Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #272 - Language Attrition: Posible ba makalimutan ang lenggwahe na alam natin?
Transcript
- 0:06Hello kamusta ako si miguel ng comprehensible tagalog podcast.
- 0:11Maligayang pasko sa inyo. At bago tayo magsimula gusto
- 0:16kong magpasalamat sa mga. Sumusuporta sa podcast malaking
- 0:22pasasalamat malaking tulong. Nakakatuwa kasi.
- 0:26Nararamdaman ko na. May nakikinig at na.
- 0:32Nakakatulong yung podcast sa pag aaral nyo ng tagalog.
- 0:35So salamat kay glady kay dawn kay james kay justine nathan kay
- 0:43renzo kay mara. And the kay kristoff at
- 0:48kaayohan. At kahit yung mga sumasali sa
- 0:51komunidad sa patreon kahit walang suportang pinansyal okay
- 0:57lang. Salamat at yun.
- 1:00Salamat sa pakikinig. So hangga't may nakikinig siguro
- 1:05tutuloy ko to. Yun lang simulan natin yung
- 1:09episode. Imaginin mo yung sarili mo nasa
- 1:13isang salo salo. Tapos kasama mo yung mga pamilya
- 1:18mo o mga kaibigan mo. Tapos yung pagkain pamilyar
- 1:23gustong gusto mo yung pagkain. Kilala mo yung mga kasama mo sa
- 1:29salo salo? At may nagtanong sayo.
- 1:33Sa lingwahe na alam mo. Sa lenggwahe na ginagamit mo
- 1:38dati nung bata ka. Tapos.
- 1:43Tinanong ka ng isang tao? Sabi niya.
- 1:48Of pano sabihin tong fork sa tagalog?
- 1:52Tapos. Hindi mo maisip.
- 1:55Hindi mo maalala yung salita. Kahit na ang dali lang kasi fork
- 2:03halos araw araw mong ginagamit. Halos araw araw.
- 2:07Sinasabi ng nanay mo nung bata ka sa tagalog sayo.
- 2:12Pero ngayon hindi mo maalala naalala mo lang yung ingles.
- 2:17Pero sa tagalog hindi mo maalala.
- 2:20Pero nararamdaman mo yung salita.
- 2:24Alam mo yung hugis ng salita siguro alam mo yung unang letra.
- 2:29Nasa dulo na ng dila mo. Pero hindi lumalabas sa bibig mo
- 2:35yung salita. Hindi mo talaga maalala.
- 2:40So yun yung tinatawag nilang language attrition.
- 2:45So yun yung proseso na yung lengguahe na alam mo dati na
- 2:50sinasalita mo na fluent ka kabisado mo.
- 2:56Sa language nutrition unti unti. Dahan dahan.
- 3:02Konti konti nawawala yung lenggwahe nawawala yung mga
- 3:07salita na dati mong alam. So ngayon pag uusapan natin.
- 3:14Bakit nangyayari yun? Ano yung nangyayari sa utak mo?
- 3:18At bakit yung ibang aspeto hindi mo makalimutan pero yung ibang
- 3:24aspeto ng lenggwahe nakakalimutan mo.
- 3:27So sabi ng iba yung language attrition.
- 3:30Hindi katulad ng kapag nakalimutan mo yung susi ng
- 3:35kotse. O kapag naba blangko ka sa isang
- 3:39test? Hindi ganon hindi memory
- 3:42failure. Pero iba ibang konsepto.
- 3:46Parang kompetisyon. Sa utak kasi yung utak natin.
- 3:52Parang ang pinipili niya yung mga bagay na mas importante
- 3:57sayo. Na mas importante sa araw araw
- 4:00mo. So yung mga mas ginagamit mo?
- 4:05Mas nagiging malakas mas naalala mo.
- 4:09At yung hindi mo ginagamit. Pwede mong makalimutan kasi.
- 4:14Para sa utak mo hindi sya ganon ka importante.
- 4:19So kung noong bata ka madalas ka magtagalog o tumira ka sa
- 4:25pilipinas. Tas pinanganak ka sa pilipinas.
- 4:28Nag aral ka sa pilipinas tapos lumipat ka sa estados unidos.
- 4:34Naging mas. Dominant yung ingles sa buhay mo
- 4:39kasi high school ka na nagkolehiyo ka sa amerika kaya
- 4:44no the. Tapos hindi na ginagamit yung
- 4:47tagalog. Naging dominant yung ingles.
- 4:52So nasasapawan yung tagalog. Nasapawan yung tagalog mas
- 4:59importante na yung ingles. Pero merong dalawang kategorya
- 5:04ng language loss o language attrition.
