Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #234 - Magaling na ang AI, bakit pa tayo nagaaral ng lenggwahe?
Transcript
- 0:08Hello kamusta. Ako si miguel ng comprehensible
- 0:11tagalog podcast. At ngayong araw pag uusapan
- 0:15natin yung pag aaral ng lenguwahe at yung a i at yung
- 0:22tanong na. Bakit pa tayo nag aaral ng
- 0:26lenggwahe kung yung mga a i na tools.
- 0:32Magaling na magsalin sa mga lenggwahe.
- 0:36At kaya na nilang gawin halos real time na di ba?
- 0:41Halimbawa yung. Yung google meet meron ng live
- 0:46translate. So naglabas sila ng video isang
- 0:51tao na nagsasalita ng ingles tapos kausap niya isang tao na
- 0:56nagsasalita ng espanyol. Tapos pwede silang makapag usap
- 1:02kasi sinasalin ng â i yung lengguwahe.
- 1:08Na halos halos real time merong konting delay siguro.
- 1:15Mas mababa sa isang segundo. Pero sa tingin ko sa hinaharap
- 1:21syempre mas magiging magaling yung kakayahan ng mga ganitong
- 1:28model at mga features sa. Sa mga.
- 1:33Device natin. So bakit pa tayo nag aaral ng
- 1:38mga lengguwahe? Ang bilis ng mga pagbabago ang
- 1:43bilis ng pagde develop ng mga kakayahan ng mga a i lalo na sa
- 1:51lenggwahe. So hindi lang sa bilis pati sa
- 1:56pagiging tama. Mas nagkakaroon sila ng
- 2:01kontextual understanding. At mas natututo at natututo pa
- 2:07at mas gumagaling yung mga large language models habang
- 2:10tumatagal. Pero sa ngayon meron pa ring mga
- 2:15problema. Halimbawa yung problema sa
- 2:20konteksto. Ng kultura at yung mga new ones.
- 2:25So nagkakamali pa rin yung mga large language models doon.
- 2:32Halimbawa may nabasa akong kwento.
- 2:36Tungkol sa sa maling translation.
- 2:40Halimbawa sa espanyol kapag sinabing no matches.
- 2:45Ibig sabihin sa ingles parang. No way.
- 2:49Pero literal yung. Translation.
- 2:55Nung stain walang stain sa tagalog.
- 2:59Walang mantsa. Walang mantsa.
- 3:04Kasi kung wala sa konteksto o hindi sapat yung konteksto.
- 3:10Hindi alam ng model kung literal na walang mantsa.
- 3:16O kung expression na no way. Ganun din yung mga idiom.
- 3:24So kung gagamit ka ng idiom halimbawa sa ingles.
- 3:27Ah, let the cat out of the bag. Paano malalaman ng model?
- 3:32Kung wala sa konteksto. Na iba yung ibig sabihin mo.
- 3:40Pero sa tingin ko itong issue na to mas madaling maresolba ng mga
- 3:46model kasi. Pwede natin silang bigyan ng
- 3:50konteksto o kung meron silang konting datos o madaming datos
- 3:56tungkol sa atin. Mas alam nilang.
- 4:00Isalin yung mga gusto nating sabihin.
- 4:03Pero meron ding isa pang problema.
- 4:06So bukod sa cultural context sa mga new ones.
- 4:10Problema din yung emotional intelligence at yung social
- 4:13cues. Kasi yung mga a i models hindi
- 4:18nakakaramdam ng emosyon. At least hindi katulad ng mga
- 4:24tao. Kasi sa pag uusap meron tayong
- 4:28iba't ibang social cues di ba? Lalo na yung non verbal din.
- 4:33Halimbawa yung body language sa iyong katawan natin.
- 4:38Yung mga expression ng mukha natin.
- 4:42At yung tono ng boses. Na kung papansinin nyo malaking
- 4:48parte ng pag uusap nating mga tao.
- 4:53Ibig sabihin. Halimbawa kung sarcastic ka.
- 4:58Paano ba natin malalaman kung sarcastic yung tao?
- 5:04So pwedeng sa mga salita na sinabi nya.
- 5:08Bago yung sarcastic na statement niya.
