Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #299 - Islam Sa Pilipinas: Laban Kontra sa Espanyol at Amerikano (2/3)
Transcript
- 0:07Hello so si miguel pa din to ng comprehensible tagalog podcast.
- 0:13Nung huling episode pinag usapan natin yung islam sa pilipinas at
- 0:18yung simula paano nagsimula? Ngayon naman itutuloy natin yung
- 0:24kwento sa january, two, fourteen ninety two.
- 0:30Fourteen ninety two sa granada sa timog ng espanya inyong
- 0:36huling sultan na muslim sa espanya at yung huling kingdom
- 0:43ng espanya sa iberian peninsula. At yun yung araw na natapos yung
- 0:49seven hundred years na parang rule ng mga muslim sa espanya.
- 0:58Ang haba di ba? Seven hundred years.
- 1:01Nagkaroon sila ng civilization. Na.
- 1:05Yung islamic na civilization na merong finest mathematics
- 1:10medisina, pilosopiya at arkitektura noong medieval na
- 1:16panahon. Matapos na nung forty ninety
- 1:19two. Yung event na yon yung
- 1:22reconquista o yung re conquest. At twenty nine years pagkatapos
- 1:28so twenty nine years later si ferdinand magellan.
- 1:32Yan naglayag pumunta na sa pacific.
- 1:36At nung dumating yung mga spanish na sundalo at mga pari
- 1:41sa timog ng pilipinas. Nakita nila wow meron palang mga
- 1:46muslim dito. Yung mga muslim na nagdadasal
- 1:50limang beses kada araw mayroong mosque merong sultan merong
- 1:55scholars may dalang quran. Nag administer ng islamic law.
- 2:02So parang nakita na namin to. Alam namin to kasi sa espanya
- 2:09mayroong seven hundred years ng ganito.
- 2:12So pamilyar sila sa sitwasyon na yun pamilyar sila sa mga tao na
- 2:16yun. At meron silang salita para sa
- 2:19mga taong yun sa mga muslim. Yun yung mga moro.
- 2:26O sa ingles yung mga murs yung mga mors ng granada ng stevia ng
- 2:32córdoba. Sabi ng historian na si peter
- 2:37going. Nagdala daw sa pilipinas yung
- 2:41mga espanyol ng fanatical hatred ng mga moro.
- 2:45Hindi dahil may hatched sila sa mga muslim sa pilipinas.
- 2:50Pero dala dala nila yung galit. Dahil sa mga ginawa ng morrow sa
- 2:58espanya. Bale yung salitang moro parang
- 3:02isang slur isang label sa kaaway mo.
- 3:06Parang minamarkahan mo yung tao na gusto mong.
- 3:12Sirain gusto mong patayin. So fifteen, sixty five.
- 3:19Yun yung simula ng permanenteng colonization ng mga espanyol sa
- 3:25arkipelago ng pilipinas. Nagsimula yung permanent
- 3:30settlement sa cebu. At nakontrol na nila yung iba't
- 3:35ibang parte ng archipelago. Yung hilaga, yung luzon tapos sa
- 3:41gitna yung visayas, cebu, leyte, samar.
- 3:46At kahit yung hilaga at silangan ng mindanao.
- 3:51May mga nag convert na sa katolisismo.
- 3:54Pero hindi yung timog hindi yung timog.
- 3:58Hindi yung sultanate ng sulu sultanate ng maguindanao.
- 4:02At hindi yung mga maranaw na komunidad sa timog.
- 4:08Kahit malakas yung naval power ng mga espanyol yung mga mga
- 4:13artillery. Yung mga bureaucracy hindi hindi
- 4:19nila nasakop at nakontrol yung timog.
- 4:23At yung mga moro noong panahon na yun hindi lang sila
- 4:26defensive. Meron din silang mga ginawang
- 4:29mga raids at mga offensive na atake sa espanyol.
- 4:34Umabot sa hindi lang sa visayas pati sa luzon may mga sinunog
- 4:40silang settlement at meron din silang mga captive.
- 4:45So pine pressure nila yung mga espanyol.
- 4:49At interesante kasi yung ginawa namang espanyol.
- 4:53Hindi lang sila lumaban gamit yung mga weapon.
