Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #315 - Mga Pilipino sa New York: Mula Kolonya Hanggang Komunidad
Transcript
- 0:08Noong nineteen eighties sa isang ospital sa new york.
- 0:13May isang ward na ba naming pasyente?
- 0:16Na nagdurusa sa isang misteryosong sakit.
- 0:21At maraming doktor at nars yung ayaw pumasok sa kwarto.
- 0:27Pero may isang grupo ng mga nars yung nag volunteer.
- 0:33At pumasok. At marami sa kanila.
- 0:36Bumiyahe ng libu libong kilometro o miles galing sa
- 0:41pilipinas. At matapos yung ilang mga dekada
- 0:46yung mga pilipinong nurse yung magiging isa sa mga
- 0:50pinakaimportanteng. Billers ng health care system ng
- 0:55new york city. Pero yung kwento ng mga pilipino
- 1:00sa new york. Nagsimula bago pa nun.
- 1:04Nagsimula dahil sa kolonyalismo. Sa isang empire.
- 1:09At sa isang kakaibang pang legal status.
- 1:12Na. Na hayaan yung mga pilipino na
- 1:17lumipat mula sa pilipinas papunta sa estados unidos.
- 1:23Pag uusapan natin yung mga pilipino sa new york.
- 1:30Ang. Kung minsan kapag iniisip natin
- 1:41yung mga filipinong community sa estados unidos.
- 1:45Kadalasan nasa isip natin nasa isip ko california.
- 1:49Los angeles, san diego bay area. Pero meron ding.
- 1:55Komunidad malaking komunidad sa kabilang parte ng bansa.
- 2:01Yung new york city. Ngayon halos isang daang libong
- 2:07pilipino ang nakatira sa new york.
- 2:10At mayroong impluwensya yung mga pilipino at epekto.
- 2:15Yun nga sa health care at kahit nasa politics.
- 2:20So para maintindihan natin yung kwento ng mga pilipino sa new
- 2:23york balik tayo sa eighteen ninety eight.
- 2:26Yun yung taon. Kung kailan tinalo ng u s yung
- 2:32espanya sa spanish american war. Yun yung treaty of paris na
- 2:38binenta ng espanyol. Yung pilipinas sa u s at naging.
- 2:45American territory yung pilipinas.
- 2:48Naging u s nationals yung mga pilipino hindi citizen pero
- 2:53hindi rin foreigner. Yung legal status ng mga
- 2:57pilipino dati u s nationals. Interesante kasi nung early
- 3:03twentieth century. Talagang malaki yung restriction
- 3:08ng u s asian immigration. Dati merong chinese exclusion
- 3:14act na hindi pinapayagan yung chinese immigration.
- 3:19Japanese immigration limitado din.
- 3:22Pero exempted na yung mga pilipino.
- 3:25Nung panahon na yon kasi american territory yung
- 3:29pilipinas. So pwedeng bumiyahe yung mga
- 3:34pilipino sa estados unidos. Actually bago pa maging kolonya
- 3:41ng u s yung pilipinas noong eighteen eighty eight si jose
- 3:46rizal yung unofficial na pambansang bayani ng pilipinas.
- 3:52Nakapunta na sa new york. Nakapunta siya sa manhattan
- 3:57tapos nag check in siya sa fifth avenue hotel.
- 4:01Isa sa mga pinakasosyal na hotel noong panahon na yon.
- 4:05Na ngayon nasa madison square park.
- 4:09Pero ilang araw lang siya doon kasi papunta sya nun sa europe.
- 4:15Pero noong nineteen o three. Yung gobyerno kumuha sila ng
- 4:21scholarship program para sa mga pilipinong estudyante.
- 4:27At yun yung tinatawag na pensionado program.
- 4:31At simple lang yung ideya. Yung mga pinakamatalinong
- 4:35pilipino. Pupunta sa mga amerikanong
- 4:39unibersidad doon mag aaral. Tapos babalik sila sa pilipinas.
- 4:47Para patakbuhin at i manage yung colonial government sa
- 4:51pilipinas. Yung ideya para gumawa ng pro
- 4:55american elite sa pilipinas. So yung mga pilipino noong
- 5:01panahon na yon nag aral sa columbia university.
- 5:04And why you ford ham, cornel. So mga magagandang unibersidad
- 5:11at yung mga pilipinong estudyante.
- 5:14Galing sa mga prominenteng pamilya.
- 5:17Mga mayayaman mga elite. So yung iba?
- 5:24Nag aral sa u s tapos bumalik sa pilipinas pero yung iba naman
- 5:29hindi na bumalik sa pilipinas. So yun yung pagkakaiba siguro ng
- 5:34mga migrants pilipino. Sa, california.
- 5:39Kasi sa california pumunta yung mga unang pilipino para
- 5:43magtrabaho sa agrikultura. Pero sa new york.
- 5:47Yung mga pilipino na unang pilipino ang mga estudyante.
- 5:52Mga intelektwal mga professionals.
- 5:56Pero isa sa mga parang dark side.
- 5:59Na nangyari noon o mga hindi masyadong pinag uusapan.
- 6:03Yung mga human zues halimbawa noong nineteen eleven.
