Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #245 - One More Chance: Pinakasikat Na Romantikong Pelikula Sa Pilipinas?
Transcript
- 0:07Hello kamusta ako si miguel? At ngayon pag uusapan natin.
- 0:13Yung isang sikat na sikat na. Pelikula, pelikulang romantiko.
- 0:21Medyo madrama na pelikula. Na arguably na pwedeng isa sa
- 0:29mga pinakasikat o pinakasikat na.
- 0:34Romance na pelikula sa pilipinas.
- 0:38Yung titulo yung one more chance.
- 0:42At yung dalawang bida. Kilala sa pangalang popoy at
- 0:48basha so hindi sobrang bago yung pelikula.
- 0:52Yung pelikula nilabas noong two thousand seven.
- 0:57Tapos hindi din naman komplikado yung kwento.
- 1:02Kasi tungkol lang sa pagmamahal. Na parang.
- 1:08Totoo o makatotohanan yung problema nila.
- 1:13Yung pinagdadaanan nila kasi yung kwento tungkol sa
- 1:17pagmamahal at tungkol sa trabaho sa career.
- 1:23Yun so mga problema na? Sa tingin ko madaming
- 1:28nakakarelate sa pilipinas. So si popoy at si basha.
- 1:36Nagkakilala sila sa unibersidad sa kolehiyo.
- 1:40Pareho silang nag aaral ng arkitekto.
- 1:44Di ba? Tapos.
- 1:48Noong nakapagtapos sila. Nagtatrabaho sila sa isang
- 1:54kumpanya ng arkitektura. At sa tingin ko si popoy yung
- 2:00lalake. Parang mas assertive siya.
- 2:04Mas controlling siya. So mas gusto niyang meron siyang
- 2:08kontrol. Hindi lang sa trabaho pero pati
- 2:13na rin sa personal na buhay. So ganun yung?
- 2:17Ugali nya. Si basha naman yung babae.
- 2:22Hindi siya ganun ka â. Active o controlling.
- 2:26Tulad ni popoy so parang. Sa tingin ko nararamdaman niya
- 2:32na. Na kailangan niya ng konting
- 2:36kalayaan. At medyo hindi sya masaya.
- 2:40Gusto nya ng parang sariling creative na kalayaan.
- 2:48At dahil magkaiba yung personalidad nila.
- 2:51May konting away eh may mga hindi pagkakaunawaan.
- 2:58Kasi may mga desisyon si popoy. Na.
- 3:03Ginagawa nya o nagdedesisyon sya.
- 3:06Nang hindi kinokonsulta. Hindi niya tinatanong si basha.
- 3:12At dahil don naghiwalay sila. Nag away sila.
- 3:18Tapos yun. Yun ang parang conflict sa
- 3:24kwento na pwede niyong panoorin. Kasi yun nga sa tingin ko isang
- 3:31classic na pelikula sa pilipinas.
- 3:34At maraming mga linya sa. Sa pelikulang to mga dialogue sa
- 3:40pelikulang to. Na.
- 3:43Pamilyar yung mga pilipino na parang.
- 3:49Iconic sa mundo ng romantic drama sa pilipinas so madaming
- 3:57nabentang ticket malaki yung kinita ng pelikula.
- 4:01At yung dalawang bida yung dalawang artista.
- 4:06Sikat na sikat hanggang ngayon si john lloyd cruz yung si
- 4:11popoy. At si basha si bea alonzo.
- 4:16Pareho silang magaling na artista.
- 4:19At kahit yung yung soundtrack yung kanta ng pelikula.
- 4:26Naging sikat na sikat din yung titulo ng kanta.
- 4:31I'll never go. Yung kumanta si eric santos.
- 4:38So siguro narinig niyo na to. Lalo na sa mga karaoke.
- 4:43O sa kasal yun madalas kinakanta itong.
- 4:48I'll never go. At dahil nga matagumpay yung one
- 4:54more chance. At nagustuhan ng maraming tao.
- 4:59Madaming nabentang ticket at naging sikat yung pelikula.
- 5:05Nagkaroon ng sequel syempre. Yung susunod na.
- 5:10Pelikula yung may pangalang a second chance.
- 5:15Nilabas yun noong twenty fifteen.
- 5:18So. Naging sikat din at naging
- 5:22iconic din yung pelikula. At sabi ng mga ibang kritiko.
- 5:29Naging sikat yung one more chance yung unang pelikula pati
- 5:34na rin yung pangalawa kasi pinapakita yung dating culture
- 5:38sa pilipinas. Yung mga away yung mga hirap,
- 5:45yung mga alitan. At yung yung pangarap.
- 5:50Yung pagmamahal. Laging kaugnay yung pangarap
- 5:55yung ambisyon ng tao. So malaki yung relasyon ng pera
- 6:00ng career ng trabaho sa. Sa isang matagumpay na relasyon.
- 6:08At nasa isang grupo ng mga kaibigan din sila.
- 6:13Na sa pilipinas. Parang karaniwan yun.
- 6:17Meron kang grupo ng kaibigan. Meron kang barkada inyong
- 6:23tinatawag namin. At.
- 6:27Parte sila ng relasyon niyo. Meron silang papel sa relasyon
- 6:32niyo. Kasi pwede silang mag motivate
- 6:36sayo. Pwede silang magbigay ng payo.
- 6:40Pwede silang sumuporta kapag nag away kayo o naghiwalay kayo.
- 6:46So yun ang parang mga tema na. Nakaka relate yung mga pilipino
- 6:54sa tingin ko kaya naging sikat yung one more chance at.
- 7:01Pinakita sa pelikula na yung pagmamahal.
- 7:05Ay deserving ng. One more chance.
- 7:09Yun lang ang episode natin ngayon.
- 7:12Salamat sa oras mo. Mayroon tayong transcript kung
- 7:16kailangan mo merong picturan. Kung gusto mo suportahan itong
- 7:20podcast. Salamat at ingat ka.