Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #121 - Bakit ang daming mga mall sa Pilipinas? / Why are there so many malls in the Philippines?
Transcript
- 0:04hello kumusta ko si miguel at ito ang comprehensible tagalog
- 0:09podcast at ngayong araw pag uusapan natin ang mga mall sa
- 0:15pilipinas at ano ba ang papel ng mga mall sa pilipinas bakit
- 0:23madaming mall bakit gusto ng mga tao ang mall at anong pwedeng
- 0:30gawin sa mga mall sa pilipinas so siguro kung naka bisita na
- 0:37kayo sa pilipinas siguro napansin niyo na madaming mall
- 0:44sa pilipinas at parte ng pang araw araw na buhay ng mga
- 0:50pilipino lalo na yung mga nasa lungsod ang pagpunta sa mall so
- 0:58bakit ba ganito kasi hindi naman ganito sa sa ibang bansa hindi
- 1:06ganito sa ibang bansa na malaking parte ng buhay ang mga
- 1:12mall sa ot tingnan muna natin yung mga datos tungkol sa mall
- 1:19sa pilipinas so sabi sa nahanap ko na datos sabi merong lampas
- 1:27sa walong daang mall sa pilipinas pero meron ding ibang
- 1:34source na nagsasabi na lampas apat na libo so hindi ko
- 1:39sigurado ano ang eksaktong numero pero sabihin na natin na
- 1:46walong daan lampas walong daan o some na naraan at sa maynila may
- 1:56halos dalawang daan na mga mall at yung whittle industry ay
- 2:04labinlimang porsyento of fifteen percent ng g p n p ng bansa at
- 2:12yung service industry service sector na kaugnay ng mga mall ay
- 2:22tatlumpu't tatlong porsiyento at nagbibigay ng madaming trabaho
- 2:28ang ang mga mall sa sabi sa nabasa ko limang milyong tao ang
- 2:36nabibigyan ng trabaho ng mga mall bale um labingwalong
- 2:43porsyento eighteen percent ng workforce ay nagtatrabaho sa mga
- 2:49mall yun madami madaming trabaho dahil sa mall at malaki ang
- 2:57kontribusyon sa ekonomiya ng mall at ng retail industry iyon
- 3:04pag usapan natin yung kasaysayan ng mga mall kung paano nagsimula
- 3:10ang mga mall so sabi yung pinakaunang shopping mall ay
- 3:17tinayo noong nineteen fifty six sa minnesota sa estados unidos
- 3:24sa tinayo ito ng isang socialist isang um austrian na arkitekto
- 3:35na pumunta sa estados unidos so tinatawag siya na father of the
- 3:41shopping mall si victor grow in at may kwento din na ayaw niya
- 3:52yung ginawa niya ayaw niya yung mga mall bago siya mamatay so
- 4:00sinabi niya yun at bale mula nineteen fifty six hanggang two
- 4:06thousand five may halos isang libo at limang daang mall ang
- 4:12tinayo sa estados unidos one thousand five hundred na mga
- 4:16mall sa u s pero nagsara maraming nagsara ng mga mall at
- 4:26sabi ngayon isang libo na lang ang natitira at may forecast na
- 4:34marami pang magsasara ng mga mall so iba ang kwento ng mga
- 4:40malls sa estados unidos ngayon kumpara sa pilipinas at
- 4:48interesante kasi sabi sa mga source na yung unang shopping
- 4:53mall ay noong fifties sa estados unidos pero may mall na sa
- 5:00pilipinas noong nineteen thirty two so ito yung crystal arcade
- 5:06na ginawa at tinayo sa manila so ito daw yung pinakamoderno na
- 5:17gusali pinakamoderno na estruktura noong panahon na yun
- 5:23noong nineteen thirty two at kamukha daw ito ng mga arcades
- 5:28sa paris may mga display may mga cafe at iba't iba iba't ibang
- 5:37mga tindahan iba't ibang mga shop pero dahil sa world war two
- 5:46yan na nasira ang crystal arcade pero syempre naimpluwensyahan ng
- 5:55crystal arcade yung unang mall sa pilipinas yung mga modernong
- 6:00mall ngayon at ano ba ang mga pwedeng gawin sa mall sa
- 6:05pilipinas bakit sobrang malaki yung mga mall at bakit madaming
- 6:12tao sa una syempre yung shopping o yung pwede kang bumili ng
- 6:20iba't ibang bagay mga damit sapatos kahit ano at mga pagkain
- 6:28so sa mall merong mga supermarket at may mga
- 6:34restaurant sa loob mismo ng mall at kadalasan nagbubukas yung mga
- 6:42mall ng alas diyes ng umaga hanggang alas nuwebe ng gabi at
- 6:49kadalasan mas mahaba pa ang oras tuwing pasko at tuwing may mga
- 7:00holiday so depende so pwede kang bumili ng pagkain ng mga damit
- 7:09parang tipikal na mall syempre madaming restauran madaming
- 7:15pagpipilian pero sa mga mall sa pilipinas meron ding mga events
