Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #270 - KKK sa Pilipinas: Bakit importante 'to sa kasaysayan?
Transcript
- 0:07Hello kumusta ako si miguel ng comprehensible tagalog broadcast
- 0:12at ngayong araw pag uusapan natin yung k k k.
- 0:18K k k sa pilipinas. In short yung katipunan.
- 0:24Pero yung every aviation. Yung tatlong k sa tagalog kataas
- 0:29taasan kagalang galangang katipunan ng mga anak ng bayan.
- 0:37Kataas taasan kagalang galangang katipunan ng mga anak ng bayan o
- 0:41k k k katipunan. Importante yung katipunan sa
- 0:47kasaysayan ng pilipinas kasi. Dahil sa k k k ito yung panahon
- 0:55na nagkaroon ng. Parang consciousness pambansang
- 1:00consciousness yong mga pilipino. Kasi dati.
- 1:05Gusto ng mga pilipino. Na mag assimilate at magkaroon
- 1:11ng reporma. Noong panahon na sinakop.
- 1:17Sila sinakop kami ng mga espanyol may.
- 1:22Kagustuhan yung mga pilipino na mag assimilate.
- 1:25O magkaroon ng mga reforms. Para magkaroon ng mas magandang
- 1:31buhay mas patas. Pero.
- 1:35Nung panahon ng katipunan. Dahil doon nagkaroon ng ibang
- 1:40demand. Yung mga pilipino sa hindi na
- 1:43assimilation hindi na reform. Gusto na ng rebolusyon at
- 1:49kalayaan. So yun yung?
- 1:53Pinaglaban ng katipunan. Yung katipunan nagsimula noong
- 1:58eighteen ninety two. So isa sa mga leader.
- 2:02O siguro yung pinaka lider ng katipunan.
- 2:05Isang working class na tao si andres bonifacio.
- 2:11Bago yung k meron din iba't ibang mga movement, iba't ibang
- 2:17mga. Mga organisasyon pero yung mga
- 2:20lider mga elite. Mga ilustrado.
- 2:26Pero itong k k k. Yung mga kasali mga masa.
- 2:33At iba't ibang klase galing sa ibat ibang klase so hindi lang
- 2:38mayaman. Hindi lang mahirap.
- 2:41Parang iba ibang klase daw ng pilipino.
- 2:44So bakit ba sinimulan yung katipunan?
- 2:48Ano yung dahilan ano yung mga naging trigger?
- 2:53So isa sa mga dahilan yung abuso.
- 2:56Ng mga espanyol. Nung panahon na yon.
- 3:00Kasi noong panahon na yon nagkaroon ng.
- 3:05Parang hiwalay ng mga mayaman at mahirap.
- 3:10Nagkaroon ng social pyramid. So yung kapangyarihan napunta
- 3:15lang sa mga mayaman sa mga konting mayaman.
- 3:19Isa na don yung mga tinatawag ng panahon ngayon yung mga
- 3:24peninsulares. So yun yung mga espanyol na
- 3:29ipinanganak sa espanya. Kasama na don yung mga prayle o
- 3:34yung mga friars. So sila yung mga mayaman yung
- 3:38mga konting elite. Sila yung may ari ng mga lupa.
- 3:44May kapangyarihan sila. Pero yung mga katutubo mga
- 3:49walang lupa. Walang kapangyarihan yung tawag
- 3:53sa kanila indio. Mga indio.
- 3:57So sila yung nakaranas ng mga eksploytasyon.
- 4:02At meron ding forced labor noong panahon na yon at meron ding.
- 4:07Hindi patas na taxation. Yung isa pang nakakalungkot
- 4:13dahil dinala ng mga espanyol yung relihiyon.
- 4:18Yung simbahang katoliko. Relihiyong katoliko.
- 4:22Nakokontrol nila yung sikolohiya.
- 4:26Yung buhay espirituwal na mga pilipino noong panahon na yon.
- 4:31So. Pano ba naging obedient yung mga
- 4:35ibang mga pilipino? Yung iba siguro madami naging
- 4:41obedient sa mga colonial na pamamalakad kasi takot sila sa.