- 5:08Una yung pathological. Pangalawa, yung natural yung
- 5:12natural pathological ibig sabihin may injury or may sakit.
- 5:18Pero hindi yun yung pinag uusapan natin.
- 5:21Pinag uusapan natin yung natural na at tristian.
- 5:26Na nangyayari sa mga malusog na utak.
- 5:30Yung mga utak na walang sakit. So nangyayari to sa mga
- 5:35immigrants sa mga heritage speakers.
- 5:38Mga bilingual na tao ganon. Pero nagbago yung buhay nila.
- 5:45So isang analogy. Yung utak natin hindi parang
- 5:49silid aklatan. Si aklatan yung library.
- 5:54So hindi ganun yung utak natin parang isang lungsod.
- 5:59Di ba sa lungsod merong mga kalye?
- 6:02May mga daan. May mga daan yung dinadaanan ng
- 6:07mga kotse. So yung mga laging ginagamit na
- 6:13daan. Laging dinadaanan na daan.
- 6:17Inaayos. Inaayos.
- 6:20Tapos ini expand. So maganda yung kondisyon kung
- 6:25may sira aayusin ng gobyerno. Pero yung mga.
- 6:31Mga kalsada yung mga daan na hindi ginagamit.
- 6:36Hindi naman mawawala overnight. Pero masisira sila.
- 6:42At may mga cracks at hindi na pwedeng gamitin.
- 6:46So parang ganun yung language nutrition?
- 6:50Kapag hindi na ginagamit pumapangit yung kondisyon kasi
- 6:54hindi na maintain. Yung access sa lengguwaheng yon
- 7:00mas mahirap na. So ano ba yung nawawala si
- 7:04attrition? Ano ba yung unang nawawala?
- 7:08Yun ba yung grammer? Yun ba yung accent?
- 7:11Yun ba yung mga salita? So maraming research na
- 7:15nagsasabi na unang nawawala yung salita yung mga vocabulary.
- 7:22Ibig sabihin makakalimutan mo yung salita.
- 7:27Yan yung scenario natin sa simula nung episode yung alam mo
- 7:32yung salita? Parang pamilya ka talaga sa
- 7:36salita pero hindi lumalabas. Nasa dulo na ng dila mo.
- 7:41So ganun yung pakiramdam? Tapos syempre nauunang.
- 7:46Makalimutan yung mga high level na salita.
- 7:50Mga idioms at mga expressions. Yung grammar naman.
- 7:56Kakaiba kasi kahit matagal mo nang hindi ginamit.
- 8:01Yung intuition ng grammer mas matagal mawala kumpara sa sa mga
- 8:08salita. Kapag mali yung grammer parang
- 8:12nararamdaman mo pa din na. Parang parang malito ah parang
- 8:17mali yung word order or hindi maganda pakinggan ganun so yung
- 8:22grammer mas intuitive siya. At mas matagal mawala.
- 8:28Tapos sabi ng ibang researchers yung aksento mas stubborn ibig
- 8:35sabihin mas matagal mawala. So kahit.
- 8:39Ilang? Taon mo nang hindi ginagamit
- 8:41yung lengguwahe. Pero fluent ka dati kapag
- 8:46ginamit mo ulit yung lenggwahe parang pwede ka ulit mag tunog
- 8:51native. At ganun yung nangyayari kasi
- 8:55iba't iba yung paraan ng memory. Meron yung declarative memory so
- 9:00nandun yung vocabulary. Meron naman yung procedural
- 9:04memory so nandun yung grammer phonology yung ritm.
- 9:09At yung mga procedural memory o procedural patterns.
- 9:12Mahirap. Mawala so talagang resistant sa
- 9:16law. Halimbawa yung pag sakay ng
- 9:19bisikleta. Ganon yung klase ng procedural
- 9:22memory. So don yung kategorya ng grammer
- 9:26phonology at ritm. Pero yung vocabulary mga salita.
- 9:32Declarative memory. Parang yung mga facts o kaalaman
- 9:37natin. Pamilyar na konsepto siguro yung
- 9:41muscle memory kapag hindi mo na ginagamit yung isang muscle
- 9:45hindi naman nawawala yung muscle pero humihina.
- 9:49At nakakalimutan na yung dati nyang ginagawa.
- 9:55So ganon din sa lenggwahe pag hindi mo na ginagamit yung
- 9:58dating automatic na. Maiisip mo yung mga salita.
- 10:03Maaalala mo yung salita ngayon. Pwedeng kaya mo o hindi mo kaya
- 10:08pero mas kailangan ng effort. Tapos para sa maraming tao yung
- 10:15language attrition hindi lang cognitive.