- 7:23so madalas na venue ng mga events ang mga mall halimbawa
- 7:30kung may simpleng konsiyerto pwedeng gawin sa mall may
- 7:37kumakanta pwede din yung mga graduation ginagawa din sa mall
- 7:44meron din yung mga talent competition mga pageant mga
- 7:49bazaar yan pwede din sa mall mayroon din iyong mga simbahan
- 7:58so may ibang mga simbahan na ginagawa sa sinehan sa may
- 8:04cinema so may mga simbahan na walang sariling gusali sa umuupa
- 8:12sila sa mall at yung worship service sa loob ng sinehan at
- 8:22yan syempre meron din sinehan pwedeng manood ng pelikula at
- 8:30minsan din sa mga sinehan bukod sa simbahan yung mga events din
- 8:37na mga eskwelahan mga pribadong events pwedeng gawin sa sinehan
- 8:44at minsan meron ding mga sports sa loob ng mall halimbawa mga
- 8:49taekwondo o mga table tennis yun pwedeng gawin sa sa loob ng mall
- 8:59may mga kompetisyon o may mga training sa pwede yun sa mall at
- 9:06bukod doon yung mga opisina ng gobyerno nasa mall den yung iba
- 9:14so halimbawa yung um pasaporte pwede kang kumuha sa mall pwede
- 9:21kang mag renew at iba pa yung lisensya para magmaneho yung
- 9:29pagkuha ng birth certificate ah iba pang mga serbisyo mga bills
- 9:35payment kung magbabayad ka ng kuryente ng tubig ng internet ng
- 9:41cable pwede magbayad sa mga mall pwede kang magpapalit ng
- 9:49currency magpapalit ng dolyar sa piso at sa loob ng mall meron
- 9:56ding madaming mga bangko gusto kong magde deposit ka ng pera o
- 10:02magwi withdraw ka ng pera may bangko sa loob ng mall at meron
- 10:09ding mga a t m at iba pa so halos kumpleto ang mga serbisyo
- 10:16bukod doon meron ding mga serbisyong medikal sa ibang mall
- 10:22merong mga parang clinic sa loob ng mall at pwedeng magpa check
- 10:31up pwedeng mag exam medical exam meron ding mga dentista at iba
- 10:42pang serbisyo meron din yung mga syempre yung mga masahe yung mga
- 10:49mga derma dermatological services sa mga facial whitening
- 10:57facial cleaning yung mga ganung serbisyo sa aesthetics yun at
- 11:06syempre mainit sa pilipinas so sa mall laging merong air
- 11:13conditioning halos lahat ng mall may air conditioning at lalo na
- 11:18sa pilipinas mahal ang kuryente kung titingnan nyo ang presyo
- 11:23mahal ang presyo per kilowatt hour ng kuryente sa pilipinas so
- 11:30mahal ang paggamit ng air conditioning kaya sinasamantala
- 11:35ng mga pilipino ang air conditioning sa mga mall at yun
- 11:44kung makikita niyo madami talagang pwedeng gawin sa mga
- 11:47mall at halos lahat ng bagay pwedeng gawin sa malaking mall
- 11:54hindi na kailangan pumunta sa iba't ibang mga lugar pwede mong
- 12:01gawin lahat sa mall so siguro yung mga ibang tao pumupunta pa
- 12:05rin sa palengke kasi minsan mas mura yung mga gulay mga prutas
- 12:13minsan mas bago pero yung convenience talaga kung sa mall
- 12:21ka pupunta at bibili talagang mas convenient sa mall at yung
- 12:28seguridad din kasi sa mall may mga guwardya may magandang
- 12:34seguridad hindi katulad sa palengke o sa ibang lugar at
- 12:42kung may kotse ka o may bisikleta ka mas ligtas yung
- 12:48kotse mo yung bisikleta mo sa tingin ko sa parking ng mall
- 12:54kumpara sa labas at isa pang dahilan ay yung pampublikong
- 13:01transportasyon ay kadalasan dumadaan sa mga mall so maraming
- 13:10ruta ng mga jeepney na mga bus yung dumadaan sa mall mismo kasi
- 13:18nandoon yung mga tao yung ruta ng jeep ng tricycle ng bus ay
- 13:26nag a adjust sa lokasyon ng mall sa pwesto ng mall kasi maraming
- 13:34tao doon maraming nagtatrabaho at madaming pumupunta so yun
- 13:39lang ang episode ngayong araw yun ang maikling kasaysayan ng
- 13:45mall sa pilipinas at ang kahalagahan at ang mga pwedeng
- 13:51gawin sa mall sa pilipinas at syempre maraming kontrobersiya
- 13:56tungkol sa mall katulad nung syempre yung wealth gap sa
- 14:01pilipinas yung mga may ari ng mall ay yung mga bilyonaryo
- 14:08halimbawa si henry sy may ari ng s m o si john gokongwei may ari
- 14:14ng robinson si zobel de ayala ng ayala malls so grade yung yaman
- 14:21nila yun lang salamat sa pakikinig nyo merong transcript
- 14:26kung kailangan niyo at merong patreon kung gusto niyo
- 14:30sumuporta sa podcast salamat at paalam
- 14:38n