Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #253 - Mga Tipikal na Almusal sa Pilipinas
Transcript
- 0:07Uy kamusta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast?
- 0:13Una sa lahat. Salamat sa mga.
- 0:17Sumusuporta. Sa patreon.
- 0:20At sa mga nag cocomento nag e email.
- 0:26Nagbibigay ng opinyon nila. Kung ikaw yun.
- 0:29Salamat kasi. Dahil don nalalaman ko na may
- 0:34nakikinig pala so maganda. So ngayon yung pag uusapan natin
- 0:41yung almusal sa pilipinas. Ano ba yung tipikal na kinakain?
- 0:48Tinapay ba kanin ba? Maalat ba matamis ba mainit ba?
- 0:56Malamig ba. May kape may tsaa may tubig.
- 1:02O baka nag aayuno yung mga tao hindi kumakain sa umaga.
- 1:09Sa bahay ba kumakain o sa sasakyan?
- 1:12Pero syempre depende sa tao. Iba iba tayo.
- 1:18Pero isa sa mga karaniwang kinakain sa almusal yung
- 1:23tinatawag namin na si log. Si log so yung si log yung c.
- 1:32Sinangag. Yung log itlog si ilog.
- 1:38So kanin at itlog. Tapos merong iba't ibang klase
- 1:43ng silog. Halimbawa yung top c log.
- 1:48Top sa ilog. Kasi merong tapa.
- 1:53Merong sinangag. At mayrong itlog top sa ilog.
- 1:58Yung tapa yung karne ng baka. Meron ding tocilog.
- 2:05Kasi toss tocino. Longsilog long longganisa.
- 2:13Bangsilog. Bangus bangus.
- 2:18Hotsilog hotdog. At yung sinangag.
- 2:24Yung fried rice di ba? Kadalasan niluluto sa bawang.
- 2:30Ayokong toyo. Minsan merong suka.
- 2:35O mayroong itlog. So depende.
- 2:39Kasi siguro alam niyo mahilig kami sa kanin.
- 2:44So kung merong tirang kanin kagabi.
- 2:49Kasi maraming nilutong kanin so merong tirang kanin kagabi.
- 2:56Maganda yun isangag sa umaga. Kasi sabi nila yung tirang
- 3:02kanin. Yung kanin kagabi.
- 3:07Mas masarap sa sinangag. Yung iba naman hindi na kumakain
- 3:14sa loob ng bahay. Kumakain sila sa labas ng bahay
- 3:19kasi walang oras. Kailangan maaga gumising maaga
- 3:25umalis ng bahay dahil sa trapik. Merong iba't ibang pagkain na
- 3:31pwedeng mabili sa labas ng bahay na almusal.
- 3:37Halimbawa yung pares yung pares yung beefs too.
- 3:41Karne ng baka. At merong sabaw.
- 3:46At. Kadalasang kinakain ng merong
- 3:50kanin. So maraming nagbebenta nyan sa
- 3:54umaga sa kalye. Meron din naman yung mga
- 3:59karinderya. Karinderya yung mga maliit na
- 4:04restaurant. Oo kadalasan parang bahay bahay
- 4:10lang na nagbebenta ng mga pagkain.
- 4:14At sikat yung mga to kasi mura at masarap kasi lutong bahay.
- 4:22At kadalasan madaming pwedeng pagpilian na pagkain o ulam.
- 4:29So pwedeng nagluluto din sila nung silog.
- 4:33O pwedeng kanin lang at hotdog. Kanin lang at itlog.
- 4:39Kanin at spam. At meron ding mga kape.
- 4:45Kadalasan yung kape yung three in one.
- 4:48Kasi mura at mabilis gawin lalagyan lang ng mainit na
- 4:53tubig. Meron ng kape asukal at creamer.
- 5:00Hindi na kailangan lagyan ng gatas.
- 5:04So iba pang pwedeng almusal yung aroskaldo yung simpleng rice
- 5:09forage pero masarap. At yung champorado rice porridge
- 5:15din pero merong tablea tablea yung tsokolate.
- 5:21So parang tsokolate na merong kanin.
- 5:26Tapos minsan nilalagyan ng isda. Yung tuyo tuyong isda.
- 5:32So balanse yung tamis at yung alat.
