Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #300 - Islam Sa Pilipinas: Autonomy at BARMM (3/3)
Transcript
- 0:08Hello kumusta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast
- 0:13at pinag uusapan natin yung islam sa pilipinas?
- 0:17At ngayong episode three pag uusapan natin yung bangsamoro at
- 0:22yung autonomy na gusto nila. So sa huling dalawang episode.
- 0:30Pinag usapan natin yung pagdating ng islam sa pilipinas
- 0:34ang fourteenth century. At yung matagal na colonial
- 0:39resistance nila. Pinag usapan din natin yung
- 0:43thumb ni mik bal. At yung pagsimula ng sultanate
- 0:48ng sulu. Pinag usapan din natin yung
- 0:52seven hundred year war religious war ng espanya sa iberian
- 0:58peninsula na dinala nila yung galit sa mga moro dito sa
- 1:04pilipinas. At pinag usapan din natin yung
- 1:07bud dahu massacre. Sa isang volcanic crater.
- 1:12Na ginawa ng mga amerikano. So ngayon pag uusapan natin yung
- 1:17bangs tomorrow struggle so ano ba to?
- 1:21Ano yung struggle na gusto nila? Yung gusto nila yung karapatan
- 1:26na i govern yung sarili nilang lupa.
- 1:30Na meron silang sariling batas na para sa kanila legitimate.
- 1:36Na meron silang sariling estado. So yung july four nineteen forty
- 1:42six na kalayaan sa manila. Hindi daw kalayaan sa buong
- 1:48pilipinas. Kasi yung bagong republic of the
- 1:52philippines hindi naman dinisenyo para sa mga moro.
- 1:58Kasi yung mga institution. Yung administrative boundaries,
- 2:04land tener system demographic map galing sa.
- 2:09Colonial na administration ng mga amerikano.
- 2:14Pati yung mga settlement policies at yung mga pagmamay
- 2:18ari ng lupa. So punta tayo sa nineteen
- 2:23seventy two. Kasi dito nagsimula yung unang
- 2:27armed movement ng mga moro iyong tinatawag na moro national
- 2:33liberation front o m n l f. Yung founder si nur misuari.
- 2:40So bakit merong m n l f actually response nila to sa martial law
- 2:47na dineclare ng dating diktador at presidente si ferdinand
- 2:51marcos. Kasi grabe yung operations nila
- 2:56aggressive daw sa muslim mindanao.
- 2:59At yung goal ng m n l f kalayaan.
- 3:04Parang hiwalay na bangsamoro state at autonomy?
- 3:09Tapos noong nineteen seventy six yung gobyerno ni marcos at m n l
- 3:14f nagkaroon sila ng agreement yung tripoli agreement.
- 3:19At yung agreement na to. Nangako ng autonomy sa thirteen
- 3:25provinces sa mindanao. So malaking bagay yun autonomy
- 3:30sa thirteen provinces pero hindi.
- 3:34Natupad yung pangako hindi nasunod yung agreement kaya
- 3:39noong nineteen eighty four. Yung m n l f nagkaroon ng.
- 3:45Naghiwalay nagkaroon ng isa pang organisasyon o samahan yung m i
- 3:52l f. Oo moro, islamic liberation
- 3:56front. Yung lider nila si hashim.
- 3:58Salamat. So ano ba yung disagreement ng
- 4:02mga m n l f at m i l f so strategic tsaka ideological kasi
- 4:10para kay salamat yung m i l f nag compromise daw masyado si
- 4:15misuari yung m n l f sa tripoli agreement.
- 4:20Gusto ng m i l f hindi lang autonomy pero islamic state.
- 4:26Ibig sabihin explicitly islamic law at principles yung nasa
- 4:32state. Hindi lang parang regional
- 4:35administration na gusto ng m n l f.
- 4:39So two decades na. Naging armed organization yung m
- 4:45i l f mas malaki mas organize. At mas parte ng lokal na
- 4:50komunidad sa mindanao at libu libo daw yung mga mga sundalo
- 4:56nila. At maraming namamatay sa
- 4:59conflict laban yung gobyerno kasi may mga negotiation na
- 5:04hindi naman. Nagreresulta sa kahit ano.
- 5:08So sabi sa isang datos six thousand.
- 5:11And fifteen daw yung namatay. Sa armed conflict ng gobyerno
- 5:17laban sa m n l f, m i, l f at iba pang morrow na grupo sa
- 5:22taong nineteen eighty nine hanggang twenty twelve.
- 5:26At conservative pa yon. So yung dalawang organisasyon
- 5:31yung m n l f gusto ng autonomy yung m i l f gusto ng islamic
- 5:37state. Na nakikipagnegotiate sa
- 5:40gobyerno. Yun yung bangsamoro struggle.
