Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #237 - Stoicism at Kalayaan
Transcript
- 0:00Sabi ni victor franco. Sa gitna ng stimulus at ng
- 0:06response. Mayroong espasyo.
- 0:11At doon sa espasyo na yun. Meron tayong kapangyarihan na
- 0:17piliin yung response natin. At sa response na yun
- 0:24nakasalalay. Yung paglago natin.
- 0:29At yung kalayaan natin. Ibig sabihin kapag may nangyari.
- 0:36Halimbawa tinanggal ka sa trabaho.
- 0:40So yun ang stimulus. Tapos yung response mo.
- 0:45Malungkot ka. Pwedeng malungkot ka pwedeng nag
- 0:50aalala ka. Pero sabi ni victor franco.
- 0:54May space may espasyo doon sa nafire ka.
- 1:00At yung response. So kung na fire ka.
- 1:05Yung sa espasyo pwede mong. Piliin o meron kang
- 1:09kapangyarihan na impluwensiyahan kontrolin yung.
- 1:17Response mo yung reaksyon mo. Sa pagiging walang trabaho mo.
- 1:24Sayo ng quote ni victor franco isang sachet, christ at
- 1:30neurologist na taga austria. Isa siyang survivor ng
- 1:35holocaust. At sa yung founder ng logo
- 1:39therapy. Isang therapy na centered sa
- 1:43paggawa ng sarili mong kahulugan sa buhay.
- 1:47Siya yung nagsulat ng librong the mans search for meaning so
- 1:51hindi siya stoic. Hindi niya binanggit o pinag
- 1:56usapan yung stoisismo. Pero yung quote na yun sa tingin
- 2:00ko magandang introduksyon sa tema na stoisismo na stoicism
- 2:07kasi pinapakita dun na pwede nating kontrolin.
- 2:11Yung kaya nating kontrolin? At pabayaan yung hindi natin
- 2:18kayang kontrolin. So noong dalawang daan at
- 2:24siyamnapung b c e. Si zeno.
- 2:28Inyong pangalan niya. Siya yung nagtatag ng stoicism
- 2:33noong taon na yun. Nawala lahat ng meron siya.
- 2:39Kasi lumubog yung bangka niya sa gitna ng dagat.
- 2:44So sa halip na umiyak sya. O magreklamo.
- 2:50Sabi niya, walang pwedeng mangyari na.
- 2:56Mag aalis sa kapayapaan ng isip natin.
- 3:01Sa walang makakaapekto sa peace of mind natin.
- 3:05Maliban na lang kung papayagan natin.
- 3:08So choice natin kung papayagan natin na mawala yung kapayapaan
- 3:15natin. Yun ang sinabi nya so simula
- 3:18noong taon na yon sabi nila nagsimula siyang ituro yung
- 3:24stoicism. At pinalaganap niya yung ideyang
- 3:29yun tapos makalipas yung mga ilang taon nagkaroon ng iba pang
- 3:36mga mas sikat na mga stocks ng mga tao.
- 3:40Halimbawa si seneca. Isang roman na statesman.
- 3:46Na mayroon siyang mga sulat. Na makikita yung buhay niya na
- 3:54na mababasa yung tingin niya sa stoisismo at kung paano niya
- 4:00isinasabuhay yung sufismo. Isa pa si epektus.
- 4:05Dati syang alipin. Sabi niya tayo lang yung may
- 4:10kontrol sa reaksyon natin. Hindi yung mga nangyayari sa
- 4:16paligid natin so meron tayong. Kumpletong kontrol sa reaksyon
- 4:22natin, sabi niya. At.
- 4:26Si marcus orillos naman isang emperador.
- 4:31At isang pilosopo at meron syang journal na tinatawag natin
- 4:36ngayon na meditations. O sa tagalog pagninilay nilay.
- 4:42So sa mga pagninilay nilay ni marcus aurelius.
- 4:46Mababasa natin kung paano siya nag isip.
- 4:51At syempre bilang emperador. Marami siyang responsibilidad.
- 4:57Mahirap yun di ba at. Gumamit sya at isinabuhay niya
- 5:04yung mga prinsipyo ng mga stoics.