- 5:36Na talagang masarap itong champorado.
- 5:40At isa pa isa pang ulam. Nakalimutan ko sabihin yung
- 5:45corned beef. Yung cornbeef karaniwang almusal
- 5:49sa pilipinas. Niluluto.
- 5:52Kasama yung bawang at sibuyas. Minsan merong patatas.
- 5:59Pero sikat na almusal din kasi madaling lutuin.
- 6:04At madaling mag stock ng corned beef.
- 6:08Ng cornbeef kasi nasa lata yung corned beef.
- 6:13So nabanggit ko na yung kapeng three in one.
- 6:18Ano pa ba yung pwedeng inumin na pwedeng gawin sa bahay o pwedeng
- 6:23mabili sa karinderya? Sa ibang parte ng pilipinas
- 6:28meron sila yung kapeng barako. Kapeng barako yung yung matapang
- 6:34na kape. So sa tingin ko mas merong
- 6:38caffeine at mas mapait. Parang espresso.
- 6:45At kung ayaw mo ng kape, meron namang mailo.
- 6:50So siguro alam mo yung may law yung tsokolate na inumin na
- 6:55madalas iniinom ng mga bata. At mahilig din naman kami sa
- 7:01tsaa. So may iba't ibang tsaa.
- 7:06Yung salabat yung parang ginger tea sa pilipinas.
- 7:12So pano naman yung mga ayaw kumain ng kanin?
- 7:16Kasi masyadong mabigat o walang sinangag sa ref.
- 7:23So meron din namang mga mahilig kumain ng tinapay.
- 7:27Sa pilipinas. Madaming iba't ibang klase ng
- 7:30tinapay. May mga pandesal pandecoco
- 7:35pandelimon ensaymada puto bibingka.
- 7:42So depende sa panlasa mo. Pero madalas yung pandesal.
- 7:49Kasi yung pandesal. Medyo matamis lang.
- 7:54Pero kailangan pa lagyan ng palaman.
- 7:59So pwede mo syang lagyan ng mantikilya.
- 8:02Ang keso. Ng margarine.
- 8:07Pwede mo ding lagyan ng itlog o ng spam ng hotdog.
- 8:13So madaming pwedeng gawin sa pandesal at.
- 8:18Madaling mabili sa mga panaderya sa mga tindahan.
- 8:24At kung ayaw mo ng silog kasi ayaw mo ng kanin sa umaga.
- 8:29At ayaw mo din ng tinapay sa umaga kasi.
- 8:34Ayaw mo ng madaming cards. At gusto mo ng mas malusog na
- 8:40pagkain? Sikat din naman yung oatmeal sa
- 8:45pilipinas. So pwede ka ding gumawa ng
- 8:49oatmeal. Makikita mo din yun sa
- 8:51pilipinas. At syempre dahil sa impluwensya
- 8:56ng kulturang amerikano, marami rin kaming mga serials.
- 9:02So kung gusto mo ng matamis na fruit loops.
- 9:07Oo yung mga serial ng kellogs meron mabibili mo yun.
- 9:13Yun yung mga pwedeng almusal sa pilipinas at mga pwedeng inumin
- 9:18sa umaga. Pero sa tingin ko yung almusal
- 9:23hindi masyadong mahalaga sa pilipinas.
- 9:29Kumpara sa tanghalian o sa hapunan.
- 9:33Siguro isang malaking dahilan yung trapik.
- 9:37Kasi kung may trabaho ka. Kailangan maaga kang umalis sa
- 9:41bahay. At yung mga eskuwelahan din
- 9:46maaga nagsisimula yung pasok so konti lang yung oras para kumain
- 9:51so kadalasan mabilis lang kumain.
- 9:55O minsan hindi na kumakain. Magdadala na lang ng pagkain.
- 10:01So kung mapapansin niyo simpleng pagkain lang at mabilis gawin
- 10:07kahit yung kape yung mabilisan lang gawin three in one lang.
- 10:12So yun lang ang episode natin ngayon.
- 10:14Sana matikman nyo yung iba't ibang almusal sa pilipinas.
- 10:20Kung kailangan mo ng transcript meron naman at may picture yun
- 10:24kung gusto mo suportahan to. Salamat sa iyo at paalam.