Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #185 - Carlos Yulo: Ang Golden Boy ng Pilipinas
Transcript
- 0:07Oh kamusta ako si miguel at ito ang comprehensible tagalog
- 0:12podcast. At ngayong araw pag uusapan
- 0:15natin si carlos yulo at yung buhay niya.
- 0:21At noong mga nakaraang episode, pinag usapan natin si hidilyn
- 0:27diaz. Kasi siya yung unang nakakuha ng
- 0:31gintong medalya sa olympics para sa pilipinas.
- 0:35Pero noong nakaraang taon. May sumikat ulit.
- 0:42Na nanalo sa olympics. At mas.
- 0:47Matindi yung napanalunan niya. Kasi nanalo siya ng dalawang
- 0:53gintong medalya para sa pilipinas.
- 0:57At bukod pa don. Maraming.
- 1:00Kontrobersya din yung. Buhay niya.
- 1:05Kaya madaming balita tungkol sa kanya.
- 1:09Sa pag uusapan natin yung buhay ni carlos yulo.
- 1:15Dahil sa pagkapanalo niya sa olympics dahil sa talento niya.
- 1:21At dahil sa nakamit niya. Para sa pilipinas.
- 1:27So si carlos yulo pinanganak noong.
- 1:31Pebrero year two thousand sa maynila sa pilipinas.
- 1:37Lumaki siya sa malate. Sa may sa maynila yun.
- 1:42Tapos pangalawa siya sa apat na magkakapatid.
- 1:49Tapos yung pamilya daw nila. Para sa kanila mahalaga yung
- 1:54sports at yung disiplina. Yung tatay nya.
- 2:00Si mark yulo. Isang nagtatrabaho parang.
- 2:04Isang travel agent. Tapos si.
- 2:10Angelica yulo naman yung nanay niya.
- 2:14Tapos yung lolo niya. Yung lolo niya daw yung.
- 2:19Nakakita ng potensyal kay carlos yulo.
- 2:23Dahil noong. Naglalaro si carlos sa
- 2:26playground? Nakita daw nung lolo yung
- 2:30potensyal ni carlos. At kahit noong bata pa daw si
- 2:36carlos, pumupunta na siya sa rizal memorial sports complex.
- 2:42So isa yung malaking sports complex.
- 2:45At doon nanonood siya ng mga mga gymnast.
- 2:51At yun na gustuhan nya yung pinapanood niya at noong pitong
- 2:57taong gulang siya batang bata pa.
- 3:01Nagsimula siya mag training. Nagsimula siya magkaroon ng
- 3:06pormal na training. Para sa gymnastics.
- 3:11Tungkol naman sa edukasyon ni carlos.
- 3:15Nag aral siya sa isang eskwelahan sa malate.
- 3:20Tapos kahit sa eskwelahan aktibo siya sa sports.
- 3:26Meron siyang teacher at coach doon.
- 3:30At kahit sa eskwelahan lumalaban siya.
- 3:35Sa gymnastics. So ibig sabihin bata pa lang nag
- 3:41co compete na siya sa sports na yun.
- 3:45At kahit bata pa siya nanalo na siya ng mga medalya.
- 3:50At nanalo na siya sa iba't ibang kompetisyon.
- 3:55So yung mga pagkapanalo niya bilang bata.
- 3:59Nakapa nagturo daw kay carlos ng disiplina at ng resilience na
- 4:06siyempre makakatulong sa kanya sa paglaki niya lalo na sa
- 4:12olympics. At noong twenty twelve.
- 4:16So malabing. The labing dalawang taong gulang
- 4:20na siya nun. Pupunta daw siya sa tsina para
- 4:24mag training at dahil doon nakapag qualify siya sa youth
- 4:28olympics. At noong twenty thirteen.
- 4:33Lumaban siya sa palarong pambansa.
- 4:37Yung palarong pambansa, isang national na kompetisyon ng mga
- 4:42atleta sa pilipinas. At nanalo siya ng madaming gold.
- 4:50At doon sa kompetisyon na yun. Nakilala niya yung mga may mga
- 4:56nakilala siya na japanese na coach.
- 4:58Na. Magiging parte ng karera niya sa
- 5:03hinaharap. Sumali din siya sa iba't ibang
- 5:07kompetisyon sa asya. At nanalo siya ng halimbawa ng
- 5:12bronze medal noong twenty fifteen sa yukohama, japan.
- 5:16Tapos noong twenty sixteen naman.
- 5:18Nagkaroon siya ng scholarship. Para ma sumali.
- 5:24Sa, japan olympic association. So lumipat siya sa japan para
- 5:30mag training sa isang kilalang coach.
- 5:34At. Tumulong sa kanya na gumaling at
- 5:38mas maging handa sa pagka compete.
- 5:40So yung coach na yun si muna hiro ko gumiya.
- 5:45So lahat ng tagumpay na yon bago pa siya maging eighteen.
- 5:49Pero nung twenty eighteen. Sumali siya sa world
- 5:53championship sa doha. Tapos nanalo siya ng bronze.
