Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #277 - Bakit mas konti ang mga turista sa Pilipinas?
Transcript
- 0:07Hi kamusta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast.
- 0:12At ngayong araw pag uusapan natin yung turismo sa pilipinas.
- 0:18Kasi merong mga datos na lumalabas.
- 0:22Na hindi maganda yung turismo ng pilipinas.
- 0:28Ibig sabihin bumababa yung bilang ng mga turista.
- 0:34Mas konti yung mga turista. Pero bakit?
- 0:39Di ba sa pilipinas? Nandun yung mga mga
- 0:43pinakamagagandang dagat pinakamagagandang beach sa
- 0:48mundo. White sand.
- 0:51At maraming lugar kung san pwede mag dive.
- 0:55Nag iingles si mga locals. Maganda yung hospitality ng mga
- 1:01tao. At ang ganda ng mga coral reefs.
- 1:06Sobrang biodiverse yung mga hayop yung mga halaman.
- 1:12Pero bakit ganun? Bakit bumababa yung bilang ng
- 1:17turista? Bakit hindi epektibo yung slogan
- 1:21na it's more fun in the philippines?
- 1:25So merong datos noong twenty twenty five.
- 1:28Ah mula enero hanggang nobyembre, twenty twenty five.
- 1:32Yung bilang ng mga bisita. Nasa limang milyon.
- 1:38At dalawang daang libo sa five point, two million.
- 1:42Yung mga bisita yung mga turista.
- 1:46Kumpara sa two thousand four. Mas mababa.
- 1:51May two percent na pagbaba yung numero ibig sabihin mas konti ng
- 1:58two percent. So mababa lang ha.
- 2:02Hindi naman malaki yung agwat hindi malaki yung pagkakaiba.
- 2:08So bakit natin pinag uusapan to? Kasi nung two thousand twenty
- 2:13four din. Hindi na reach yung target ng
- 2:18turismo sa pilipinas. So yung target nung twenty
- 2:21twenty four. Seven point, seven million.
- 2:25Pero yung. Bilang ng turista.
- 2:29Nasa five million lang ng twenty twenty four at twenty twenty
- 2:33five di ba? Pero bago mag pandemya halimbawa
- 2:38noong twenty nineteen. Mas madaming turista eight point
- 2:43two million noong twenty nineteen.
- 2:46So bakit bumaba galing sa eight million nung twenty nineteen
- 2:52ngayon nasa five million na lang malaki yun.
- 2:55Isang dahilan kung ibe break down natin.
- 2:59Yung mga south koreans. So yung pinakamalaking.
- 3:05Market ng pilipinas sa tourism yung mga koreano.
- 3:11Bumaba ng twenty one percent. Yung mga turista na galing sa
- 3:16south korea. At yung mga turista naman na
- 3:20taga china. Bumaba din ng sixteen percent.
- 3:26So yun yung dalawang malaking market ng turismo ng pilipinas.
- 3:31Ang laki ng binaba nila di ba? Meron namang mga lumaking
- 3:36market. Halimbawa yung mga taga u s mga
- 3:40taga japan, taga australia, taga india lalo na yung mga taga
- 3:44india. Mas dumadami na maganda.
- 3:49Magandang balita di ba? Pero yung pagbaba ng numero ng
- 3:54mga south koreans at mga chinese ibig sabihin.
- 3:58Siguro napuntahan na nila yung pilipinas at hindi sila
- 4:02bumabalik. O talagang iba na lang yung
- 4:06destinasyon ng mga. Mga south koreans or chinese.
- 4:12Pero meron ding posibleng dahilan.
- 4:14Kasi yung ekonomiya daw ng south korea.
- 4:18Um mas hindi maganda kumpara sa dati sa merong political
- 4:23instability at economic pressure sa south korea.
- 4:28So mas mahina yung currency nila.
- 4:31Kaya meron daw mas konting biyahe mas konting bakasyon sa
- 4:36ibang bansa. At sayang kasi yung mga
- 4:41koreanong turista. Hindi lang pumupunta para sa mga
- 4:45beach. Mahilig din silang mag casino.
- 4:49Mag shopping at pumunta sa resort so gumagastos talaga
- 4:54sila. So sayang di ba?
- 4:58Ganun din yung mga chinese sabi mas mabagal yung economic growth
- 5:03doon at syempre merong geopolitical tension yung
- 5:08pilipinas at china. Kaya ganon.
- 5:12At yung mga ibang bansa tulad ng thailand at malaysia.
- 5:17Mas madali. Makapunta yung mga chinese na
- 5:21tourists. Kumpara sa pilipinas.
- 5:25So mas madaling mapuntahan yung. Um malaysia or thailand para sa
- 5:32mga chinese. Nung twenty twenty four lampas
- 5:37sa tatlong milyon yung mga chinese na turista sa malaysia.
