Latest / Comprehensible Tagalog Podcast / #319 - Mga Problema Ng Online Classes (ft. Robby)
Transcript
- 0:00Hello kumusta si miguel to ng comprehensible tagalog podcast?
- 0:05At sa episode na to pag uusapan namin ni robi yung karanasan nya
- 0:12sa online classes at bakit mahirap to at pano nakaapekto
- 0:18yung mga online na klase sa buhay niya?
- 0:22Pwede ka munang magpakilala tsaka taga saan ka?
- 0:26Ako po si robbie at nakatira po ako sa laguna.
- 0:30Sige tapos ngayon pag uusapan natin yung karanasan mo sa
- 0:35online classes. So una tatanong ko muna ano ba
- 0:40yung set up? Nung online classes tsaka kailan
- 0:45ba to nagsimula? At tsaka bakit kayo nag online
- 0:47classes? Kasi nung panahon ko wala namang
- 0:50online classes. Na nagsimula po yung online
- 0:54classes namin dahil sa covid nineteen pandemic.
- 0:58Grade nine po ako. Ma'am nag start na po kaming
- 1:02pumasok sa private school. Sinabihan ko po yung magulang ko
- 1:06na kung kakayanin po ba namin yung private school sinabi po
- 1:10nila oo pero may onting doubts po ako nun nung una talaga dahil
- 1:16alam ko po na yung nanay ko po ay breadwinner.
- 1:20Tumutulong rin po siya sa mga pamangkin niya.
- 1:23Ang grade nine po ako. Sobrang hirap po talaga dahil
- 1:29cellphone lang po yung gamit ko at may isa po kaming tablet
- 1:33which is dearly working po din ng buong masyadong gumagana nung
- 1:36time na yun. Dalawa po kami ng kapatid ko.
- 1:39Mas matanda po siya sakin pero parehas lang po kaming two
- 1:42thousand seven. January po sya and november ako.
- 1:46Grabe nga po yung magulang ko. Pero in off of that po.
- 1:51Nung time po na yun. Maraming required po na mag open
- 1:56po kami ng cam. So nung online class po sobrang
- 2:00nahihiya po ako kasi lahat po ng kaklase ko naka laptop computer
- 2:05p c ako lang po yung naka cellphone so kapag sinasabi po
- 2:11ng teacher ko nag aask po sila syempre private school po mag
- 2:15ask po sila sakin bakit naka cellphone ka lang?
- 2:18At maririnig po yan ng mga iba kong kaklase.
- 2:21Nagtataka rin po sila kung bakit sinabi ko lang po na wala akong
- 2:26cellphone ay wala akong um computer at naintindihan naman.
- 2:31Pero may mga ibang. Times po na napapagalitan ako
- 2:36dahil hindi nga di ko po mapagsabay yung pagko quiz ng
- 2:42magku quiz sa quipper yung quipper po kasi doon po kami
- 2:45nagsasagot. Hindi ko po siya masabay dahil
- 2:49kailangan naka on cam at nagku quiz at the same time.
- 2:54May mga times din po na nag away kami ng ate ko kasi kailangan po
- 2:58naming maghati sa tablet dahil parehas po kami ng time sa exam.
- 3:04Sometimes seven, two, seven, thirty to ten nag aaway po.
- 3:10Pero may mga times po na humihiram na lang ako ng
- 3:14cellphone. Di rin po siya pumapayag dahil
- 3:17kailangan niya nga din daw po kasi nagta try po siyang
- 3:20maghanap ng trabaho nun online. D a.
- 3:24Eh wala rin po siyang mahanap nun kasi nga mas mahirap pong
- 3:27maghanap ng v i kapag wala pong computer.
- 3:30Yung tatay ko. Yung nanay ko po.
- 3:34Nung time na yun nagta try po siyang maghanap ng mga second
- 3:37hand na laptop. Pero di rin po namin afford kasi
- 3:42binabayaran nga po ng nanay ko yung every month.
- 3:46Tag, five thousand po ata. I'm not sure pero ayun po yung
- 3:50nangyari. Pinaka nakakahiya po sa lahat
- 3:54ay. Humihingi pa po ako ng
- 3:58promissory note sa mga teachers. Tas bibigay ko po sa kanila
- 4:03after pong sagutan ng magulang ko.
- 4:06Um pinaka ayaw ko nga po ay mine mention pa po ng mga teachers
- 4:11yun sa mga students na kaklase ko.