- 5:45At noong may twenty three twenty seventeen.
- 5:49Merong mga fighter na. Galing sa maute group at sa abu
- 5:56sayyaf. So manga terrorist organization
- 6:00na actually wala namang relasyon sa m n l f at m i l f kasi hindi
- 6:06nakikipag negotiate itong abu sayyaf at maute group.
- 6:10Inatake nila yung lungsod ng marawi.
- 6:15Marawi yung capital city ng lanao del sur sa mindanao.
- 6:19So isang importanteng urban center sa mindanao.
- 6:24So inatake ng maute group at abu sayyaf.
- 6:28Yung marawi na nagpe pledge ng allegiance sa isis.
- 6:34At yung stage na to tinatawag na twenty seventeen marawi siege
- 6:39dahil don nag declare si dating presidente rodrigo duterte.
- 6:45Ng martial law sa mindanao. Para i retake yung marawi yung
- 6:51city. So nagkaroon ng laban limang
- 6:55buwan. At dahil dun nasira.
- 7:00In ruins na yung marawi yung dating historic citizen enter.
- 7:05Na may mga moske. May mga palengke may mga
- 7:09magandang kalye sira na. Libo libo yung namatay at
- 7:16madaming civilian yung na displace.
- 7:19At yung marawi siege may parang mensahe sa gobyerno na dahil
- 7:26hindi nakukuha yung bangsamoro peace process pwedeng maging
- 7:30ganito yung alternative. Ganito yung itsura nung failed
- 7:35peace process at negotiation. Pero tulad ng sabi ko.
- 7:41Yung abu sayyaf at maute group hindi naman nakikipag negotiate
- 7:45sa gobyerno. So.
- 7:48Parang terrorist organizations nila na konektado sa isis.
- 7:54Pero noong twenty eighteen. Si presidente rodrigo duterte.
- 7:59Pinirmahan niya yung bangsamoro organic law.
- 8:04Sa inyong resulta ng taong taong negotiation ng gobyerno sa m i,
- 8:08l f at m, n l f at iba pang moro groups.
- 8:13Ano ba yung bangsamoro organic law?
- 8:17So dahil sa bangsamoro organic law meron na yung b a r m m o
- 8:22barm. O yung tinatawag na bangsamoro
- 8:26autonomous region in muslim mindanao.
- 8:29So yung barm merong gobyerno na parang parliament parang
- 8:33westminster style na legislative body.
- 8:38Na hindi katulad sa presidential system ng ibang parte ng
- 8:43pilipinas tulad ng manila. So meron silang mas malaking
- 8:47fiscal autonomy. Merong mas kontrol sa kanilang
- 8:52revenue at natural resources. At meron silang revenue sharing
- 8:56agreements sa national government.
- 9:00At meron silang explicit na mandate na i implement yung
- 9:04sharia law sa rehiyon at merong sharia high court.
- 9:10At noong twenty nineteen nagkaroon ng botohan sa mindanao
- 9:15kung ia adopt ba yung bangsamoro organic law.
- 9:20So madaming bumoto ng oo iba't ibang probinsya pero yung sulu.
- 9:26Ninety six point nine percent. Ayaw nila ni reject nila yung
- 9:30bangsamoro organic law. Pero natuloy pa din yung
- 9:34bangsamoro organic law kasi yung majority ng ibang probinsya nag
- 9:39yes. So hindi sila kasama dun sa
- 9:43barm. So isipin mo yung sulu.
- 9:46Yung parang unang tombstone na pinag usapan natin yung mic bull
- 9:53tombstone. Nung thirteen tens.
- 9:56Tapos yung unang moske sa sulu di ba unang sultanate sa sulu
- 10:02unang institutional na gobyerno sa sulu.
- 10:06Bale yung simula ng islam sa sulu pero ayaw nilang maging
- 10:10parte ng barm. Bakit?
- 10:13Isang dahilan kasi meron ding. Political na disagreement nga
- 10:19yung m n l f at m i l f. At feeling ng m n l f.
- 10:25Na galing sa sulu. Yung m i l f.
- 10:29Hindi nga nagrerepresenta yung talagang gusto nila at yung m i
- 10:34l f galing talaga historically sa maguindanao at lanao so hindi
- 10:40sa sulu so parang ibang mga tao. At ibang political interest.
- 10:48At kung gusto ng solo hindi naga align sa parliamentary
- 10:52government na. Gusto ng m i l f.
- 10:56Yon at meron pang isang aspeto na kailangang pag usapan yung
- 11:01mga. And m i peace sa mindanao o yung
- 11:05non morrow indigenous people na nakatira sa barm.