- 5:42At syempre isa ding dahilan yung first impression.
- 5:48So. Yung ninoy aquino international
- 5:52airport o yung naia? Isang globally recognized na
- 5:58hindi magandang airport. So nasa ranking na isa sa mga
- 6:02pinaka hindi magandang airports sa mundo.
- 6:06Congested hindi updated. Nakakalito.
- 6:11Laging may ginagawa. Kahit merong prioritization
- 6:17noong twenty twenty four tumaas naman yung fees so tumaas yung
- 6:23international terminal fees tumaas yung domestic terminal
- 6:27fees tumaas yung. Parking fees.
- 6:32So nagmahal yung mga bagay sa airport.
- 6:36At yung mga gastos na yon. Pinapasa sa mga pasahero.
- 6:41So yung mga pasahero yung nagbabayad.
- 6:45Isa pang dahilan yung. Pagiging archipelago ng
- 6:49pilipinas yung heograpiya geography.
- 6:54Kasi nga pitong libo yung isla sa pilipinas lampas pitong libo.
- 7:00Kaya kailangan lumipad o kailangan mag fairy kung gusto
- 7:04mong bumiyahe papunta sa iba't ibang isla.
- 7:09Na parehong mahal dito sa pilipinas.
- 7:12Kumpara sa thailand or vietnam. Pwede kang mag tren.
- 7:17Pwede kang mag boost. Meron yung mga night buses
- 7:21overnight buses. Kumportable.
- 7:24Sa pilipinas. Oo pwede mong gawin sa luzon.
- 7:28Pero yun nga kung lilipat ka ng isla kailangan mong mag eroplano
- 7:34o mag ferry. At.
- 7:38Pangit ang transportasyon sa pilipinas.
- 7:41Pangit yung pagkakakonekta ng ibat ibang lugar kahit nasa
- 7:46isang isla lang. Pangit yung pampublikong
- 7:50transportasyon. Mas okay kung may kotse ka.
- 7:54Pero syempre mas nagiging mahal at malayo yung maneho.
- 8:01Minsan tinatawag yung philippines na fee philippines.
- 8:06Kasi maraming fees. Kasi meron ngang terminal fees
- 8:11merong environmental fees kung pupunta ka sa.
- 8:15Bundok o sa lawa. Merong both fees.
- 8:20Merong transaction fees. So madaming fees.
- 8:25Na kumpara sa ibang bansa. Nakaka nakakainis di ba?
- 8:32Sa vietnam yung labing limang dolyar mo o dalawampung dolyar.
- 8:37Maganda na yung hotel mo. Sa pilipinas.
- 8:41Good luck na lang. At meron din yung isa pang
- 8:45campaign na ni launch ng department of tourism.
- 8:50Para padamihin yung turista so yung yung branding yung.
- 8:55Slogan yung love the philippines.
- 8:58Pero gumamit sila ng stockfootage galing sa ibang
- 9:01bansa. Palpak di ba palpak yung ginawa
- 9:05nila? So palpak yung department of
- 9:09tourism. Hindi maganda yung branding
- 9:13gumamit ng stockfootage tapos narcissistic pa yung tourism
- 9:19secretary si christina frasco. Mas nakikita pa yung mga litrato
- 9:24niya yung mukha niya kaysa sa mga tourist attraction sa
- 9:27pilipinas sa isa yung isyu ngayon sa pilipinas.
- 9:32So halo halong dahilan. At.
- 9:35Yun nga bukod sa palpak yung department of tourism bukod sa
- 9:42hindi magandang ekonomiya ng south korea kumpara sa dati at
- 9:46geopolitical tensions kasama yung mga chinese.
- 9:51May epekto din. Yun nga yung mahirap na
- 9:55transportasyon at mga mahal na bilihin.
- 9:59Mahal na hotels mahal na ticket. At relatively mahal na pagkain
- 10:07kumpara sa south east asian ng mga bansa.
- 10:11At yung madaming face kung magha hiking ka kung mag a island
- 10:15hopping ka, may iba't ibang face.
- 10:19So yun lang yung episode natin ngayon.
- 10:22Sana masubukan niyo pa rin bumiyahe sa pilipinas at.
- 10:27Maranasan nyo kung ano ba yung mga magandang aspeto o ano ba
- 10:31yung mga hindi magandang aspeto ikumpara niyo sa iba't ibang
- 10:36bansa ikumpara niyo sa vietnam, sa indonesia, sa thailand
- 10:40ikumpara niyo sa europa o sa ah sa iba't ibang kontinente.
- 10:47Kamusta ba yung karanasan ng mag backpacking o bumiyahe sa
- 10:52pilipinas? Salamat sa pakikinig.
- 10:55Meron tayong patreon kung gusto niyo suportahan yung podcast
- 10:59meron transcript kung kailangan nyo maraming salamat at paalam.
- 11:08N.