- 4:16Nung dumating po yung grade ten which is.
- 4:20Ahm ano na po kami? Face to face half na po siya.
- 4:25Three days face to face two days na online class.
- 4:31Pumasok po ako nun sobrang nahihiya.
- 4:33Wala rin po akong kaibigan. Nung time po na yun.
- 4:39Meron naman pong nag approach sa akin pero ang nangyari lang po.
- 4:46Nagtatanong po siya sakin bakit lagi akong late sa klase?
- 4:53Pero naiintindihan ko naman po kasi willing daw po siyang
- 4:57tumulong sa akin. Although sobrang nahihiya po ako
- 5:00kasi ayoko po yung naaawa sa akin.
- 5:04Ayoko po yung gusto lang ako kaibiganin dahil nahihiya si.
- 5:08Nung in add friend niya po ako sa f b di ko po siya ina
- 5:12kinonfirm pero surprising me until now friends pa rin kami.
- 5:17Naging friends kami. Pero masasabi ko lang hindi ko
- 5:21gusto yung naging approach niya sa akin nung una.
- 5:24So dumating po yung birthday ko. Grade ten pa rin po.
- 5:30Wala pa rin po akong laptop. Sinabi ko po sa kanila kahit
- 5:34hindi na laptop kahit another tablet na lang kahit second
- 5:37hand. Hindi pa rin po eh di pa rin ako
- 5:41binilhan. Sobrang hirap daw.
- 5:44Di daw po kaya? Gaano katagal kayong nag online
- 5:49classes lang yung as in walang face to face.
- 5:54From grade. From grade eight to two, nine.
- 5:59Ay grade seven to nine po. Grade six po hindi ako naka
- 6:03graduate ng. Di po ako naka graduate hindi ay
- 6:06naka graduate po ako pero di ako nakatuntong sa stage dahil nga
- 6:09po na cancel dahil sa pandemic. Ah seven to nine bale two years
- 6:15lampas two years. Yes po.
- 6:20So si nung grade ten po face to face may may hating online class
- 6:24na naging hybrid po pero nung grade.
- 6:29From grade eight i flight grade seven to nine.
- 6:32Dun po talaga kami nag full online class.
- 6:35Sobrang hirap po nung time. Oo nga eh kasi paano yung mga
- 6:40lecture kasi kung phone mali. Nahirapan ka din don.
- 6:45Yes po. Nahirapan po ako ng sobra sobra
- 6:50kasi kailangan ko pong hawakan po yung screen tapos parang ang
- 6:54tawag dun. I view gamit yung two fingers ko
- 6:59para lang mabasa po yung ibang presentation kasi maliit po siya
- 7:03dito sa cellphone. Lalag ka po nga yung cellphone
- 7:07ko nun dati pero bago na po yung cellphone ko ngayon.
- 7:11Tapos meron naman kayong wifi nun o naka data ka?
- 7:15Buting habang may wifi pa rin pero may one time po na
- 7:18naputulan po kami ng wifi dahil hindi po kami nakapagbayad.
- 7:23Nabanggit mo kanina napansin or alam naman ng mga teacher na.
- 7:28Ah naka phone ka? Tapos halos lahat yata sabi mo
- 7:31or lahat naka laptop so paano ka nila tinulungan?
- 7:35Tinulungan ka ba ng mga teacher o ng staff sa school?
- 7:39Hindi po. Nung una po akala ko po
- 7:43tutulungan po kami nung prinsipal pero pumunta lang po
- 7:46yung teacher sa bahay po namin para bisitahin po yung grades ko
- 7:52kasi sobrang baba po talaga ng grades ko nun mga nasa seventy
- 7:55five seventy five to eighty dahil i was struggling mentally
- 8:00sick, cally, emotionally financially.
- 8:02Akala ko po willing sila tumulong pero unfortunately
- 8:07nadisappoint po ako sa mga sinabi nila.
- 8:09Sinabi po nila na um. Hindi daw po ako nag aaral ng
- 8:15maayos. Totoo naman po pero sana po na
- 8:17approach po nila ng mas maayos. O feeling mo malaking epekto
- 8:24talaga yung yung resources. Let's say yun nga wala kang
- 8:28laptop sa mababang grades mo. Opo malaking epekto po siya
- 8:34dahil consistent honor naman po ako nung from kindergarten to
- 8:41grade seven. Na realize ng po talaga ng
- 8:46magulang ko na na nabawasan po talaga yung galing ko dahil sa
- 8:51online classes. Naapekto nga rin po yung.
