Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #200 - Paglaki bilang Filipina-American (Kwento ni Michelle)
Transcript
- 0:07Hello kamusta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast.
- 0:12At ngayong araw eto na nga yung ikadalawang daang episode ng
- 0:19podcast. At.
- 0:21Meron tayong bagong parang series.
- 0:25Ng mga episodes. So yung mga episode na to.
- 0:30Meron tayong mga kwento yung buhay mismo ng mga pilipino na
- 0:38lumaki sa ibang bansa kasi para sakin interesante yung karanasan
- 0:44nila bilang filipino, american, filipino, canadian, filipino,
- 0:49australian o. Kahit ano pang ibang lugar.
- 0:56So ngayong episode yung kwento ni michelle.
- 1:00At. Meron siyang vlog na ishe share
- 1:04ko sa description at babasahin ko yung kwento niya sa first
- 1:10person. Lagi akong proud sa lahi ko.
- 1:16Yung mga magulang ko mga first generation na immigrants.
- 1:21At hindi naman mahirap yung paglaki.
- 1:26Pero talagang nakakalito. Kasi yung nanay ko pilipina.
- 1:34At yung tatay ko taga finland. So hindi ako mukhang pilipina
- 1:41pero hindi din ako mukhang finish.
- 1:45Pwede akong. Mag blend sa mga puti.
- 1:50Pero hindi pilipina. Wala akong accent.
- 1:57At pumunta ako sa mga eskwelahan na amerikano.
- 2:03Na wala masyadong mga diversity. So saan ba talaga ako
- 2:11nababahagi? Meron akong.
- 2:16Identity crisis. Na tulad ng ibang mga.
- 2:21May halong mga bata o mga anak ng imigrante.
- 2:28Kung makikita mo ko siguro pwede mong masabi na isa akong tipikal
- 2:38na puting amerikana kasi meron akong mga.
- 2:43Features na finish. Pero sa bahay namin wala kaming
- 2:50mga tradisyong amerikano yung pasko sa amin.
- 2:55Pinagdiriwang namin kadalasan mas maaga ng isang araw.
- 3:01Para pwedeng makapag konekta sa pamilya namin sa sa pilipinas at
- 3:09sa finland. At lahat ng pagkain.
- 3:14Merong kanin. At yung mga kaibigan ko
- 3:19kailangan nilang tanggalin yung sapatos nila sa pintuan.
- 3:25So sa paglaki ko yun yung normal sa akin.
- 3:30So pinapakilala ko sa ibang tao yung kultura ko.
- 3:34At hindi ko naramdaman na talagang nagfi fit ako sa isang
- 3:40grupo o sa grupo ng mga tao dahil sa background ko.
- 3:45Pero mahirap kasi yung mga tao na nalalaman na meron akong
- 3:52asian background. Pinagtatawanan nila ako.
- 3:57At nagsasabi sila ng mga stereotype at mga hindi mabuting
- 4:04mga assumptions. At para sa kanila.
- 4:08Biro lang yun. Pero yung pagiging asian ay
- 4:13hindi biro. Kasi mahirap maka relate sa
- 4:17ibang tao. Kahit yung kapatid na babae ko.
- 4:22Pinagtatawanan ako. Kasi puting babae daw ako.
- 4:27Pero. Medyo kakaiba kasi pareho yung
- 4:32magulang namin. Pero yung mga features nya mas
- 4:36asian kaysa puti. So hindi kami magkamukha.
- 4:43Pero mas madali sa kanya maka relate sa ibang grupo o sa mga
- 4:49clubs. Sa noong high school kasi.
- 4:54Mas mukha syang asian at mahiyaing tao din ako.
- 4:59So mahirap makahanap ng mga kaibigan.
- 5:02Dati nagkaroon ng beauty pageant.
- 5:06Parang miss fil am na beauty pageant at yung isang babae na
- 5:12naging kaibigan ko ay kalahating puti din.
- 5:16At yung mga ibang babae sa pageant.
- 5:20Mukhang pilipina. Hindi ko alam kung bakit hindi
- 5:24kami naging malapit. Siguro competitive lang sila.
- 5:29Pero mas naka relate ako doon sa babae na kalahating puti.
- 5:36Hindi ko lang alam kung saan ako belong kung saan yung pwesto ko.
- 5:44Natural lang yung kagustuhan na matanggap ng ibang tao.
- 5:50Pero hindi ko naramdaman yun kahit sino man yung kaibigan ko.