- 5:59So siya yung unang pilipino. At unang lalaking taga south
- 6:04east asia na nanalo. Ng medalya ng bronze medal sa
- 6:11event na yon sa doha. So yun daw yung parang
- 6:15breakthrough niya bilang isang atleta na adult so hindi na siya
- 6:20bata noon dahil. Ah twenty eighteen na yun tapos
- 6:25noong twenty nineteen. Meron world championships sa
- 6:29germany. So hindi lang siya nag qualify
- 6:33pero nanalo sya. Nanalo siya ng ginto.
- 6:38Ang gold sa floor exercise. Tapos siya daw yung unang
- 6:43pilipino at unang southeast asian na naging.
- 6:46Champion sa artistic gymnastics doon sa world championships.
- 6:52So ibig sabihin sa edad na labing siyam na taong gulang,
- 6:57marami na siyang napanalunan na medalya hindi lang sa southeast
- 7:01asia, pati sa mga internasyonal na kompetisyon.
- 7:06So noong twenty twenty four naman ito na yung pinaka
- 7:10importanteng kompetisyon sa karera ni carlos yulo at yung
- 7:16pinakamahalaga yung paris twenty twenty four olympics at doon
- 7:21siya nanalo. Ng gold medal sa men's floor
- 7:26exercise tapos kinabukasan nanalo siya ng isa pang gold sa
- 7:33men's vault. So isa itong matinding tagumpay
- 7:38kasi dalawang gintong medalya. Ang nakuha nya.
- 7:42Para sa sarili niya at para sa pilipinas.
- 7:46At sobrang maganda yung routine niya.
- 7:50Dahil masyadong precise maganda yung pagka execute.
- 7:55At. Yung mahirap.
- 7:58Yung yung ginawa niya. Kaya nanalo siya ng ginto.
- 8:05At syempre yung pilipinas masaya para kay carlos at madami syang
- 8:11nakuhang mga rewards at recognition.
- 8:16So yung gobyerno nagbigay sa kanya ng.
- 8:20Ang suportahan ng pera ng kung ano anong bagay.
- 8:24Pero hindi lang yung gobyerno. Maraming mga pribadong kumpanya
- 8:29yung nagbigay kay carlos ng mga reward.
- 8:35So yung yung cash na nakuha niya lampas daw sa sampung milyong
- 8:41piso. Binigyan din siya ng mga libreng
- 8:45condominium. At may mga lifetime perks
- 8:49halimbawa sa iba't ibang restaurant.
- 8:53So libreng pagkain sa buong buhay niya.
- 8:56Meron din namang ibang libre. Halimbawa libreng colonoscopy.
- 9:02At iba iba pang mga reward dahil masaya yung mga.
- 9:08Pilipino kahit yung mga pribadong kumpanya na nagbigay
- 9:11sa kanya ng kung ano anong reward.
- 9:15At sabi hindi daw titigil si carlos doon sa dalawang gintong
- 9:19medalya. Gusto niyo ulit sumali sa twenty
- 9:22twenty eight? Los angeles olympics kasi sa
- 9:27tingin niya kaya niya pang. Makakuha ng ginto at lumaban
- 9:33para sa karangalan ng pilipinas. Dagdag pa doon noong oktubre
- 9:39twenty twenty four sumali si carlos yulo bilang isang
- 9:44reservist sa philippine navy para ipakita yung commitment
- 9:50niya sa pilipinas. So hindi lang sa gymnastics pero
- 9:55committed siyang magsilbe. Sa pilipinas kung kinakailangan.
- 10:01At sabi matindi daw yung work ethic ni carlos yung training
- 10:05regimen niya. Dahil yung training nya halos.
- 10:09Ah anim hanggang walong oras kada araw.
- 10:13So talagang pina practice niya yung mga routine niya.
- 10:16At kahit may mga injury sya. Tuloy tuloy pa din ang training
- 10:22at yung practice. So mahabang commitment at
- 10:27matinding commitment talaga kaya nakakuha siya ng gintong
- 10:31medalya. Pero.
- 10:33Yung nakakalungkot. Sa kwentong to eh kahit ang dami
- 10:38niyang nabigay sa pilipinas. Parang sumikat din siya dahil sa
- 10:44kontrobersiya. Na talagang.
- 10:49Talagang malaking balita noon sa pilipinas yung mga kontrobersiya
- 10:53tungkol sa pamilya niya at sa sa jowa niya na pag uusapan natin
- 11:00sa susunod na episode. Pero.
- 11:04Yun lang sana maging inspirasyon yung buhay ni carlos.
- 11:08So nagsimula sa simpleng pamilya simpleng buhay sa maynila.
- 11:14Pero nagsimulang mag training ng bata pa at tuloy tuloy yung
- 11:19training niya at yung disiplina niya at yung commitment niya sa
- 11:23sports na gymnastics. At nag training sa ibang bansa.
- 11:29Hangga't sa nanalo ng madaming medalya sa madaming kompetisyon
- 11:35hanggang sa pinakamalaking stage.
- 11:38Noong twenty twenty four sa pransya nanalo ng dalawang
- 11:42gintong medalya at sana mananalo sa susunod na olympics sa
- 11:48estados unidos. Yun lang.
- 11:51Salamat sa oras niyo. Merong transcript kung kailangan
- 11:56nyo at pwede kayong sumuporta sa patreon kung pwede kung kaya
- 12:02nyo. Salamat at paalam.