- 8:57Um pagsasagot ko po sa mga entrance exam kasi po nahuli na
- 9:02po ako. Kailangan ko pong mag review ng
- 9:04mag review ng mag review dahil po hindi nga po ako nakapag aral
- 9:07ng maayos during those times. Hindi ko po naiintindihan yung
- 9:11mga common knowledge about science, math and other
- 9:17subjects. Grabe noh.
- 9:20So yung kapatid mo ganun din yung situation niya.
- 9:24Nahirapan din. Yes po pero yung kapatid ko po
- 9:27kasi very. Yung mabilis po siyang maka keep
- 9:32up po. Di po kasi ako ganun eh yung
- 9:35kapatid ko po mas mabilis mas matalino po siya sakin.
- 9:39At mas marami po kasi syang kaibigan so meron po siyang safe
- 9:42space. May tumutulong po sa kanya.
- 9:46Ako po kasi wala ng time na yun. So anong ginawa?
- 9:52Ng family mo nung napansin nila yun nga na nahihirapan kayo kasi
- 9:58isang device. Pinagalitan lang po ako dahil
- 10:03sinisisi po ako ng magulang ko nun.
- 10:07Sinabi po nila na gumagastos sila ng malaki.
- 10:11Kahit ilang beses ko na bang sinabi na willing naman po akong
- 10:14mag public school? Di po sila pumapayag dahil sa
- 10:18sabi nila mas maganda yung education sa private school pero
- 10:22hindi nila alam. Hindi pala ako nag naka
- 10:25natututo. Kahit pinapagalitan po nila ako
- 10:29iniintindi ko. Pero wala po akong magagawa.
- 10:33Desisyon po kasi nila yun pero may tito po ako na.
- 10:37Nagbibigay po ng pera sa amin paminsan minsan.
- 10:42Mom side ko po yung sa dad side ko po kasi dun po talaga
- 10:45kailangan ng pera. Dun po yung tinutulungan.
- 10:49Oo tapos. Medyo nabanggit mo na kanina
- 10:53pero ano yung? Naging epekto nung pandemic sa
- 10:59pag aaral mo kasi nabanggit mo kanina.
- 11:02Wala kang kaibigan. I think dahil yun sa syempre ang
- 11:06tagal nyong online. Siguro po yung pinakamalaking
- 11:11epekto po nun sa akin is. Sobra po yung naging.
- 11:17Ay sobra po yung pagkapayat ko. Nabawasan po siguro ako ng mga
- 11:24ten key five to ten kilos. Dahil hindi i refused to eat.
- 11:31Wala po akong motivation sa lahat ng bagay dahil feeling ko
- 11:36po na failure na ako nung time na yun.
- 11:41And dumating din po sa point na nagse self harm na ako nun.
- 11:45Dahil sinisisi ko na rin po yung sarili ko.
- 11:49Dun sa mababang grades. Yes po at hindi lang din po kasi
- 11:54yun. Minsan po kasi nasisisi nga rin
- 11:57po ako dahil na dahil di raw po ako natulong sa kanila
- 12:01financially though i'm trying. Hahanap po ako ng mga other side
- 12:06hustle pero syempre dahil minor pa po ako ng time na yon.
- 12:10Hindi po talaga ako nakatulong. Bale kahit habang pandemic tapos
- 12:16may mga online class ka. Parang may expectation ba yon na
- 12:21makatulong ka financially makapagtrabaho ka ganun.
- 12:24Yes po. Mm grabe.
- 12:29Pero ngayon ano pa ba nag. Anong nasa ano ka pa ba?
- 12:34Grade something or ano ka na college ka na.
- 12:39Nag apply po ako sa mga iba't ibang universities.
- 12:42Ang iba pong inapplyan ko. Wala po akong tiwala sa sarili
- 12:46ko nun dahil di pa ako nakapag review ng maayos.
- 12:49Meron pa po akong isa pa pong entrance exam next week.
- 12:54Tapos ang set up ba ngayon sa college?
- 12:57Alam mo ba kung may online pa or ano na face to face na?
- 13:04Depende po sa professor kasi sa iba pong universities po hybrid
- 13:10pa. Hmm okay yeah pero meron ka ng
- 13:15gadgets if ever mag ano mga online lessons.
- 13:19Ayan nga po nag iipon po ako ng pera para sa computer or laptop
- 13:25kahit second hand lang po.