- 5:07Para magkaroon ng magandang buhay yung buhay na merong
- 5:13birtud o virtue. Merong apat na pangunahing
- 5:18prinsipyo yung stoicism sa una ay yung karunungan.
- 5:23Of prudence. Halimbawa yung pagtanggap ng
- 5:28kritisismo. At sa kritisismo na yon.
- 5:32Pwede mong piliin yung makakatulong sayo at pwede mong
- 5:36hayaan yung yung hindi makakatulong o yung makakasakit
- 5:42sayo. So parang isa yung patunay na
- 5:45meron kang karunungan. Susunod naman yung tapang.
- 5:51Sa ingles courage. So hindi lang to o pisikal.
- 5:57Kasama na rin yung lakas ng loob.
- 6:00So yung tapang sa loob. Halimbawa kung meron kang ideya.
- 6:06Na. Pwedeng magalit yung mga tao.
- 6:11So kung may tapang ka sasabihin mo yung ideya mo.
- 6:15Kung kontra ka sa ganito. Kung sa tingin mo hindi tama
- 6:20yung ganito sasabihin mo kahit nakakatakot yung pwedeng maging
- 6:27resulta kasi meron kang tapang. Susunod naman yung katarungan.
- 6:34Sa ingles yung justice. Halimbawa yung ipaglalaban mo
- 6:39yung sa tingin mo na hindi makatarungan na sitwasyon
- 6:43lalabanan mo kokontrahin mo. At huli naman yung.
- 6:48Pagpipigil sa sarili. O yung temperance.
- 6:53Ibig sabihin iiwasan mo. Yung labis labis alam mong
- 6:59merong limitasyon yung mga bagay bagay.
- 7:02Ngayon punta tayo sa kasalukuyan.
- 7:05Punta tayo sa twenty twenty five.
- 7:07Naranasan mo na ba na matakot sa isang sitwasyon?
- 7:12Na hindi pa naman nangyayari. Ibig sabihin natakot ka na ba
- 7:19sa. Bagay na imahinasyon mo lang.
- 7:24Halimbawa, meron kang opinyon tungkol sa damit ng kaibigan mo.
- 7:31Pero ayaw mong sabihin takot na takot ka kasi.
- 7:37Alam mo sa tingin mo magagalit yung kaibigan mo?
- 7:41Maiinis sya sa komento mo. So meron ka ng imahinasyon na
- 7:47magagalit siya negatibo yung reaksyon niya.
- 7:51Pero paano natin nalalaman? Kasi pwedeng hindi naman di ba?
- 7:58So isang quote ni seneca. Sabi niya.
- 8:02Mas madalas tayong natatakot kaysa nasasaktan na mas
- 8:09nasasaktan tayo sa imahinasyon natin kumpara sa realidad.
- 8:14Sa tingin ko isang magandang paraan para mawala yung takot na
- 8:19yun. At para hindi natin saktan yung
- 8:23sarili natin. Ay.
- 8:27Kontrolin natin yung kaya nating kontrolin.
- 8:30At yung hindi natin kayang kontrolin.
- 8:33Wag nating. Masyadong alalahanin.
- 8:37Isang magandang halimbawa siguro yung mga atleta halimbawa si
- 8:42lebron james. Lagi niyang sinasabi.
- 8:46Control the control ables. Isang kontrolin mo yung kaya
- 8:50mong kontrolin. Kasi kung mag aalala ka sa
- 8:55social media, sa mga komento, sa media, sa pamilya.
- 9:01Na sa mga may ayaw sayo. Sa mga kritisismo pwede kang
- 9:08maparalisa ng takot di ba? Pwede kang maparalisa ng kaba?
- 9:15At pwede kang talunin ng sarili mo.
- 9:19At pwedeng lahat yun imahinasyon lang.
- 9:23So kontrolin natin yung kaya nating kontrolin.
- 9:28So yun lang maikling pag uusap natin tungkol sa stoicism.
- 9:34Kung kailangan nyo ng transcript meron di pa lang at kung gusto
- 9:39nya sumuporta sa patreon malaking tulong yon.
- 9:44Maraming salamat at paalam.