- 6:08Sa coney island dreamland amusement park may akong exhibit
- 6:12na igorot village. So igorot yung mga katutubo na
- 6:18galing sa hilaga ng pilipinas. So dinala sila sa new york para
- 6:23maging human zoo para i display. So ginawa yung human zues para
- 6:30ipakita na primitive yung mga pilipino.
- 6:33Para ipakita na kailangan yung pag civilize ng mga amerikano.
- 6:41Propaganda yun ng american empire.
- 6:45Para magkaroon ng justification sa.
- 6:49Pagko colonize sa isang malayong isla sa asya.
- 6:53So nung panahon na yon dalawang klase ng mga pilipino hinasa new
- 6:57york mga edukado na nag aral sa colombia at ibang unibersidad.
- 7:02At isa pa yung mga katutubong pilipino na naging display sa
- 7:07mga human zues. At isa pang naging paraan ng
- 7:12pagpunta ng mga pilipino sa new york.
- 7:14Yung pagre recruit ng u s navy ng mga pilipino bilang mga
- 7:20sailer. So kailangan ng mga sailors ng u
- 7:26s navy kailangan nila ng mga pilipino para mag serve sa
- 7:31american military. At marami sa mga seller na to
- 7:36dumadaan sa brooklyn navy yard. Yung iba umuwi sa pilipinas.
- 7:41Yung iba naman nanatili na lang dun sa new york.
- 7:46So nagkaroon na naman ng ibang parang klase ng mga pilipino sa
- 7:51new york yung mga working class at yung mga nagtrabaho sa
- 7:56military. Lalo na yung mga naka base sila
- 8:00sa brooklyn o sa long island. Ibig sabihin early twentieth
- 8:06century pa lang meron ng mga estudyante mga professional, mga
- 8:10sellers at veterans at mga katutubo sa new york.
- 8:16At punta tayo sa nineteen sixty five.
- 8:20So nagkaroon na ng immigration and nationality act sa u s.
- 8:26Ibig sabihin mas. Dumami na yung mga nag immigrate
- 8:31galing sa asya. At wala na yung dating quota
- 8:34system. At nung taon rin na yun.
- 8:38Meron ding kakulangan sa mga nars sa iba't ibang ospital sa
- 8:43amerika. At yung nursing education system
- 8:47sa pilipinas. Halos naka model sa estados
- 8:52unidos kaya kumuha sila ng mga pilipinong nurse libo libo yung
- 8:57dumating. Madaming tumira at nagtrabaho sa
- 9:02new york. At kahit eighties or nineteen
- 9:06nineties pa lang sobrang importante na ng role ng mga
- 9:10nars na pilipino sa new york. At naging malinaw yung
- 9:16kontribusyon ng mga pilipinong nars noong aids crisis noong
- 9:21nineteen eighties. Kasi nung eighties hindi
- 9:25masyadong naiintindihan yung aids.
- 9:28Akala nila airborne yun o madaling mahawa kaya maraming
- 9:34health care workers na ayaw alagaan yung mga pasyente na may
- 9:39aids. So dito pumasok yung mga
- 9:42maraming pilipinong nars na tumulong.
- 9:46At nagtrabaho sa mga ospital. Na hanggang ngayon one third ng
- 9:51mga pilipinong nagtatrabaho sa new york nasa healthcare
- 9:56industry. So dahil yun nga marami ng
- 10:00pilipino kahit early twentieth century pa lang nagkaroon na ng
- 10:04mga komunidad ng pilipino. So dati nagkaroon ng little
- 10:08manila sa manhattan hens sa east village.
- 10:12Pero unti unti naging mahal yung upa kaya lumipat daw yung mga
- 10:18pilipino. At ngayon yung komunidad ng mga
- 10:22pilipino. Marami daw ngayon sa hood side
- 10:25sa queens. At doon sa roosevelt avenue.
- 10:31Nandun yung mga mga grocery store na pilipino, mga
- 10:34restaurant, may mga panaderya at may mga cultural institutions
- 10:40din. At noong twenty twenty two
- 10:44pinangalanan yung yung intersection na little manila
- 10:49avenue. So nandun yung pinaka isa sa
- 10:53pinaka. Aktibo at vibrant na komunidad
- 10:57ng mga pilipino sa east coast. So ngayon madaling makita yung
- 11:05mga pilipino sa new york at yung mga iba't ibang negosyo.
- 11:09Yun nga sa roosevelt avenue, sa queens.
- 11:12Mga kainan sisig halo halo. Madaling isipin na pareho lang o
- 11:19pare pareho lang yung mga immigrants kung paano nakapunta
- 11:22sa u s. Pero wag nating kalimutan yung
- 11:25naging kwento ng mga pilipino. Yung nagsimula sa scholarship
- 11:30program, nagkaroon ng human zoo is meron yung mga sailors at.
- 11:36Ngayon yung mga maraming nurse at syempre second at mga
- 11:41pangatlong henerasyon na ng mga pilipino sa estados unidos.
- 11:49Yun lang salamat sa oras nyo. Meron tayong patreon kung gusto
- 11:53niyo suportahan yung podcast. Meron ding transcript available
- 11:57sa website ko. Maraming salamat at paalam.