- 4:58Gumamit din sila ng mga kuwento para labanan yung mga moro.
- 5:04At ito yung tinatawag na moro moro place.
- 5:08Ito yung mga theatrical performance.
- 5:12Na in introduce sa mga spanish missionaries.
- 5:16At yung kwento pinapakita yung struggle ng kristiyanismo laban
- 5:22sa islam. At yung ending maco convert yung
- 5:26mga. Mga muslim na vielen.
- 5:30So pinapalabas yung mga theater na to mga play sa mga piyesta sa
- 5:37mga religious na selebrasyon. So syempre may mga audience na
- 5:42wala namang direktang exposure o karanasan sa mga moro.
- 5:48Dahil ulit ulit yung theatrical performance na to.
- 5:52Parang. Nag register sa utak nila na oh
- 5:56yung mga muslim mga moro yung kaaway.
- 6:01Sila yung mga fanatic na lumalaban sa mga mababait na
- 6:04katoliko. At meron ding propaganda yung
- 6:09yung spanish colonial policy na. Parang i categorize at i label
- 6:14yung muslim filipino na hindi totoong pilipino.
- 6:20So yun ang propaganda nila. Yung muslim filipino hindi
- 6:25totoong pilipino. At hindi nawala yung perception
- 6:29na yun kahit umalis yung espanyol, dumating ang mga
- 6:32amerikano. Ganon pa din yung muslim
- 6:36filipino hindi totoong pilipino. Yun yung papaganda.
- 6:41At pwedeng tumatak sa mga tao hanggang ngayon.
- 6:45At nagsimula dahil dun sa mga moro moro place.
- 6:50At sa laban ng mga espanyol at ng mga moro.
- 6:53Hindi lang espanyol yung lumalaban sa mga moro.
- 6:57Parang kumuha din yung mga espanyol na mga pilipino na
- 7:02galing sa visayas pilipinong kapampangan pilipinong tagalog
- 7:08para labanan yung mga moro sa mindanao.
- 7:12So yung ginawa nila? Pinaglaban nila yung mga
- 7:16christian filipino na komunidad at yung mga muslim filipino.
- 7:22So parang naglalaban yung dalawang?
- 7:26Relihiyon kahit parehong pilipino sila.
- 7:30So december ten eighteen ninety eight na sa paris.
- 7:36Merong isang agreement, may isang treaty yung mga espanyol
- 7:39at estados unidos mga amerikano. Na i transfer o ibenta.
- 7:46Yung pilipinas sa sa u s. Ng twenty million dollars.
- 7:54Pero dahil nga hindi naman talaga nakontrol at naka anker
- 7:59ng mga espanyol yung moro sa timog.
- 8:03Syempre hindi sila parte nung discussion.
- 8:05Hindi sila parte nung consideration.
- 8:09So sa perspektibo ng mga moro. May espanyol tas biglang meron
- 8:14na namang bagong mga dayuhan. Na ayaw nila bagong colonial
- 8:21power na may ibang lenggwahe. Pero itong mga amerikano hindi
- 8:26sila crusader. Sila yung mga liberator yun yung
- 8:30sabi nila. Di ba sabi ni president william
- 8:33mckinley ikay christianize nila at ise civilize yung mga
- 8:38pilipino? So dahil dun si sultan jamalul
- 8:43kiram the second ng sulu. Ni reject niya yung american
- 8:48authority. So hindi siya sumuko sa mga
- 8:53amerikano. Kaya noong eighteen ninety nine
- 8:57nakipagnegotiate yung mga amerikano at nagkaroon ng kiram
- 9:02bates treaty. Na dapat mag re recognize sa
- 9:08sovereignty ng sulu, sultanate at magkakaroon ng autonomy.
- 9:14Pero noong. Ilang taon lang?
- 9:17Hindi tinupad ng mga amerikano yung treaty kaya nagkaroon ng
- 9:23rebelion. Moro rebellion.
- 9:26At actually nung nineteen o six, nagkaroon pa ng isang massacre
- 9:31yung tinatawag na buod daho massacre.
- 9:35Nasa mga six hundred to nine hundred na lalaki babae mga bata
- 9:42nagtatago sila sa isang crater ng isang bulkan.