- 5:57So yung nasa isip ko na hindi ko alam yung parehong kultura kaya
- 6:05hindi ako pwedeng tanggapin ng mga pilipino.
- 6:08Hindi ako pwedeng tanggapin ng mga finish.
- 6:12Pero kahit na hindi ko naramdaman na talagang nag fit
- 6:17in ako. Hindi naman nabawasan yung pride
- 6:20ko sa pagiging pilipina. At.
- 6:25Naging ganito ako ngayon dahil doon.
- 6:28Tulad nga ng sabi ng isang klase.
- 6:32Na yung mga gawa. Mas matindi mas malaki yung
- 6:37impluwensya kaysa sa mga salita. Sa pinalaki ako ng nanay ko na
- 6:44mag isa. At malaki yung impluwensya niya
- 6:48sa mga pinapahalagahan ko. Kahit hindi siya magsalita.
- 6:54Yung mga. Malaking lesson na natutunan ko
- 6:58sa nanay ko yung totoong pagmamahal.
- 7:03At. Yung pagiging hospitable at yung
- 7:08pagbibigay sa ibang tao. At yung pagiging hospitable ng
- 7:14mga pilipino. Hindi lang yung pag welcome sa
- 7:18kanila sa bahay mo. Pero yung pagtanggap sayo bilang
- 7:24pamilya kahit taga saan ka? Laging tinatanggap ng nanay ko
- 7:30yung mga kaibigan ko sa bahay. Kung kailangan nila ng
- 7:34matutulugan o kung kailangan nila ng pagkain.
- 7:40Tinatanggap namin sila sa bahay. Isa pang natutunan ko yung
- 7:44pagbibigay. Kasi yung mga damit na hindi na
- 7:49kasya sakin. Nilalagay namin sa isang kahon
- 7:53tapos pinapadala namin sa pilipinas.
- 7:57So yun ang tinuro sakin ng nanay ko yung pagiging mabait at
- 8:02pagpapakita ng pagmamahal sa ibang tao.
- 8:06So kung babalikan ko yung nakaraan napagtanto ko na hindi
- 8:11talaga dahil hindi ako belong pero dahil yung mga tao sa lugar
- 8:19namin hindi lang na expose sa ibang kultura hindi nila.
- 8:25Di sila pamilyar sa ibang mga kultura, maraming misinformation
- 8:30at diskriminasyon sa mga kulturang asian.
- 8:34Alam ko yung nanay ko ay asian pero hindi ko siya tinuring na
- 8:41asian na nanay. Pero nanay lang.
- 8:45At meron syang iba't ibang paraan at may mga pagkakaiba
- 8:51kami. Pero gusto ko naririnig yung mga
- 8:55kuwento niya tungkol sa buhay sa pilipinas.
- 8:59At tungkol sa mga kamag anak namin at dahil doon nagkaroon
- 9:04ako ng interest sa pakikinig tungkol sa buhay ng ibang tao.
- 9:10At na hindi pansinin yung mga hindi magandang komento tungkol
- 9:15sa kultura ko. So lahat tayo pare parehong tao.
- 9:21Pwede akong magsulat ng mahaba tungkol sa iba't ibang pagkain
- 9:26na kakaiba para sa mga kaibigan ko.
- 9:30O yung mga ibang paraan sa pamumuhay namin.
- 9:34Pero may isang natutunan ako sa magulang ko na pilipina.
- 9:41Ay yung pagpapakita ng pagpapasalamat.
- 9:47At yung pagtrato sa ibang tao ng tama.
- 9:51Syempre merong mga negatibong bagay sa buhay.
- 9:56At may mga tao na hindi mo pwedeng maging kaibigan.
- 10:01Pero yung itsura hindi dapat yun ang magpasa.
- 10:08Kung paano natin tatratuhin yung ibang tao.
- 10:12Mas okay mamuhay mas madali mamuhay ng merong pag intindi at
- 10:19kabutihan kaysa sa pagiging masama.
- 10:23So yun ang kuwento ng buhay ni michelle galing sa blog niya na
- 10:28growing up as a filipino american.
- 10:31Pwede niyong i check yung vlog niya at yun sa tingin ko
- 10:35interesante. Malaman mabasa yung mga ganitong
- 10:40kwento. At siguro pwede kayong maka
- 10:44relate sa mga personal na kwento tulad ng kwento ni michelle.
- 10:50Yun lang salamat sa oras nyo. Pwede kayong sumuporta sa
- 10:54patreon merong transcript sa description.
- 10:58Meron ding akong mga map posters na binebenta at yun.
- 11:03Salamat sa oras nyo paalam.