- 11:10So yung mga n m i p yun yung mga tao na hindi naman moro hindi
- 11:16naman kristyano pero nakatira sa barm.
- 11:20So pano yun di ba? Kasi hindi lang naman puro
- 11:24muslim yung nasa barm. Meron din yung mga indigenous
- 11:27people, yung mga teory, mga lamba ngian, dulangan manobo at
- 11:34iba pang indigenous groups na nandun na bago pa yung thirteen
- 11:39hundreds bago pa dumating yung islam.
- 11:44So sabi ng mga ilang scholars? Legally daw underrepresented
- 11:50yung mga n m i p s dito sa barm. Na mas konti yung karapatan
- 11:56nila. At mayroon ding balita na mga
- 11:58conflicts at madaming namatay. Merong fifty five na namatay.
- 12:04Ayon sa isang report, dahil daw yun sa conflict sa barm ng mga
- 12:10indigenous people at mga. Ah hindi hindi genous mga moros.
- 12:17So interesante tsaka parang nakakalungkot din na kahit.
- 12:22Okay maganda na merong barm. Na na representa na yung gusto
- 12:28ng mga moro kahit syempre hindi kumpleto.
- 12:33At least m i l f led na yung gobyerno pero meron naman yung
- 12:37pagtrato din sa minority na indigenous na hindi maganda.
- 12:44So parang may irony lang na dati yung mga morrow yung minority na
- 12:50inaapi. Ngayon naging majority na.
- 12:53Na nang aapi sa barm. Pero syempre sa konteksto ng
- 12:58buong pilipinas minority pa din sila.
- 13:02So actually sa pilipinas nasa six hanggang eleven percent.
- 13:07Ng populasyon yung muslim sa mga seven hanggang twelve million
- 13:11people. At hindi naman lahat nakatira sa
- 13:14barm yung iba nakatira sa manila sa zamboanga sa general santos.
- 13:21At iba't ibang parte ng mindanao.
- 13:25Pero sa totoo lang parang invisible sila sa national
- 13:30conversation. Halimbawa kung muslim ka sa
- 13:34metro manila. Hindi ko alam paano.
- 13:37Pero. Saan ka magdadasal kung yung
- 13:41office mo nasa makati. Pano ka mararamadaman kung yung
- 13:46cafeteria sarado na at may mga lunch meeting habang nagfa
- 13:51fasting ka. O ano yung pakiramdam bilang
- 13:55moro na yung pagkakaalam ng mga hindi mo raw sa mga moro yung
- 14:03negatibong imahe. Na mga moro pyrata or villain or
- 14:10kaaway. Dahil sa mga moro moro ng mga
- 14:13plays. O yung spanish propaganda na
- 14:17hindi talaga pilipino yung mga muslim filipino.
- 14:21So yun yung mga aspeto ng pang araw araw na buhay ng mga muslim
- 14:26na interesado ako na hindi ko alam yung sagot actually.
- 14:32So. Yung bangsamoro organic law
- 14:35totoong historic achievement sya.
- 14:38Kasi mga seventeen years na negotiation din yun.
- 14:42At yun nagkaroon na sila ng. Parliamentary system, physical
- 14:47autonomy. Sir yelo.
- 14:50At may peace process na. Para maiwasan yung mga armed
- 14:55conflicts. Pero syempre nagta transition pa
- 14:59lang. At yun nga yung sulu against
- 15:04kontra dun sa b a r m m o barm. At yun nga meron ding mga
- 15:10airports tungkol sa. Mga hindi magandang sitwasyon ng
- 15:14n m i p c s o non morrow indigenous people.
- 15:19So malalaman natin sa hinaharap. Ano ba yung mangyayari sa
- 15:22bangsamoro o sa barm? Pero.
- 15:27Tatandaan natin na yung mga bangsamoro people.
- 15:30Malaking parte ng kasaysayan ng pilipinas na.
- 15:35Bago pa magkaroon ng pilipinas ni king phillip the second.
- 15:41Meron ng civilization meron ng sultanate at kahit yung manila
- 15:46naging isang muslim sultanate. At nag survive sila ng mahabang
- 15:51taon laban sa espanyol laban sa mga amerikano.
- 15:56Laban sa hapones. So paano ba natin i embrace yung
- 16:01kasaysayan na to at yung mga bangsamoro na tao sa bansa natin
- 16:08ngayon na karamihan ay katoliko at kristiyano.
- 16:15Yun lang yung mga episode natin tungkol sa islam sa pilipinas.
- 16:21Maraming salamat sa oras nyo merong transcript kung kailangan
- 16:24nyo at meron tayong patreon kung gusto niyo suportahan yung
- 16:28podcast, maraming salamat at paalam.