- 10:19Malaking parte to ng buhay nila at emosyonal to emosyonal na.
- 10:25Na karanasan. Halimbawa yung mga heritage
- 10:29speakers. Lumaki na narinig naiintindihan
- 10:33yung lengguwahe ng pamilya nila. Pero sasagot sila dun sa
- 10:38dominant na lenggwahe nila. So yung abilidad na magsalita.
- 10:45Humihina o hindi nade develop. At meron pang label na ginagamit
- 10:50yung iba. Halimbawa yung white washed.
- 10:54O yung. Sinasabi na hindi sila talaga
- 10:58parte ng kulturang yun. So hindi maganda kasi gumagawa
- 11:04to ng isang negatibong cycle. Ng kahihiyan at parang pag iwas
- 11:12doon sa lengguwahe. At dahil nahihiya ka at
- 11:15iniiwasan mo. Nagkakaroon ng attrition na mas
- 11:21mabilis. Yun yung nakaka lungkot na parte
- 11:26ng language attrition lalo na para sa mga immigrants o para sa
- 11:31mga heritage speakers na gusto ng magulang nila na mag
- 11:36assimilate at maramdaman na ligtas sila dun sa bagong bansa.
- 11:41Bagong kultura at mag succeed sila.
- 11:45Pero kung ganito yung sitwasyon mo kung merong language
- 11:49attrition. Sa buhay mo.
- 11:53Pwedeng pagsasalita yan o pag intindi merong magandang balita.
- 11:58Merong maganda at positibong balita.
- 12:01So yung lenggwahe hindi siya nabubura ng kumpleto.
- 12:07Hindi nawala yung lenggwahe. Ng tuluyan.
- 12:12Merong salita na ginagamit yung ibang psychologist.
- 12:16Yung termino na savings effect. Ibig sabihin kapag inaaral mo
- 12:23ulit yung lingwahe na alam mo dati.
- 12:27So kapag nag wheel learning ka ng lenggwahe yung progreso mo
- 12:31mas mabilis kumpara sa beginner. Kasi yung utak mo hindi
- 12:36nagsimula sa wala. Hindi nagsimula sa wala nag.
- 12:42Reactivate lang ng mga dormant na pathway sa utak mo.
- 12:49So merong ganung mga studies sa mga dating misyonaryo.
- 12:53Yung mga misyonaryo na ginagamit yung lengguwahe.
- 12:57Lagi nung nasa mission sila o nandun sila sa bansa pero
- 13:02tumigil. Mabilis yung real learning nila
- 13:06so yun yung yun yung pag asa natin yung pag asa natin na
- 13:10nakakaranas ng language attrition.
- 13:13Ako din. Ako din nararanasan ko yun.
- 13:17So di ba nakaka. Parang nakakatuwa na merong pag
- 13:22asa. Na kailangan lang natin ma
- 13:26reactivate yung mga dormant na pathway.
- 13:29Ibig sabihin na nasa utak mo na yung salita.
- 13:34Nasa utak mo na yung grammer. Nasa utak mo na yung yung
- 13:38aksento. Kailangan lang i reactivate so
- 13:44dito papasok yung consistency. Kumpara sa intensity.
- 13:49So sabi ng mga ibang polig lots mas mahalaga yung consistency.
- 13:56So kung sampung minuto tatlumpung minuto.
- 14:00Mas okay kumpara sa isang intense na isang weekend mag
- 14:06aaral ka ng limang oras o sampung oras.
- 14:11Yung consistency mass okay at mahalaga yung komunidad sa
- 14:16lenggwahe. Mahalaga yung positibong emosyon
- 14:20sa lengguwahe importante. Importante yung motibasyon.
- 14:25Importante yung interest. So hindi pwedeng mawala yun.
- 14:30So kahit nasa simula ka ulit. Idevelop mo ulit i cultivate mo
- 14:36ulit yung interest sa lenggwahe yung motibasyon para araw araw
- 14:42kaya mo kahit sampu o. Kalahating oras.
- 14:48Na mag aral ng lenggwahe at maiwasan yung language
- 14:54nutrition. Buti na lang may pag asa tayo.
- 14:58Buti na lang yung utak. Mahirap makalimot ng lengguwahe.
- 15:03Yun lang yung episode natin ngayon araw.
- 15:06Salamat sa pakikinig nyo. Meron tayong transcript kung
- 15:09kailangan nyo at meron ding papurihan kung gusto niyo
- 15:12suportahan yung podcast, maraming salamat at paalam sayo.
- 15:21N.