- 4:50Eternal, damnation. Kasi kailangan mag endure mag
- 4:56suffer ng mahirap na buhay katulad ni hesus.
- 5:00So isa yon sa mga tinuro. At merong.
- 5:05Merong langit merong paradiso. Sa susunod na buhay.
- 5:10Ibig sabihin kahit na mahirap yung buhay ngayon.
- 5:15At least merong merong mas magandang buhay kapag namatay
- 5:20ako. So isa yon sa mga naging
- 5:23challenge at isang pagkokontrol ng mga espanyol sa mga pilipino
- 5:30noong panahon na yun sa u relihiyon.
- 5:33Parang malakas na tool malakas na.
- 5:39Bagay na ginamit. Para i control yung madaming
- 5:43tao. So yun yung relihiyon sikolohiya
- 5:48at yung social class yung mga may ari ng lupa mga mayayaman.
- 5:55At mga mahihirap nagkaroon ng jap at bago yung katipunan.
- 6:01Meron din yung tatlong pari tatlong pari na pilipino yung
- 6:05gomburza. Hindi ko na ikukwento dito pero
- 6:09yung tatlong pari. Yung pangalan nila.
- 6:14Magkakasama gomburza. Pinatay sila na hindi patas.
- 6:20Kaya isang dahilan yun kung bakit nagalit yung ibang mga
- 6:24pilipino. Kaya nagkaroon ng mas.
- 6:29Parang nasyonalismo yung ibang mga pilipino.
- 6:33At dahil doon nagkaroon ng mga propaganda movement laban sa mga
- 6:40espanyol. Pero sa simula gusto lang nga ng
- 6:44reforms ng mga pilipino. Parang mapayapang reforms para
- 6:49mas maging batas. Mas maging maganda yung
- 6:53kondisyon ng mga pilipino pero hindi gumana.
- 6:59Hindi nagtagumpay so dito na papasok si andres bonifacio.
- 7:05Andres bonifacio. Sya yung leader founder ng k k
- 7:11k. At yung paniniwala nila.
- 7:14Yung kalayaan ng pilipinas. Yung kalayaan ng pilipinas hindi
- 7:21makakamit sa mapayapang paraan. So mahirap makuha yung kalayaan
- 7:28kung magsusulat lang ng libro. O hihingi ng reporma.
- 7:34Para kay bonifacio kailangan ng rebolusyon.
- 7:38Kailangan ng armed revolution. Kailangan lumaban.
- 7:44Kailangan ng aksyon kailangan paalisin yung mga espanyol.
- 7:51Kasi yung mga ilustrado. Ilustrada yung mga.
- 7:56Mga edukadong pilipino na yung iba nag aral sa espanya or
- 8:03nakatira sa espanya. Meron silang mga propaganda
- 8:08para. Sa mga mapayapang reform pero sa
- 8:12maynila. Yung katipunan iba iba yung
- 8:16tingin. Tulad ni bonifacio kailangan ng
- 8:19armed na rebolusyon. So merong tatlong mahalagang
- 8:24salita. Para sa mga katipunero.
- 8:28Katipunero yung mga tao na kasali sa katipunan.
- 8:32Tatlong caiden. Kalayaan.
- 8:36Kalayaan yung freedom. Katarungan.
- 8:40Katarungan justice. At kasaganaan.
- 8:45Kasaganaan yung prosperity. Ayun so paano ba nagsimula yung
- 8:51rebolusyon noong eighteen ninety six?
- 8:54Ano yung unang ginawa ng mga katipunero?
- 8:59Ano yung ginawa ng k k k? Yung unang ginawa nila.
- 9:04Lumaban sila kasi. Merong nag betray sa kanila.
- 9:10Merong nag snitch. Isang pari.
- 9:14Na taga tondo. So nalaman na nag nagpi print
- 9:20sila ng mga kasulatan mga dyaryo.
- 9:24Ng mga propaganda at inaresto yung mga ibang miyembro ng k k
- 9:31k. At dahil don nag announce na.