- 5:11Oo pwedeng sa tono ng boses lang.
- 5:15O pwedeng pareho o pwedeng kasama din yung galaw ng
- 5:19katawan. Ang pwedeng dahil alam mo na
- 5:24ugali ng taong to na madalas sarcastic siya.
- 5:28O baka dahil alam mo yung mga paniniwala niya sa sarili niya
- 5:34sa pulitika sa lipunan. Kaya alam mo na hindi seryoso.
- 5:41Hindi totoo yung sinasabi niya. So yung mga a i model kung wala
- 5:48kung walang sapat na na konteksto na impormasyon pwede
- 5:52silang magkamali sa. Ganun.
- 5:57Isa pang issue yung yung limitasyon pa din.
- 6:01Lalo na sa mga propesyonal na sitwasyon.
- 6:06Halimbawa noong twenty twenty one daw so medyo matagal na.
- 6:10Sa anchorage may mga meeting tapos nagkaroon ng mga
- 6:15miscommunication. Kasi hindi tama yung mga
- 6:19pagsasalin. Sa mga legal field naman.
- 6:25May isang halimbawa sa aleman yung gesselschaft.
- 6:29Sinalin yung salitang gesselschaft ng â i model sa
- 6:34salitang society. Oo tama pero sa konteksto na
- 6:40parang legal. Yung ibig sabihin ng gazel shaft
- 6:45yung company so yun yung tamang pagsasalin.
- 6:50At halimbawa sa health care din sa medical field.
- 6:54Yung mga maling pagsasalin pwedeng magkaroon ng mga
- 6:58matinding resulta. May isang halimbawa din isang
- 7:03asylum case. So.
- 7:06Alam ko sa sa espanyol sa mahiko.
- 7:11Yung tatay. Ginagamit nila yung yung
- 7:16salitang hefe para. Para sa salitang tatay.
- 7:21So kapag sinabing ni hepe. Ibig sabihin tatay ko.
- 7:26Pero yung pagsasalin ng â i model.
- 7:30Yung literal na may hefe may boss.
- 7:33Pero sa konteksto. Yung nasa dokumento dapat ni
- 7:39hepe tatay ko. At doon sa asylum case nag apply
- 7:44siya ng asylum kasi yung hefe niya yung tatay niya.
- 7:50Abusado. Inaabuso siya.
- 7:53So mali yung pagsasalin. Akala sa dokumento yung boss
- 7:58niya inaabuso siya. Tapos syempre siguro naisip nung
- 8:04mga mga nagdedesisyon o bakit natin to bibigyan ng ng iga
- 8:10grant yung asylum. Eh boss yung nag aabuso.
- 8:15Hindi naman tatay. Mayroon ding kwento yung sa
- 8:20facebook yung a i na facebook ng facebook.
- 8:24Fanilag nila so na detect na nila yung yung phase sa arabic
- 8:31na. Good morning.
- 8:33Yung akala ng â i ng facebook yung ibig sabihin hurt them oh
- 8:38saktan sila so merong naarestong tao dahil doon.
- 8:44So ibig sabihin sa ngayon pwede pa ring magkamali yung mga large
- 8:50language models at yung mga a i tools na ginagamit ng iba't
- 8:54ibang kumpanya. So kapag high stake yung
- 9:00sitwasyon? Delikado.
- 9:03At pwede din nating alalahanin na yung mga a i models.
- 9:08Na train sila sa malaking mga datos.
- 9:13Madaming datos. Pero syempre meron ding
- 9:17selection bias. So may iba't ibang bias dahil.
- 9:22Sa datos na nakuha. Sa datos na na train sila.
- 9:29So pano yung mga tribo? Pano yung mga.
- 9:33Yung mga bansa na may mas konting datos.
- 9:38Paano yung mga walang access sa internet ganun?
- 9:43So kasama ba sila sa mga data set ng mga a i models?
- 9:50So kung hindi pa rin perpekto. To yung language models.
- 9:56Pero kahit ganon kahit may mga problema sa pagsasalin sa pag
- 10:02intindi ng konteksto. Alam natin na kapag tumagal mas
- 10:07gagaling at gagaling pa. So bakit pa tayo mag aaral ng
- 10:12lenggwahe? Balik tayo sa tanong na yun sa
- 10:16una. Syempre yung kalusugan ng utak
- 10:20natin. Parang workout ng utak natin
- 10:24yung pag aaral ng lenggwahe at maraming research na nagpakita.
