagluluto ng adobo.
- 10:13Yung marinade kasi yun talaga yung lasa ng adobo.
- 10:19Depende talaga sa marinade mo. So kung mas malasa yung marinade
- 10:25at kung mas matagal. Mas magiging malasa yung adobo
- 10:29so yun pwede kang maghanda o. Patagalin yung marinade sa
- 10:37freezer para mas maging malasa. Tungkol naman sa toyo.
- 10:43Kadalasan yung ginagamit na toyo yung dark na soy sauce.
- 10:49Iba yung lasa ng light soy sauce, dark soy sauce.
- 10:54So nung nasa europa ako. Mahirap maghanap ng dark soy
- 10:59sauce. Kadalasan yung mga toyo sa
- 11:04supermarket yung light soy sauce lang.
- 11:07So kailangan pumunta pa sa mga asian store?
- 11:11Para makahanap ng dark na toyo. Sa suka naman white vinegar yung
- 11:20ginagamit. So hindi ko pa natikman yung
- 11:23adobo gamit yung apple cider o yung cane vinegar.
- 11:29Pero kung gusto mong. Katulad ng recipe yung white
- 11:35vinegar white na suka. Tapos yung bawang.
- 11:40Mahilig kami sa bawang maraming bawang sa iba't ibang pagkaing
- 11:45pilipino. So pwede mong damihan yung
- 11:49bawang? Yung iba din naglalagay ng
- 11:53sibuyas. At sinuso te yung sibuyas bago
- 12:00prituhin yung manok pwede din. Tapos kung gusto mong mas
- 12:07malambot pa yung manok. Pwede mong lutuin yung manok sa
- 12:12isang slow cooker o crockpot. Para mas maging malambot mas
- 12:20maging juicy yung manok mo. So kung mapapansin niyo simple
- 12:26lang yung adobo. Medyo mukhang komplikado kasi
- 12:32gumagamit ng ng pan tapos gumagamit ng kaldero.
- 12:37Pero mabilis lang kasi hindi kailangan maghiwa.
- 12:42Kasi yun depende kung may sibuyas hiwain mo.
- 12:47Yung bawang didikta? Tingin mo lang.
- 12:51So konting oras sa paghihiwa, mas maraming oras sa
- 12:56paghihintay. Na mag simmer kumulo.
- 13:01At yung marinade. At kung mapapansin niyo.
- 13:06Walang gulay. Wala ring gulay.
- 13:11So maraming pagkaing pilipino na ganito na walang gulay o konting
- 13:18konting gulay. Yung ibang adobo nilalagyan ng
- 13:22patatas. So may may patatas pero yun
- 13:27kadalasan. Sanay kami na walang gulay yung
- 13:31adobo at yun okay lang. Pero syempre mas okay kung
- 13:36mayroong gulay so bahala ka na mag experiment kung gusto mong
- 13:42dagdagan ng gulay. Pero hindi pa ako nakatikim.
- 13:46Ng adobo na mayroong gulay maliban sa.
- 13:52Maliban sa patatas. At maliban sa kangkong siguro.
- 13:58So yun lang salamat sa oras nyo. Sana masubukan nyo magluto ng
- 14:03adobo. Meron transferred kung kailangan
- 14:06nyo at pwede kayong sumuporta sa patreon malaking tulong yon
- 14:12ingat kayo at paalam. N.