- 9:35Nag issue na si bonifacio na simulan yung rebellion yung
- 9:42rebolusyon. At nung eighteen ninety six
- 9:45sinira nila pinunit nila yung cedula yung sedula yung pruweba
- 9:52ng tax payment so parang community tax certificate so
- 9:56pinunit nila yung cedula. At sumigaw sila ng mabuhay ang
- 10:01pilipinas. Mabuhay ang pilipinas.
- 10:05So long live the philippines. So yun yung unang ginawa nila
- 10:11parang simbolo para ipakita na hindi na sila susunod sa mga
- 10:18batas ng espanyol sa pilipinas. Lalaban sila.
- 10:23Meron silang defiance kontra sa gobyerno.
- 10:29Kaso mayroon ding problema merong conflict sa.
- 10:34Organisasyon. O sa k k k mismo.
- 10:39So sa loob ng h k meron ding hindi pagkakaintindihan.
- 10:46Meron ding away. Kasi nagkaroon ng dalawang
- 10:50makapangyarihan nag grupo parang factions yung grupo ni bonifacio
- 10:58at grupo ni aguinaldo. Si aguinaldo yung unang
- 11:04presidente ng pilipinas. So yun hindi.
- 11:09Magkasundo si aguinaldo at si bonifacio.
- 11:13Anong nangyari? Pinapatay ni aguinaldo si
- 11:17bonifacio. So namatay si bonifacio?
- 11:22Hindi dahil sa mga espanyol. Kundi dahil kay.
- 11:27Aguinaldo kapwa pilipino. Kapwa katipunero.
- 11:34Yun ang nakakalungkot na nangyari sa kasaysayan.
- 11:40So dahil sa k k k nagkaroon ng idolohiya at ng foundation na.
- 11:49Kaya magkaroon ng kalayaan ng pilipinas.
- 11:53Kaya lumaban ng mga pilipino. Yun yung ginawa yun yung
- 11:58kontribusyon. Ng k k kaya mahalaga ito.
- 12:04At yung simbolo na yung organisasyon na yon.
- 12:08Nagsimulang grass roots so yung mga pilipino na masa.
- 12:15Tulad ni bonifacio na hindi ilustrado hindi elite educated
- 12:22tulad nina jose rizal na nag aral nagtrabaho sa espanya.
- 12:28Si bonifacio galing sa. Masa so simpleng buhay mahirap.
- 12:37Pero isang magaling na lider. Na kung di dahil sa kanila
- 12:42siguro walang kalayaan ngayon. Pero meron ding komento yung mga
- 12:49ibang historian. Halimbawa yung revolutionary
- 12:54history. Syempre yung mga libro.
- 12:57Yung mga amerikano yung nagsulat.
- 13:00At pinili nila bilang bayani bilang national hero si jose
- 13:05rizal. Kasi yung image ni jose rizal
- 13:09isang martir na mapayapa. Manunulat.
- 13:16Pero yung image ni bonifacio. Radikal militant.
- 13:22Hindi mapayapa. So sabi ng ibang historian isa
- 13:26daw yung paraan ng mga amerikano.
- 13:29Para kontrolin yung. Yung kasaysayan at yung
- 13:34pulitika. At yung nasyonalismo ng mga
- 13:38pilipino. So yun ang kwento at kahalagahan
- 13:43ng k k k na yung kalayaan. Pwedeng makamit gamit yung arm
- 13:50struggle gamit yung paglalaban ng mga.
- 13:56Tao mga simpleng tao, common people at hindi sa pamamagitan
- 14:02ng diplomasya na pinamumunuan ng konting elite na may mga
- 14:08pribilehiyo. So yun ang pagcast natin ngayon
- 14:12tungkol sa k k k. Salamat sa pakikinig marami
- 14:16akong iniskip na parte ng kasaysayan pero kung interesado
- 14:21kayo pwede niyong i research kasi madaming pwedeng ikwento
- 14:26tungkol sa parte ng kasaysayang ito.
- 14:29Maraming salamat sa oras mo ingat at paalam.