- 9:47Hindi sila mga sundalo. Komunidad sila ng mga civilian
- 9:52na nagtatago. Ayaw nilang makita sila ng mga
- 9:56amerikano kasi ayaw nila yung american taxation at disarmament
- 10:02orders nung panahon na yun. Kasi pakiramdam nila
- 10:06infringement yon sa sovereignty nila at sa pananampalataya nila
- 10:11sa relihiyon nila. So umakyat yung mga amerikano sa
- 10:17crater balls at nag open fire sila.
- 10:21So yun yung naging massacre? Nag congratulate pa si theodore
- 10:27roosevelt kay general wood. Yung general sa operation na
- 10:33yon. So actually nung nineteen
- 10:36thirteen natapos yung moro rebellion kasi.
- 10:41Magastos at madami ng namamatay sa armed resistance ng mga moro.
- 10:47Tapos yung mga amerikano nag establish ng colonial policy.
- 10:52At yung policy na yun yung pag we settle ng mga christian
- 10:56filipino migrants mula luzon papunta sa mindanao.
- 11:01Kasi sa mindanao madaming morrow at madaming mga lumad na
- 11:06indigenous na tao. So nire resettle nila yung lugar
- 11:12na yun. Yung justification ng mga
- 11:15amerikano development. Kasi crowded daw sa hilaga matao
- 11:20na sa luzon. So pinapalipat yung mga
- 11:24kristiyano sa timog? Pero sa tingin ko parang settler
- 11:29occupation yung nangyayari. Na gusto nung mga amerikano.
- 11:34Na maging minority yung mga muslim sa mindanao.
- 11:41Katulad ng settler occupation sa west bank.
- 11:45Dahil doon sa. Mindanao naging minority na yung
- 11:50mga muslim na dati majority sila.
- 11:54Kaso yung mga lupa dati na governed ng islamic law.
- 11:59At nakatira yung mga moro at mga indigenous na komunidad na
- 12:03reclassify ng amerikanong gobyerno.
- 12:08At dinistribute sa mga christian settlers.
- 12:12So yun talaga yung goal na kunin yung lupa ng mga morrow.
- 12:17At. Palitan yung demographic ng
- 12:21mindanao. So nineteen forty six na
- 12:25nagkaroon na ng kalayaan yung pilipinas.
- 12:29Pero madaming nawala sa mga moro.
- 12:32Nawala yung pagiging majority nila sa mindanao.
- 12:36Nawalan sila ng mga lupa. Nawala yung political authority
- 12:40nila. Pero yung hindi nawala sa kanila
- 12:44yung salitang moro. Na tulad ng sabi ko kanina isa
- 12:49yung insulto isang slur para sa kanila galing sa mga espanyol.
- 12:56Pero ginawa nila itong identidad at parang badge of resistance.
- 13:02At yung magiging pangalan ng nation na gusto nila yun yung
- 13:07pangalan na bangsamoro. So ano ba yung bangsamoro bangsa
- 13:13galing sa old malay at sanskrit na salita na parang race nation
- 13:18people at moru bangsa moro so parang morrow nation morrow
- 13:24people. At yun ang pag uusapan natin sa
- 13:28susunod na episode tungkol sa autonomy, sa political movement
- 13:33sa political struggle nila hanggang ngayon.
- 13:37So mas relevant to sa ngayon. Pero ang sa episode na to pinag
- 13:42usapan natin yung yung struggle ng mga muslim.
- 13:47Laban sa espanyol laban sa mga amerikano at yung nineteen forty
- 13:52six hindi talaga independence day para sa kanila.
- 13:57Kasi nga naging minority sila at nawalan sila ng mga lupa at yung
- 14:03sultanate nila dati. So kinuha nila yung slur yung
- 14:10insulto na moro at ginawa nilang sarili nila at dinefine nila sa
- 14:15sarili nilang paraan. Sun yung isang parang malalim na
- 14:20political act na ginawa nila na pag uusapan natin sa susunod.
- 14:25Makikita natin yung struggle at kung talagang resistance nila
- 14:30hanggang ngayon sa pilipinas. Yun lang salamat sa oras nyo.
- 14:36Meron tayong transcript kung kailangan nyo at merong patreon
- 14:39kung gusto niyong sumuporta malaking tulong.
- 14:43Maraming salamat at paalam.