- 10:31Na marami talagang benepisyo. Yung pag aaral ng lenguwahe sa
- 10:36atin. At isa pa isa pang dahilan.
- 10:42Yung mag aaral tayo ng lenggwahe para maintindihan yung kultura
- 10:48ng ibang tao at magkaroon ng empathy.
- 10:53Para maramdaman natin yung nararamdaman ng ibang tao.
- 10:59Para pwede nating ilagay yung sarili natin sa pwesto nila.
- 11:05So sa tingin ko isa to dapat sa pangunahing dahilan kung bakit
- 11:10mag aaral ka ng lenggwahe. Kasi gusto mo maintindihan yung
- 11:15kultura ng ibang tao. At gusto mong magkaroon ng
- 11:20empathy. Ibig sabihin.
- 11:23Kung. Halimbawa kung nag aaral ka ng
- 11:27tagalog. Tapos meron kang nakitang
- 11:31tradisyon. Oo parang para sayo kakaibang
- 11:35gawain ng mga pilipino. Sa tingin ko imbis na sabihin mo
- 11:40sa sarili mo bakit ganun ang ang weird ng mga tao?
- 11:47Hindi ganyan sa sa bansa ko hindi ganyan sa switzerland
- 11:51hindi ganyan sa amerika. Ang gulo ang dumi.
- 11:57Pero sa tingin ko mas okay na alamin natin bakit ganun?
- 12:02Bakit may ganitong tradisyon? Bakit?
- 12:06Ganito mag isip yung mga tao. So sa pag aaral ng lenguwahe mas
- 12:12maiintindihan natin kung bakit ganun.
- 12:15Mas magkakaroon tayo ng empathy hindi lang sa mga ibang kultura.
- 12:21Pati na rin sa sarili natin at sariling bansa.
- 12:25At isa pang dahilan na naiisip ko yung pagdevelop ng sarili.
- 12:32Hindi lang para sa kalusugan. At hindi lang para maintindihan
- 12:37yung kultura ng iba pero para din ma develop yung kumpyansa
- 12:42natin ma develop yung self esteem natin.
- 12:47Kasi malaking challenge yung pag aaral ng linggwahe.
- 12:51Pero kapag nagawa mo yun. Parang wow grabe kaya ko pala.
- 12:57Kaya ko palang mag aral ng mahirap na bagay at.
- 13:03Makayanan at magawa yun at makamit yun.
- 13:08At mas makikilala mo yung sarili mo?
- 13:11Na mas lalaki yung mundo mo. Mas bubukas yung utak mo.
- 13:18Yung huli naman yung totoong koneksyon sa ibang tao.
- 13:25So sa tingin ko iba pa din. Iba pa din yung koneksyon kapag
- 13:30pareho kayo ng lengguwahe na ginagamit at.
- 13:35Talagang alam mo yung lengguwahe.
- 13:38So sabihin natin na sa hinaharap meron ng real time translation.
- 13:44Na magsasalita ka sa ingles tapos real time.
- 13:49Na tina translate ng isang device yang sinasabi mo sa
- 13:53tagalog. Pero sa tingin ko iba pa din
- 13:57yung koneksyon. Iba pa din yung koneksyon mo sa
- 14:01tao kung hindi siya gumagamit ng device at kung yung yung
- 14:06sinasabi niya. Tagalog talaga nanggaling sa
- 14:10bibig niya galing sa utak niya galing sa puso niya.
- 14:14Sa tingin ko mas totoo mas authentic yung koneksyon natin
- 14:19sa tao na yun. So yun lang sabihin nyo sakin
- 14:23kung anong tingin niyo sa mga development sa.
- 14:27A i. At sa lenggwahe at kung ano pang
- 14:31dahilan kung bakit mag aral ng mga lenggwahe.
- 14:35Maraming salamat sa oras mo. Pwede kang sumuporta sa patreon
- 14:40kung kailangan mo ng transcript meron para sayo libre ingat at
- 14:45paalam. N.